You are on page 1of 8

TUESDAYS AND FRIDAYS

9:00-10:30 (Fil. 101 PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1 –


ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Magpa-oral
Mga Tanong:
1. Bakit kailangan isama sa pagtuturo ang Filipino?
2. Bilang isang guro sa Filipino sa elementarya , paano mo
magagawang kawili-wili ang iyong klase?
3. Ano ang mga espesyal na kakayahang dapat taglayin ng
isang guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga
nasa murang edad pa lamang?
4. Ano-ano ang limang makrong kasanayan nililinang sa
araling Filipino?
5. Kung ikaw ay isang guro sa unang baitang ng elementarya,
sa paanong paraan mo ipakikilala at ituturo ang
asignaturang Filipino?
6. Bakit mo piniling maging isang guro sa elementarya?
7. Sang-ayon ka bang tanggalin ang asignaturang Filipino sa
pagtuturo sa elementarya?
8. Bilang isang guro sa elementarya, paano mo mapauunlad
ang Filipino bilang isang asignatura?
9. Sa mga pampribadong paaralan na kadalasang nasa
“English Zone”, paano mo maipapanatiling buhay ang
Wikang Filipino?
10.Bakit kailangang pag-aralan ng isang mag-aaral ang
asignaturang Filipino?

10:30-12:00 (LIT. 104 PANUNURING PAMPANITIKAN)


 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Magdiscuss kadali about sa Course description kung ano ang ibig sabihin
Panunuring Pampanitikan
Panunuri
- Kritisismo
- Pamumuna
- Matalinong pagbabasa
- Pag-aaral
- Pagtatalakay
- Pagpapaliwanag
- Paghatol
Pampanitikan
- Literary
- Nauukol sa mga akda sa panitikan gaya ng tula, awit,
sanaysay, talumpati, maikling kwento at iba pa.

 Groupings
Ibibigay ng bawat pangkat ang kanilang mga pananaw hinggil sa mga
siniping linya mula sa iba’t ibang mga akda.

Pangkat 1
Sipi mula sa maikling kwentong Saranggola ni Efren Abueg
“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas.
Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”

Nainis ang bata sa kanyang ama.

“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng
kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola,


pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya
ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay
nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon.
Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang
nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan,


nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng
saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas,
pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging
nawawasak.”

Pangkat 2

Sipi mula sa tulang Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez

Sa munting, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
dungawan
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Pangkat 3

Sipi mula sa kantang Tatsulok ni Bamboo

Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok


Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao


At ang dating munting bukid ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha nailagay mo sa tuktok

1:00-2:30 (FIL. 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN


PANGWIKA)

 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)


 Magpa-oral then explain kadali
1. Ano ang apat na makrong kasanayang Pangwika?
- Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat

2. Bakit mahalagang malinang ang apat na Makrong Kasanayan ng


mga estudyate?
- Malinang ang ang kahuyasan sa papapaunlad ng kanilang
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng ng
pagpapalago ng kasanayan sa pakikinig at pagsasalita.
Isinasaalang-alang din ang pagpapayabong ng kasanayan
sa pagbasa at pagsulat kung saan natututo at nakakukuha
ng mga ideya at impormasyon sa binasa ang mga mag-
aaral nagagamit nang malinaw sa pagalalahad ng mga
kaalaman sa pagsulat. Samakatuwid, mahalagang
malinang ang makrong kasanayan ng mga estudyante
upang makapagtapos ng buo at magkaroon ng sapat na
kakayahang makipagsabayan sa pandaigdigang
pamantayan.
 Groupings
Bawat grupo ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng kanilang sariling
pagpapakahulugan sa apat na makrong kasanayan. Pagkatapos ay ilalahad
ito sa klase sa isang masining na paraan.

4:00-5:30 (FIL. 106 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN)


 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Magdiscuss kadali about sa Course description kung ano ang ibig sabihin
ng wika, kultura at lipunan
 Groupings
Gumawa ng isang masining na presentasyon na nagpapakita ng
ugnayan ng wika, kultura at lipunan.
MONDAYS AND THURSDAYS

9:00-10:30 (FIL 111 INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG)


 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Explain kadali kung ano ibig sabihin ng salitang pamamahayag
Ang pamamahayag o journalism ay isang estilo ng pagsusulat ng
tuwirang pag-uulat ng mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit
upang ilarawan ang mga gawain ng mga pahayagan, mga palabas na
pambalita sa telebisyon at radyo, at sa mga magasing pambalita.
 Groupings
Bibigyan ang bawat pangkat ng tig-iisang senaryo na kung saan ay gagawa
sila ng roleplay at pagbabalita mula sa pangyayari.
Pangkat 1
Ayon sa Weather Forecast, mayroong paparating na isang Super Typhoon na
papangalanang Bagsik at mananalasa ito sa baryo CTE, syudad ng NEMSU.
Pangkat 2
Mayroong naganap na sunog sa baryo CTE, syudad ng NEMSU. Tatlong bahay ang
natupok at mayrong limang nasawi at isa na roon ay nagdadalantao.
Pangkat 3
Chika Minute: Bumisita sa Pilipinas sina Miss Universe Korea, Miss Universe India
at Miss Universe Thailand kasama ang kanilang mga interpreter at live silang
makakapanayam ng dalawang reporter.

10:30-12:00 (FIL 104 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO)


 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Groupings
Bawat grupo ay bibigyan ng isang tig-iisang envelop at sa loob nito ay
mayroong mga naka jumbled letters na kung saan ay bubuuin nila ito sa
tulong ng kahulugang nakalagay din sa loob ng envelop upang makabuo ng
isang salita na may kaugnayan sa Istruktura ng Wikang Filipino.
PONOLOHIYA
Makaagham na pag-aaral ng mga tunog.
MORPOLOHIYA
Makaagham na pag-aaral ng mga makabukuhang yunit ng mga salita.
SINTAKSIS
Sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayos-ayos ng
mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.
SEMANTIKA
Pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa
paggamit nito sa pangungusap o pahayag.
PONEMA
Makabuluhang yunit ng mga tunog na nakakapagpabago ng kahulugan
kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng salita.
MORPEMA
Ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
 Explain kadali ang bawat terms after ng activity mga overview da ng ila mga
kahulugan.

1:00-2:30 (LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON)


 Introduce yourself (name, age, address, motto and expectation sa subject)
 Magpa-oral
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Panitikan?
2. Bakit kailangang pag-aralan natin ang panitikan sa Pilipinas?
3. Magbigay ng isang akdang pampanitikan na iyong hinahangaan at
ipaliwanag ang nilalaman nito.
4. Ano ang kaibahan ng panitikang pasalin-dila at panitikang pasulat?
5. Paano mo mapauunlad ang panitikan na mayroon ang ating bansa?
6. Paano mo mapapanatiling buhay at dinamiko ang panitikan ng ating
bansa?
7. Kung ikaw ay gagawa ng isang akda, anong uri ng akdang pampanitikan
ang gagawin mo, pasalin-dila o pasulat?
8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Ang Panitikan ay salamin ng ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino”.
9. Bakit sinasabi na ang panitikan ay isang talaan ng buhay?
10. Ipaliwanag mo! Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alin
mang uri ng lipunan.

You might also like