You are on page 1of 3

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines Tel.
Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

PANGALAN: Josh S. Elorde PETSA:03/15/24


SEKSYON: 11 ABM-4 Masinop ISKOR:

GAWAING PAGGANAP BLG. 2


PAGLIKHA NG PHOTO-ESSAY

Ang Aking Mga Karanasan Sa Aking Bagong Eskwelahan

Hinding hindi ko malilimutan ang aking


unang araw sa Emilio Aguinaldo College dahil
ang araw na iyon ay ang simula ng mga bagong
karanasan,kaibigan at mga kaalaman sa bago
kong eskwelahan.Noong una ay hindi ko alam
kung mageenjoy ba ako sa school na napili ko
dahil ito ay ibang iba sa nakagawian kong
school kayat inaamin ko na hindi madali sa akin
na makapag adjust nong mga panahong
iyon.Naalala ko pa ang unang kaba na aking
naramdaman unang araw pa lamang ng klase
dahil hindi talaga ako sanay magsalita sa unahan
ngunit kinailangan ko itong gawin dahil ito ay
isa sa mga activities na pinagawa sa amin ng
aming guro at masaya at proud ako sa aking
sarili dahil nagawa ko ito ng maayos.Dito ko rin
nalaman ang kagandahan ng EACC ang mga
sports,mga gawain dito,paraan ng pagtuturo at
ang lahat ng ito ay nagustuhan ko dahil hinigitan nito ang mga expectation ko sa paaralang ito.

Itong panahon naman na ito ay ang pag


celebrate namin ang teacher’s day.Naaalala ko pa
nga nung panahon na ito na epic fail ang pag
surprise namin kay maam may dahil nagulat
nalang kami na sya ay biglang pumasok.Isa rin sa
mga naaalala ko ang pagkanta na inihandog ng
aking kaklase para sa aming guro.Ito rin ang isa sa
pinaka masayang araw na nangyari sa akin sa eac
dahil hindi namin masyado nagugunita ang araw
ng mga guro sa dati kong paaralan kaya naman
nadagdagan nanaman ang paghanga ko sa aking
bagong eskwelahan. Hindi lang ang aming gurong
tagapagpayo ang aming binati ng happy teacher’s
day kasama narin ang iba’t ibang teacher namin
tuad na lamang sa math at sa major subject namin.

QF-PQM-035 (05.03.2023) Rev.06

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines Tel.
Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

Ito naman ang una naming performance sa


aming C.O.Natatandaan ko pa na
nangangapa pa ako kung ano ba ang C.O.
dahil ito ay bago sa aking pandinig dahil
hindi ko naman ito nakagisnan ko.Naaalala
ko rin dito kung paano namin ito
pinaghandaan upang maging maganda ang
amin presentasyon sa aming asignatura na
oral communication,ilang araw na
pagkakabisa at pagpaparaktis sa aming mga
linya ngunit ito naman ay sulit dahil
nakatanggap kami ng award galing sa
aming guro. Isa rin sa mga hindi ko
malilimutan sa aming pagpapraktis ay ang
tawanan at mga pagkakamali namin habang
kami ay naghahanda sa presentasyon na
iyan.

Ang araw naman na ito ang unang araw


namin ng pagsusuot ng corporate attire.Ang
corpo. Attire ay bago rin sa akin dahil ito ay isa
sa mga required na suotin namin bilang abm
students ng EACC at ito rin ay isa sa mga
nagustuhan ko sa paralang ito dahil kahit sila
ay mahigpit na nagpapatupad tungkol sa dress
code ay pinayagan pa rin ito upang kami ay
masanay sa corporate world.

Ang huli naman ay ang aming


intrams,ang isa sa mga event na aking
paborito dahil ito ay puno lamang ng
kasiyahan na kahit ay may konting pagod ay
ayos lang dahil kami naman ay nageenjoy at
kahit panandalian lamang ay nalilimutan
namin ang aming mga problema sa
eskwelahan.Ang isa sa mga inabangan ko
dito ay ang mga laro at syempre ang mr.
and ms. na patimpalak.Ito rin ang aking
pinaka paborito dahil nakasama ko muli ang
aking mga kaibigan na ang kinuhang strand
ay stem kaya naman ay hindi kami
nagkakasama o nagkikita sa school kaya
ang intrams ay nagsilbi ring reunion naming
QF-PQM-035 (05.03.2023) Rev.06

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines Tel.
Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

mga magkakaibigan.

PAMANTAYAN Lubhang Kahanga- Katamtaman Nangangailangan


Kahanga-hanga hanga ng Pagsasanay
10 7 5 3
Nilalaman
Ang mga inilagay
na larawan ay
tumutugma sa
paglalarawan ng
konsepto ng paksa

Teknikal na
Aspeto (mga
larawan)
Komprehensibo at
malinaw na mga
larawan
Pamagat
May nakakaakit at
angkop na
pamagat
Pagkamalikhain
May sariling istilo
sa pagsasaayos ng
photo essay.

Pagpasa ng
Gawain
Pagpapasa ng
awtput sa takdang
oras ng pasahan.

QF-PQM-035 (05.03.2023) Rev.06

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like