You are on page 1of 16

Filipino 8

Ikaapat na Markahan – Modyul 3:


Florante at Laura (Kay Selya at Sa
Babasa Nito)
Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Florante at Laura (Kay Selya at Sa Babasa Nito)

Unang Edisyon, 2021


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang

paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran .

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Mylene E. De Guzman

: Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya


Editor

: Ferdinand A.Torres, Melchora N. Viduya


Tagasuri
Roberto Z. Barongan, Magdalena C. Manaoat
Helen O. Custodio, Catalina H. Gasillan, Wilma G. Macatbag

Tagaguhit : Amado II A. Caragay


Michael Lorenz J. Roy

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)


8
Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Florante at Laura (Kay Selya at
Sa Babasa Nito)

i
Paunang Salita

Ang Florante at Laura na bahagi ng modyul na ito ay buong-ingat na binuo ng


mga may-akda upang malinang at maisabuhay ng mga mag-aaral ang katuparan o
kasagutan sa apat na himagsik ni Francisco “Balagtas” Baltazar na masasalamin sa
kanyang walang-kamatayang awit na Florante at Laura; ang himagsik labang sa malupit
na pamahalaan, ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, ang himagsik
laban sa mga maling kaugalian, at ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino sa obra maestra ni Balagtas gamit ang modyul
na ito ng Florante at Laura ng para sa ikawalong baitang ay hindi lamang nila
mauunawaan ang literal na kahulugan ng awit kundi higit sa lahat ay maiuugnay nila
ang bawat pangyayari sa binasa sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa at ng mga
Pilipino. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa nag bawat istandard at
kompetensing itinadhana ng K to 12 Dokumentong Pangkurikulum sa Filipino ng
Kagawaran ng Edukasyon ay tiniyak ng mga may-akdang magiging hitik ito sa
pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang nag
pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at nakapaghahanda sa mga mag-aaral
sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay. Higit sa lahat, ang mga pagsasanay na
inilaan sa bawat aralin ay tumutugon sa mga pagtatayang nakapaloob sa Most
Essential Learning Competencies na lubhang mahalaga upang maging ganap at
makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at makapaghahanda sa kanila sa mga
hamon ng totoong buhay. Pinagaan din ang paglalahad ng mga kabanata kung saan
ang magkakaugnay na kabanata o bahagi ay pinag-isa na lamang sa isang aralin
upang higit na maging ganap o buo ang pagkaunawa ng mga mag-aaral.

ii
Aykons sa Modyul

Ang parteng ito ay naglalaman ng mga


kasanayang pampagkatuto kailangang
Alamin matamo ng mag-aaral.

Dito masusukat ang mga natutunan


mo na sa paksang tatalakayin.
Subukin

Sa parteng ito, mababasa/malalaman


ang ikokonektang talakayan sa
Balikan paksang natalakay.

Paunang gawain o paglalahad ng


paksa.
Tuklasin

Pagpapalalim ng kaalamang natutunan


sa paksang tinalakay.
Suriin

Karagdagang kaalaman at mga


kasanayan/ gawain na magbibigay
Pagyamanin katuturan para sa dagdag
impormasyon
.
Gawaing ginawa para maproseso ang
mga natutunan sa paksa.
Isaisip

Mga gawaing mag-uugnay sa tunay na


Isagawa buhay ng mga mag-aaral.
(Performance task)

Maikling pasulit dito nasusukat ang


pag-unawa ng mag-aaral sa paksang
Tayahin tinalakay.

Karagdagang Gawain sa pagpapalawak


ng aralin.
Karagdagang Gawain

iii
Modyul 3 Florante at Laura: Kay
Selya at Sa Babasa Nito
Ikaapat na
Markahan

Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahan na 80% ng mga mag-aaral ay mapauunlad ang


kakayahang umunawa sa binasang teksto at inaasahang

A. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.


F8PB-IVc-d-34
B. Natutukoy kung ano ang hinahanap na kahulugan ng mga salitang
nasalunguhitan sa bawat pangungusap.

Handa ka na ba? Madali lang ang araling ito. Basta’t basahin mo lang mabuti ang
mga panuto at intindihing mabuti. Medyo may mga malalalim lang na salitang ginamit si
Francisco Baltazar sa kaniyang Awit subalit tiyak na hindi ka mahihirapan sapagkat
gagabayan ka ng modyul na ito.

Paano matuto gamit ang modyul na ito

Para matamo ang mga layunin sa itaas, kailangan lang ay sundin ang sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at
pag-unawa sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa bawat gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat na mga gawain at pagsusulit na inihanda.

4. Maging tapat at gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit


ng modyul.

1
Subukin
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang at isulat sa


patlang kung ito ay tama o mali base sa kung ano ang dapat mong gawin o ikilos sa
bawat sitwasyon.

______1. Sa panahong nakararanas ka ng dusa at hinagpis ay dapat kang manalig sa


Diyos.
______2. Kapag nakaranas ng matinding pagsubok o problema, ang ilan ay
nananatiling positibo at idinadaan na lamang sa pagsusulat, paglikha ng tula o awitin
______3. Mainam ding alalahanin ang mga masasayang araw na lumipas imbes na
magmukmok sa isang sulok.
______4. Kailangang sumunod sa mga tagubilin upang malayo sa tiyak na
kapahamakan.
______5. Ang tunay na pagkatao ng isa ay makikita na sa kaniyang panlabas na anyo
pa lamang.

Balikan

Marami ang ginamit na matatalinghagang pananalilita sa Florante at Laura ni


Francisco Balagtas. Isa sa uri nito ay ang tayutay. Sa nakaraang aralin, ano ang tayutay
at mga uri nito?

Tuklasin

Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi: Ang pag-aalay ni


Francisco Baltazar Kay Selya; ang tulang patungkol Sa Mga Babasa ng kaniyang
akda; at ang pinaka- simula ng kaniyang awit hanggang sa katapusan - ang Puno ng
Salita.
Sa modyul na ito, ang dalawang unang bahagi muna ang ating tatalakayin at
pag-aaralan.

2
Kay Selya
1. Kung pagsaulan kong basahin sa isip 5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang nangakaraang araw ng pag-ibig, ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
may mahahagilap kayang natititik nagdaang panaho’y inaalaala,
liban na kay Selyang namugad sa dibdib? Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

2. Yaong Selyang laging pinanganganiban, 6. Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


baka makalimot sa pag-iibigan; kusang inilimbag sa puso’t panimdim
ang ikinalubog niring kapalaran nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
sa lubhang malalim na karalitaan. at ‘di mananakaw magpahanggang libing.

3. Makaligtaan ko kayang ‘di basahin, 7. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


nagdaang panahon ng suyuan namin? sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
kaniyang pagsintang ginugol sa akin sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

4. Lumipas ang araw na lubhang matamis 8. Di mamakailang mupo ng panimdim


at walang natira kundi ang pag-ibig, sa puno ng manggang naraanan natin;
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip. ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

9.Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik 17. Selya’y talastas ko’t malabis na umid
sa buntung-hininga nang ika’y may sakit, mangmang ang musa ko’t malumbay ang
tinig;
himutok ko noo’y inaaring-Langit, di kinabahagya kung hindi malait,
Paraiso naman ang may tulong-silid. palaring dinggin mo ang tainga’tisip.

10. Liniligawan ko ang iyong larawan 18. Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
sa Makating ilog na kinalagian; na inihahandog sa mahal mong yapak;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan, tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan. nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

11. Nagbabalik mandi’t parang hinahanap, 19. Kung kasadlakan man ng pula’tpag-
ayop
dito ang panahong masayang lumipas; tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
na kung maliligo’y sa tubig aagap, kung binabasa mo’y isa mang himutok,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. ay alalahanin yaring naghahandog.

12. Parang naririnig ang lagi mong wika: 20. Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
“Tatlong araw na di nagtatanaw-tama.” Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
At sinasagot ng sabing may tuwa: kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
“ Sa isa katao’y marami ang handa.” ng lubhang mapanglaw na Musakong imbi.

3
13.”Anupa nga’t walang di nasisiyasat 21. Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; tonohan ng lira yaring abang awit
sa kagugunita, luha’y lalagaslas, na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
sabay ang taghoy kong “O,nasawing palad!” tapat na pagsinta’y hangad nalumawig.

14. Nasaan si Selyang ligaya ngdibdib? 22. Ikaw na bulaklak niring dilidili,
ang suyuan nami’y bakit dilumawig? Selyang sagisag mo’y ang M. A.R.
nahan ang panahong isa niyang titig sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang siyang buhay ko, kaluluwa’tlangit. ang tapat mong lingkod na si F.B.

15. Bakit baga noong kami’ymaghiwalayay


di pa nakitil yaring abangbuhay?
kung gunitain ka’y akingkamatayan,
sa puso ko Selya’y di kamapaparam.

16.Itong di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’ytumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

Buod:

Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na


kung paano niya ipinaglaban ang pag–ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag
niyang Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila
ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni
Selya. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na
kalungkutan. Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni
Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat
nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-
ibig.

SA BABASA NITO

1.Salamat sa iyo, O nanasang irog, 4.Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
kung halagahan mo itong aking pagod, bago mo hatulang katkatin at liko,
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos, pasuriin muna ang luwasa't hulo,
pakikinabangan ng ibig tumarok. at makikilalang malinaw at wasto.

2.Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap 5.Ang may tandang letra alinmang talata,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat 'di mo mawatasa't malalim na wika,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap, ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
masasarapan din ang babasang pantas. buong kahuluga'y mapag-uunawa.

3.Di ko hinihinging pakamahalin mo, 6.Hanggang dito ako, O nanasang pantas,


tawana't dustain ang abang tula ko; sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo sa gayong katamis wikang masasarap
ay huwag mo lamang baguhin ang berso. ay sa kababago ng tula'y umalat.
4
Buod:

Nagpasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay
parang bubot ba prutas sa unang tingin, ngunit masarap kapag ninamnam. kung iisipin
ang kanyang akda ay isa lamang kathang isip, ngunit kung ito ay susuriin may iba itong
ibig sabihin at may ibang nilalaman. hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang
kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng
pahina at may paliwanag doon. sa ibabang bahagi ng aklat ay mayroong talasalitaan.
ipinakiusap din niya na huwag babaguhin ang mga salita upang mapanatili ang totoong
kahulugan at totoong mensahe ng kanyang akda.

Suriin
Ang KAY SELYA ay tungkol sa pagbabalik- tanaw ni Francisco Baltazar kay
“Selya”, ang babaeng minahal niya nang labis subalit naging dahilan din ng
pinakamalaki niyang kabiguan sa pag-ibig. Inaalala nya rito ang matatamis na sandali
ng kanilang pag-iibigan, subalit tulad ng isang awit ay nagwakas at ang tanging naiwan
ay mapapait na ala-ala ng bigong pag-ibig. Sa tindi ng sakit nang sila ay maghiwalay ay
halos ninais ni Balagtas na mawala na lamang sa mundo. Subalit inaliw na lamang niya
ang sarili sa paggunita sa masasayang araw nilang lumipas. Ang kabiguan niyang ito
ang siyang nagbigay inspirasyon sa kaniya upang malikha ang kaniyang walang
kamatayang obra maestra- Ang Florante at Laura. At inihandog niya ito kay M.A.R.
(Maria Asuncion Rivera) na tinawag niyang SELYA.
Ang anim na saknong sa tulang SA BABASA NITO ay mga tagubilin ni
Francisco Balagtas sa mga babasa ng kaniyang akda na tinawag niyang irog, Nag-
iwan siya ng mga habilin upang higit na mapahalagahan at maunawaan nila ito.
Inaasahan niya na kapag nasunod ng mga mambabasa ang mga habiling ito ay higit
silang makikinabang sa mga mahahalagang mensaheng hatid nito.

Pagyamanin

Gawain 2 (Talasalitaan)

KAY SELYA. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga ginulong titik sa loob ng
panaklong.
5
__________1. (LALAANINHA). Gustong- gustong pagsaulan ni Kiko ang mga
masasayang araw nila ni Selya.
__________2. (GALNAGTA). Lumawig lamang ng dalawang buwan ang kanilang
pagmamahalan sapagkat nagkahiwalay na sila.
__________3. (DI- RUNONGMA) Mistula akong kutad sa paglikha ng awit sapagkat
nagsisimula paa lamang ako.
__________4. (MOTMALILI) Hindi mapaparam sa puso’t isipan ang ligaya’t lungkot na
dala ng pag-ibig.
__________5. (HIHIPAGRAP) Tulungan nating maibsan ang pagdaralita ng ating
kapwa.

SA BABASA NITO

__________6. (TINDIUMIN). Siya lang, bilang kaibigan ko, ang nais tumarok sa lahat
ng pinagdadaanan ko.
__________7. (WLAHI) Bubot pa ang bunga ng bayabas kaya mapait.
__________8. (LATINI) Huwag sana nating dustain ang mga mahihirap at walang
pinag-aralan
__________9. (INSURI) Dapat muna nating katkatin nang mabuti ang isang bagay
bago sabihing mali.
__________10. (MAHANINTINDI) Hindi ko mawatasan ang ibig mong sabihin.

Isaisip
Gawain 3
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang titik sa loob ng kahon at Isulat sa patlang.

a.baguhin b. ibaba c. bunga d. Sigesmundo e. babasa


f. Florante at Laura g. Beata h. ninfas i. Makati j. Selya

__1. Ang palayaw ni Maria Asuncion Rivera ay __________.


__2. Matatagpuan ang Ilog Beata at Hilom sa ____________.
__3. Hiniling ni Kiko sa mga ___________ na bigyang- himig ng mga lira ang kaniyang
tula.
__4. Binabalikan ni Kiko ang masasayang suyuan nila ni Selya sa ilog ng
____________.
__5. Ang awit na naisulat ni Kiko sa loob ng bilangguan ay ang ____________.
__6. Sa unang saknong ng Sa Babasa Nito, pinasasalamatan ni Kiko ang mga
_________ng kaniyang tula.
6
__7. Hindi raw dapat pamarisan ng mga mambabasa si _______________.
__8. Inihalintulad ni Kiko ang kaniyang Awit sa isang ___________ na bubot at
masaklap.
__9. Ipinaalala ni Kiko na Tumingin sa __________ kung may mga salitang hi di
maunawaan.
__10. Ayon kay Kiko, maaaring gawin ang lahat sa kaniyang akda huwag lamang itong
______.

Isagawa
Gawain 4

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay tama
o mali batay sa binasang tulang Kay Selya (1-5) at Sa Babasa Nito (6-10).

_____1. Ang ibig sabihin ng M.A.R. sa buhay ni Kiko ay Maria Asuncion Romero.
_____2. Kung nalulungkot si Kiko ay pumupunta siya sa mga pook na pinapasyalan nila
ni Selya dati.
_____3. Tinatawagan ni Kiko ang mga Ninfas upang saliwan ng Lira ang kaniyang tula.
_____4. Ang inihandog niyang tula kay Selya ang nagpatunay kung gaano niya
kamahal ang dilag.
_____5’ Ang larawan ni Selya ay hindi mananakaw kay Kiko dahil sa nakaukit na ito sa
kaniyang puso at isipan.
_____6. Ang pinasalamatan ni Kiko sa unang saknong ay ang mga babasa ng kaniyang
akda.
_____7. Ipinahiwatig ni Kiko na bago hatulan ang kaniyang tula na mali ay dapat muna
itong suriin at intindihing mabuti.
_____8. Hindi hiniling ni Kiko na mahalin ng mga mambabasa ang kaniyang tula.
_____9. Maaaring tawanan ng mga mambabasa ang kaniyang tula, huwag lamang
itong baguhin.
_____10. Sa kababago ni Segismundo sa tula ay mas lalo pa itong gumanda.

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Sumulat ng tig- isang talata na ipinapliwanag ang pangunahing kaisipan
sa:
a. KAY SELYA
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
7
b. SA BABASA NITO
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 6

Anong aral ang natutunan sa :


1. KAY
SELYA_______________________________________________________
2. SA BABASA
NITO__________________________________________________

8
SUSI SA PAGWAWASTO

Balikan
Tayutay - Ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita
Uri ng tayutay:

1. Pagtutulad (Ingles: Simile)

2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)


3. Pagsasatao (Ingles: Personification)
4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)
5. Pag-uyam(Ingles: Sarcasm/Irony)
6. Paglipat-wika
7. Pagpapalit-saklaw (Ingles: Synecdoche)
8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)
9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)
10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)

Gawain 1 Gawain 2

1.tama 1.alalahanin 6.umintindi


2.tama 2.nagtagal 7.hilaw
3.tama 3.di- marunong 8.laitin
4.tama 4.malilimot 9.suriin
5.mali 5.paghihirap 10.maintindihan

Gawain 3 Gawain 4
1.j 1.m
2.i 2.t
3.h 3.t
4.g 4.t
5.f 5.t
6.e 6.t
7.d 7.t
8.c 8.t
9.b 9.t
10.a 10.m

Gawain 5

A. Ang tulang Kay Selya ay nagpapahayag ng hindi malilimutang pag-ibig ni Francisco Baltazar kay
Maria Asuncion Rivera, ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso. Isinasaad din sa tula na
kahit hindi nagtagumpay si kiko sa panliligaw kay MAR na tinawag niyang selya, inialay pa rin niya
ang isinulat niyang tula sa kaniya.
B. Sa tulang ito ay mababakas sa pananalita ni Francisco Baltazar ang kaniyang pagiging
mapagkumbaba bilang isang makata. Ninais niyang maintindihan at makinabang ang kaniyang mga
mambabasa sa kaniyang tula sa pamamagitan ng pagbibigay tagubilin na mababasa dito.

Gawain 6
1. Pag-ibig na wagas.
2. Huwag husgahan ang tao base sa kaniyang pnlabas na anyo.
9

SANGGUNIAN

Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon (Alinsunod sa K-12 Curriculum) ni Ailene


BaisaJulian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. Del Rosario

Batayang Akdang Pampanitikan, OBRA MAESTRA (Florante at Laura) Ikaapat na


Edisyon ni Maybel V. Amog t Nelia P. Pagoso.

Amog, Maybel V. at Nelia P. Pagoso. Obra Maestra II. 2012. Rex Bookstore. C.M.
Recto Avenue, Manila.

https://www.pinterest.ph/pin/15481192452190334/

https://www.wattpad.com/141523527-florante-at-laura-w-soft-copy-buod-ng-bawat

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


E-mail Address: blr.lrdqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like