You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN 2

Inihanda ni: Justine R. Igoy

I. Mga Layunin

Sa loob ng 60 minutong aralin sa Araling Panlipunan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Nasasabi ang mga alituntunin sa komunidad halimbawa sa pangongolekta ng basura.
b. Napapahalagahan ang pagiging pagkamasunuring mamamayan.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Mga Alituntunin sa Pangongolekta ng Basura
B. Sanggunian: Manual ng Guro: Aralin 166, Pahina 233-235
C. Kagamitan: kartolina, pentel pen, at larawan
D. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin sa mga alituntunin sa pangongolekta ng basura.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Opo ma’am (sa ngalan ng Ama, ng Anak, at
( Ngalan ng mag-aaral), pangunahan mo ang ating
Espirito Santo, Amen...)
panimulang panalangin sa araw na ito.

2. Pagbati
Magandang Umaga rin po ma’am!
Magandang umaga mga bata!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan at Pagtala ng
Liban
Bago kayo umupo ay pakipulot ang mga kalat na (Magpupulot ng mga kalat ang mga bata at

nasa ilalim ng inyong mga mesa at paki-ayos ng aayusin ang kanilang mga upuan.)

matuwid ang inyong mga upuan.

Maaari na kayong umupo.


Wala po ma’am.
May lumiban ba ngayong araw?

B. Paglinang na Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong araw


ay may inihanda akong kanta para sa inyo.
Itanong:
Pamilyar ba kayo sa kantang “Tatlong Bibe”? Opo ma’am.

Kung ganoon ay maaari nyo ba akong sabayang


kumanta? Ako muna ang kakanta at pagkatapos ay Sige po ma’am.

kayo naman.

Kantahin:
May mga basura akong nakita,
May papel, may plastik,
Mga basura
Pero ano kaya ang gagawin nila?
Pulutin na (2x) mga basura
Ba-su-ra (2x)
Pulutin na (2x) mga basura.

Sige nga kayo naman. May mga basura akong nakita,


May papel, may plastik,
Mga basura
Pero ano kaya ang gagawin nila?
Pulutin na (2x) mga basura
Ba-su-ra (2x)
Pulutin na (2x) mga basura.

Napakahusay mga bata!

2. Balik-aral

Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong araw


ay balikan muna natin ang ating itinalakay
kahapon.
Itanong:
1. Ano-ano ang mga epekto ng pagpapatupad ng
mga karapatan sa komunindad?
Magkaroon ng malinis at malusog na
pangangatawan.
Magaling!
Matuto at makatulong sa gawaing bahay.
Mahusay!
May pagmamahalan sa bawat isa.
Magaling!
Magkaroon ng maayos na komunidad.
Magaling!

2. Ano naman ang epekto ng hindi pagtutupad ng


mga karapatan sa komunidad? Marumi at mahinang pangangatawan.
Tama! Walang respeto sa magulang.

Mahusay! Hindi matututo sa gawing bahay.

Tama! Magulo ang paligid.

Magaling! Hindi maayos ang relasyon sa loob ng tahanan.

Tama!

3. Panggayak

Ipakita ang larawan.

Itanong:
Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan? Truck, mga basura, basurero.

Magaling!

4. Paglalahad

Mga bata, ang larawang iyan ay may kinalaman sa


ating tatalakayin ngayong araw.
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay..

Mga Alituntunin sa Pangongolekta ng Basura


(Ibigay ang mga alituntunin sa pagkolekta ng basura
sa pamamagitan ng Catterpillar Technique.)

Ngayong araw ay iisa-isahin natin ang mga


Opo ma’am.
alituntunin sa pangongolekta ng basura.
Handa na ba kayong makinig mga bata?

5. Pagtatalakay
(Buksan isa-isa ang mga numero na may
nakasulat sa likod na mga alituntunin)
1. Pulutin at ihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok.
2. Ihiwalay ang papel sa plastik.
3. Balutin ng maaayos
4. Ilagay ito sa tamang lugar.

Itanong: Pulutin at ihiwalay ang nabubulok sa di


a. Ano nga ang una nating gagawin sa mga nabubulok.
basura sa paligid?

Magaling!
Ihiwalay ang papel sa plastik.
b. Pagkatapos mahiwalay ang mga basura,
ano ang susunod na gagawin dito?
Tama!
Balutin ng maaayos.
c. At pagkatapos ihiwalay?

Mahusay!

Ilagay ito sa tamang lugar.


d. Saan dapat ilalagay ang nabalot na
basura?

Mahusay!

6. Paglalahat

(Tumawag ng ilang mag-aaaral) Ipaayos ang


strips na may nakasulat na alituntunin ng
pangongolekta ng basura.

Meron ako ditong strips na may nakasulat na


mga alituntunin sa pangongolekta ng basura.
Ako po ma’am.
Sino ang makakapunta dito sa harapan at ayusin
ito sa tamang pagkasunod sunod?
Opo Ma’am.

Tama ba ang ginawa nila?

Mga alituntunin sa pangongolekta ng basura.


Sige nga basahin natin.
1. Pulutin at ihiwalay ang nabubulok sa di
Mga alituntunin sa pangongolekta ng basura.
nabubulok.
2. Ihiwalay ang papel sa plastik.
3. Balutin ng maaayos
4. Ilagay ito sa tamang lugar.
Tandaan Natin
Dapat nating sundin ang mga alituntunin sa
pangongolekta ng basura parea magkaroon tayo ng
disiplina sa ating sarili.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat
Lagyan ng tsek (/) ang kahon na may tamang alituntunin
sa pangongolekta ng basura at ekis (x) kung hindi.

1. Ilagay sa tamang lugar ang nababalot na basura.

2. Ihiwalay ang lata sa palstik na bausura.

3. Hayaang mabulok ang mga basura sa paligid.

4. Balutin ang mga basura para madaling maipon.

5. Ihiwalay ang nabubulok sa di-nabubulok.

2. Paglalagom/Pagpapahalaga

Ano-ano ang mga alituntunin sa pangongolekta ng mga


1. Pulutin at ihiwalay ang nabubulok sa di
basura natin?
nabubulok.
2. Ihiwalay ang papel sa plastik.
3. Balutin ng maaayos
4. Ilagay ito sa tamang lugar.

Mahusay!
Ngayon ay alam ko na naiintindihan ninyo ang ating
aralin ngayong araw.
IV. Pagtataya

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dapat gawin sa nabubulok at di-nabubulok na busura?


a. itapon b. itago c. ihiwalay
2. Ano ang dapat gawin sa mga basura sa paligid?
a. kolektahin b. wag pansinin c. hayaang mabulok
3. Bakit kailangang balutin ang mga basura?
a. Para madaling kolektahin
b. Para madaling itapon
c. Para dumami
4. Saan dapat ilagay ang mga nakolektang basura?
a. Kahit saan sulok ng bahay
b. Sa lugar na madaling kolektahin
c. Itapon sa ilog.

V. Takdang Aralin

Magtala ng limang (5) halimbawa ng basurang nabubulok at limang (5) di-nabubulok.

You might also like