You are on page 1of 8

UNIVERSITY LABORATORY SCHOOL

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


KABACA, COTABATO
PHILIPPINES

NOVEMBER 2023

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA SOCIAL STUDIES-10

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, walumpong porsyento ng mga mag-aaral ay
inaasahan na:
a. Maunawaan ang konsepto ng mga suliraning teritoryal at ang mga karaniwang sanhi
nito.
b. Tanggapin ang kahalagahan ng pandaigdigang batas at diplomasya sa pagtugon sa
mga suliraning teritoryal.
c. Maipakita ang importansya ng suliraning teritoryal.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Suliraning Teritoryo
b. Konsepto: Territorial dispute o suliraning may
kinalaman sa hangganan ng teritoryo bansa.
c. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Social Studies-10
mag-aaral:
d. Iba pang Kagamitang Panturo: Mga Talaan
Palaktadaan ng Oras
Whiteboard and Marker

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
- Tatawag ang guro ng mag-aaral upang pangunahan (Sabay-sabay
ang panalangin. na tatayo ang
mga mag-aaral
para
manalangin)

2. Pagbati
- Magandang hapon mga mag-aaral. - Magandang
hapon din po,
mga guro!
- Bago kayo umupo, tingnan muna ang inyong silid at
ilalim ng upuan at pulutin ang anumang kalat na (Titingin ang
makikita. mga mag-aaral
sa ilalim ng
upuan at
pupulutin ang
anumang kalat
na makita.)

- Maaari nang magsi-upo ang lahat. (Ang mga mag-


aaral ay
magsisipag-
upo.)
3. Pagtataya ng Liban
- Monitor ng klase, sino ang liban sa araw na ito? (Tatayo ang
monitor ng
klase at ilalahad
kung sino ang
liban sa klase.)

- Kung ganoon, pakitala sa iyong talaan ang mga liban sa - Masusunod po,
araw na ito. guro.

4. Pagbasa ng mga Layunin


- Ngayong araw, tayo ang dadako sa isang panibagong
paksa. Handa na ba ang lahat na making at maki-isa? - Handa na po!

- Mabuti naman kung ganoon. Pero bago ang lahat, Pagkatapos ng


maari bang basahin muna ng lahat ang ating mga isang oras na
layunin (ang mga layunin ay nakasulat sa papel at talakayan, ang mga
nakadikit sa pisara)? mag-aaral ay
inaasahan na:
- Maunawaan
ang konsepto
ng mga
suliraning
teritoryal at ang
mga karaniwang
sanhi nito.
- Tanggapin ang
kahalagahan ng
pandaigdigang
batas at
diplomasya sa
pagtugon sa
mga suliraning
teritoryal.
- Maipakita ang
importansya ng
suliraning
teritoryal.
- Maraming salamat!

5. Pagganyak

- Maglaro tayo ng isang laro, hahatiin natin ang klase sa (Ang klase ay
dalawa. mahahati sa
dalawa.)

- Laruin natin ang Coding Game kung saan ang A-Z ay may (Makikinig ang mga
mga kodigo batay sa kanilang mga katumbas na numero estudyante sa guro.)
mula 1-26, kaya't ang A ay katumbas ng 1.

- Ang kailangan n'yo lang gawin ay i-decode ang mga


ibinigay na numero at isalin ito sa mga titik. Ang bawat
grupo ay bibigyan ng writing board at marker at ang bawat
grupo ay kailangang magbigay ng sagot sa pamamagitan
ng pagtaas ng kanilang board.

- Ang unang grupo na magtaas ng kanilang board na may


tamang sagot ay makakakuha ng 2 puntos.
- Ang grupo na may pinakamaraming puntos ay makakakuha
ng 10 puntos.

- Ngayon, handa na ba kayo? - Handa na po


ma’am!

B. Panlinang na Gawain

1. Aktibiti

- Sa parehong grupo, bibigyan naming kayo ng tig iisang


sobre na naglalaman ng mga larawan ng mga puzzle na
kanilang bubuuin.

- Ang bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto para


buuin ang puzzle at magbigay ng mga insights tungkol
sa larawang kanilang nabuo.

- Pumili ng isang miyembro na mag-uusap hinggil sa mga (Maglalaan ang


ideya ng grupo patungkol sa mga larawan na inyong bawat grupo ng
nabuo. isang kaklase
upang ilahad
- Ang panalo ay makakakuha ng 10 puntos. ang mga
nahanap ng
- Tandaan na ang bawat grupo ay dapat magtulungan larawan.)
upang kumita ng mga puntos. Ang grupo na may
pinakamaraming nakuha na puntos ang magwawagi ng
premyo.

- May mga katanungan? - Wala na po


ma’am.
- Kung ganoon, maari na kayong magsimula! (Ang mga mag-
aaral ay
nagsimula nang
bubuuin ang
mga larawan at
ipaskil ang mga
ito sa kanilang
talaan.)
- Pagbati para sa unang grupo na natapos! (Ang panalong
grupo ay
makakakuha ng
10 puntos.)

2. Pagsusuri

- Ngayon, suriina at pansinin niyo ang larawang nabuo.

- Mayroon ba kayong ideya kung ano ito? - Opo ma’am.


Ang mga
larawan ay
nagpapakita
- Magaling! Ano ba ang mayroon sa Spratly’s Island? ng Spratly’s
Island.
- Tama!

- Ngayon may idea naba kayo kung ano ang ating


tatalakayin sa araw nato? - Opo ma’am.
Ang ating
- tatalakayin
ay tungkol
sa
“Suliraning
Teritoryo.”
- Tama, ang ating tatalakayin ay mga suliraning teritoryo.

3. Paghahalaw
- (Ang guro ay magbibigay pa ng mga ibang paliwanag
ukol sa teritoryal dispute ng spratly’s island)

TERRITORIAL DISPUTE O SULIRANING MAY


KINALAMAN SA HANGGANAN NG TERITORYO BANSA.
Paano ito nagaganap?
• Nagaganap ito o nangyayari kapag
mayroong dalawa o higit pang bansa ang
umaangkin sa iisang lupain o katawang tubig.
• Kadalasan, ang territorial dispute ay may
kinalaman sa likas na yaman sa pinag- aagawang
teritoryo.
Mga dahilan:
1. Kasaganaan sa likas na yaman.
2. Pagtutunggaling may kinalaman sa kultura,
relihiyon, at nasyonalismo
3. Bunga ng isang hindi malinaw
na kasunduang nagtakda ng
mga hangganan ng kanilang
teritoryo.

Ganito ang kaso ng Spratly Islands


(kilala sa Pilipinas bilang
Kalayaan Group of
Islands) sa Kanlurang
Dagat ng Pilipinas.
• Isa sa mga katangi tanging isla na may
langis o espesyal na mga uri ng mga yamang
gubat, lupa, at tubig, nag aangkin ng natural na
mga tanawin na pwedeng gawing parke at pook
pasyalan para sa mga turista at dayuhang
mangangalakal mula sa ibang bansa. Sa madaling
salita, ang dahilan kung bakit pinag aagawan ang
Spratlys ay walang iba kundi para sa sariling
benepisyo lamang ng kanya kanyang mga bansa.

- Anong bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas ang


maaaring maiugnay natin sa isyu ng Isla ng
Spratly?
- Tama! Ito ang Artikulo I: Pambansang Teritoryo
Ang pambansang teritoryo ay
kinabibilangan ng arkipelago ng Pilipinas, kasama
ang lahat ng mga isla at tubig na nasasaklaw nito,
at lahat ng iba pang teritoryo kung saan mayroong
soberanya o hurisdiksyon ang Pilipinas, kabilang
ang kanyang lupain, ilog, at kalangitan, kasama na
ang teritoryal na karagatan, kamaong-dagat, ilalim
ng lupa, mga pampalupa, at iba pang bahaging
submarino. Ang mga tubig sa paligid, sa pagitan, at
nagsasama ng mga isla ng arkipelago, anuman
ang kanilang lapad at dimensyon, ay bahagi ng
mga internal na tubig ng Pilipinas.
-
Ayon sa mga iskolar, ang dahilan kung bakit nag-aagawan
ang mga estado sa mga teritoryo ay maiuuri sa dalawa:
1. Materyal - populasyon, likas na yaman,
strategic value ng teritoryo.
2. Simboliko - May kauganyan at kasaysayan
ng estado.

 Ang mga suliranin tungkol sa mga hangganan ng


teritoryo ay kadalasang nagiging sanhi ng labanan
at digmaan, lalo na kung ipipilit ng mga bansang
sakupin ang pinag- aagawang teritoryo sa
pamamagita ng pwersang militar. Ayon sa
Pandaigdigang Batas (International Law), ang pag-
angkin ng isang teritoryo gamit ang pwersa o
anumang marahas na paraan ay ipinagbabawal.

“All Members shall refrain in their


international relations from the threat
or use of force against the territorial
integrity or political independence of any
state, or in any other manner inconsistent
with the purposes of the United
Nations”.

-UN Charter

Kahalagahan ng Teritoryal at Pandaigdigang Hangganan


Makahulugan ang isyu ng mga teritoryo at
hangganan sa pandaigdigang komunidad sa dalawang
dahilan:

1. Una, ito ay may kaugnayan sa karapatan ng


bawat estado o bansa.
2. Pangalawa, ito ay mahalaga para sa
pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo.

 Ang pagkakaroon ng karapatan ng bawat


estado ay kinikilala sa buong mundo. Ito ay ayon sa
Artikulo 1 ng Montevideo Convention on the
Rights and Duty of States noong 1993.
 Ang bansa na kinikilalang estado ay
itinuturing na “person of international law” kung
natutupad nito ang sumusunod na mga
kuwalipikasyon:
1. Permanenteng populasyon
2. Malinaw na teritoryo (defined territory)
3. Pamahalaan
4. Kakayahang makipag-ugnayan sa iba pang
mga estado.
 Kung pakaiisipin ito, ang mga pagtutunggali
tungkol sa teritoryo at hangganan ng isang bansa
ay nagbabanta sa sovereignty nito at sa kanilang
mga karapatan bilang person of international law.
Bukod pa rito, ang ilang mga suliranin sa teritoryo
ay inihaharap sa International Court of Justice.
Hindi maaaring ihiwalay ang mga suliranin sa
teritoryo sa pandaigdigang batas (international law)
sapagkat ang teritoryo ang batayan ng hangganan
ng bawat estado at ang solusyon sa mga suliraning
ito ay nakaasa sa pandaigdigang batas at hukuman.

- Naintindihan niyo ba lahat?


- Mayroon ba kayong mga katanungan? - Opo ma’am.
- Wala na po
ma’am.
4. Paglalapat
- Sa loob ng 3 minuto, gumawa ng slogan tungkol sa
aralin natin ngayon sa iyong white board. Piliin ang
1 miyembro sa inyong grupo na magpaliwanag ng
nilalaman ng kanilang slogan. Ang
pinakamagandang slogan ay makakakuha ng 10
puntos.

- Bago natin simulant ang presentasyon, narito ang


mga pamantayan.

Pamantayan Puntos
Kabuuan: Ang 50
slogan ay dapat
kaakit-akit at
memorable para
sa mga mag-aaral.
Pagsasalinwika: 50
Dapat itong nasa
tamang wika, tama
ang pagkakasulat,
at malinaw na
nauunawaan ng
lahat.

- Unang grupo, maari na kayong magsimula.


(Ang unang grupo
ay magpapakita ng
- Ngayon naman ay dadako tayo sa pangalawang kanilang gawa.)
grupo. (Ang unang grupo
ay magpapakita ng
kanilang gawa.)
- Palakpakan natin ang ating mga sarili!

IV. PAGTATAYA
Bawat tanong ay may apat na pagpipilian (a, b, c, d). Pumili ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang nangyayari sa isang territorial dispute o suliraning may kinalaman sa hangganan ng
teritoryo ng isang bansa?
a. Nagkakaroon ng malawakang digmaan
b. May dalawang o higit pang bansa na umaangkin sa iisang lupain o katawang tubig
c. Nagkakaroon ng diplomatic na pag-uusap
d. Walang nagaganap na isyu

2. Ano ang isa sa mga karaniwang dahilan ng territorial dispute?


a. Materyal na pag-aari
b. Pagkakaiba ng wika
c. Pambansang kasaysayan
d. Ilegal na kalakalan

3. Ano ang nagiging sanhi ng karamihang territorial dispute?


a. Kasaganaan sa likas na yaman
b. Pagkakaiba ng relihiyon
c. Pangangailangan sa malalaking teritoryo
d. Kultural na pag-uugma

4. Saan matatagpuan ang Spratly Islands o Kilala bilang Kalayaan Group of Islands?
a. Timog Dagat ng Pilipinas
b. Hilaga Dagat ng Pilipinas
c. Kanlurang Dagat ng Pilipinas
d. Silangang Dagat ng Pilipinas

5. Ano ang isa sa mga natatanging katangian ng Spratly Islands na nagiging sanhi ng territorial
dispute?
a. Mayaman sa kasaysayan ng digmaan
b. May langis at espesyal na yaman
c. Mataas na populasyon
d. Bihirang puntahan ng mga turista

6. Bakit pinag-aagawan ang Spratly Islands?


a. Para sa kapayapaan
b. Para sa kasaysayan
c. Para sa likas na yaman at benepisyo ng mga bansa
d. Para sa pambansang kasaysayan

7. Aling bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas ang nauugnay sa isyu ng Spratly Islands?
a. Artikulo II: Pambansang Patrimonya
b. Artikulo III: Pambansang Kasaysayan
c. Artikulo IV: Pambansang Wika
d. Artikulo V: Pambansang Awtoridad

8. Ano ang materyal na dahilan ng mga territorial dispute?


a. Relihiyon
b. Likas na yaman, populasyon, at estratehikong halaga
c. Kultura
d. Diplomasya
9. Ano ang simbolikong dahilan ng mga territorial dispute?
a. Estratehikong halaga ng teritoryo
b. Pagiging bahagi ng isang internasyonal na organisasyon
c. Kasaysayan at kultura ng mga bansa
d. Pananampalataya ng mga mamamayan

10. Ano ang kahalagahan ng pagtutunggali tungkol sa teritoryo at hangganan ng isang bansa sa
pandaigdigang komunidad?
a. Nagdudulot ito ng digmaan at alitan
b. Ito ay hindi mahalaga sa relasyon ng mga bansa
c. May kaugnayan ito sa karapatan ng bawat estado at sa pagpapanatili ng kapayapaan sa
buong mundo
d. Ito ay isang dahilan para sa pwersang military

V. TAKDANG ARALIN

Magbasa ng maaga tungkol sa mga Epekto ng Suliraning Teritoryal.

Inihanda nina:

JESSAINE JULLIANE SERQUIÑA


Student

MARIFER A. ASPERA
Student

Sinuri ni:

ANGELIE T. NAMIA
Cooperating Teacher

Naitala ni:

HAZEL ANNE SORIANO


Field Study 2 Professor

You might also like