You are on page 1of 7

10

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 10
Learning Activity Sheet 13.3 & 13.4
Quarter 4 – MELC 2
Mga Isyung Moral Tungkol sa
Seksuwalidad

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10
Activity Sheet No. 13.1 & 13.2
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western


Visayas. ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be
reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical
without written permission from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Learning Activity Sheet

Writer: Melanie N. Jalandra


Joemelyn M. Panganohoy
Eddie R. Molina Jr.

Quality Assurance: Jinky Mae L. Resuma


Division of Negros Occidental Management Team: Marsette
D.Sabbaluca,CESO VI
Ma.Theresa P.Generoso,ASDS Dennis G.Develos,ASDS
Zaldy H.Reliquias,CID Chief Raulito
Dinaga,LR-EPS
Carmelita R. Segara,EsP-EPS Regional
Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Learning Activity Sheets

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:

Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

1. Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tugkol sa


kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang
kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad
at seksuwalidad ng tao. (EsP10PI-IVa-13.3)
2. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao. (EsP10PI-IVa-13.4)

II. PANIMULA
Ang pagkilala sa seksuwalidad bilang isang pangunahing sangkap ng personalidad ay
malaki ang maitutulong sa pagpapalaganap ng isang makabuluhan at malusog na pakikipag–
ugnayan sa kapuwa. Ang pagtanggap sa katotohanang lahat tayo ay seksuwal, na lahat tayo
ay may mga katangian at pangangailangang may kaugnayan sa kasarian, ay may malaking
maitutulong sa pagtataguyod ng isang positibong pagtingin sa iba. Dito nakasalalay ang
isang kapanatagang seksuwal na siyang ugat ng isang malalim at makabuluhang
pakikipagkapuwa.
Ang bawat babae o lalaki, lalo na’t ang kabataang tulad mo, ay kinakailangang
magsikap na iangat ang antas ng kabatiran tungkol sa seksuwalidad at ang mga tungkulin
upang ito ay mapangalagan at mapayabong.
Bilang mga nilalang na sapul pa’y mayroon ng pangangailangan sa iba upang mabuhay,
tayo ay kusang nakadarama ng pagnanais na makaniig ang kapwa–nilalang sa ngalan ng
pag–ibig. Ang ating seksuwalidad ang nagtutulak sa atin upang makabuo ng isang ugnayan,
lalo na sa katapat na kasarian. Ito ay isang lakas na ginusto ng Diyos upang pagyamanin
ang ating pakikipag–ugnayan at ang ating sariling pagkatao.

3
Mga isyung moral tunkol sa seksuwalidad

1. PAGTATALIK BAGO ANG KASAL (PRE-MARITAL SEX)


Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o
nasa edad na subalit hindi pa kasal. Ayon sa Banal na Aklat, anumang uri na
relasyong seksuwal ng mga hindi pa kasal ay ipinagbabawal. Ito ay nakasaad sa
Efeso 5:29-33.

Nakasaad din sa Banal na aklat na, anumang uri ng relasyong sekswal ng mga
hindi kasal ay ipinagbabawal kabilang ditto ang pre–marital sex, live–in, prostitusiyon,
at iba pang sexual abuse. Gayundin, ipinagbabawal ang pakikipag–ugnayang sekswal
sa kaniyang kauri (Lev:18:22–23) “Huwag kang sisiping sa kapuwa mo lalaki ng tulad
sa isang babae” o tinatawag na Homosexual Union. Iyan ay karumaldumal.
Pakikiapagtalik sa kapamilya (Incest) ay isa pa rin sa ipinagbabawal na ugnayang
sekswal. Suló ng Buhay pahina 124).

2. PORNOGRAPIYA
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego: “porne” – na may
kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw- “graphos” – na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Ang pornograpiya ay mga mahahalay na
paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal
na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.

3. MGA PANG–AABUSONG SEKSUWAL


Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng
sariling katawan o katawan ng iba , paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa
seksuwal na gawain at sexual harassment.

4. PROSTITUSYON
Ito ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na nagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang
taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
Ayon sa mga pag–aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong
gawain ay iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag–aral, at walang muwang
kung kaya’t madali silang makontrol.

III. MGA SANGGUNIAN

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10, pahina 280 - 299

4
IV. MGA GAWAIN (Performance Task)

Gawain 1:
Panuto: Pag–aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Suriin kung ano ang
tamang gawin sa mga sitwasyon o isyung nabanggit. Pangatwiranan
ang bawat sagot. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. May sakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot at
pagkain. Nagugutom na ang maliliit mong mga kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki
ang inyong sitwasyon. Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng
gamot at pagkain.

2. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa inyong
magkakapatid bilang kaniyang kasintahan. Sa bahay din ninyo na tumitira ang lalaki. Mahal
na mahal niya ito at sinusunod lahat ng gusto nito. Binilinan kayo ng inyong ina na sumunod
at paglinkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang gabing wala ang inyong ina, pumasok ang
kasintahan ng inyong ina sa inyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng inyong
katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa mo iyon, papatayin
niya ang inyong ina.

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik (kung kailangan)


15 10 5

Pagkakabuo Angkop at May ilang Walang kaugnayan


wasto ang salitang at hindi wasto ang
mga ginamit na mga salitang
salitang hindi angkop ginamit
ginamit sa at wasto
pagbubuo
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi naipahayag
naipahayag gaanong nang mabisa ang
ang mensahe naipahayag nilalaman ng
ng mabisa mensahe
ang
mensahe

Gawain 2:
5
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Kopyahin ito sa isang papel at
lagyan ng tsek (√) ang kolum na nagpapahayag ng iyong sagot. Ilagay ang sagot sa
sagutang papel.

Oo Hindi

1. Nasisiyahan ka ba sa iyong sariling seksuwalidad?

2. Ipinagmamalaki mo ba ang iyong seksuwalidad?

3. Panatag ka ba sa iyong mga seksuwal na katangian?

4. Malaya mo bang naipahahayag ang iyong mga kaisipan hinggil


sa seksuwalidad?

5. May paggalang ka ba sa mga pagpapahalagang seksuwal ng


iba? Natatanggap mo ba ang mga ito?

6. Nahihikayat mo ba ang iba na alamin ang mga isyung


seksuwal at ang kanilang mga pagpapahalaga tungkol dito?

7. Tinatanggap mo ba na ang seksuwalidad ay mahalagang


paksa para sa tao at ito’y lehitimong usapin para sa mga
intelektwal na pag–aaral?

8. Nauunawaan mo baa ng iyong sariling seksuwalidad?

9. Mayroon ka bang mga pinahahalagahang paniniwala o opinion


hinggil sa seksuwalidad?

10. Tinatanggap mo ba na lahat ng tao ay may seksuwal na


damdamin at katangian?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong? Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Positibo ba o negatibo ang karamihan mong sagot sa gawain? Ano ang
nahihinuha mo sa iyong sarili kaugnay nito?
2. Batay sa iyong kabuuang sagot, masasabi mo bang panatag ka sa iyong sariling
seksuwalidad? Ipaliwanag.
3. Kung hindi mo tanggap ang iyong seksuwalidad, ano kaya ang epekto nito
sa pakikipagkapwa mo? Magbigay ng halimbawa.
4. May nabago ba sa iyong pananaw sa seksuwalidad dahil sa gawaing ito?
Makapagpapayabong ba ito ng iyong pakikipagkapwa?
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
6
pinakatamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi a edad ng


pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal
na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng
anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento
ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong
katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadala at nagbibinata na.
B. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
C.Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
D. Ang taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na
makipagtalik.
2. Nag-iisa s bahay si Arlyn dumating ang kanyang kasintahang si Jonel. Pinatuloy niya ito
at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan. Naging
agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman
ang nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin ?
A. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel.
C. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa
kanila.
D. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.

Para sa bilang 8-10


Panuto: Pahayag SANG-AYON O DI SANG-AYON
8. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahal.
9.Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan.
10. Tama lang na maghubad kung ito ay para sa Sining.

V. REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral sa Baitang 10, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong
gawin bilang paggalang sa seksuwalidad? Ipaliwanag.
______________________________________________________________

______________________________________________________________

You might also like