You are on page 1of 3

Cunan Rhonny C.

(SCRIPT WRITTER)
Nogoy Kean Carl
Leonardo Eisen Mar
Ramos Keith
Don-Don Nunag

December 2020

ARTICLE III
Bill of Rights

Section 20.
No person shall be imprisoned for debt or non payment of a poll tax.

Translation (Filipino)
Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.

Halimbawa:

Sa isang Barangay, may isang tindahan na laging pinagbibilhan ng mga residente ng kanilang
pang araw araw na pagkain. Isa sa mayayamang pamilya ang may ari ng tindahan na si Rose. Si
aling Rose ay nagpapautang ng bukod sa pera ay pati na rin ang kanyang paninda.

Elsa : Ate Rose, pwede po ba ako umutang ng uulamin namin ngayong tanghalian? Wala pa kasi
si Entong. Hapon na daw makakauwi. Magbabayad po ako pagkaabot nya sakin ng pera
mamaya.

Aling Rose : Ano ba ang uulamin nyo?

Elsa : Tilapia sana ate Rose. Isang kilo po para hanggang hapunan na. Chaka mantika, toyo, at
kalamansi.

Aling Rose : Oo sige. Ilista ko nalang. Bigyan din kita ng listahan ng iyong nauutang.

Elsa : Thank you Ate.

Umuwi si Elsa daladala ang nautang na isda at iba pang sangkap para sa kanilang ulam. Nailuto
nya ang ulam at kumain ngunit ika-5 na ng hapon ng makauwi si Entong na kanyang asawa.

Elsa : Be, umutang ako kay ate Rose ng uulamin namin ng mga bata para tanghalian isang kilong
Tilapia na kinuha ko para abot na pati hapunan.

Entong : Wala akong natanggap na tip sa pagbabasura ngayong araw. Bawal na kasi kaming
tumanggap ng tip dahil nasama na kami sa payroll ng munisipyo.
Elsa : Hala be! Paano yan? Baka singilin ako ni ate Rose.

Entong : Ang sabihin mo nalang sakanya be magbabayad ka pagka sahod ko. Maiintindihan
naman siguro niya.

Kinabukasan, bumalik si Elsa sa tindahan ni Aling Rose upang makiusap sa araw ng pagbayad at
upang makautang muli.

Elsa : Pasensya na ho talaga ate Rose. Sa sahod nalang po kami mag bayad.

Aling Rose : Oo. Naiintindihan ko. Umutang ka ng para sa pagkain nyo at sa sahod ni Entong
kana magbayad.

Lumipas ang ilang buwan ay naging maayos ang transaksyon ng tinderang si Aling Rose at Elsa sa
isa't isa. Umuutang na rin madalas si Elsa ng pera para sa baon ng kanyang 4 na anak na nag
aaral sa malapit na paaralan sa kanilang bahay. Minsan man ay nahuhuli ang pagbayad nya ay
naihahabol nya rin ito at nakikiusap sa palugit sa araw ng pagbayad.

Vivian : Elsa, umuutang ka din pala kay Rose?

Elsa : Oo. Wala kasing ibang mapag uutangan na pumapayag na kada sahod dun ang bayaran.

Vivian : Magkano ba inaabot ng utang mo? Naipagkakasya nyo ba sa lahat ng gastusin nyo?

Elsa : Madalas sa isang buwan umaabot ng apat na libong piso ang nauutang ko. Nababayaran
namin madalas ng buo at sa panahon na diko sya mabayaran ng buo nakikiusap ako ng ilang
araw na palugit.

Vivian : Mabait talaga yang si Rose. Malaki na rin kasi ang kinikita ng kanyang tindahan.

Elsa : Oo nga. Gusto ko din magpatayo ng sarili kong sari sari store pagdating ng araw.

Sa kasamaang palad, nagkasakit ang bunsong anak ni Elsa at naconfine ng ilang araw sa ospital
kaya naman hindi nila nabayaran ang utang nila sa tindahan ni Aling Rose na magdadalawang
buwan na at aabot na sa Php 12, 000. Nakiusap ang mag asawang si Elsa at Entong na kung
pwede kapag nakaluwag luwag na sila sa sitwasyon chaka sila magbayad unahin na muna nila
ang pagbayad sa ospital dahil lalabas na ang kanyang anak. Pumayag naman si Aling Rose. Apat
ba buwan ang lumipas at nakakautang pa din si Elsa sa tindahan ni aling Rose. Desyembre ng
kausapin ni Elsa si Entong tungkol sa maari nilang gawin upang makapag patayo ng sarili nilang
tindahan at magkaroon ng sariling pagkakakitaan kahit si Elsa ay nasa bahay lamang.

Elsa : Mag loan ka nalang be. Regular ka na sa trabaho mo at maaari ka ng mag loan ng malaking
pera para makapag patayo tayo ng sarili nating tindahan at para may pang suporta tayo sa pang
araw araw ng mga bata.

Entong : Sige. Nakapag loan nga ng malaking halaga ng pera ang mag asawa at pinagawa ang
kanilang munting tindahan.

Vivian : Hoy Elsa! Usap usapan ka dun sa tindahan ni Rose. Ang laki na raw ng utang mo hindi ka
nagbabayad samantalang may pampagawa ka ng bahay at tindahan.
Elsa : Hayaan mo sya. Magbabayad naman ako chinichismis pa ako. Hindi ba sya makapag
hintay?

Vivian : Kung ako sayo kausapin mo si Rose at magsabi ka kung makakapag bayad ka ba o hindi.
Pupuntahan ka dito ng taong yun.

At hindi nga nagkamali si Vivian dahil ilang minuto lang anag lumipas ay dumating si Aling Rose
upang singilin sj Elsa sa kanyang malaking halagang utang nya sa tindahan at cash na pinang
bayad nila sa ospital..

Aling Rose : Hoy Elsa!! Ikaw babae ka magpapagawa ka ng bahay at tindahan e hindi mo pa nga
ako nababayaran sa laki ng utang mo saakin at sa tindahan ko.

Elsa : Babayaran din kita ate Rose. Hayaan nyo po muna kaming makapag patayo ng pang
suporta sa pang araw araw namin para ho di na ako makautang pa sainyo sa susunod na mga
araw.

Aling Rose : Hindi maaari! Mag bayad ka! Siyam na libo na ang utang nyo sa tindahan ko at
umutang kapa ng dagdag na limang libo para sa pagpapaospital ng anak mo. Tapos hindi mo ako
babayaran ngayong may pang bayad ka naman.

Elsa : Ate mababayaran ko rin po kayo.

Aling Rose : I papahuli kita sa pulis. Ipapakulong kita!

You might also like