You are on page 1of 19

Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

1
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
2

PROGRAM OUTCOMES

In pursuance of the above-stated mission, the objectives of the College are as follows:

1. Guro na mahusay sa mga proseso ng pag-aaral at mahusay na tumutulong sa mga proseso para sa
magkakaibang mag-aaral sa iba't ibang uri ng kapaligiran;
2. Ang mga gurong maalam na maaaring gumamit ng maraming kasanayan sa pagtuturo sa curniculum
Development, lesson Planning, mga materyal Development, Educational assessment at pagtuturo ng
mga pamamaraan at technolory;
3. Mga guro. na patuloy na sumasalamin sa mga ugnayan sa mga kasanayan sa proseso ng pagtuturo,
ang pagpoproseso ng edukasyon sa mga estudyante, ang katangian ng paksa, at ang mas malawak
na pwersang panlipunan ay nagpapailalim sa mga proseso ng paaralan at edukasyon upang patuloy
na mapabuti ang kaalaman sa pagtuturo, mga kasanayan at mga gawi;
4. Guro na Mastered ang pangunahin at mas mataas na antas ng literasiya, komunikasyon, basikong
pagbilang, kritikal na pag-iisip, pag-aaral ng mga kasanayan na kinakailangan para sa mas mataas
na pag-aaral at maaaring makipag-usap ng kaugnayan sa pampulitika, makasaysayang, panlipunan
at kultural na konteksto
5. Mga guro na maaaring magpakita at magsanay sa mga propesyonal at etikal na hinihingi sa
propesyon; Mga guro na maaaring magpakita at magsanay sa mga propesyonal at etikal na hinihingi
sa propesyon;
6. Ang mga gurong ay maaaring pagkukusa sa maaaring kakayahang patuloy na matuto upang mas
mahusay gampanan ang kanilang misyon bilang mga guro;
7. Ang mga guro na may direktang karanasan sa silid-aralan at komunidad bilang tagamasid, nagtuturo
ng katulong o kasanayan sa guro.

COURSE TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

COURSE DESCRIPTION

Ang Filipino 2 ay nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa kritikal na pagbasa at pagsusuri na


pagsulat sa Filipino bilang kasangkapan sa pagkatuto at pagpapahayag sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya sa makabuluhang pagbabasa, inaasahang malilinang ang
kakayahan ng mga estudyante tungo sa masining na pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa paksang
kanilang napili. Inilakip din ang mga paksang tutulong sa paghubog ng kanilang pagpapahalaga gaya ng
nilalayon sa misyon at bisyon ng paaralan lalung-lalo na yaong may kinalaman sa pagpapahalaga sa
kababaihan, wastong pangangalaga sa ating kalikasan, pagbuo ng kultura ng kapayapaan at katarungan.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
3

COURSE OUTCOMES (CMO)

Sa kursong ito ,ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Mapagbuti at maingat ang kakayahang sa pagbasa at pagsulat ng mga estudyante sa


pamamagitan ng aktivong pakikilahok sa mga gawain sa klase;
2. Mapalawak ang kaalaman at maisagawa ang mga kasanayang panggramatika;
3. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa,pagpapakahulugan,pagsusuri at pagbibigay –halaga
sa mga kursong napakinggan at nabasa;
4. Makasulat nang maayos at mahusay na komposisyon tungkol sa mga paksang
napagkasunduan ng klase;
5. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang malinaw,wasto at mabisa;
6. Mailapat ang maka-Pilipinong oryentasyon sa pag –alam ,pagtaya at pagpapahalaga sa mga
bagay o ideya na may kinalaman sa kultura at lipunang lokal at global;
7. Magamit ang wikang Filipino sa pagpapahalaga at pagpapalaganap ng katotohanan, ng
kahalagahang pantao,at higit sa lahat,ng pagmamahal sa kapwa at sa Poong Lumikha.

Modyul 1

Batayang Kaalaman sa Pagbasa


Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
4

INTRODUCTION

Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag aralan mo ang tungkol sa pagbasa;
ang kahulugan,Uri, Antas ng pagbasa at iba pa.Taglay nito ang ilang aralin,pagsasanay at pagsubok na
sumasaklaw sa mga araling talakayin.Inayos ang mga gawain upang mabigyan ka ng sapat na kahandaan at
kaalaman tungkol sa mapanuring pagbasa. Kailangang mapag-aralan mo ito upang matuto,mahasa at
magamit nang tama sa iyong pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Lesson Learning Outco

PRE-ASSESSMENT

Pagtatapat-tapat; Isulat ang titik ng tamang sagot ng hanay B ng hanay A.

Hanay A Hanay B

_______1. Ginagamit sa paghahambing ng a. Wika


mga sukat at halaga ng aytem

_______2. Ginagamit upang ipakita nang


malinaw ang halaga o bilang b. pagbasa
ng aytem

______3. Ginagamit upang mahusay na


maipakita ang relasyon ng c. graf
bahagi sa kabuuan

______4. Ginagamit upang makita ang


Mga pagbabago at pagsulong d. flow tsart

______5. Maikling paraan ng paglalahad


ng mga kaugnay na impormasyong e. tsart ng organi-
tambilang sasyon
______6. Binubuo ng mga kahon na pinag- f. talahanayan
Uugnay ng mga linya

______7. Ipinakikita ditto ang iba’t g. linya graf


ibang paraan ng paglalahad

______8. Sistematikong paglalarawan ng h. pasirkukulong


mga datos na estatistikal. Graf o pie graf
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
5

______9. Pagtuklas ng kahulugan ng mga


salitang nakalimbang i. piktograf
_____10. Tinatawag din ang teoryang ito ayon
kay McCarthy (1999) na data j. Bottom-up
driven/outside-in.

MODULE MAP

Bottom-up

Top down

Teorya ng Pagbasa Interaktiv

Iskema

Metakognisyon
Pagbasa

Primarya

Mapagsiyasatat

Kaantasan sa Pagbasa

Analitikal

Sintopikal

graf

Pagbasa ng
talahanayan
graf,Talahanayan, at tsart

tsart

Naglalaman ng mga paksang nais ipabatid sa mga mag-aaral; makikita ang iba’t ibang teorya sa
pagbasa, kaantasan sa pagbasa at sa pagbasa ng graf,talahanayan at tsart

Module Learning Outcomes

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito,inaasahang :

1. natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa ;


2. nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Iskiming at Iskaning na pagbasa;
3. nalalaman kung papaano ang pagbasa ng graf,talahanayan at tsart;
4. nakikilala at nailalahad ang mga kaantasan ng pagbasa.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
6

CONTENT

ENGAGE Pagbuo ng ideya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang ibig sabihin ng Pagbasa?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

2. Bakit mahalaga ang Pagbasa sa buhay ng mag-aaral?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

3. Nakatutulong ba ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin sa buhay ng isang tao? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________.

4. Naniniwala ka bang nararating ng isang tao ang mga lugar na nais nyang marating sa
pamamagitan ng pagbabasa? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________.

EXPLORE Pagsusuri sa kakayahan sa pagbasa

Paghihinuha sa batayang konsepto tungkol sa pagbasa

Panuto: Pagkatapos basahin at unawain ang binasa, sagutan ang mga katanungan na nakasulat sa ibaba.

A. Pagbasa
, "Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong
nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

1. Ang mga elementong nakikita sa larawang nasa itaas , paano mo palalawakin ang mga ito?
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
7

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______.

1. Teoryang Bottom-Up.
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na Teoryang
Bottom-up na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa
pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nagbibigay pokus sa kapaligiran sa
paglinang ngkomprehension sa pagbasa.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng


isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas
(up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
8

2. Ang teoryang Kognitiv o Top-down

ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang


dating kaalaman at karanasan . Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay
nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng
impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang teoryang Itaas baba o “Top-Down” ay naniniwalang ang pag-unawa aynagmumula sa


isipan ng mambabasa na mayroon nang dating kaalaman at karanasan.
▪ Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungosa
teksto (Smith, 1994).
▪ Ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman at kaalaman nanabubuo ng
kaynang isipan batay sa kanayang pananaw sa paligid, upangmakabuo ng idea na
maiuugnay nito sa teksto.
▪ Ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan kung saan
angmambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upangmaunawaan
ang binabasa.

3.TEORYANG INTERAKTIBO

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon
ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan


ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-
unawa sa teksto.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
9

Ang teoryang interaktibo na ayon kay Mc Cormick (1998) ay ang combinasyon ng dalawang teorya
ang bottom-up at top-bottom sapagkat ang proseso ng komprehension ay may dalawang direksyon,
samakatuwid nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at mambabasa.
.
Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang
mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating
kaalaman (schema) at mga pananaw.

4. skema/Schema

Ayon kay Pearson (1987), ang iskema o schema sa wikang Ingles ay isang proseso ng pag-uugnay
ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa pagkabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa.

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam
na o hindi alam ng mambabasa.
· Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at
Pearson, 1984).
· Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.
· Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

5.Metakognisyon

Metakognisyon naman ang tawag sa teoryang itinuturing na isang kognitib ang pagkatuto. Kapag
sinabing kognitib ito'y may kinalaman sa paggamit ng kaalaman o knowledge, may kinalaman din ito sa
pagkakaroon natin ng skills at kakayahang kontrolin ang mga skills na ito
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
10

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay


tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito
rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong
kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang
kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong


malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa
halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang
control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Sa iba’t ibang teorya ng pagbasa, Alin sa palagay mo ang mas epektibo sa pagpapaunlad at
mabilisang pagbasa na may pagkakatuto?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
____________________.

Kaantasan sa Pagbasa

❖ Primaryang Antas

Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin,
dinedevelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
11

paaralang
elementarya. Sa
primarya, wika
ang pokus. Ang
pagkilala sa
aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa.

❖ Analitikal na Antas

Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing


mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng
malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid,
sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan
ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan

❖ Mapagsiyasat na Antas

Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa limitadong oras ang
pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay babasahin kundi ang superfisyal o
espisipiko na kaalaman lamang. Ang kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?,
Anu-ano ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Nobela ba? Diskurso ba?.
Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming.

- Sa antas na ito, nauunawan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng


impresyon dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa
isang teksto upang matukoy kung kakailanganin at kung maaari itong basahin nang mas malalim.

Maaring gamitin ang skimming sa antas na ito. Tinitingnan ng mambabasa ang;

1. Titulo

2. Heading

3. Subheading

❖ Sintopikal na Antas
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang kailangan sa antas na ito.
Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
12

Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri,
makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang
nakukuhang benepisyo.

Tukuyin ang lahat ng gustong pag-aralan, Tukuyin kung ano ang


mahahalagang bahagi n may kinalaman sa pokus ng iyong pinag-
aaralan.

Tukuyin mo ang wika at tukuyin ang mga termino(significant of


terms). Pagkatapos mong matukoy ang wika at termino, gagawa
ka ng sarili mong konklusyon.

Sa mga binasa mo, may naiiwang mga tanong.

Lumilitaw ang isyu kung kapakipakinabang at makabuluhan ang mga


katanungan. Kung di mo naunawaan ang binasa, hindi ka makagagawa
ng sariling konklusyon dahil hindi mo binasa(walang malalim na pag-
unawa at pagpapaliwanag).

Patukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na antas ng pagbasa.


Palaging kwestunable ang katotohanan; sa diskurso, sa eksperto, sa
sarili. Mayroong sariling pagpapaliwanag.

UPANG MAKAMIT ANG ANTAS NG PAGBASA


• Tukuyin kung saang larangang nakapaloob ang teksto.
• Pagbabalangkas
• Tukuyin ang suliranin na tinatangkang gustong bigyang linaw ng may akda.
• Pag-unawa sa mga salitang ginamit.
• Sapulin ang mahahalagang proposition ng may akda.
• Tukuyin sa kung nasagot ang mga katanungan sa suliranin.
• Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkamali, nagkulang o naging elohikal ang pagpapaliwanag
ng may akda.

Ang mga Teknik sa Pagbasa

Ang mga sumusunod ang pinakakaraniwang gamiting teknik sa pagbasa:


Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
13

1. Iskiming

Isang teknik ito ng pabasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung
dapat o di-dapat basahing mabuti. Gayundin, kung hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa
nilalamang informasyon ng materyal na magagamit sa isinasagawang proyekto na siyang nilalayon sa
pagbasa.
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na
maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

2. Iskaning

Tulad ng iskiming, isa rin itong mabilisang teknik ng pagbasa na naglalayong makakuhaagad ng
kasagutan sa ispisipikong katanungan,kaya'y matagpuan kaagad ang susing salita, kung hindi naman, ang
mensahe ng isang babasahin. Ispisifikong informasyon tungkol sa isang babasahin ang partikular na
hinahanap sa pag-iiskan.
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di
binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang
binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
14

Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.

Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng
palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang
kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang
ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa
paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.

PAGBASA NG GRAF, TALAHANAYAN


AT TSART

GRAF

Mapamaraang ilustrasyon ito ng mga data na istatistikal na may layuning ipakita ang ugnayan ng
mga guhit at tambilang sa paksang tinatalakay. Tinatawag na graf ang sistematikong paglalarawan ng mga
datos na istatistikal. May layunin itong maipakita sa madaling paraan ang mahahalagang kaisipan o ideya.

Ang Mga Uri ng Graf

1. Piktograf - ginagamit upang ipakita nang malinaw ang halaga o bilang ng aytem.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
15

2. Bar Graf - ginagamit sa paghahambing ng mga sukat at halaga ng aytem.

3. Pasirkulong Graf o Pie Graf- ginagamit upang mahusay na maipakita ang relasyon ng bahagi sa
kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento, proporsyon o fraksyonal.

4. Linya Graf -dimensyon.


Linyang vertikal - nagpapakita ng bilang o halaga faktor.
Linyang horisontal - nagpapakita ng taon o ibang
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
16

TALAHANAYAN

Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga kaugnay na impormasyong tambilang. Ang mga paksa at
bilang av maayos na inihahayag sa kolum upang mabilis na mabasa at makagawa ng paghahambing.

Tsart
Ay isang grapikal na representasyon ng datos, kung saan “ ang datos ay kinakatawan ng mga
simbolo, tulad ng mga bar tsart, o mga linyang tsart, o mga hiwa sa isang pie tsart.

Hal.
Manedyer

Superbisor Superbisor superbisor

EXPLAIN: PAGPAPALALIM NG PAG-IISIP


Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
17

Aktibidad sa Pagpapayaman ng Paksa


Tagubilin: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.

1. Paano nakatutulong ang pagbabasa sa mga mag-aaral?


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

1. Sa pagbasa sa antas ng Tersyarya, nagkakaroon ng iba’t ibang proseso ang pagbasa, alin sa
palagay mo ang pinoproseso ang paggamit ng sabay-sabay na mga impormasyong nagmula sa iba’t
ibang pinagkukunan? Paliwanag?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________.

2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Iskiming at Iskaning na pagbasa?

Pagkakaiba Pagkakatulad

3. Ayon sa larawang nakikita sa Piktograft, Paano nakaaapekto ang edukasyon sa pandemyang


naranasan ng ating bansa?

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____.

4. Sa Bar graf, ano sa palagay mo ang dahilan ng pagtaas ng bilang mga populasyon sa ating bansa?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________________________________.
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
18

5. Ano ang ipinahihiwatig ng iba’t ibang sukat ng bilugang graf?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________________________________.

6. Bigyan ng interpretasyon ang linya graf na nakikita sa larawan sa itaas.


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________________________________________.

7. Ano ang nais ipahiwatig ng Talahanayan?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

8. Sa anong paraan nagpapakita ang tsart sa isang tanggapan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__.

9. Bigyan ng interpretasyon ang linya graf na nakikita sa larawan sa itaas.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
______________.

TOPIC SUMMARY Mga paksang natalakay

Sa modyul na ito natatalakay :


• Kahulugan ng pagbasa- nagsisilbing komunikasyon ng manunulat sa mambabasa Pinipilit ng isang
mambabasa na makuha ang kaisipang nais iparating ng manunulat.
• Mga Teorya ng pagbasa- Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon.
• Kaantasan ng pagbasa- ito ang kasanayan sa pagbasa mula sa elementarya panimula,
mapagsiyasat, analitikal hanggang sa sintopikal na pagbas.
• Mga Teknik sa pagbasa- Iskaning na pagbasa paghanap ng partikular na impormasyon sa loob ng
anumang basahin sa pamamagitan ng paglaktaw-laktaw na pagbuklat ng material
Module 1 - TITLE Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
19

Iskiming na pagbasa- pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon
• Pagbasa ng Graf- Ang paggamit ng graf, talahanayan at tsart ay makatutulong upang maging
malinaw, maayos at maagham ang pagtalakay ng paksa • Sa mga mambabasa, ito ay makatutulong
upang mapabilis ang pag-unawa at makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga inilahad na
kaisipan.

REFERENCES

Jose A. Arrogante et Al.(2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


National Book Store, Mandaluyong City

https://prezi.com/z8_zehhlskc7/mga-teorya-sa-pagbasa/
https://www.slideshare.net/FlordelizaMagno/kasanayan-sa-pagbasa

You might also like