You are on page 1of 1

SULYAP SA KASAYSAYAN NG

PAGSASALIN SA PILIPINAS

INTRODUKSYON
Sa kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa modernong mundo, nananatiling
mahalaga pa rin ang pag-aaral ng kasaysayan upang mapalawak at mapalalim ang
kritikal na pag-iisip ng bawat indibidwal. Malaki ang naging tungkulin ng pagsasalin
sa paglilipat at palitan ng kultura’t kaalaman sa buong mundo. Kung ang
pagkaimbento ng papel ay napakahalaga salansakan at matagalang pag-imbak ng
matatayog na karunungan at dakilang panitikan,ang pagsasalin naman ang naging
mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggapng mga naturang pamana ng
sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Pasalitaman o sulat, laging
kailangan ang pagsasalin sa anumang pananakop at pagpapairal ngkapangyarihang
pampolitika sa ibang nasyon gayundin sa ugnayang pangkomersiyo ngdalawa o
mahigit pang bansa. Kaya naman bilang pambungad na modyul sa pag-aaral ng
pagsasalin sa pilipinas, nagsisilbing panimulang paksa ang pagpapakilala sa mga
naging mahahalagang haligi ng ating pagsasalin sa pilipinas . Nakatuon ang modyul
na ito sa pagpapaliwanag ng mga pinanggalingan ng ating karunungan sa
pagsasalin, mga taong naging mahalaga sa pagpapalawak natin sa kaalaman rito at
mga pangyayaring nagkaroon ng mahalagang parte sa ating pagsulong sa ganitong
larangan.

INAASAHANG PAGKATUTO
1.) Maaring magbigay sa atin ng pananaw sa ating mga kultura at pinagmulan
niyo.
2.) Upang mabigyang kahalagahan at pagkakakilanlan sa modernong mundo ang
mga dahilan ng pagsulong ng ating pagsasalin sa pilipinas.
3.) Upang mabuksan ang kamalayan sa bagay bagay at maaring magbigyang
kasagutan ang bawat katanungan tungkol sa sangkatauhan at sandaigdigan.
4.) Matukoy ang kahalagahan ng kasaysayan at kahulugan nito.
5.) Mag iwan o makalikom ng kaalaman o impormasyon tungkol sa importansya
nito

This study source was downloaded by 100000824356795 from CourseHero.com on 09-21-2022 05:15:06 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/87673533/SULYAP-SA-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALIN-SA-PILIPINAS-Group-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like