Module A1

You might also like

You are on page 1of 4

MODYUL

ESTRUKTURA NG
WIKANG FILIPINO
SPEC 4

Deskripyon ng Kurso: Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng ponolohiya,


morpolohiya, semantiks at sintaks
Bilang ng Yunit: 3
Guro: Adam Helson G. Elardo MAEd
TARGET:
o Naipaliliwanag ang kahulugan ng Palasurian, Palaugnayan at Palabigkasan sa pamamagitan ng pagbuo
ng chart
o Naipaliliwanag ang kahulugan ng Palatitikan sa pamamagitan ng pagbuo ng chart.
o Natutukoy ang poseso sa wastong pagbigkas ng mga titik sa pamamagitan ng paraphrasing.
o Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wastong pagbibigkas bilang isang guro sa wika batay sa pagbuo ng
sanaysay.

PAKSA:
o Ang Palatitikan
o Ang Abakadang Tagalog
o Pagbigkas ng mga Titik

BALIKAN:
Ang Palatitikan ay siyang dati’y ibinibilang na ikaapat at panghuling bahagi ng Balarila sa karamihan ng mga
wika, dahil sa palagay na ang kanyang mga tuntunin ay sukat lamang makilala nang ganap at magamit nang
wasto kung nakilala na ang sari-sariling mga tuntunin at kapararakan ng tatlong bahaging nauuna—
Palasurian, Palaugnayan at Palabigkasan.
Kaya naman, mainam na magbalik-aral muna tayo hinggil sa kontekstong mayroon sa mga unang kaalaman.
Buuin ang diwa ng sumusunod na chart. (Sagutan ito sa pamamagitan ng google docx.)

PALASURIAN PALASURIAN PALASURIAN

Kilala rin sa tawag na: Kilala rin sa tawag na: Kilala rin sa tawag na:

_____________________ _____________________ _____________________

Kahulugan:____________ Kahulugan:____________ Kahulugan:____________


______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________
_____________________. _____________________. _____________________.

SURIIN:
Ang Palátitikan ay siyáng bahagi ng Sining ng Balarilà, na naglalahad ng mga álintuntuning dapat sundín sa
paggamit ng mga titik at ng mga panandáng ikaiiwas sa mga pagkakákmalî sa pagpapakahulugán sa mga salitâ,
at sakâ ng mga bantás o palátandaang naghíhiwatig ng tunay na himig o diwang ibig ibigáy ng sumusulat sa
kanyáng mga salitâ, pangungusap at salaysáy. Sa katagáng sabi, ang Palátitikan ay siyáng katipunan ng mga
tuntunin sa mabuti’t wastóng pagsulat.
ABAKADANG TAGALOG
Ang ABAKADA, Katitikan o Baybaying Tagalog ay binubuô ng dalawampúng titik, na ganitó ang pagkakásunud-
sunód:
A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y.
a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
Sa dalawampúng itó’y limá (5) ang patinig at labinlimá (15) ang katinig.
Ang 5 patinig: A, E, I, O, U; a, e, i, o, u.
Ang 15 katinig: B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y; b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y.

PAGBIBIGKÁS NG MGA TITIK


Ang A, E, I, O, at U
Ang pagbigkás sa bawa’t isá ng limáng patinig, ay gaya ng sumusunód:
A—Bahagyáng ibinibuká ang bibíg, halos sabáy ang pagpapalabás ng tunóg buhat sa bungad ng lalamunan,
habang ang dila’y nakalatag sa ibabá’t waláng-kilos.
E—Bukás din nang bahagyâ ang bibíg, nguni’t ang pagpapalabás ng tunóg ay pagawî sa dakong kanan, at ang
dila’y nápapaangát nang kauntî, na ang dulo’y patulák sa punò ng mga ngiping pang-ibabâ.
I —Bukás din ang bibíg, at ang paglabás ng tunóg ay paitaás, na ang dulo ng dilang nápapaangát nang bahagyâ
ay nápapariín sa punò ng mga ngiping pang-ibabâ.
O—Pabilóg ang buká ng bibíg, at gaya rin ng sa A ang pagpapalabás ng tunóg, nguni’t ang dila’y nápapaangát
nang bahagyâ.
U—Makipot at patulís kaysa O ang bilog ng bukás na bibíg, nguni’t ang papalabás na tunóg ay tila pinipigil sa
loób at sa itaás pinararaán.

Ang Mga Katinig


Ang pagbigkás sa bawa’t isá ng labinlimáng katinig at nahahatì sa panlahát at pangkani-kanyá. Ang bigkás-
panlahát na paraparang ipinapantíg sa patinig a, ay siyá na tulóy pinagháhanguan ng tawag sa bawa’t titik-
tagalog:
Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Ra, Sa, Ta, Wa, Ya

Ang Ba, Pa at Ma
Ang tatlóng titik na itó’y halos nagkakáisá sa anyô ng bibíg kung bigkasín. Ang pagkakátikom ng bibíg na
magkadaiti ang mga labì, ay bigláng bubuksán, at sa paghihiwaláy ng mga itó’y sabáy magpápalabás ng tunóg,
waláng galáw ang dilà, at manánatiling bukás ang bibíg hanggáng makaluwál ang tunóg. Ang kaibhán ng ikatló
(Ma) sa dalawáng una (Ba at Pa), ay may kauntíng kahumalán o tunóg sa ilóng na nápapahalò sa pagbigkás.
Ang La, Ra, Na, at Ya
Bagamán ang hulí (Ya) ay may ikináiibá nang kauntî sa tatlóng una (La, Ra at Na), dapwa’t ang nagiging hugis ng
bibíg sa pagbibigkás ay halos íisá rin sa apat. Nakabukás ang bibíg sa simulâ at tapos ng pagbigkás, na dilà
lamang ang pinagagaláw; minsang itukod ang dulo nitó sa palabás ng ngalangalá, sakâ bigláng tanggalín
pagbibitíw ng bigkás, sabáy ang pagluwál ng tunóg. Sa pagbigkás ng La ay naaaring di-matinag ang babà, nguni’t
sa pagbigkás ng Ra, Na at Ya ay natitinag nang bahagyâ. Ang dulo ng dilà sa apat ay may kauntî ring
ipinagkákaibá ng hubog: sa La ay palapád ang anyô, sa Ra ay pagaralgál ang galáw, sa Na ay patulís ang hubog,
at sa Ya ay payupî ang diín sa ngalangalá.
Ang Da, Ta at Sa
Ngipin ang pinaka-pangunang gamit sa pagbigkás ng tatlóng titik na itó at ang dila’y pantulong lamang.
Nagkakáangatan nang kauntî ang mga labì, gayón din ang mga ngipin; ang dulung-dulo ng dila’y isinisingit sa
pagitan ng ngipin at idiniriín nang bahagyâ, bago bigláng binubuksán ang bibig, na ang dila’y naiiwang nakadikít
sa ngiping pang-ibabâ, kasabáy ang pagluwál ng tunóg na may-katuyután sa dalawáng una (Da at Ta), at may-
kasariwaan sa ikatló (Sa);

Ang Ng o NGa
Halos gaya na rin ng sa Ka at Ga ang nagiging anyô ng bibíg sa pagbigkás nitóng NGa: waláng ikináiibá itó kundî
sa halíp punò ng dilang pakubakób ang idiniriít nang pasukól sa may-punò rin ng ngalangalá, ay itó ang
mayuming idiniriín doón, sakâ ang pagdiriín ay ginagawâ sa may pangáng kanan, at ang tunóg ay sa ilóng
pinararaáng kagaya rin ng sa Ma at Na. Dahil dito kung kayâ nakapananaíg ang palagáy na ang NG ay dapat
mákasunód ng M at N; at yayamang ang ganyáng ayos ay siyáng tagláy ng mga talátingigang tagalog na lalong
kilalá, ang Balarilang itó’y sa ganyán na rin nakisunód hinggíl sa NG.
Ang Ha
Ang hugis dito ng bibíg ay gaya rin ng sa pagbigkás ng patinig A, na bukás ang mga labì, latág sa ibabâ ang dilà,
nguni’t ibá na ngâ lamang ang pagpapatunóg sa bungad ng lalamunan; sa A ay tuyô, samantalang sa Ha ay
may kasamang hanging parang nagsísimulâ sa paghingá.

SUBUKIN:
1. Ang paraphrasing ay isang paraan ng pagpapaliwanag kung saan inaaayos ang salita o parirala nang
sinasaalang-alang ang gawain diwa ng teksto. Sa madaling sabi, ipinaliliwanag sa ganitong estilo ang isang
pahayag sa pamamagitan ng sariling pananalita.

2. Sa pamamagitan ng paraang paraphrasing, ipaliwanag ang wastong pagbigkas ng mga sumusunod na titik.
1. A, E, I, O, U 4. Da, Ta, Sa
2. Mga Katinig 5. Ng, Nga
3. Ba, Pa, MA 6. Ha
4. La, Ra, Na, Ya

3. Bakit mas madaling bigkasin ang mga patinig kaysa mga katinig? Ipaliwanag.

4. Bakit magkakasama sa hanay ang Ba, Pa, at Ma,; ang La, Ra, Na, Ya,; at ang Da, Ta, at Sa?

5. Bumuo ng epektibong chart sa pagpapaliwanag ng konteksto at kahulugan ng Palatitikan.

6. Bumuo ng isang sanaysay na nagpapakita at nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkatuto sa wastong


pagbigkas ng mga titik bilang isang guro.
Batayan:
Santos, L. K. Balarila ng Wikang Pambansa. Komisyon ng Wikang Filipino. 2019

You might also like