You are on page 1of 26

Gender-Neutral Term na “Filipinx” ng mga Guro sa Asignaturang

Filipino sa mga Piling Mataas na Paaralan sa


Lungsod ng Santa Rosa

Pamanahunang Tesis Na Iniharap sa mga Guro ng Kagawaran ng


Edukasyon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,
Santa Rosa Campus

Bilang Isa sa mga Pangangailangan sa Pagtatapos


ng Kursong Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya
Medyor ng Filipino

Azur, Jona Mari B.


Cerin, Princess Joy I.
Luto, Airanhe S.
Pusing, Rosewell V.
Red, Regie O.

Hulyo 2021
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay inilalahad ang suliranin at kaligiran ng pag-aaral ng

pananaliksik patungkol Gender-Neutral Term na “Filipinx” ng mga Guro sa Asignaturang

Filipino sa mga Piling Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa. Inilalahad din ng

kabanatang ito ang isang pangkalahatang-ideya sa mga istraktura at mga pangunahing

punto ng pag-aaral; pagpapasok ng pahayag ng mga problema at pag-uudyok para sa

pananaliksik, kasama ang mga benepisyo at kahalagahan ng pag-aaral. Dito rin

ipinapakita ng mga mananaliksik ang mga natamo at napag-alaman sa pananaliksik.

Panimula

Sa paglipas ng mahabang panahon, marami na ang nag-uusbungang mga

bagong salita na dumadagdag sa ating bokabolaryong Filipino. Marami sa mga salitang

ito ay talagang ginagamit at napakikinabangan hanggang ngayon. Kasama sa mga

salitang umusbong ngayon ay ang terminolohiyang “Filipinx”.

Ayon sa Dictionary.com (2020), isang kilalang online resource platform na

kinilala ang mga salitang “Filipinx”, “Pinxy”, “Filipina”, “Pinoy” at “Pinay”. Ilan lang ito sa

650 na mga bagong salita na naitampok sa naturang online resource platform. Itinuring

ng Dictionary.com na isang istandardisado ang mga salitang ito partikular ang

terminong Filipinx at Pinxy bilang isang pangalan, termino, o tagatukoy para sa lahat ng

katutubong naninirahan sa Pilipinas. Ang paggamit ng FIlipinx at Pinxy ay impluwensya

ng Latinx na itinuturing na isang gender-neutral na termino para sa mga Latin American

na naninirahan sa Estados Unidos. Hindi na nakagugulat ang pagiging popular ng


paggamit ng FIlipinx sa Estados Unidos sapagkat ang mga Filipino-Americans ay

patuloy na nakikipaglaban sa pang-aapi at rasismo sa Estados Unidos.

Mayroong ilang posibilidad kung saan nag-umpisa ang salitang ito, isang teorya

ang nagsasabi na ang isang protestang Latin-American ang pinagmulan ng salita, mula

1970s hanggang 1990s ay nag protesta ang mga Feminista na kanilang kinansila ang

mga salitang nagtatapos sa “os” upang tanggihan ang paniniwalang panlalaki ito.

Bagama’t walang pagkakaparepareho sa totoong pinagmulan ng salita, ang unang

natalang paggamit ng “x” ay mula sa Puerto Rican psychological periodical upang

maging hamon sa wikang kastilang “gender-binary”. Ang paghiram ng “x” ng mga

Filipino-American ay isang pagtatangkang maging inklusibo at basagin ang “gender-

binary” na impluwensiya ng kolonisasyon. Ang paniniwalang ito ay partikular sa mga

Filipino-American. Ang paghiram na ito ay hindi partikular sa mga Filipinong nakatira sa

loob ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang lebel ng kaalaman ng mga

piling guro patungkol sa bagong terminong “Filipinix” at kung nakaaapekto ba ang

salitang ito sa kanilang pagtuturo. Ang layon ng salitang ‘Filipinx’ ay upang magkaroon

ng ‘gender-neutral’ na katawagan ang mga indibidwal na hindi kumukomporma sa

salitang Filipino o Filipina. Makatutulong din ito upang mapalawak ang kaisipan ng mga

mambabasa, mabigyang linaw ang mga katanungan, mabatid kung ano ang tama at

mali, at upang mabasag ang diskriminasyon sa mga taong kabilang sa komunida ng

LGBTQIA+.
Kaligiran ng Pananaliksik

Ang terminong Filipinx ay nag simula dahil sa malawak na diaspora. Ito ay

nagmula sa iba pang mga katawagan katulad na lamang ng Latinx o Chicanx na

nagmula sa Espanya. Ipinaliwang dito na ang letrang ‘x’ ay ginamit upang palitan ang

mga letrang -o at –a na sumasalamin sa dalawang kasarian. Ang salitang ito ay

binabasang /fi-li-pin-eks/ o /fi-li-pinks/, ito rin ay isang termino na nangangahulugang

walang kasarian na maaaring magamit alinman sa pangngalan o pang-uri na kapalit ng

panlalaki na pormang Filipino o pambatang pambabae na Filipina. Samantalang ang

Pinxy naman ay binibigkas bilang /pink-see/, ito ay ang impormal na bersyon na ginamit

kapalit ng panlalaking form na Pinoy o pambabae na form na Pinay.

Ayon naman sa National Artist for Literature at Dating Chairman ng Komisyon sa

Wikang Filipino na si Virgilio Almario (2020), hindi naman banta sa wikang Filipino ang

paggamit ng gender-neutral term na ‘Filipinx’ na isyu ngayon sa social media. Malaya

namang gamitin ng iba ang salitang ito ngunit giit niya ay hindi rin naman ito dapat ipilit

sapagkat ‘gender-neutral’ na ang wikang Filipino. Ang paggamit ng ‘Filipinx’ ay maraming

maging implikasyon sapagkat ang salitang ‘Filipino’ ay hindi lamang pangalan ng

mamamayan, pangalan din ito ng wika at ng kultura. Hindi madaling matatanggap ang

salitang ito sapagkat ito ay nanggaling sa labas at hindi sa loob ng bansa, ang tagal at dami

nang paggamit ng salita ay isa sa mga paraan upang matanggap ang salitang ito kaya

hangga’t hindi pa ito nabubuhay nang matagal, ito ay mananatili munang salitang dayuhan

Ani naman ng dating Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP-Diliman na si

Dr. Galileo Zafra (2020), kinakalangan pa ng mga pananaliksik kung paano magiging
‘gender-neutral ang wikang Filipino. Ang paggamit ng ‘x’ sa ‘Filipinx’ ay wala sa

bokabularyong Filipino at hindi umaayon sa anumang paraan ng pagbubuo ng salitang

Filipino. Ang terminong ‘Filipinx’ ay maaari maituring na neolohismo. Ipinaliwanag din

ng propesor ang paggamit ng ‘x’ para maging ‘gender-neutral’ ang isang salita. Aniya,

ang ispesipikong grupo o sektor na nagluwal ng salitang ito ang makapagpapaliwanag

ng pangangailangan ng paggamit nito. Dagdag pa nito na kinakailangan pang suriin ang

wika na ginagamit sa pang-araw-araw upang makita kung paano nito hinuhugis ang

pananaw at kultura sa pagtingin at pagtrato sa lalaki at babae. Isa ang wika sa

humuhubog sa pananaw at pakikipag-ugnayan kaya kinakailangang mas maunawaan

pa ang wika at ang paggamit nito

Batayang Teoretikal

Ang pinagbabatayang mga teorya ng pag-aaral na patungkol sa pananaw sa

gender-neutral term na filipinx ng mga guro sa asignaturang Filipino sa Mataas na

Paaralan sa Lunsod ng Santa Rosa, Laguna.

Ang unang teorya ay ang teoryang Genderlect ni Dr. Deborah Tannen (1990).

Ito ay tumutukoy sa kaibahan sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap ng lalaki at ng

babae at kung ano ang maaring gawin para pag ugnayin ang dalawang estilo. Ayon kay

Tannen, ang lalaki at ang babae ay pinalaki o lumaki sa magkaibang kultura kaya

naman magkaiba ito ng paraan sa pakikipag-usap.Maaari rin itong gamitin sa ikatlong

kasarian sapagkat katulad ng babae at lalaki magkakaiba rin ang kultura nito.
Ang ikalawang teorya ay ang Symbolic interaction ni George Herbert Mead

(1937). Ayon kay Mead, ang teoryang ito ay nagpapakita kung paano bumuo ang mga

tao ng isang kumplikadong hanay ng mga simbolo na nagbibigay kahulugan sa mundo

base sa kanilang pananaw. Ang kahulugan ng isang simbolo ay nagmula sa

interaksyong naganap sa loob ng lipunan. Maaaring maiba ang kahulugan nito para sa

iba at ito pa rin ay parte ng symbolic interaction na nagaganap sa isang lipunan.

Halimbawa sa terminong Filipinx, ang letrang “x” ay hindi lamang inilagay sa salitang

Filipino bagkus mayroon pa itong ibang kahulugan na nagmula sa loob ng isang lipunan

at ito ay dahil sa diaspora ng mga Filipino. Maaari ring maiba ang kahulugan nito kung

ito ay makakarating sa loob mismo ng bansang Pilipinas.

Batayang Konseptuwal

Ipinapakita sa unang bloke ng paradima ng pag-aaral ang batayan ng mga

mananaliksik. Ang mga datos na kinakailangan ay ang kabatirang pansarili ng mga

respondent tulad ng kasarian, taon ng pagtuturo, at antas ng pinag-aralan. Kabilang din

dito ang pagbuo ng talatanungan. Sa ikalawang bloke, matatagpuan ang proseso o

pammaraang isasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay ang pag-alam sa lebel ng

kaalaman at epekto ng bagong terminong “Filipinx” sa mga respondent. Matapos ang

tukoy sa mga ito ay siya namang gagamitan istatistikal tool ang datos. Kasunod nam,an

ay ang pag-aanalisahin at pagbibigay interpretasyon ang datos. At, ang ikatlong bloke

ay naglalahad nang kinalabasan ng pag-aaral na ito.


Pinagtibayan ng Proseso Kinalabasan
Pag-aaral
 Pag-alam sa lebel ng  Ang relasyon ng
 Kabatirang kaalaman ng mga kabatirang
Pansarili ng respondente pansarili at lebel
mga patungkol sa bagong ng kaalaman
respondent terminong ”Filipinx”
1. Kasarian
2. Taon ng  Pagtukoy sa epekto  Ang relasyon
Pagtuturo ang salitang “Filipinx” lebel ng
3. Antas ng sa pagtuturo kaalaman at
pinag epekto sa
aralan  Statistical treatment, pagtuturo
 Talatanungan analysis, and
interpretation of data

Tugon
Pigura 1. Paradima ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

            Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang pananaw ng mga guro

patungkol sa bagong terminong Filipinx partikular sa mga sumusunod na mga

katanungan:

1. Anu-ano ang kabatirang pansarili ng mga tagasagot na mga guro sa mga piling

Mataas na Paaralan sa lungsod ng Santa Rosa partikular sa mga sumusunod na

tuntunin:

1.1 Kasarian

1.2 Taon ng pagtuturo


1.3 Antas ng pinag-aralan

2. Ano ang lebel ng kaalaman ng mga respondente patungkol sa bagong terminong

”Filipinx”?

3. Ano ang epekto ang salitang “Filipinx” sa pagtuturo ng mga respondente?

4. Mayroon bang signipikong relasyon ang kabatirang pansarili at lebel ng

kaalaman ng mga respondente?

5. Mayroon bang signipikong relasyon ang lebel ng kaalaman at epekto sa

pagtuturo ng mga respondente?

Hinuha

Ang pag-aaral na ito ay may palagay na:

1. Walang signipikong relasyon ang kabatirang pansarili at lebel ng kaalaman ng


mga respondente.

2. Walang signipikong relasyon ang lebel ng kaalaman at epekto sa pagtuturo ng


mga respondent.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay lubos na napakahalaga at may


pakinabangan sa mga sumusunod:

Sa mga kabilang sa ikatlong kasarian. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong

sa mga "non-binary" dahil ito ay nagbibigay representasyon sa kanilang kasarian na

maaring makaangat sa kanilang kumpiyansa sa sarili.

Sa mga guro ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro ng

Filipino upang magamit o maikalat at maalis ang stigma sa paggamit ng gender neutral
term sa akademikong sulatin ang salitang Filipinx at magbigay representasyon sa mga

taong non-binary

Sa mga kawani ng Gobyerno. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong

din sa mga Kawani ng Gobyerno kung saan makakatulong din ito bilang pandagdag sa

salitang maaaring gamitin upang maging ehemplo ito sa malayang paggamit ng salitang

Filipinx.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

makakatulong sa mga susunod na mananaliksik dahil maaari nila itong gawing batayan

para sa kanilang gagawing mga pag-aaral sa hinaharap.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga guro ng Filipino taong

2020-2021 sa mga piling Mataas na Paaralan sa lungsod ng Santa Rosa partikular

lamang sa Mataas na Paaralan ng Balibago, Sinalhan at Pulong Santa Cruz sa

kadahilanang sila ay mga dalubhasa sa Filipino. Naka-ugnay ang salitang filipinx sa

wikang filipino at nagpapakita lamang ito na sa larang ng mga filipino na dalubwika sa

paggamit nito. Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga

respondente o guro sa buong paaralan sa loob ng bansa, ito ay may kinalaman lamang

sa mga saloobin ng mga guro ng Filipino sa mga piling Mataas na Paaralan sa lungsod

ng Santa Rosa.
Katuturan ng Katawagan

Ang mga terminolohiyang ginamit sa pananaliksik na ito ay binigyang kahulugan

sa pamamaraang opsyonal upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang

isinasagawang pag-aaral.

Filipinx- isang gender-neutral na pantawag na panghalili o pamalit sa Filipino

Gender-Neutral- naaangkop sa kapwa lalaki at babaeng kasarian.

Non-Binary- ang mga gurong hindi kabilang sa dalawang pangunahing kasarian.


Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na literatura at

pag-aaral. Inilahad din ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral

na higit na makatutulong sa ginawang pagsusuri.

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na ‘Gender differences in research areas, methods and

topics: Can people and thing orientations explain the result? Thelwall et al., (2019). Ang

pagkakaiba ng mga kasarian sa isang pananaliksik o paksa ay hindi lubusang

maipapaliwanag ng kahit sinong tao o bagay. Maaari lamang magkaroon ng bahagyang

paliwanag sa pagkakaiba ng mga kasarian batay sa paksang pagpipilian sa kabuoang

espektro ng akademya sapagkat maraming mahalagang eksepsyon.

Ayon sa pag-aaral ni Papadopoulos (2019), tungkol sa Morphological Gender

Innovations in Spanish of Genderqueer Speakers. Ang pagpapalit ng “x” sa mga salita

ay nangangahulugang pagbabalewala sa dalawang pangunahing kasarain upang

maging inobasyon ng isang salita. Sa isinagawang pag-aaral ni Papadopoulos

Benjamin, lumalabas na nagkakaroon ng kahirapan sa pagbigkas ng mga salitang may

“x” ang mga tumugon. Ang paggamit ng “x” bilang pamalit ay nagmula sa kulturang

popular sa Espanya, habang ang mga tao sa Latin America ay naimpluwensya naman

ng mga Amerikano. Naimpluwensyahan na rin ang mga Filipino sa paggamit ng “x”

bilang isang gender-neutral na pamalit. Ang mga taong tumutuligsa sa paggamit ng “x”
ay tila may rebisyong Anglocentric dahil ang tunog na “ks” ay hindi kabilang sa

kinikilalang ponetika ng Espanyol maliban kung ito ay hirap sa Ingles.

Banyagang Literatura

Ayon kay Osward (2016), ang mga kabataan o mag-aaral na non-binary o

kasariang labas sa nakasanayan at ang mga mag-aaral na transgender, ay madalas

nakakaranas ng panlalait o bullying pag mayroong kakulangan sa suporta na kanilang

kinakailangan, ito ay nabanggit sa ulat ng HRC o Human Rights Campaign. Ang mga

transgender na kabataan ay may malaking pagkakataon na mawalan ng interes sa pag-

aaral at maging kasangkot sa mga grupo na gumagamit o kumukonsumo ng alak at

droga, sila rin ay maaring makaranas ng mga problema na maiuugnay sa kanilang

mental health o maari rin itong humantong sa pagpapakamatay. Ang gender-based

bullying o panlalait base sa kasarian ay mayroong pangmatagalan na epekto sa tao,

ayon sa isang ulat ng The Gay, Lesbian, and Straight Education Network o GLSEN, ang

mga mag-aaral na nakaranas ng ganitong uri ng panlalait ay may malaking

pagkakataong na hindi na kumuha ng pag-aaral sa tersyarya.

Ang paggamit ng tamang pantukoy sa mga mag-aaral ay isang uri ng pagpapakita

ng suporta para sa mga non-binary o mga transgender. Ayon kay Tannehill (2016), ang

Director of Advocacy sa SPARTA, ang mga alamat at estereyotipo sa pagiging

transgender ay isa sa mga masamang epekto para sa mga mag-aaral, isa sa mga

halimbawa nito ay ang pag-iisip na kailangang “ayusin” ang pagiging transgender ng

isang mag-aaral dahil ito ay isang “problema”. Ang paggamit ng mga pantukoy tulad ng

Filipinx ay isang halimbawa ng pagsuporta sa mga mag-aaral na ito at isang hakbang


tungo sa hinaharap kung saan ang mga mag-aaral na kinikilala ang sarili bilang

miyembro ng LGBTQIA+ ay pangkaraniwan na lamang.

Ayon naman kina Norris, Marcos, at Welch (2019) sa literaturang “Gender

Pronoun Use in the University Classroom: A Post-Humanist Perspective”, ang paggamit

ng Gender neutral-pronoun sa mga unibersidad ay nagkaroon ng kontrobersya mula sa

mga miyembro ng LGBTQIA+ dahil ayon sa kanila ay hindi maka-tao at may

diskriminasyon ang paggamit ng tradisyonal na panghalip na nag-uugat sa mas malalim

na problema sa lipunan. Ang mga panghalip na he at she ay nakatalaga lamang sa

dalawang kasarian na lalaki at babae samantalang ang mga transgender o mga non-

binary ay itinuturing na delusyunal o mga lumihis sa kinasanayan. Ang paggamit ng

ginustong panghalip ng estudyante sa simula ng klase ay isinasagawa na upang

maiwasan ang makasakit ng damdamin. Sa mga ilang kurso, ang mga estudyante ay

inaanyayaan na sabihin ang kanilang gustong panghalip na gamitin o ang kanilang

preferred pronoun, isinasagawa ang ganitong gawain upang maging normal ang

paggamit ng preferred-pronoun para sa mga miyembro ng LGBTQIA+. Ayon pa sa

kanila, ang paggamit ng “it” bilang gender neutral-pronoun ay mayroong potensyal na

maging sanhi ng isang dramatikong pagbabago sa konsepto natin sa equal rights o

pantay na karapatan mula sa isang post humanist na perspektibo na maaring magbago

sa nakatataas na edukasyon patungo sa ikakabuti nito. Ang mga nagtuturo sa kolehiyo

ay nararapat lamang na talakayin ang kahalagahan ng panghalip na “it” kahit na ito ay

may dehumanisasyong potensyal, ang pagtalakay nito ay dapat mula sa pagpuna ng

post humanist philosophy sa anthropocentrismo at pagtibayin ang ang kinikilalang

pagkakakilanlan.
Ayon naman kina Harbin, et al. (2020) , mayroong ilang karaniwang hamon

patungo sa isang gender-inclusive na pagtuturo, habang ang mga hamong ito ay

madalas na magkakaiba sa lahat ng mga konteksto ng disiplina, lahat sila ay umaangat

bilang hadlang sa pag-alis sa matagal nang maling paniniwala ng kasarian bilang isang

binary construct. Sa paglinang ng isang gender-inclusive na silid-aralan ay

nangangailangan ng grupo ng konsepto na pumapatungkol sa pagkakakilanlan at

pagpapahayag ng kasarian. Isa na lamang sa mga hamon ay ang kalituhan sa

kasariang itinalaga sa kapanganakan kumpara sa pagkakakilanlan ng kasarian, ang

isang indibidwal ay madalas na nagkakaroon ng kalituhan sa pagitan ng dalawa. Ang

kasarian na itinalaga sa isang indibidwal ng isang doctor ay maaring maging iba sa

kasarian kanilang kikilalanin sa hinaharap.

Ang ilang mag-aaral sa isang silid-aralan mayroong limitadong interaksyon

kasama ang mga indibidwal na kabilang sa mga non-binary na indibidwal o mga

transgender, dahil dito, ang mga nagtuturo at mag-aaral ay hindi pamilyar sa mga

karanasan ng mga taong hindi binary o transgender. Ang halimbawa ng mga

karanasang ito ay ang pagkakaramdam ng anxiety o takot sa paggamit ng

pampublikong palikuran; pagkakaroon ng pakiramdam na walang respeto kapag ang

iba ay nagpapalagay tungkol sa kanilang kasarian, pangalan, at panghalip;

pagkakaroon ng pakiramdam na hindi sila ligtas sa paaralan; at nakakaranas ng mataas

na antas ng diskriminasyon at panlalait.

Lokal na Pag-aral

Sa naobserbahan ni Gio Caligiua (2020) na isang iskolar sa isang

unibersidad, ang Filipinx ay nagmula sa multi-kulturalismo ng Estados Unidos kung


saan ang gender neutrality ay parte na ng kamalayan ng kultura kung kaya’t hindi na

dapat tayong magulat sa pag-usbong at pagsikat nito. Dinagdag pa niya na ang

panlaping -x ay maaaring basahin bilang isang pagkakakilanlan sa gender-neutrality ng

kulturang Pilipino. Subalit hindi dapat natin masyadong bigyan ng pansin ang wikang

Filipino mismo dahil mayroon na itong eksklusibong salita para sa babae at lalaking

kasarian. Nagbigay din siya ng halimbawa ng pagkakaroon lamang ng babae at lalake

bilang mga tanging salita upang makilala ang pagkakaiba-iba ng biyolohikal na

kasarian. Kasama ng mga pagkakaiba na ito ay mga inaasahan na dapat gampanan at

kasangkot sa paggawa ng wikang sexist dito sa ating bansa.

Lokal na Literatura

Ayon kay Toledo (2020) sa kaniyang artikulong na isulat as inquirer.net na

pinamagatang “Filipino or Filipinx?”, kung ang terminong “Filipinx’ ay gagamitin dito sa

Pilipinas, marami ang magugulat at magtataka kung ano ang nga ba ang salitang ito

sapagkat ang terminong ito ay impluwensya ng mga Amerikano. Ang terminong Filipino

ay isa nang ganap na gender-neutral at ang Filipinx ay isang uri ng kolonisasyong gamit

ang wika. Kailangang labanan ang taliwas sa pagkakakilanlan ng identidad ng Filipino,

tanggihan ang impluwensya ng kanluranin at pagyamanin ang sariling wika sa Pilipinas.

Ang salitang Filipinx sa ay sinalubong ng negatibong kritisismo noong ito ay

pumasok sa bansang Pilipinas ngunit mayroon pa ring mga organisasyon ang

sumusuporta sa pantukoy na ito. Isa na rito ang Polytechnic University of the

Philippines (PUP) kasiranlan na nagsasabi na ang paggamit ng “Filipinx” ay hindi

naglalayong mabura o mapalitan ang kinasanayang “Filipino” at “Filipina” bagama’t ito


lamang ay maaring maging isang alternatibo o panghalili lamang. Ang paggamit nito ay

malaking tulong upang mas mabigyang-respeto ang mga kinikilala ang sarili bilang

isang non-binary at gumagamit ng terminong ito bilang pantukoy sa kanilang sarili.

Umaasa at naniniwala rin ang PUP Kasarinlan na sa pagsibol ng terminong ito ay

malaki ang maitutulong upang mas mapalawak pa ang pagkakakilanlan ng sa mga non-

binary.

Sinusuportahan din ng ilang mga ilang kilalang tao ang salitang “Filipinx” ng

mag-organisa ng isang round table discussion ang UP Babaylan at UP Center for

Women’s and Gender Studies noong Septiyembre, 2020 na pinamagatang “I am

Filipinx”. Sa diskusyon ay tinalakay ang pag-usbong ng terminong “Filipinx”. Ilan sa mga

panelista ang sumang-ayon sa paggamit ng ‘Filipinx’.

Ayon kay Westerlaken (2019), isang Non-Binary Filipinx Activist na nakabase sa

Netherlands, mahalagang makilala ang “Filipinx” sapagkat naipakikita nito na ang

eksistensya ng mga taong kabilang sa non-binary. Si Kaye Candaza naman na isang

Trans Committee Head ng Filipino LGBT Europe, miyembro ng Society of Transsexual

Women of the Philippines o STRAP at isa ring miyembro ng Pinay sa Holland-Gabriela

Netherlands, ayon sa kanya hindi dapat nililimitahanan o kinokontrol ang terminong ito

para sa mga taong lubos na nangangailangan ng terminong “Filipinx”. Dagdag pa ni

Candaza na ang identidad ay sayo at ang indibidwal ang may kapangyarihan kung

paano nila kikilalanin ang kanilang sarili. Isa rin sa mga sumang-ayon ay si Dr. Jaya

Jacobo na isang propesor sa Ateneo de Manila University at miyembro rin ng Society of

Transsexual Women of the Philippines o STRAP. Binigyang simpatya niya ang


paggamit ng “Filipinx” sapagkat siya mismo ay isang trans woman at naniniwalang ang

letrang “x” ay tumutukoy para sa lahat.

Ayon kay Prof. Andrada (2020), Direktor ng Wikang Filipino sa University of the

Philippines-Diliman. Mabilis na ang pag-usbong ng salitang “Filipinx” dahil sa mga

maiinit na diskusyon sa iba’t ibang plataporma tulad ng balita at social media’s, hindi

maiiwasan ang laganap na paggamit ng pantukoy na ito. Wala namang mali sa

paggamit ng Filipinx sapagkat maaari itong maging identidad ng isang pangkat ng tao

upang makaiwas sa diskriminasyon, ginamit lamang naman ang titik “x” bilang pamalit

sa titik “o” at “a” upang mawala ang dibisyon ng mga kasarian.

Sintesis

Ang kaugnayan na literatura at pag-aaral ay mayroong kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral. Ito ay malaking tulong upang magiging gabay sa ideya at

inpormasyon ng mga mananaliksik.

Ang mga mananaliksik o may akda ng mga literature at pag-aaral na kabilang rito

ay mayroong mahalagang punto sa pag-aaral na ito.

Ang mga nabanggit na pag-aaral at literature nina Benjamin Papadopoulus

(2019), John Toledo (2020), Prof. Mykel Andrada (2020), Norris at Welch (2019), at

Caligua (2020) , ay nakatuon o may pokus kung ano ang kahulugan ng letrang “x” sa

gender neutral term na Filipinx at kahalagahan ng pag-gamit nito.

Sa literatura nina Harbin, B., Roberts, L.M., Nelson, R., Purcell, C. (2020) at

Brynn Tannehill (2016) nakatuon ito sa mga hamon na maaring kaharapin patungo sa

isang gender-inclusive na pagtuturo kabilang na ang kalituhan sa kasariang itinalaga at

kung ano ang magiging epekto nito sa tao.


Para sa karagdagan, ang pag-aaral at literature mula kina kay Maria Osward

(2016), Sampa Tumaliuan Westerlaken, Kaye Candaza , Candaza, Dr. Jaya Jacobo,

HRC o Human Rights Campaign, UP Babaylan, at UP Center for Women’s at

Polytechnic University of the Philippines (PUP) kasiranlan ay ang mga sumusuporta sa

paggamit ng gender neutral term na Filipinx at banggit pa rito ang mga epekto sa mag-

aaral ng paggamit ng dalawang nakasanayang kasarian.

Kaugnayan ng Kaugnay na Pag-aaral at Literature sa Kasalukuyang Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay hindi pa lubos na napag-aaralan kaya naman ang

pagsasaliksik na ito ay mahalaga sapagkat dito malalaman kung gaano kataas ang

lebel ng kaalaman ng mga guro patungkol sa bagong terminolohiyang “Filipinx” at ang

epekto ng terminong ito sa pagtuturo ng mga guro. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay

upang malaman kung may alam na ba ang mga guro sa kasalukuyan patungkol sa

terminolohiyang “FIlipinx” at kung ginagamit na ba nila ito bilang pantukoy sa kanilang

mga mag-aaral. Ito rin ay upang matugunan ang mga salik na nakakaapekto ng salitang

“Filipinx” sa pagtuturo ng mga guro. Naaayon ang pag-aaral na ito sa panahon ngayon

dahil ito ay pinagmulan ng mga maiinit na debate sa mga social media platforms at

maging sa mga balita. Dahil sa pag-usbong ng terminolohiyang ito ay malaki ang

posibilidad na tanggapin at gamitin ng mga mag-aaral na kabilang sa LGBTQIA+.

Sa kabilang dako, ang kaugnay na pag-aaraal at literatura ay mahalaga sa

pagsasaliksik na ito dahil naglalaman ito ng mga iba pang pag-aaral na sumusuporta sa

paksa patungkol sa gender-neutral term na “Filipinx”. Ipinapakita rin dito na


makatutulong ito sa mga guro sa asignaturang Filipino sapagkat may matibay itong

konteksto at pag-aaral ukol sa paksa na binibigyang pansin ang ganitong usapin.

Nakapagbibigay rin ito ng ideya sa mga mananaliksik malawak na kaalaman sa paksa

at mga usaping mailalagay sa pag-aaral na ito.

Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ipinapaliwanag at inilalarawan aang disenyong ginamit sa

pananaliksik. Inilalarawan din ang mga kalahok, mga kagamitan sa pagkalap ng dato, at

mga paraang susundin sap ag-aaral. At, ang ikatlong bahagi naman ay tumutalakay sa

mga istatistikang ginamit sa pagtataya at pagtutuos ng mgadatos sa pag-aaral.

Disensyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng descriptive research design, ang disenyo

na ito, ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga datos na naglalarawan ng mga

kaganapan at ito ay isasalansan ng maayos upang masubukan ang mga hinuha o

upang masagot ang mga katanungang pumapatungkol sa paksa ng pag-aaral. Ang

descriptive research design ay isinasagawa ng mananaliksik upang makakuha ng

malinaw na pag-unawa sa isang paksa, ito ay quantitative at gumagamit ng sarbey

(Osuala, 2018). Ito ay ginagamit ng mga mananaliksik sapagkat ang pamamaraang ito

ay angkop upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng kabatirang pansarili at lebel ng

kaalaman ng mga respondete; at lebel ng kaalaman at ang epekto sa pagtuturo ng mga

respondente.

Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik


Sa pag-aaral na ito, mayroong dalawang pagkukunan ng datos ang mga

mananaliksik, sa pangunahing datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey na

ipapamahagi sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa piling Mataas na

Paaralan ng Balibago,Sinalhan at Pulong Santa Cruz sa Lungsod ng Santa Rosa. Para

naman sa pangalawang pagkukunan ng datos, gagamit ang mga mananaliksik ng mga

impormasyong nakakalap sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pag-aaral, journal at iba

pang kaugnay na mga artikulo na nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa pag-aaral

Populasyon at Pagpili ng Tagatugon

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng purposive sampling, ito ay ang pag pili

batay sa mga katangian ng isang populasyon at ang layunin ng pag-aaral (Crossman,

2020). Ang mga gurong nagtuturo lamang ng asignaturang Filipino sa piling Mataas na

Paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa ang itinuturing na respondente sa pananaliksik na

ito. Partikular sa Balibago na may dalawampu’t walong (28) guro sa Filipino, sa

Sinalhan na may apat (4) sa guro sa Filipino, at Sampung (10) guro sa Filipino naman

ang sa Pulong Santa Cruz. Sa kabuuan ay may apatnapu’t dalawa (42) na respondent

ang pag-aaral na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananalik upang makakuha ng datos, ay

kwestyoner o talatanungan upang planadong maitala ang mga tanong na nag-uugnay

sa tiyak na paksa. Magkakaroon ng espasyong pagsasagutan ang mga respondente.

Kung ito ay masasagutan ng tapat at may kaayusan ay makatutulong sa pagdagdag ng

mga kinakailangan impormasyon upang makumpleto ang isinasagawang pananaliksik.


Ang talatanungan na sarbey-kwestyoner ay nasa anyo ng likert scale at inuuri

mula 1 hanggang 5 kung saan ang 5 ay “Palagi” “at “Lubos na nakaapekto”, 4 ay “

Madalas” at “Madalas na nakaapekto”, 3 ay “Minsan” at “ Minsan nakaaapektop”, 2 ay

“Bihira” at “Bihira nakaaapekto”, at ang 1 ay “Hindi kailanman” at “Hindi kailanman

nakaaapekto”. Ang Talatanungan ay aprobado at mayroon pirma ng tatlong propesor sa

Filipino.

Matapos maaprubahan ng propesor ay agad na uumpisahan ang pagpapasagot

ng talatanungan sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa piling Mataas na

Paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa. Humingi ang mananaliksik ng permiso at

bakanteng oras upang personal na maibahagi ang talatanungan.

Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng iba’t ibang paraan at hakbang sa paglikom

ng mga datos para sa pag-aaral na ito.

1. Ang mga mananaliksik ay naghahanap sa internet ng mga kaugnay na pag-

aaral at literature upang makalikom ng mga impormasyong tungkol sa paksa;

2. Sumunod ay ang pagbuo ng talatanungang may kaugnay sa paksa at

sumasagot sa suliranin ng pag-aaral;

3. Matapos ang pagbuo ng talatanungan ay hihingi ang mga mananaliksik ng

pahintulot sa mga paaralan upang maisakatuparan ang pagpapasagot ng

sarbey sa mga gurong nagtuturo sa asignaturang Filipino sa piling Mataas na

Paaralan sa lungsod ng Santa Rosa, kalakip ng sarbey at isang pormularyo

ng pahintulot at ang pagpapaliwanag ng layunin ng pag-aaral;


4. Ko-kolektahin ng mga mananaliksik ang mga sagot ng mga sarbey at ang

nakalap na datos ay pag-aaralan at bibigyang kahulugan gamit ang statistical

treatment.

Istatistikal na Pagsusuri sa Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng apat na statistical treatment.

1. Percentage: Ito ay gagamitin upang makuha ang porsyento ng resulta ng

pananaliksik na ito. Base sa nabilang na tugon ng mga respondent sa bawat

katanungan ay maaari nang Makita ang prekwensi sa bawat katanungan. Ang

pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:

f
P= n
x 100

Kung saan ang:

P - bahagdan

f - prekwensi o bilang ng tumugon

n - kabuuang bilang ng mga respondent

2. Weighted mean: ito ay gagamitin sa pag-aaral upang makuha ang average

frequency ng mga sagot sa bawat weighted item. Ang pormula ay ito:


WM =
∑ fx 1
N

Kung saan ang:

WM = Weighted average or mean

∑ = Summation

f = Frequency of the weight

N = Sample size

3. Likert scale: ito ay isang aparatong ginagamit upang masukat ang saloobin ng

mga respondent. Hinihiling ang mga respondent na i-rate ang antas kung saan

pahayag sila lubos na sumasang-ayon.

Gabay:

Mean Value Weighted Mean Berbal na Simbulo


Interpretasyon
4.20-5.00 5 Palagi P

3.40-4.19 4 Madalas MA
2.60-3.39 3 Minsan MI
1.80-2.59 2 Bihira B

1.00-1.79 1 Hindi Kailanman HK

Mean Value Weighted Mean Berbal na Simbulo


Interpretasyon
4.20-5.00 5 Lubos nakakaapekto LN

3.40-4.19 4 Madalas nakakaapekto MAN


2.60-3.39 3 Minsan nakakaapekto MIN
1.80-2.59 2 Bihira nakakaapekto BN
1.00-1.79 1 Hindi Kailanman HKN
nakakaapekto

4. Pearson r: Ang mga mananaliksik ay gagamit din nga pormulang Person r

upang mahanap ang signipikong relation sa pagitan ng kabatirang pansarili at

lebel ng kaalaman ng mga respondete; at lebel ng kaalaman at ang epekto sa

pagtuturo ng mga respondente.

Gabay:

Scale Berbal na Interpretasyon

1.00 Perfect Relationship

0.80-0.99 Very Strong Relationship

0.60-0.79 Strong Relationship

0.40-0.59 Moderate Relationship

0.20-0.39 Weak Relationship

0.01-0.19 Very Weak Relationship

0 No Relationship

Ang pormula ng Pearson R para sa signipikong relasyon:


Sanggunian:
Zafra, Galileo “Susi ba ang paggamit ng 'x' para maging gender sensitive, neutral ang wikang Filipino?”
ABS-CBN News, September 2020. https://news.abs-cbn.com/life/09/10/20/susi-ba-ang-paggamit-ng-x-
para-maging-gender-sensitive-neutral-ang-wikang-Filipino?
fbclid=IwAR1lzPhAkxPuKBDEIYGerOsw6aEf434OkowG9yjW0M0QytftdXVXrcRwVyQ

Almario , Virgilio. “Former KWF Chief Says No Need for ““gender neutral”” Terms.” youtube, 2020.

https://www.youtube.com/watch?v=EBuoSg0ISuA.

Caligiua, Gio. “[OPINION] Filipino or Filipinx?” Rappler. Rappler, September 15, 2020.
https://www.rappler.com/voices/ispeak/opinion-filipino-or-filipinx.

Harbin, B., Roberts, L. M., Nelson, R., & Purcell, C. (2020). Teaching Beyond the Gender Binary in the
University Classroom. Vanderbilt University Center for Teaching. Retrieved [todaysdate] from
https://cft.vanderbilt.edu/guides-sub-pages/teaching-beyond-the- gender-binary-in-the-university-
classroom/.

Norris, Marcos, and Andrew Welch. “Gender Pronoun Use in the University Classroom: A Post-Humanist
Perspective.” ERIC Institute of Education Sciences, November 2019.
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1261585.pdf.

Oswald, Marian. How To Support Transgender Students in the Classroom By Marian Oswald, 2016.
https://schoolleadership20.com/profiles/blogs/how-to-support-transgender-students-in-the-classroom-by-
marian-os.

San Andres , Agustin F., and Aurea Lyn Nicolette F. Lacanaria. Filipinx: Ang Pagbaybay Sa Landas
Tungo Sa Inklusibong Lipunan, September 22, 2020. https://feuadvocate.net/Filipinx-ang-pagbaybay-sa-
landas-tungo-sa-inklusibong-lipunan/#.

I Am FILIPINX: A Roundtable Discussion on the Emergence of Filipinx, 2020.


https://fb.watch/3CmXs7qab1/?fbclid=IwAR3sfWslU0XVMktfiYgDJdVoLH9EKBT6JMwn2v6R-
KMrl5afQYkXZAWhcH8

Andrada, Mykel. “Mga Salitang 'FILIPINX,' 'Pinxy' Kinilala Ng Online Dictionary,” September 6, 2020.
https://news.abs-cbn.com/news/09/06/20/mga-salitang-filipinx-pinxy-kinilala-ng-online-dictionary.

Crossman, Ashley. “What Is Symbolic Interactionism?” ThoughtCo, 2020.


https://www.thoughtco.com/symbolic-interaction-theory-3026633.

Tannen, Deborah. “You just don’t understand. New York: Ballantine”, 1990.
http://www.frankjones.org/sitebuildercontent/sitebuilderfiles/tannen.pdf
Papadopoulos, Benjamin. “Morphological Gender Innovations in Spanish of Genderqueer Speakers /
Innovaciones al género morfológico en el español de hablantes genderqueer.” UC Berkeley: Library.
(2019):10-11https://escholarship.org/uc/item/6j73t666

Thelwall, M., Bailey, C., Tobin, C., & Bradshaw, N.-A. (2019). Gender differences in research areas,
methods and topics: Can people and thing orientations explain the results? Journal of Informetrics, 13(1),
149–169. https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1751157718303596?via%3Dihub
Toledo, John. “A Conversation on 'Filipinx' and Its Vicissitudes.” Bulatlat, October 5, 2020.
https://www.bulatlat.com/2020/10/05/a-conversation-on-Filipinx-and-its- vicissitudes/.
San Andres , Agustin F., and Aurea Lyn Nicolette F. Lacanaria. Filipinx: Ang Pagbaybay Sa Landas
Tungo Sa Inklusibong Lipunan, September 22, 2020. https://feuadvocate.net/Filipinx-ang-pagbaybay-sa-
landas-tungo-sa-inklusibong-lipunan/#.
I Am FILIPINX: A Roundtable Discussion on the Emergence of Filipinx, 2020.
https://fb.watch/3CmXs7qab1/?fbclid=IwAR3sfWslU0XVMktfiYgDJdVoLH9EKBT6JMwn2v6R-
KMrl5afQYkXZAWhcH8

Andrada, Mykel. “Mga Salitang 'FILIPINX,' 'Pinxy' Kinilala Ng Online Dictionary,” September 6, 2020.
https://news.abs-cbn.com/news/09/06/20/mga-salitang- filipinx-pinxy-kinilala-ng-online-dictionary.

You might also like