You are on page 1of 7

4

MAPEH (MUSIC)
Learning Activity Sheet
Quarter 1 – MELC 2 Week 2&3
Nakakabasa ng iba’t-ibang
rhythmic patterns

REGION VI – WESTERN VISAYAS

RO_Q1_Music 4_LAS 2
MUSIC – 4
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Markahan: Nakakabasa ng iba’t-ibang rhythmic patterns (MU4RH-Ic-3)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas Ng Kagawaran ng Edukasyon,


Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang MUSIC - 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Manunulat: Annie S. Ballesteros
Editor: Victoria J. Pido
Tagasuri: Razil Grace R. Caldino, MAPEH Coordinator (District of Murcia-I)

Tagaguhit ngTakip: Charles David H. Beare


Tagalapat: Othelo M. Beating, Raulito D.Dinaga
Tagapamahala: Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Althea V. Landar
Marsette D. Sabbaluca
Lynee A. Peñaflor / Salvacion J. Senayo
Zaldy H. Reliquias
Raulito D. Dinaga
Victoria J. Pido
Othelo M. Beating

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
i
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang MUSIC 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools Division of Negros
Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 –
Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan
ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang MUSIC 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MUSIC 4 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan


ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

ii
Learning Activity Sheets (LAS)
Pangalan______________________________________________________
Grado at Seksyon:______________________ Petsa:_________________

GAWAING PAGKATUTO SA MAPEH 4 (Music)


Pagbasa ng iba’t-ibang rhythmic pattern

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakakabasa ng iba’t-ibang rhythmic patterns (MU4RH-Ic-3)

II. Panimula
2
Ang simple meter na dalawahan ay tinatawag din na 4Time signature.
May dalawang bilang ang bawat sukat. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o
galaw na pag martsa. Ang bilang nito ay 1-2|1-2|1-2|. Napapangkat ang mga
bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng patindig na linya o barline.
3
Ang simple meter na tatluhan ay tinatawag din na 4 time signature. May
tatlong bilang bawat sukat. Ang bilang nito ay 1-2-3|.
Ang rhythmic pattern/hulwarang ritmo na ito ay karaniwang sinasabayan
ng sayaw na balse o waltz.
4
Gayundin ang apatan, tinatawag din itong 4 time signature. May apat na
bilang bawat sukat. Ito ay 1-2-3-4|. Ang pinagsasama-samang mga nota at
pahinga sa bawat sukat na may apat na kumpas ay tinatawag na rhythmic
pattern/hulwarang ritmo.
Ang Hulwarang Ritmo o rhythmic pattern ay ang pinagsasama-samang
mga nota at pahinga na binuo ayon sa nakasaad na palakumpasan/time
signature.

1 RO_Q1_Music 4_LAS 2
III. Mga Sangunian

Kagamitan ng mag-aaral sa Musika at Sining 4, p.19-30


Patnubay ng Guro sa Musika at Sining 4, p. 19-28

IV. Mga Gawain

A. Gawain 1

Tingnan ang nakasulat na numero at salitang and sa ilalim ng bawat


nota at pahinga, ito ay ang kumpas ayon sa simple meter na kinalalagyan
nito. Basahin o bigkasin ang mga numerong ito sabayang tamang kumpas ng
bawat nota at pahinga sa bawat simple meter.

2 RO_Q1_Music 4_LAS 2
B. Gawain 2

Tingnan ang sumusunod na mga palakumpasan na may angkop na


hulwarang ritmo. Basahin ito at ipalakpak mo ang bawat nota at tahimik
lamang sa pahinga habang binibigkas mo ang pantig-silaba. Tandaan,isang
nota, isang palakpak lang.

C. Gawain 3

Isulat sa ilalim ng bawat nota ang katumbas na pantig silaba. Basahin


ito kasama ng miyembro ng pamilya.

3 RO_Q1_Music 4_LAS 2
V. Repleksiyon

Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag-unawa sa


aralin?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

VI SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain 3

4 RO_Q1_Music 4_LAS 2

You might also like