You are on page 1of 6

Bataan Christian College, Inc.

Panilao, Pilar, Bataan


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
School Year 2021 – 2022
LEARNING PLAN

SUBJECT Filipino GRADE 8


UNIT TOPIC Salamin ng Kahapon .. Bakasin natin Ngayon QUARTER Unang Yugto
TEACHER Bb. Daisilyn H. Nool SECTION/
S

UNIT STANDARDS COMPETENCY DIAGRAM


TRANSFER

Ang mga mag-aaral sa sarili nilang kakayahan


ay makapagsasagawa ng proyektong
panturismo na nagpapakilala ng impluwensya
ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon sa Proyektong Panturismo
kultura nating mga Pilipino.

PERFORMANCE PERFORMANCE
TRANSFER GOAL
STANDARD TASK

Nabubuo ang isang makatotohanang


proyektong panturismo.

EQ: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang iba’t


Mga kasanayang may kaugnayan sa ibang akdang pampanitikan mula sa Panahon ng Katutubo,
pagtalakay ng mga akdang UNIT TOPICSalamin ng Espanyol, Hapon?
EU: Mauunawaan ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga
pampanitikan sa panahon ng katutubo, Kahapon .. Bakasin natin Ngayon Akdang Pampanitikan sa pananhon ng Katutubo, Espanyol at
Hapon ay nakakaimpluwensya sap ag-unawa sa tradisyon,
Kastila at Hapon. kaugalian, pamumuhay at kultura ng Pilipino.

ACQUISITION Naipapamalas ang pang-unawa sa mga MAKE MEANING


Akdang Pampanitikan sa pananhon ng
Katutubo, Espanyol at Hapon.

CONTENT STANDARD

EXPLORE
Day 1 UNIT TOPIC: Salamin ng Kahapon .. Bakasin natin Ngayon
Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan.
Sinasabing ang panitikan at ang kasayasayan ay matalik na magkaugnay. Sa pag-aaral ng kasaysayan ng isang lahi,
lagging bahagi nito ang damdamin, saloobin, paniniwala, kultura at tradisyon ng bansang kalimitan ay masasalamin
sa taglay nitong panitikan.

Ang yunit na ito ay tatalakay sa panitikang namayani sa bansa bago pa man dumating ang Espanyol, panahon ng
Espanyol at sa panahon ng mga Hapones. Mababakas natin sa kabanata na ito ang paraan ng pamumuhay, pag-iisip
pakikisalamuha at pakikibaka ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang akdang nasulat sa
nasabing panahon gaya ng tula, alamat, epiko, dula at talambuhay.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ang pang-unawa sa mga Akdang Pampanitikan sa pananhon ng Katutubo, Espanyol at Hapon.

1
Pamantayang Pagganap:

Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Mahalagang Tanong:
Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula sa Panahon
ng Katutubo, Espanyol, Hapon?

Gawain 1: ALAM KO!


Ang mga akdang pampanitikan ay umusbong sa iba’t ibang panahon. Sa loob ng bawat
kahon ay makikita natin ang mga panahon kung kalian ito lumaganap. Sa ilalim nito ay
makikita natin ang iba’t ibang akdang pampanitikan na siyang ilalagay ninyo sa loob ng kahon.
Katutubo Espanyol Hapon

HAIKU EPIKO TULANG SALAWIKAIN


PATNIGAN
DUPLO BULONG AWIT KORIDO
KARAGATAN TANAGA BUGTONG DULANG PAUROY

Aralin 1

Panitikan: Karunungan ng Buhay

Wika at Gramatika: Paghahambing


Days to be Discussed: Apat Araw
LEARNING COMPETENCY ACQUISITION/PAGLINANG
(MELC’S) OBJECTIVE
LC : Nabibigyang-kahulugan Gawain 1 : Tala-Salitaan
ang mga talinghagang ginamit Panuto : Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa bawat
sa akda. pangungusap. Itala ang iyong sagot sa loob ng kahon.

LEARNING TARGET: 1. Mahirap ang maging anak-dalita.


Magagawa kong bigyang
kahulugan ang mga talinghagang
ginamit sa akda. 2. Mabuting kasama ang taong marunong tumanaw ng utang na loob.

3. Malayo sa gulo ang may malawak na isip.

2
4. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-krus ng magulang.

5. Mahirap pigilan ang taong buo ang loob.

LO: Nakikilala ang Gawain 2 : GUGUHITAN KO!


paghahambing na ginamit sa Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa kahon kung
bawat pangungusap. anong uri ito ng paghahambing.

LEARNING TARGET : 1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong


Magagawa kong makilala ang buhay ngayon.
paghahambing na ginamit sa 2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan
bawat pangungusap. kompara sa dati.
3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan
ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.
5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha
sila.
LEARNING OBJECTIVE MAKE MEANING
LO: Nahihinuha ang mahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga Gawain 3 : KAYA KO ITO!
karunungang baying nabasa. Narito ang iba pang karunungang baying ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.
LEARNING TARGET : Basahin ang mga ito at tukuyin kung anong mahal;aging kaisipan ang nais
Magagawa kong matukoy ang ipahiwatig nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
mahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang 1. Pag may isinuksok, may madudukot.
baying nabasa.
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansya para pag dumating
ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang imiipon ng mga tao.

2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.

a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.


b. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding
pagbagsak.
c. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng
masama ang kapwa.

3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.

a. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.


b. Kung kalian lamang kailangan ang iosang bagay ay doon lamang kikilos upang
makamit ito.
c. Kailangang magtrabaho upang may makain.

4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.

a. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.


b. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
c. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin.

5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.

a. Lumusong ng maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.


b. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
c. Kapag maagang nagsimula tiyang na maaga ring matatapos.

3
Gawain 4 : Naibabahagi ko!

LO: Naibabahagi ang sariling Suriin ang ilang karunungang bayang makikita sa talahanayan sa ibaba. Ilahad ang
kuro-kuro sa mga detalye at iyong sariling kuro-kuro kung ito ay may katotohanan o may batayan o walang
kaisipang nakapaloob sa akda katotohanan o kathang isip lamang. Lagyan ng tsek (/) ang iyong napiling sagot at
batay sa pagigiing totoo o hindi saka ito ipaliwanag. Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa loob ng kahon sa susunod
totoo may batayan o kathang isip na pahina.
lamang.
KARUNUNGANG MAY WALANG PALIWANA
LEARNING TARGET : -BAYAN KATOTOHANA KATOTOHANA G
Magagawa kong maibahagi ang N/ MAY N/ WALANG
sariling kuro-kuro sa mga detalye BATAYAN BATAYAN
at kaisipang nakapaloob sa akda Ang lumakad nang
batay sa pagigiing totoo o hindi matulin kung
totoo may batayan o kathang isip matinik ay malalim.
lamang. Kung hindi uko,
hindi bubukol.
Anak na di-
paluhain, magulang
ang patatangisin.
Daig ng maagap
ang masipag.
Nasa Diyos ang
awa, nasa tao ang
gawa.

Gawain 5 : Graphic Organizer

Magtanong sa iyong mga lolo, lola, magulang o sa sinumang matanda sa inyong


LC : Naiuugnay ang mahalagang lugar ng mga halimbawa ng karunungang-bayan na alam nila. Itala ang mga ito sa
kaisipang nakapaloob sa mga graphic organizer na makikita sa ibabaat pagkatapos ay iugnay mo ang mga
karunungang-bayan sa mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
kasalukuyan

LEARNING TARGET :
Magagawa kong ang mahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
maiugnay

4
LC : Naisusulat ang sariling Gawain 6 : Paggawa ng Mini Brochure
bugtong, salawikain, sawikain, o
kasabihan na angkop sa Pangkatang Gawain
kasalukuyang kalagayan.
Panuto : Bumuo ng isang mini brochure na naglalaman ng mga karunungang-bayan
LC : Nagagamit ang na tinalakay natin sa ating aralin. Gamitin ang dalawang uri ng paghahambing sa
paghahambing sa pagbuo ng pagbuo ng alinman sa mga karunungang-bayan na napili.
alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain, o kasabihan Pumili ng karunungang-bayan na nais buoin.
(eupemistikong pahayag)

LEARNING TARGET :
Magagawa kong lumikha ng mini
brochure na naglalaman ng
Karunungang-bayan na
ginagamitan ng dalawang uri ng Pamantayan sa Pagpupuntos
paghahambing.
PAMANTAYAN Laang Puntos Aking Puntos
Ang nabuong likha ay akma sa 5 puntos
karunungang-bayang napili.
Ang mga karunungang-bayang 5 puntos
nabuo ay akma o angkop sa
kasalukuyang panahon.
Nakagamit ng paghahambing sa 5 puntos
pagbuo.
Maganda, malinis, at kaakit-akit 5 puntos
ang pagkakalagay/pagkakabuo ng
brochure.
Kabuoang Puntos 20 puntos
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- Di-Mahusay
1- Sadyang Di- Mahusay

5
CALENDAR OF ACTIVITIES
WEEK 1

MON TUE WED THU FRI

WEEK 2

MON TUE WED THU FRI

WEEK 3

MON TUE WED THU FRI

WEEK 4

MON TUE WED THU FRI

You might also like