You are on page 1of 1

Ako si Nicole S.

Quilang, 17 gulang (labing-pitong gulang), ako ay ipinanganak at kasalukuyang


naninirahan sa lungsod ng Taguig. Ang aking magulang ay sina Minerva S. Quilang at Raymond
T. Quilang. Ang aking Ina ay naghahanap- buhay sa Europa, partikular sa bansa ng Malta
bilang isang OFW. Samantala, ang aking ama naman ay kasama namin sa Pilipinas at
naghahanap-buhay bilang isang inhenyero sa lungsod ng Sta Rosa, Laguna. Sa aming pamilya
apat kaming magkakapatid ngunit ang aking kapatid na panganay ay namatay noong sya ay
sanggol pa lamang dahil sa sakit nya sa puso. Pumalit ako bilang panganay at ang aking
dalawang nakababatang kapatid ay sina Denise S. Quilang kasalukuyang na sa ika-sampung
baitang, at si Eunice S. Quilang, ika-walong baitang na parehong nag-aaral sa St. Theodore
School, Inc. kung saan ako nagtapos ng aking "Junior High school".

PAG-AARAL SA TAON NG PANDEMYA

Noong nakaraang taon, 2020, ay nakapagtapos ako ng ika-sampung baitang ngunit sa banta ng
Covid-19 virus ay na kansela ang mga klase at idinaos ang aming seremonya sa pamamagitan
ng "online" kung saan may bidyo na nakalagay ang aming mga parangal na nakuha sa taon ng
aming pag-aaral.

Hindi katulad ng aking inaasahan kasama ng aking mga kaklase ang nangyari sa aming
pagtatapos. Hindi namin naranasan ang tradisyunal na pagbibigay pugay sa aming mga
paghihirap at sakripisyo. Naantala ang mga plano namin kumuha ng pagsusulit sa mga nais
naming paaralan. Ang lahat ng mga inaasam namin ay para bang nawala ng isang iglap dahil
sa naging sitwasyon ng pandemya.

Hindi naging madali ang nangyayari para sa tulad kong estudyante. Mas naging mabigat ang
pandemya sa lahat. Naapektuhan nito ang nakararami ma pa pag-aaral man o hindi. May ibang
baitang hindi makapag pa tuloy ng pag-aaral sapagkat walang sapat na pera ang kanilang
magulang para sila ay masuportahan sa pangangailangan. Hindi naging sapat ang paghahanda
ng Departamento ng edukasyon para sa taon ito kung kayat hindi naging madali para sa lahat
ang taon ng pag-aaral. Maraming pag-sasaayos ang ginagawa ng mga kaguruan kabilang ang
mga mag-aaral para kahit paano ay maging kaaya-aya ang taon para sa lahat.

Sa aking naranasan ngayong taon, masasabi ko talagang hindi ito naging madali at pa tuloy
ang paglaban. Kailangang kumapit kahit sobrang mahirap, magsumikap kahit pa tuloy
sinusubok. Ang pandemya ng ito ang pumapatid sa kapayapaan ng buhay ng mga tao.
Hanggang ngayon ay sinusubok ang bawat-isa. Sa pangyayaring ito, kung nararamdaman
mong wala ka ng lakas, maari kang mag pahinga at sabay-sabay tayong titindig para harapin
ang lahat ng hamon ng pandemyang ating kinahaharap.

You might also like