You are on page 1of 2

Internet ang pinakamadaling mapagkunan ng mga impormasyon kaya hindi

nakapagtatakang marami ang kumukuha ng impormasyon dito nang walang angkop na


pagkilala sa may-ari. Hindi maiiwasang kumuha ng impormasyon sa internet ngunit hindi
pinahihintulutan ang sinuman na kumopya ng gawa ng iba nang walang angkop na pagkilala.
Ang pananaliksik ay hindi lamang isang paraan ng pangangalap ng mga datos at impormasyon.
Sa pananaliksik ay mayroong mga etika ang sinusunod, ngunit ang mga etikang iyon ay hindi
lamang nagagamit sa pananaliksik kundi sa iba’t-ibang uri ng papel. Sa panahon ngayon ay
halos lahat ng sagot sa katanungan ay makukuha sa internet o google, hindi na nila
namamalayan sila ay lumalabag sa mga etika ng pananaliksik o resirts, at hindi alam kung ano
ang dapat gawin kapag kukuha ng impormasyon. Hindi maiiwasang kumuha ng impormasyon
sa internet ngunit hindi pinahihintulutan ang sinuman na kumopya ng gawa ng iba nang walang
angkop na pagkilala.

Bilang isang faculty mentor, hindi ako magdadalawang-isip na kausapin siya nang
pribado at itama ang kaniyang pagkakamali dahil ang kaniyang nagawa ay labag sa etika ng
pananaliksik. Sa pamamagitan ng mahinahong pagpagpapaintindi sa kaniya tungkol sa
kaniyang nagawang pagkakamali ay mas maipapaliwanag sa kaniya nang maayos ang etika ng
pananaliksik na “respeto sa pagmamay-ari ng iba” nang sa gayon ay maunawaan niya nang
maayos ang dapat at hindi dapat gawin. Ang pagpapaalala sa mga mag-aaral tungkol sa
plagiarism at iba pang etika ng pananaliksik o resirts ay isang paraan upang maiwasan nila ang
pagkopya ng mga ideya o impormasyon sa internet nang walang angkop na pagkilala sa may-
ari. Isa sa maaaring gawin upang ma-monitor ang kaugalian ng mga mag-aaral pagdating sa
usaping plagiarism ay ang pagbabasa nang maigi ng kanilang ulat at alamin ang mga posibleng
nilalaman ng teksto na galing sa internet at hindi binago ang mga salita. Ang pagtuturo ng mga
etika ng pananaliksik ay isang paraan upang maunawaan ng mga mag-aaral ang maaari at
hindi maaaring gawin sa pangangalap ng impormasyon at ang mga posibleng epekto kapag
hindi nasunod ang etika. At kung sakaling sila ay lumabag sa etika na ito, sila ay kausapin nang
mahinahon sa isang pribadong lugar. Sa pamamagitan nito, matututo ang mga mag-aaral sa
kung ano ang mga gawaing dapat iwasan sa pangangalap ng impormasyon. Ang paraang ito ay
tiyak na hindi makapipinsala sa kanilang career.

Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga etika sa resirts upang madisplina sila
at magkaroon ng kamalayan tungkol sa etika ng resirts. Ang pagsunod sa etika ng pananaliksik
ay hindi lang basta kinakailangan sa paggawa ng mga ulat, proyekto at iba pang uri ng teksto,
bagkus ito ay disiplina upang maging gabay sa paggawa ng pananaliksik o resirts.
Mahalangang malaman at maunawaan nang mabuti ang mga panuntunan at etika ng resirts
upang maiwasan ang mga hindi etikal na gawain. Maging maingat sa mga kinukuhang
impormasyon galing sa internet. Mahalaga ang paglalagay ng angkop na pagkilala o paggamit
ng quotation dahil isa ito sa mga etika ng resirts at ito rin ay nagpapakita ng pagalang sa may-
akda.

You might also like