You are on page 1of 6

Rationale

Bilang isang kabataang nabibilang sa tinatawag natin na melinyal na kung saan namunuhay sa

mga makabagong teknolohiya, marami na ding mga kinahihiligan katulad na lamang ng

panonood ng mga Korean Drama. Ito ay ang mga palabas na nag mula sa ibang bansa partikular

na sa South Korea. Marami sa panahon ngayon Ang mga kabataang nahihilig dito madalas

nabababad na sa panonood ng mga ito. Kung kaya naman naisipan naming gumawa ng isang

pananaliksik na may kauganayan dito. Dito ninanais naming malaman kung ano ang mga

nagiging epekto ng pagkahilig nila sa panonood ng mga Korean Drama sa kanilang pag-aaral.

Ang Korean Drama ay isang panooring kinahihiligan ng mga kabataan, sapagkat naaliw sila dito

at ginagawa nila itong pampalipas oras at libangan. Minsan din ay nakaka relate sila sa kanilang

mga pinapanood kaya naman mas lalo silang nahihilig sa panonood ng nasabing panooring. Dito

nakararamdam sila ng kilig, saya, lungkot at sari saring mga emosyon sa tuwing nanonood sila

nito. Ngunit syempre meron ding mga nagiging epekto ang mga ito sa kanila lalo na sa kanilang

mga pag aaral at ito ang mga nais naming malaman kaya naming isinagawa ang pananaliksik na

ito. Kung ano nga ba ang mga mabuti at masamang nagiging epekto ng panonood ng Korean

Drama lalo lalo na sa pag aaral ng mga mag-aaral sa Grade 9 Hammerhead.

Layunin
Ang pangkalahatang layunin ng aming pag-aaral ay upang malaman ang epekto Ng pagkahilig sa

mga Korean Drama sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa Baitang Siyam Hammerhead.

Ang mga tiyak na layunin ay:

1. Malaman kung ano ang epekto ng pagkahilig sa mga Korean Drama sa pag-aaral ng mga

mag-aaral.

2. Malaman kung kailan at Papaano nga ba sila nahilig sa mga Korean Drama.

3. Malaman kung maganda ba o masama ang mga nagiging epekto sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Metodolohiya
Ang paraan ng aming pagsasaliksik ay palarawan. Bago magsimula ang pananaliksik ay hinati

kami ng aming guro sa Filipino sa tatkong pangkat. Sa unang araw ng aming pag-aaral kami ay

nagisip ng mga bagay o isyu na napapanahon na maaari naming gawing paksa at bigyan ng

pamagat. Pagkatapos naming maisip ng aming pagksa at makabuo ng aming pamagat binigya I

kami ng aming guro ng oras para maghanap at manaliksik ng mga impormasyon na may

kinalaman sa aming paksa. Pagkaraan ng aming pananaliksik kami ay tinuruan ng aming guro

kung papaano gumawa ng konseptong papel at pagkatapos noon ay inatasan na niya kaming

magsimula na sa aming papel at nagsimula nga kami sa rationale.

Ang konseptong papel na aming ginawa ang nagsilbing proposal sa aming gagawing

pananaliksik. At ng maipaliwanag na ng mabuti sa amin ang mga prosesong aming dapat na

pagdaanan sa pag gagawa ng aming pag-aaral ay saka pa lamang namin sisismulan ang paggawa

ng sarbey form o ang mga gabay na tanong para sa aming magiging mga respondante upang

mangalap ng mga ideya at impormasyon.

Sa sarbey form, nakasulat dito ang mga katanungan na kung ano ang mga nagiging epekto ng

pagkahilig nila sa panonood ng mga Korean Drama sa kanilang pag-aaral at kung paano at kung

kailan sila nahilig sa panonood at kung maganda ba o masama ang mga nagiging epekto nito sa

kanila lalong lalo na sa pag aaral. Kapag natapos na namin ang pagpapasagot sa mga sarbey

form at maaari na kaming mag simula sa pagbuo ng aming pananaliksik. Hahatiin naming

magkakagrupo ang mga gawain upang mas madali kaming matapos sa paggawa ng aming

pananaliksik. Pagkatapos naming mabuo ang aming pananaliksik ipapakita namin ito sa aming
guro upang mabigyan niya ito ng kumento at pagkatapos ay aming babaguhin ang mga salita na

nais niya ipabago sa amin upang mas maging maganda ang aming pananaliksik na ginawa.

At kapag nabago na namin at naayos Ang aming ginawang pananaliksik ay muli namin itong

ipapakita sa aming guro at kapag kanya na itong na aprobahan kami ay maghahanda para sa

darating na oras ng aming pagpepresenta sa aming guro. Maghahanda kami kung papaano ba

namin ito maiprepresenta ng maayos at maghahanda na din kami sa mga posibleng tanong na

maaaring itanong sa amin ng aming guro. Maghahanda din kami ng aming PowerPoint

presentation upang magsilbing visual aids sa aming gagawing presentasyon. Habang maaga pa

maghahanda na din kami ng mga pormal na kasuotan upang aming masuot sa aming gagawing

presentasyon upang kami naman ay magmukhang presentable sa harap ng aming guro. At

syempre hihingi din kami ng patnubay at gabay sa Panginoon upang siya ang manguna sa amin

sa aming gagawing presentasyon ng sa gayun ay aming magawa ng maayos ang aming

prentasyon at mailahad namin ng maayos sa aming guro ang lahat ng mga impormasyon na

may kaugnayan sa aming pananaliksik. Sisiguraduhin rin namin na makakapasok kami ng mas

maaga sa araw ng aming presentasyon upang may oras pa kami para makapaghanda bago ang

aming presentasyon.

Sa araw ng presentasyon kami ay papasok sa loob ng aming silid-aralam kung saan nakaupo ang

aming guro upang makinig sa aming gagawing presentasyon. Babatiin namin siya bago kami

magsimula sa aming presentasyon at saka namin sisimulang ayusin ang aming mga kagamitan

na gagamitin sa aming pagtatalakay. Kami ay.agsisimula sa aming presentasyon at pagkatapos

ay makikinig kami sa mga komento ng aminh guro at sasagutin namin ang kanyang mga
katanungan. At pagkatapos ng aming presentasyon kami ay magpapasalamat sa aming guro sa

kanyang pakikinig sa amin. At pagkatapos ay aming aayusin na ang aming mga kagamitang

ginamit.
Inaasahang Bunga

Sa katapusan ng aming pananaliksik ay inaasahan naming masasagot ang mga katanungan

aming ninanais na mabigyang kasagutan. At makakuha kami ng mga impormasyon at opinyon

kung paano nga ba nakakaapekto ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa Korean Drama sa kanilang

pag aaral. Mahalaga na malaman ito ng mga kabataan at mag-aaral upang malimitahan nila ang

kanilang panonood lalo na kung ito ay nagkakaroon ng masamang epekto sa kanila at kung

hindi naman ay para na rin maiwasan nila ang pagbababad sa panonood.

You might also like