You are on page 1of 8

SPIEL FOR INVESTITURE

PROGRAM

EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa
Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga Scouts na
pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew


Leader at ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko


ang itatalagang Scout na si
________________________________. (Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit


ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas
ng itatalagang scout na si
_________________________________. Sususndan ng CALABARZON March na
ikukumpas ni__________________________,
at Himno ng Batangan na ikukumpas______________________________.
Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si
_______________________________. (Panunumpa)

Maari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating


masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan ang

1
programang ito, narito ang punongguro na si Bb. Jocelyn F. Macaspac para sa
pambungad na pananalita. Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan

Maraming salamat po Bb. Jocelyn F. Macaspac

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Kid Scout


Pagtatalaga ng mga Kid Scout
Troop Leader: Inaanyayahan na magsitayo ang mga Kid Scout para sa pagbigkas ng
Panunumpa at Batas ng Kid Scout. Pangungunahan ng batang Kid Scout na si
__________________________

ANG PANGAKO AT BATAS NG KID SCOUT


Ang aking pangako/mahalin ang Diyos/at ang aking bayan
Maging masunurin/at mabuting bata/sa tahanan/at saan man

 Paglalagay ng Neckerchief
Tinatawagan si (Speaker) para sa pagtatalaga ng mga scout at paglalagay ng
neckerchief
Tinatawagan kop o ang mga ninong at ninang ng mga batang ito.
(Ikokongratulate)..Ngayon ay isa na kayong batang kid scout

Ngayon ay susundan naman natin ang pagtatalaga sa mga

PAGTATALAGA NG MGA KAB SCOUTS


Kawan Leader: Ang araw na ito’y, mahalagang araw. Dapat na matangi sa diwa’t isipan. Sa bata, sa ama, sa ina’t
magulang. Ang araw na ito’y dakila’t marangal. Ito’y siyang araw ng kanilang pagsumpa.

Sa kilusang ito na dinadala


Sila’y nangangako na isasagawa
Pagtupad sa pangako sa abot ng diwa

Sa kanyang Bathala’t bansang Pilipinas


Sa kanyang kapatid, magulang na liyag,
Manunumpa silang lalaging tapat,
Sa kanyang kapwa, sa lahat ng oras

Isang KAB scout na kumakatawan


Sa kanyang kapatid dito sa kilusan
Ang unang kandila’y kanyang sisindihan
Hudyat ng pagsumpa, ngayo’y sisimulan

KAB Scout A: (Ang puting kandila ay sisindihan)


Kaputian nito’y nagpapaalala
Araw na nagdaay di dapat maaksaya
Tumpak na gawain ang gawin tuwina
Upang sa buhay tayo’y lumigaya
Iyan ang kahulugan ng putting kandila
Na siya Pangako naming mga bata
Na aming gagawin yaong magagawa,
Sa abot ng kaya, sa abot ng diwa

KAB Scout B: (Ang pulang kandila ay sisindihan)


Kahulugan nito’y laging mahalin
Ang Diyos, ang Bayan, ang lahat lahat
Aming kapwa’t magulang na liyag
2
Iibigin sila sa lahat ng oras

Kulay na pula, sagisag ng pagmamahal


Sa Diyos, at sa bayan naming inaalay
Ito’y isang sangkap ng murang isipin
Kapag inugali’y mahalagang yaman

KAB Scout C: (Ang bughaw kandila ay sisindihan)


Kulay bughaw ang isinasagisag
Sa pagkakandila’y may dalang pahayag
Tayo ay sumunod, tayo ay gumanap
Sa atas ng batas, sa lahat ng oras

Ang bughaw ay isang kulay na dakila


Ikatlong kulay ng ating bandila
Katarungan kulay ng mayaman at dukha
Nitong Pilipinas, Bayan nating mutya

(Tatlong KAB Scout ang magpapaliwanag ng kahulugan ng tatlong kandila)

KAB Scout D: Ang unang kandila ang sinasagisag. Tayo’y sumunod sa atas ng nakatatanda.
KAB Scout E: Ang pangalawang kandila naman ay sumasagisag sa pagsulong ng Kawan.
KAB Scout F: Ang pangatlong kandila’y nagsasabing tayo’y magsikap na maging kapaki-pakinabang

Kawan Leader: Diyan nabubuo ang tatlong salita:

Batas ng KAB Scout na lubhang dakila


Ito’y di mahirap na masunod ng bata
Matututuhan din habang ginagawa

Iyang mga bata ay dapat imulat


Sa gawang mabuti, sa lahat ng oras
Sapagkat kung ito’y tumanda nang ganap
Pinagkatandaa’y mahirap makatkat

Gayon din ang kahoy habang ito’y bata


Hubugin sa ayos habang ito’y mura
Kung ito’y lumaki, tumaas, tumanda
Ano ang hutok mo’y di na magagawa

-Pagsambit ng Panunumpa ng Batas ng KAB Scout na pangungunahan


ni………………………………………………………….
(speaker) twag para sa pagtatalaga,panyo
--Pagsasabit ng panyo at pagsusuot ng gora ng mga ninong at ninang sa mga Kab Scout
-Pagbati ng Troop Leader sa mga Kid Scout. “Kayo ngayon mga bata ay ganap ng mga Kid Scout, binabati
ko kayo”

3
Ngayon ay dadako naman tayo sa ng pagtatalaga junior at Senior Scouts na
pangungunahan ng ating Outfit Adviser na si ________________

_________:Tinatawagan ko si ____________ na tawagin ang mga itatalang Scout.

_________: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

__________: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais
na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Mam, Yes Mam!!!

________: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa


OLLSB at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay ang isang
nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa diwa ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay


nag bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay
maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng
kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming bagay
patungkol sa diwa ng scouting. Ang Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan
ni _____________________________________

(bigkasin ng mga participants ang Scout Oath and Law)

(Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng


Scouting kasunod ang 12 na candila na simbulo ng labing dalawang puntos ng
Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan ng isa isa pagkatapos
sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.
Ang 3 scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

4
SCOUT A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko
ang buong makakaya; Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan;
ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag
aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at maganda
reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na
mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa
iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan


na gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin
ito ay dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa
ng buong makakaya ay isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa
pinakamahusay na antas sang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na nanalig sa


Diyos. Di man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon
may tayo’y isa sa pag titiwala at paniniwla sa puong may kapal, na ating Diyos at
Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at
sumunod sa kayang kautusan na naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon.
Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupdin ang
tungkulin para sa ating Diyos.

SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na


sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;

sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan pangako sa


scouting- kailangan natin ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang
labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali
habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na
kayo’y mag pasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang
scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa
mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang
mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng
paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.

SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya;


Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.
(sisindihan ang kanang kandila).

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging
malinis at ang kalusugan sa ating paaralan na kung ito ay masusunod matutulungan
nito tayong maging malusog at maligaya sa

5
buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alerting isipan at ng
kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at maglakas
ang inyong pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng


alertong at matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal na lakas
lamang; kailangan niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang kanyang
pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at handing tumugon sa anumang
pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang asal. Ang
kanyang asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang kanyang isip, salita at gawa ay
laging nag papakita ng wastong asal.
(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

EMCEE: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng


katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay
bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.

Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya,


mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.

Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.
Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat.


Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa
sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa
kanya.

Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa


man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag - uugali ay daan sa
magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas
ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba
sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na
walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin


ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang
pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa
matiwasay na pamamaraan.

Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas


na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga
tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

6
Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang
kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap.
Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya
sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na
humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa
mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring
panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at
pamayanan.

Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya.
Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

B. Donna: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng


Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin at labing
dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Mam, Yes, Mam!”

Emcee: Nawa ay si buhay ninyo mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga
magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang anak o
aanakin, sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.
Tinatawagan ko ang inyong SCL upang pangunahan ang Scout code. Ron: Ako

po ang maguuna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;
I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines,
especially my rights and obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighbourhood,


community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy were
won by hard work, sacrifice, clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next


generation.

7
Emcee: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po ang namin
kagalang-galang na Punongguro na siya ring ating Punong Institusyunal na italaga na
ang mga bagong iskawt.

Ms. Joy : Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob sakin ng Boyscout of


the Philippines bilang Punong Institusyonal ng OLLSB. Itinatalaga kayo bilang
Opisyal na miyembro ng Boyscout of the Philippines.

Ms. Joy: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief
sa leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

Ms. Joy: Malugod naming kayong tinatangap sa pamilya ng scouting. Maraming


maraming salamat po.

Maraming salamat ______________. Bigyan po nating muli nang matunog na


pagpugay ang mga bagong itinalagang scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si ____________________, upang magbigay


ng hamon at inspirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming salamat po, ___________. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong


mga salita upang pagibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang Awit ng Scout sa pangunguna ni


____________________________________.

Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si __________

Maraming salamat, _______________. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa


paglabas ng mga kulay kasunod ang mga Scouts at ang mga pinuno ng ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Our Lady of Lourdes School of Bauan


Inc. sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang
magandang umaga sa inyong lahat.

Paalala po sa mga makikilahok sa Institutional Camping and Team Building, kayo ay


inaasahang narito na sa paaralan sa ganap na ala-dos ng hapon. Kita-kits!

You might also like