You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II
Ikatlong Markahan
Modyul 3: Ikatlong Linggo

“Salamat sa Karapatan!”

Balikan Natin

Sa nakaraang aralin ay nalaman mo ang iba’t-


ibang karapatan na iyong tinatamasa. Anu-ano ang mga
karapatan na ito at sino ang nagbigay sa iyo nito? Isulat sa
sagutang papel ang inyong sagot:

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

Unawain Natin:

Basahin at unawain ang isang kwentong isinulat


ni Gng. Daisy C. Nacario:

“ Ang galing ni Amara ”

Masayang- masaya si Amara Daisy


na umuwi galing sa
paaralan. Agad niyang niyakap ang
kaniyang nanay na
sumalubong sa kaniya. “Amara, ang sigla mo ah,” ang bati
ng ina habang ito ay abala s a pagluluto ng kanilang

1
hapunan. “Inay, ang saya ko po. Nakakuha ako ng mataas
na marka sa aming pagsusulit kanina.” “Napuri po ako ng
aming guro!” Tuwang-tuwa ang ina ni Amara Daisy at
niyakap niya ito. “Binabati kita anak!” “Sige, magpalit ka na
ng iyong damit at tayo ay kakain na,” ang wika nito. Nakita
ni Amara Daisy na naghahanda ang kaniyang ina ng
masarap at masustansiyang hapunan. “ Wow! Ang sarap
naman n’yan inay!” “Maraming salamat po!”

Sagutan ang mga tanong:


1. Bakit nagpapasalamat si Amara Daisy sa kaniyang ina?
2. Ayon sa kuwento, anong mga karapatan ang naibigay kay Amara
Daisy?
3. Sino ang nagbigay ng karapatan na ito sa kaniya ?
4. Naranasan mo na rin ba ang karapatang naranasan ni Amara
Daisy? Sino ang nagbigay saiyo ng karapatang iyon?
5. Nagpapasalamat ka ba sa nagbibigay sa iyo ng iyong mga
karapatan? Paano mo ito ginagawa?

Ilapat Natin

Dahil sa mga natutunan nating mga karapatan, piliin


sa mga larawan ang mga pinagpapasalamat mong
karapatan at kulayan ito:

Suriin
natin:

Pag-isipan at sagutan natin:


1. Sino ang nagbigay sa iyo ng mga karapatang iyong
tinatamasa?

2
2. Bakit kailangan mong magpasalamat sa mga karapatang
iyong tinatamasa?

Ating Tandaan:

Dapat tayong magpasalamat para sa mga karapatang


ating tinatamasa. Maipapakita natin an gating pasasalamat
kung tayo ay sumusunod sa kanilang mga payo.

Gintong Aral
Pasasalamat ay nagmumula sa puso, para sa
karapatang laging natatamo. Ito ay dapat na
ipagpasalamat din sa Panginoon.

Tayain Natin:

Sa iyong sagutang papel, sumulat ng isang kuwento na


tumutukoy sa mga karapatang iyong tinatamasa. Isulat kung kanino
mo ito dapat ipagpasalamat, bakit mo ito dapat ipagpasaalamat at
kung paano mo siya/sila pasasalamatan.

You might also like