You are on page 1of 1

Magandang araw Bb.

Natarte, ang paksang nais ko pong


talakayin ay ang kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral. Bakit
nga ba mahalagang magtapos ng pag-aaral?
Masasabi kong mahalaga ang pagtatapos ng pag-aaral dahil ito
ang simula ng landas patungo sa maginhawang buhay. Kung
hindi tayo makakapag tapos ng pag-aaral, tayo’y mahihirapan
makapag hanap ng trabaho o hindi kaya’y hindi tayo makakapag
apply sa trabahong nais nating pasukan.
Oo nga at may mga taong nakakapag trabaho kahit hindi
nakapagtapos ngunit mapapansin natin na ang perang kanilang
kinikita ay hindi sapat, lalo na kung sila ay may tinutustusang
pamilya. Kung tayo’y makakapag tapos ng pag-aaral at may
nakuhang maayos na trabaho ay mabibili natin ang ating mga
pangangailangan ng walang pag-aalinlangan.
Tulad ng sinasabi sa atin ng ating mga magulang na ang
edukasyon lamang ang kanilang tanging maipamamana sa atin.
Ito ay sapat na dahilan upang tayo ay mag pursigi at
makapagtapos ng pag-aaral. Iyon lamang po at muli. Magandang
araw!

You might also like