Professional Documents
Culture Documents
Final Copy-Modyul 2 Panitikan NG Kanluran (TG)
Final Copy-Modyul 2 Panitikan NG Kanluran (TG)
Dito sa Modyul 2, ganap na malilinangin sa mga mag-aaral ang ganap na pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran tulad ng talumpat mula sa Brazil, dagli mula sa rehiyon
ng isa sa mga isla ng Caribbean, nobela mula sa Estados Unidos, mitolohiya mula sa Iceland, tula mula sa
Inglatera, dula mula sa England at maikling kuwento mula sa Amerika. Mapag-aaralan din ang pagpapalawak
ng pangungusap, paggamit ng salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin, wastong gamit ng iba’t
ibang uri ng pokus tulad ng pokus tagaganap, layon, pinaglalaanan, kagamitan, ganapan at sanhi. Gayundin
din, mauunawaan mo rin ang mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita at paggamit ng pahayag na
pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan.
Sa pagtatapos, inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang mga pokus na tanong kung paano nga ba
naiiba ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran sa iba pang mga bansa gayundin, kung
paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit na maunawaan at mapahalagahan
ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran. Gayundin, inaasahang makapaglalathala ang mga
mag-aaral ng sarili nilang akda sa hatirang pangmadla (social media). Tatayahin ito batay sa sumusunod na
pamantayan: a. orihinalidad, b. makatotohanan at napapanahong paksa, c. kakintalan, d. wasto at angkop na
gramatika/ retorika, e. hikayat at kaaliwan sa mambabasa.
II. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang
pangmadla (social media)
VII. Panimulang Pagtataya (para Ipasagot ang panimulang pagtataya sa mga mag-aaral upang
sa Modyul 2) mabatid ang kanilang iskema sa mga araling tatalakayin. Narito ang
kasagutan:
1. C 21. a
2. C 22. d
3. B 23. d
4. B 24. c
5. A 25. a
6. C 26. a
7. A 27. a
8. C 28. b
9. A 29. b
10. C 30. a
11. A 31. d
12. B 32. d
13. D 33. c
14. A 34. c
15. D 35. b
16. C 36-50 Ang pagwawasto ay batay sa
17. A pamantayan sa pagsulat ng
18. B sinopsis ng sariling akda
19. D
20. C
YUGTO NG PAGKATUTO (PARA SA BUONG MODYUL 2)
TUKLASIN
T.A.1)Ipababasa ang talambuhay ni T.A.3) Tatawag ng mga mag-aaral T.A.4)Pagkatapos ay itatanong
Pangulong Dilma Rousseff. na magbibigay ng mga ng guro ang impresiyong nabuo
Maaaring isagawa sa paraang impormasyon tungkol sa pangulo sa mga mag-aaral tungkol sa
interbyu. (Dalawahan) ng Brazil. katauhan ng pangulo.
T.B1) Aalamin ng guro ang palagay T.B2) Ipoproseso ng guro ang T.B3) Itatanong ng guro ang mga
ng mga mag-aaral kung ano ang sagot ng mga mag-aaral. kontrobersiyal na isyu ng lipunan
sasabihin ng pangulo ng Brazil sa bilang pag-uugnay ng aralin sa
kaniyang mga kababayan na nasa mga kasalukuyang pangyayari sa
Gawain 2 Concept Mapping (KG) bayan.
T.C1) Ipababasa nang malakas at T.C2) Magbibigay ng opinyon ang T.C3) Itatanong ng guro sa mga
may damdamin ang mga piling mga mag-aaral sa mga narinig na mag-aaral ang mga napuna nila
pahayag ng mga kilalang lider sa pahayag. (KG) sa mga pahayag na binasa.
mundo. Gawain 3 (I) Ano ang naging saloobin
at damdamin mo sa
narinig na pahayag?
Bibigyan ng pansin ang mga
salita, istruktura ng
pangungusap, nais nitong
sabihin at dating sa mga
tagapakinig.
LINANGIN
Panitikan
L.A1) Hingin ang kaalaman ng mag- L.A3) Pagbibigay ng input ng guro L.A.4 Pag-iisa-isa ng mga
aaral tungkol sa: (KG) tungkol sa pagkakaiba ng katangian ng binasang talumpati.
o sanaysay talumpati sa iba pang uri ng
o talumpati sanaysay
o editoryal
o tanging lathalain
L.B1) Pasasagutan ang talasalitaan L.B2) Ipoproseso ng guro ang mga L.B.3 Gamitin sa pangungusap
sa paraang paligsahan na nasa naging kasagutan ng mga mag- ang tatlong salita na nasa loob
Gawain 4 (KG) aaral ng dayagram.
L.C1) Sasagutin ang mga gabay na L.C2) Ipakikita ng mga mag-aaral L.C4) Iuugnay ng guro ang mga
tanong sa pamamagitan ng ang kinalabasan ng pangkatang kontrobersiyal na isyu ng lipunan
pangkatang gawain. gawain. Maghahanda ang guro ng sa akdang pinag-aralan.
Pangkat 1: Listing at acting rubriks kung paano mamarkahan
Itatala ang mga nais makamit ni ang bawat pangkat sa kanilang
pangulong Rousseff sa kaniyang ginawang pag-uulat.
pamumuno at ipakikita ito sa L.C3) Magbibigay ng feedback o
pamamagitan ng kilos. mga karagdagang impormasyon
Pangkat 2: T-chart ang guro at ang mga tagapakinig.
Ilalarawan ang kalagayang
panlipunan ng bansang Brazil.
Pangkat 3: Venn Diagram
Paghahambinging sa tulong ng venn
diagram ang kinakaharap na
suliranin ng Brazil at Pilipinas.
Pangkat 4: Hatirang Pangmadla
Magbibigay ng sariling pamamaraan
kung paano sosolusyunan ang mga
binanggit na problema at ito ay
ipadadala gamit ang hatirang
pangmadla (social media)
L.D1) Ipabasa nang malakas ang L.D2) Hingin ang opinyon ng mga L.D3) Susuriin ang mga pahayag
mga piling pahayag sa mag-aaral ukol sa mga pahayag. batay sa wikang ginamit at dating
talumpati.Gawain 6 (I) (I) sa madla bilang paghahanda sa
isusulat na talumpati. (KG)
L.E1) Susuriin ang pagkakabuo ng L.E2) Ipoproseso ng guro ang mga L.E3) Magbibigay ng gabay ang
binasang talumpati sa tulong ng mga naging kasagutan ng mga mag- guro sa pagbuo ng mabisang
gabay na tanong Gawain 7 aaral talumpati.
L.F1) Ibibigay na takdang-aralin ang L.F2) Pipili ang mga mag-aaral ng L.F3) Babasahin ng ilang mag-
Gawain 8 kung saan manonood ng isang bahagi ng balita na may aaral ang kinalabasan ng
balita sa telebisyon ang mga mag- kaugnayan sa mga isyung kanilang pagsusuri. Ipoproseso
aaral. panlipunan na binanggit sa ng guro ang sagot ng mga mag-
talumpating pinag-aralan at aaral.
pagkatapos ay susuriin ito batay
sa mga sumusunod:
o paksa
o nilalaman ng balita
o kaugnayan sa
tinalakay na
talumpati
L.G1) Tatawag ng mahusay na mag-
aaral na siyang bibigkas ng kaugnay L.G3) Ipoproseso ng guro ang mga L.G4) Magbibigay ng feedback o
na teksto na nasa Gawain 9.(I) naging kasagutan ng mga mag- karagdagang impormasyon ang
aaral. guro at mga tagapakinig.
L.G2) Sasagutin ng mga mag-aaral
ang mga gabay na tanong na nasa
Gawain 10.
L.I2) Ipababasa nang malakas ang L.I3) Magsasanay ang mga mag- L.I4) Susulat ng isang talata ang
usapan ng tatlong mag-aaral. aaral sa pagpapalawak ng mga mag-aaral tungkol sa isang
Pagkatapos ay pipili ng limang pangungusap. Ipaliliwanag nila kontrobersiyal na isyu ng lipunan.
pangungusap at susuriin ang ginamit ang pamaraang ginamit. Sikaping ipagamit ang mga
na paraan sa pagpapalawak ng Pagsasanay 2 (I) pamamaraan sa pagpapalawak
pangungusap. Maaaring sa ng pangungusap. Pagsasanay 3
panaguri o paksa. Pagsasanay 1 (I) (I)
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Pasasagutan ang mga pokus na Tatawag ng ilang mag-aaral upang Tiyaking tama ang mga
tanong gamit ang round table ibigay ang sagot sa tanong sa konseptong natutuhan ng
discussion at grapiko ng kaalaman. panitikan at gramatika. (I/KG) mga mag-aaral.
Masasalamin ba sa
talumpati ang
kalagayang
panlipunan ng
bansang pinagmulan
nito? Patunayan.
Sagot: Ang talumpati ay
kabuuan ng kaisipang nais
ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng
publiko. Kadalasang
napapanahon ang paksa ng
talumpati at ito ay may
kaugnayan sa okasyong
ipinagdiriwang. Tulad ng
talumpating tinalakay kung
saan nagbigay ng pananalita
ang bagong halal na pangulo
ng Brazil. Sa pamamagitan
ng talumpati ay naipabatid
niya ang kalagayang
panlipunan ng kaniyang
bansa, naipahayag niya ang
plano ng kaniyang
administrasyon at nahikayat
niya ang lahat ng sektor na
magtulungan para sa pag-
unlad ng kanilang bansa.
Paano nakatutulong
ang kasanayan sa
pagpapalawak ng
pangungusap sa
pagsulat ng talumpati?
Sagot: Kung ang mga mag-
aaral ay may sapat na
kasanayan sa pagpapalawak
ng pangungusap higit niyang
maipahahayag ang kaniyang
saloobin at pananaw tungkol
sa paksang kaniyang
isusulat. Makatutulong ang
pagpapalawak ng
pangungusap upang maging
malinaw ang mga ideyang
nais niyang iparating.
ILIPAT
Ipababasa ang direksyon sa isusulat Bibigyan ng sapat na oras ang mga Pipili ang guro ng
na talumpati. mag-aaral upang isulat ang kanilang pinakamahusay na talumpati
talumpati. (I) at ipababasa ito sa mag-
Iisa-isahin ang mga kontrobersiyal na aaral na mahusay sa
isyu ng lipunan sa tulong ng pagbigkas. (I)
webbing.
T.A.1)Ipagawa ang Gawain 1 (I) T. A.3) Ipabasa sa mga mag-aaral T.A.4) Batay sa naging
ang bawat konsepto at hayaang kasagutan ng mga mag-aaral,
magbigay sila ng paliwanag ng magbigay ng mga mahahalagang
kanilang sagot. salita ( 3 salita) na natutuhan.
- Tanggapin maging ang maling sagot. Sabihin na sa pagpapatuloy ng
(KG) aralin ay lalo pa silang
maliliwanagan tungkol sa dagli at
sa wikang pag-aaralan.
T.A.2)Ipawasto ang sagot ng
mga mag-aaral.
(KG)
T.B1) Babasahin ng guro ang T.B.2) Ipoproseso ng guro ang sagot T.B.3) Magsasalaysay ang ilang
isang halimbawa ng dagli. ng mga mag-aaral. mag-aaral ng sariling karanasan
Hayaang makinig ang mga mag- Bibigyan ng diin ang istilo ng awtor noong bata pa na may
aaral. Ipagagawa ang Gawain 2. sa pagsulat ng dagli. kaugnayan sa dagling binasa
(I ) (KG)
T.C 1) Babasahin ng mga mag- T.C 2) Tatalakayin sa klase ang T.C.3 Ibigay ang pokus na
aaral ang impormasiyon tungkol kinalabasan ng gawain. Mainam na tanong:
sa mga Carribean upang magbigay pa ang guro ng
magkaroon sila ng kabatiran karagdagang impormasyon. Paano naiiba ang dagli sa
tungkol sa kultura nito. Itatala sa (Kolaboratibo) iba pang akdang
grapikong fan fact analyzer ang pampanitikan?
mahahalagang impormasyon na
makikita sa Gawain 3. Paano nakatutulong ang
(Indibidwal) mga salitang
nagpapahayag ng
pangyayari at damdamin
sa pagsulat ng sariling
dagli?
LINANGIN
Panitikan
L.A1) Tatalakayin ng guro ang L.A2) Magbibigay rin ang guro ng L.A3) Sa tulong ng concept
pinagmulan at kahulugan ng dagli. gabay sa pagsulat ng ganitong uri mapping, iisa-isahin ng mga
ng akdang tuluyan. mag-aaral ang katangian ng
dagli. (Kolaboratibo)
L.B1)Babasahin nang
madamdamin ng isang mag-aaral
ang dagli habang may isa pang
mag-aaral na nagsasagawa ng
kilos (pantomina)
L.C1) Isasagawa ang talasalitaan L.C2) Matapos maisaayos ang mga L.C.3) Ipagamit sa sariling
sa anyong paligsahan na makikita salita ayon sa pormalidad nito. pangungusap ang mga isinaayos
sa Gawain 4. (Kolaboratibo) Tatawag ng mga mag-aaral upang na salita.
ibigay ang pagkakaiba ng
kahulugan ng mga salita.
(Kolaboratibo)
L.D1) Pasagutan ang mga Gabay L.D2) Ipakikita ng bawat pangkat L.D3)Matapos ang bawat gawain
na Tanong sa Gawain 5 sa ang kinalabasan ng gawain. ay iproproseso ng guro ang
pamamagitan ng pangkatang Maghanda ng rubriks ang guro kung mahahalagang konsepto na
gawain. Hahatiin ang klase sa paano mamarkahan ang dapat lumitaw sa bawat gawain.
anim na pangkat. Bibigyan ng 7 pagtatanghal o pag-uulat ng bawat Hihingan din ng karagdagang
hanggang 10 minuto ang bawat pangkat. kasagutan ang klase.
pangkat.
Pangkat 1: Caterpillar technique
Kung saan susuriin ng mga mag-
aaral ang tauhan, tagpuan at mga
pangyayari sa binasang dagli.
Pangkat 6 : Paghahambing
Ihahambing ang dagli sa maikling
kuwento gamit ang venn diagram.
Mungkahing Gawain: Pagawan ng balangkas ang mga Bumuo ng kongklusyon mula sa
Ipapanood ang power point nakuhang impormasyon. Ipoproseso impormasyong itinala.
presentation na pinamagatang ng guro ang sagot ng mga mag- Pagbuo ng mungkahi sa ating
“Bata, Bata kay Aga mong aaral. pamahalaan kung paano
Tumanda.” Tingnan lamang sa mapangangalagaan ang
slideshare.com karapatan ng bata sa
pamamagitan ng pagsulat ng
liham.
L.E 1) Ipababasa ang kaugnay na L.E2) Iproproseso ng guro ang sagot
teksto. Maaari itong isagawa sa ng mga mag-aaral. Dapat makita ng
paraang interbyu. (dalawahan) mga mag-aaral ang pagkakatulad ng
Pasasagutan ang mga gabay na kalagayan ng mga batang si Amelia,
tanong sa Gawain 6 (Isahan) Jojo at Jojie.
L.F.1) Susuriin ang mga salitang L.F.2) Ipababasa ang talata at L.F.4) Pipili ng isang paksa mula
may salungguhit sa tekstong pagkatapos ay itatala sa kuwaderno sa mga nakatalang problema na
binasa. Magbibigay ng mga ang mga salitang nagpapahayag ng kinakaharap ng mga
halimbawa ang guro ng mga pangyayari at damdamin. kabataan.Susulat ng maikling
salitang nagpapahayag ng (Pagsasanay 1- Isahan o salaysay tungkol dito. Gagamit
pangyayari at damdamin. dalawahan). ng mga salita na nagpapahayag
ng damdamin at pangyayari.
L.F 3) Bubuo ng sariling (Pagsasanay 3- Isahan)
pangungusap upang mabuo ang
diyalogo gamit ang mga salita na
nagpapahayag ng pangyayari o
damdamin. (Pagsasanay 2-
Dalawahan)
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Pasagutan ang mga pokus na Tatawag ng ilang mag-aaral upang Tiyaking tama ang mga
tanong sa tulong ng grapikong ibigay ang sagot sa tanong sa konseptong natutuhan ng mga
representasiyon. panitikan at gramatika. (Isahan at mag-aaral.
Kolaboratibo)
Paano naiiba ang dagli sa
iba pang akdang
pampanitikan?
Sagot: Kung ihahambing ang
dagli sa iba pang akdang
pampanitikan tulad ng maikling
kuwento ito ay naiiba sapagkat
gahol ang banghay nito, walang
aksyong umuunlad at pawang
paglalarawan lamang. Walang
isang pamantayan kung gaano
ito kahaba. Higit na kailangan
ang pagkontrol ng salita. Ang
maikling kuwento ay kumpleto
ang elemento tulad ng tauhan,
tagpuan at banghay. ang dagli ay
nagbibigay ng tuon sa isa
lamang elemento.
Aralin Bilang 2.3 PANITIKAN: Ang Matanda at ang Dagat (Nobela-Estados Unidos)
salin ng “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway
(isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jose Manuel Santiago)
GRAMATIKA/RETORIKA: Paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at
pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan
URI NG TEKSTO: Naglalahad
PRODUKTO Pagsasagawa ng suring-basa batay sa isang nobela na isinapelikula.
MGA POKUS NA TANONG PANITIKAN: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akda na nasa
anyong tuluyan ayon sa elemento nito?
GRAMATIKA/RETORIKA: Paano nakatutulong ang pahayag na
pagsang-ayon at pagtutol sa pagsasagawa ng panunuring pampanitikan?
DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LC)
Paglinang ng Talasalitaan Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita/terminong ginagamit sa
(Linangin ) akda.
Pag-unawa sa Binasa (Linangin) Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o
sa alinmang angkop na pananaw/teoryang pampanitikan.
Pag-unawa sa Napakinggan Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa
(Linangin) kanilang mga pananalita.
Pagsasalita (Linangin) Naisusulat ang suring-basa ng nobelang nabasa o napanood.
Panonood (Linangin) Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng serye/trailer ng
pelikula na may paksang kaugnay ng binasa.
Pagsulat (Ilipat) Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela.
Gramatika (Linangin) Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa o panunuring pampanitikan.
Pagpapahalaga Magpatuloy tayo sa ating buhay at harapin ng buong tapang ang
anumang balakid o hadlang na dumating.
Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol
sa mga teoryang pampanitikan.
TALAAN NG MGA GAWAIN PARA SA ARALIN 2.3
Mga Gawain sa Paglinang ng Mga Gawain sa Pagproseso ng Mga Gawain Tungo sa Paglilipat
Kaalaman (Knowledge) Kaalaman at kakayahan Tungo ng Pagkaunawa
sa Pag-unawa (Transfer)
(Process and Understanding)
TUKLASIN
T.A.2 ) Tatalakayin ang naging
sagot ng mag-aaral sa Gawain 1.
LINANGIN
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
PU.A.1) Magbalik-aral sa mga PU.A.3) Ipagawa ang Gawain 7.
tinalakay na aralin. Gawin ito ng pair share. Bigyan ng
3 minuto ang bawat magkapareha
upang pag-usapan ang kanilang
nabuong pahayag. Ipasulat sa
kartolina o manila paper ang
kanilang napag-usapan sa loob ng
2 minuto.Papiliin sila ng
magbabahagi saklase ng kanilang
napag-usapan. (I o K)
ILIPAT
I.A.1) Magbalik-aral sa I.I.2) Ipagawa ang gawain sa loob I.I.3) Iulat o isagawa ang book
mahahalagang ng kahon. Ibigay ang pamantayan review o suring basa sa klase.(I)
konsepto mula sa aralin (K) sa paglikha nito. (I)
PANITIKAN: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante
Mitolohiya - Iceland
Aralin Blg. 2.4
Isinalin ni Sheila C. Molina
GRAMATIKA/ RETORIKA: Paggamit nang wastong
Pokus na Tagaganap at Layon sa Pagsusuri
URI NG TEKSTO: Nagsasalaysay
PAGGANAP Pagsusuri ng Mitolohiya ng alinmang bansa sa
Kanluran
MGA POKUS NA TANONG PANITIKAN:Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang
akdang tuluyan?
GRAMATIKA/RETORIKA: Paano magagamit sa
pagsusuri ng mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus
sa layon?
DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO ( LC)
Paglinang ng Talasalitaan (Linangin) Naisasama ang salita sa iba pang salita upang
makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
Pagsasalita (Linangin) Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw
tungkol sa mitolohiya
Pag-unawa sa Napakinggan ( Linangin) Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay
sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Pag-unawa sa Binasa ( Linangin) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan sa binasang
akda sa sariling karanasan.
Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang mitolohiya
Panonood ( Linangin) Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang
napanood
Wika at Gramatika ( Linangin) Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa:
tagaganap at layon sa pagsusuri ng mitolohiya
Pagsulat ( Ilipat) Nakasusulat ng pagsusuri ng mitolohiya ng alinmang
bansa sa kanluran
Pagpapahalaga Napag-iisipan na ang panloloko sa kapwa ay hindi
mabuting gawain
TALAAN NG MGA GAWAIN SA ARALIN 2.4
Mga Gawain sa Paglinang ng Mga Gawain sa Pagproseso ng Mga Gawain Tungo sa Paglilipat ng
Kaalaman (Knowledge) Kaalaman at Kakayahan Tungo sa Pagkaunawa ( Transfer)
Pag-unawa
( Process and Understanding)
TUKLASIN
T.A.1) Ipababasa ang mitolohiya at T.A.2 Ipoproseso ang naging T.A. 3) Bibigyan ng pansin ang
pagkatapos ay pasasagutan ang kasagutan ng mga mag-aaral elemento ng mitolohiya at sasabihing
Gawain 1 kung saan susuriin ang pagkatapos ng aralin ay magsususri
elemento ng mitolohiya at pokus sila ng mitolohiya ng alinmang bansa
tagaganap at layon(Indibidwal) saKanluran.
T.B1) Ipababasa ang paglalahad T.B.2) Tatakayin ang mga naging T.B4) Ibigay na tanong :
tungkol sa mga diyos ng Norse at sagot ng mga mag-aaral sa Gawain 2. Suriin ang tagpuan at mga
pagkatapos ay itatala ang mga tauhan na inilalarawan. Ano
nakuhang impormasyon sa tulong ng T.B.3) Ipoproseso ng guro ang sagot ang masasabi mo rito?
grapikong representasyon. Gawain 2 ng mga mag-aaral.
(Indibidwal) Maaaring magbigay ng feedback o
puna ang guro o kapwa mag-aaral sa
naging sagot sa gawain
LINANGIN
Panitikan
L.A1) Tatanungin ng guro ang mga L.A3) Tatanungin ng guro kung paano L.A.4 )Hingan ng mga halimbawa
mag-aaral kung ano ang kahulugan nakatutulong ang mga elemento ng ang mga mag-aaral ng mitohiyang
ng mitolohiya at ano-ano ang mga mitolohiya sa pagpapaigting ng mga nabasa o napanood.
elementong bumubuo sa mitolohiya. pangyayari sa akda.
L.A2) Tatalakayin ng guro ang tungkol Ipoproseso ng guro ang sagot ng
sa mitololohiya at mga elemento nito. mga mag-aaral
L.B.3)Pagtibayin ang sagot ng mga
L.B1) Babasahin ang mitolohiya sa L.B2) Babalikan ng guro ang mga mag-aaral sa tanong na ibinigay ng
pamamagitan ng Directed Reading ibinigay na sagot ng mga mag-aaral guro bago bumasa.
Thinking Ability (DRTA) kung saan upang malaman kung sino ang
baha-bahaging babasahin ang akda. nagbigay ng tamang sagot at lilinawin
Bago basahin ay magbibigay ng na ang tamang impormasyon.
paunang tanong ang guro at ang mga
mag-aaral ay magbibigay ng kanilang
hinuha at palagay.
Tanong : Ano kaya ang mangyayari
kay Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante? (pagbibigay hinuha sa
pamagat)
Bakit kaya nagalit si Thor sa
pamilya ng magsasaka? Ano kaya
ang ginawa niya rito? (talata 1)
Sino kaya ang nakilala nila sa
kanilang paglalakbay? Magdudulot
kaya ito ng kapahamakan kina Thor?
(talata 2,3,4)
Ano kaya ang paligsahang
lalahukan nina Loki, Thjalfi at Thor?
Mananalo kaya sila? (talata 6-15)
Ano kaya ang mararamdaman ni
Thor sa naging resulta ng paligsahan?
(talata 16)
Sa iyong palagay, ano kaya ang
lihim ng pinuno ng mga higante kung
kaya’t hindi nanaig ang lakas ni Thor?
(talata 17)
L.C1) Pasasagutan ang talasalitaan. L.C2) Matapos maitala ang mga salita L.C.3) Gamitin ang mga salitang nabuo
Magbibigay ng mga salitang ay ibibigay naman ang kahulugan ng sa sariling pangungusap. Maaaring
maisasama sa punong salita upang mga bagong salitang nalikha. iugnay sa tinalakay na mitolohiya.
makabuo ng iba pang kahulugan.
Gawain 4 (Indibidwal o Kolaboratibo)
L.D1) Pasasagutan ang mga gabay L.D2) Magsasagawa ng malayang L.D3)Pagbuo ng mahalagang
na tanong. Gawain 5 (Indibidwal) talakayan. Ipoproseso ng guro ang kaisipan/paglalagom sa ginawang
sagot ng mga mag-aaral. pagtatalakayan at pag-uugnay nito sa
sariling karanasan.
L.E1) Susuriin ang elementong taglay L.E2) Magbibigay ng patunay ang mga L.E3) Ibibigay bilang takdang-aralin
ng binasang mitolohiya. Gawain 6 mag-aaral kung taglay ng akda ang ang pagbabasa ng iba pang
(Indibidwal) mga elemento ng mitolohiya. mitolohiya ng bansang kanluranin
gayundin ang pagpapabasa ng
mitolohiyang Pilipino
L.F1) Ipababasa ang isang halimbawa L.F2) Susuriin ng mga mag-aaral ang L.F3) Bibigyan ng linaw ng guro ang
ng mitolohiyang Pilipino. Maaaaring taglay na elemento ng mitolohiyang elemento ng mitolohiya.
basahin sa malikhaing pamamaraan binasa sa pamamagitan ng
tulad ng Reader’s Theater, Chamber pangkatang gawain.
Theater atbp. Gawain 7 Ipoproseso ang sagot ng mga mag-
(Kolaboratibo) aaral.
Mungkahing gawain:
Manonood ang klase ng alinman sa Ipababasa sa ilang mag-aaral ang Bibigyan ng diin ng guro ang mga
pelikula ni Thor. Bago ipanood ay ginawang pagsusuri. Magbibigay ng elementong nakita sa pelikulang Thor
pipiliin na ng guro ang bahaging feedback ang guro upang magabayan ang mga mag-
mahalagang mapanood ng mga mag- aaral sa isusulat na pagsusuri.
aaral.
Susuriin ang mga elementong taglay
ng mitolohiya. (Indibidwal o
Kolaboratibo)
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Pasasagutan ang mga pokus na Tatawag ng ilang mag-aaral upang Tiyaking tama ang mga konseptong
tanong sa tulong ng concept organizer ibigay ang sagot sa tanong sa natutuhan ng mga mag-aaral.
technique at dialog box. panitikan at gramatika. (Indibidwal at
Kolaboratibo) Paano naiiba ang mitolohiya
sa iba pang akdang tuluyan?
Sagot: Tulad ng iba pang akdang
tuluyan ang mitolohiya ay may taglay
na elemento gaya ng tauhan,
tagpuan, banghay at tema. Naiiba
ang tauhan ng mitolohiya sa iba pang
akda dahil binubuo ito ng mga diyos
at diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan. Naiiba rin
ang tagpuan dahil ito ay naganap
noong sinaunang panahon.
Sa banghay naman, tulad ng iba
marami rin itong kapana-panabik na
aksyon at tunggalian, nakatuon sa
mga suliranin at paano ito malulutas.
Ang ipinagkaiba naman ay maaari
itong tumalakay sa pagkakalikha ng
mundo at mga natural na pangyayari.
Gayundin, ipinapakita nito ang
ugnayan ng tao at ng mga diyos at
diyosa.
Kung tema naman ang pag-
uusapan,tulad ng iba pang akda
maaari itong magtuon sa pag-uugali
ng tao, sa katangian at kahinaan ng
tauhan at nagbibigay rin ng aral sa
buhay. Ngunit kadalasan ang
mitolohiya ay nagpapaliwanag sa
natural na pangyayari, pinagmulan
ng buhay sa daigdig at mga
paniniwalang panrelihiyon.
Paano magagamit sa
pagsusuri ng elemento ng
mitolohiya ang pokus
tagaganap at layon?
Sagot: Ang kaalaman at kasanayan
sa wastong gamit ng pokus
tagaganap ay makatutulong sa
pagsusuri ng elemento ng tauhan
samantalang ang pokus sa layon
naman ay makatutulong sa pagsusuri
ng elemento ng banghay at tema.
Makatutulong sa maayos na daloy
ng pagsusuri ang sapat na kaalaman
sa wastong gamit ng pokus
tagaganap at pokus sa layon.
ILIPAT
Ipababasa ang direksiyon sa isusulat Bibigyan ng sapat na oras ang mga Magpapabasa ang guro ng ilang
na pagsusuri sa Gawain 10. mag-aaral upang isulat ang kanilang mainam na halimbawa. (Indibidwal)
pagsusuri sa loob ng apat na talata.
Magbibigay ng mga tanong ang guro (Indibidwal)
na makatutulong sa isasagawang
pagsusuri
PRODUKTO AT PAGGANAP Pagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa likhang tula na may hawig sa
paksang tinalakay ng tula.
MGA POKUS NA TANONG PANITIKAN: Mabisa bang paraan ang tula sa paglalarawan ng karanasan
at damdamin?
GRAMATIKA/RETORIKA: Paano nakatutulong ang mabisang paggamit ng
matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula?
DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LC)
Paglinang ng Talasalitaan Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
(Linangin) tula.
Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang mga elemento ng tula.
Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang estilo ng napakinggang tula.
Pagsasalita Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang
pagbigkas ng tula.
Panonood Nasusuri ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang pagbigkas
ng halimbawa ng pinanood na isahang pagbigkas ng tula.
Pagsulat Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.
Gramatika Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.
Pagpapahalaga Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat mula sa
pagkasilang, kakambal nan g tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
TALAAN NG MGA GAWAIN PARA SA ARALIN 2.5
Mga Gawain sa Paglinang ng Mga Gawain sa Pagproseso ng Mga Gawain Tungo sa Paglilipat
Kaalaman (Knowledge) Kaalaman at kakayahan Tungo ng Pagkaunawa
sa Pag-unawa (Transfer)
(Process and Understanding)
TUKLASIN
T.A.1) Isang awitin ang T.A 2) Pumili ng mag-aaral na T.A4) Talakayin ang tanong Bilang
pakikinggan ng mag-aaral. maglalahad ng kaniyang 4.
Matapos mapakinggan ito, nabuong damdamin mula sa Anong konklusyon ang
ipagawa ang Gawain 1. Ilahad ang awitin sa Gawain 1. nabuo sa iyong
mga damdamin na naghahari sa Tanggapin maging ang imahinasyon matapos
nasabing awitin (Indibidwal) maling damdaming mapakinggan ang nasabing
nailahad ng mag-aaral. awit?
T.B. 1) Makikinig o manonood ng T.B. 2) Maaaring hikayatin ang mag- T.B. 3) Pumili ng ilang magkatriad
isang halimbawang isahang aaral na magbahaginan sa kanilang na magbabahagi sa klase ng
pagbigkas ng tula. Pagkatapos mga naging sagot sa Gawain 2 sa kanilang ginawa.
ipagawa ang Gawain 2 (Compare pamamagitan ng triad share. Bigyan Sabihin: Magkatulong nating
& Contrast Chart) Ipasagot sa ang bawat magkatriad ng limang (5) tutuklasin ang mga sagot sa mga
mag-aaral ito (I o K) minuto upang magtalakayan at nais ninyong malaman sa
magpalitan ng pagpapatuloy ng ating talakayan.
kaalaman.
LINANGIN
L.A1) Magbigay ng ilang L.A3) Magbigay ng input sa mag- L.A4) Muling pagbigkas ng tula.
impormasyon tungkol kay aaral tungkol sa tula.
Elizabeth Barret Browning
L.B.1) Ipagawa ang Gawain 3. Ito L.B2) Iproseso ng guro ang mga L.B3) Bumuo ng matalinghagang
ay maaaring nakasulat sa pisara, naging kasagutan ng mga mag- pahayag o pananalita na
sa kartolina o manila paper. (I). aaral. maglalarawan sa salitang PAG-
IBIG.
L.C1) Pasasagutan ang Gawain 4 L.C2) Ipakikita ng mga mag-aaral L.C3) Magbigay ng kaugnay na
(Tanong Bilang 1-9). Maaaring sa ang kinalabasan ng pangkatang pahayag o kaisipan tungkol sa
pamamagitan ng pangkatang gawain o mga sagot sa Gawain 4. tinalakay na akda.
gawain: Maaaring maghanda ang guro ng
rubriks kung paano mamarkahan
ang bawat pangkatang gawain.
.
L.D. 1) Pakinggan ang nakarecord L.D3) Magkaroon ng talakayan L.D4) Talakayin ang tanong Bilang
na halimbawang tula “Babang- tungkol akingggan o ipinabasang 3 ang paghahambing ng dalawang
Luksa” (Mungkahi: maaari rin tula gamit ang mga sinagot sa tulang tinalakay – Babang Luksa
naming ipabasa ang halimbawa ng gabay na tanong sa Gawain 5. at Ang Aking Pag-ibig.
tula na maaaring gawing
dugtungang pagbasa)
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
PU.G.1) Magbalik-aral sa mga PU.G.2) Kuhanin ang mahalagang PU.G.3) Ipaulat sa bawat pangkat
tinalakay na aralin. Pasasagutan konseptong natutuhan ng mag-aaral ang naging kaisahang sagot nila.
muli ang mga pokus na tanong na sa aralin sa pamamagitan ng Hikayatin ang bawat pangkat na
binigay sa unang bahagi ng pagpapabuo ng sumusunod na mga gawin ito sa masining na paraan.
talakayan. pahayag (K) Hingan ng feedback ang bawat
pangkat sa naging sagot ng iba
pang pangkat. Magbigay rin ng
feedback ang guro.
ILIPAT
I.H.1) Magbalik-aral sa I.H.2) Ibigay bilang input ang tungkol I.H.4) Hatiin sa 6 na pangkat ang
mahahalagang konsepto mula sa sa sabayang pagbigkas (readers klase. Bigyan ng 10 minuto ang
aralin (K) theater) bawat pangkat upang pag-usapan
(mungkahi: maaaring humanap ng ang naging karanasan at
halimbawa nito sa youtube upang kinalabasan ng kanilang ginawang
mapapanood sa mga mag-aaral) tula na itinanghal nilang Reader’s
Theater. Papiliin sila ng
magbabahagi sa klase ng
kanilang napag-usapan.
T.B.1. Ipagawa ang Gawain 2. T.B.3. Hikayatin ang mga mag-aaral na T. B.4 Magpabigay sa mga mag-
Alamin sa mga mag-aaral ang maglahad at ipaliwanag ang kaugnay aaral ng ilang sitwasyong may
kanilang nalalaman tungkol sa na mga kaisipan tungkol sa mga kaugnayan sa pahayag. (Indibidwal)
pahayag. (Indibidwal) pahayag na nasa kahon. (Indibidwal)
T.B.2. Magsagawa ng malayang
talakayan tungkol sa mga pahayag na
ibibigay ng guro sa pamamagitan ng
pag-uugnay nito sa dati na nilang
nalalaman. (Kolaboratibo)
T.C.1. Ipagawa ang Gawain 3. T.C.2. Pangkatin ang klase. T.C.3. Subukin ang kakayahan ng
(Kolaboratibo) Magbibigay ng sagot ang bawat mag- mga mag-aaral sa pagsasalaysay ng
aaral. Pagkatapos, pag-uusapan ng mga pangyayari mula sa kuwentong
bawat pangkat ang gawain upang nabasa, napanood, narinig, at
makabuo ng isang sagot na iuulat ng nasaksihan. (Kolaboratibo)
lider ng pangkat sa harap ng klase.
(Kolaboratibo)
T.D1. Ipagawa ang pagtuklas na T.D3. Ipasagot ang Gawain sa mga T.D2. Natutukoy ng mga mag-aaral
gawain sa Gramatika at Retorika sa mag-aaral nang isahan. (Indibidwal) ang wastong pandiwa sa pagbuo ng
Gawain 4. (Indibidwal) pahayag na nasa Pokus na
Pinaglalaanan at Kagamitan.
(Indibiwal)
T.E1. Ibigay ang Pokus na mga T.E2. Hayaan silang magbahagi ng T.E3. Sabihin: Sa mga susunod na
Tanong. kanilang nalalaman. Pagkatapos, iuulat araw ay magkatulong nating
Paano nakatutulong ang dula ito ng lider ng pangkat. (Maging tutuklasin ang sagot sa mga Pokus
sa paglalarawan ng tradisyon maingat ang guro sa pagtanggap ng na Tanong na sa pagpapatuloy ng
at kultura ng isang bansa? sagot ng mga mag-aaral.) ating talakayan.
(Kolaboratibo)
Paano nakatutulong ang Pokus
na Pinaglalaanan at Pokus na
Kagamitan sa pagsulat ng
sariling damdamin at saloobin?
LINANGIN
c) Ipapanood/Iparinig/Ipabasa ang
dulang Romeo at Juliet.
(Maaaring isadula ito ng ilang piling
mag-aaral sa masining na pagbabasa
ng dula (reader’s theater). Maaari ring
gumamit ng iba pang pamamaraan
kung paano isasagawa ang bahaging
ito. Ilan sa mga mungkahing
pamamaraan ay chamber theater,
radio drama,informance, puppet show
o iba pa upang maganyak ang mga
mag-aaral sa panonood at pakikinig.
Inaasahang ibinigay na bilang
takdang-aralin ang pagbabasa sa
dula.) (Kolaboratibo)
L.B1. Pasagutan sa mga mag-aaral L.B2. Ipagamit sa pagbuo ng L.B3. Magpabigay ng iba pang
ang Gawain 5 Paglinang ng makabuluhang pangungusap ang mga halimbawa ng epitimolohiya ng salita.
Talasalitaan salitang hinanap ang epitimolohiya. (Indibidwal)
1. ang ganitong panghihimasok
(Indibidwal)
mapait na lubos
pang+hi+hing+pasok (Maaaring isagawa ang bahaging ito
pang+hi+him+pasok sa pamamagitan ng laro. Mag-
pang+hi+him+asok uunahan ang dalawang mag-aaral sa
panghihimasok pagbibigay ng epitimolohiya ng mga
2. sa ngalan ng buwang salita sa pisara. (Kolaboratibo)
matimtiman
ma-timtim+an
1. panghihimasok
matimtiman
2. matimtiman
3. ang labi kong dalawa’y
3. mamamakay
mamamakay
4. nangangamba
mang+pang+pakay
5. susuguin
mam+pam+pakay
6. marahas
mam+am+pakay
7. hinihigan
mamamakay
8. hahagkan
4. O, gabing pinagpala, ako’y
9. titingnan
nangangamba
10. makamtan
nang+pangamba
nangangamba
5. Sa tulong ng isang susuguin ko
su+sugo+in
susuguin
6. Ang marahas na ligaya
ma+dahas
7. Madilim na libingang hinihigan
in+hi+higa+an
hi+in+higa+an
hinihigan
8. Hahagkan ko iyong mga labi
ha+halik+an
ha+hag+an
hahagkan
9. Titingnan kung saan siya uupo
ti+tingin+an
titingnan
10. Kasiyahang maaari mong
makamtan
ma+kamit+an
makamtan
L. C.1. Magsagawa ng malayang L. C.2. Ipahambing sa mga mag-aaral L. C.3. Sa tulong ng double cell
talakayan sa nilalaman ng dula sa sa iba pang akdang binasa ang tema diagram sa Gawain 6, ipakikita ng
pamamagitan ng pagsagot sa Mga ng dula. Maaaring maging halimbawa mga mag-aaral ang pagkakatulad at
Gabay na Tanong sa Gawain 6 . ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, pagkakaiba ng ipinakitang kultura ng
(Maaari itong dagdagan ng guro.) Florante at Laura at iba pa. pag-aasawa sa dulang Romeo at
(Indibidwal) (Kolaboratibo) Juliet sa iba pang akdang
pampanitikang nabasa ng alinmang
bansa. (Kolaboratibo)
L.D.1. Ipagawa ang Gawain 8. L.D.3. Pangkatin ang klase. Pag- L.D.2. Subukin ang kakayahan ng
(Kolaboratibo) uusapan ng bawat pangkat ang mga mag-aaral sa paggawa ng isang
gawain upang makabuo ng isang plano o estratehiya tungkol sa isang
sagot na iuulat ng lider ng pangkat sa sitwasyon. (Kolaboratibo)
harap ng klase. (Kolaboratibo)
L.E.1. Ipasagot ang Gawain 9. Pipili L.E.2. (a.) Sa pamamagitan ng L.E.3. Nasasabi ng mga mag-aaral
ang mga mag-aaral ng isang grapikong representasyon, Ibabahagi ang implikasyon ng dula sa kanilang
pangyayari sa akda. Ipabanggit sa ng mag-aaral sa klase ang sagot sa sarili pagkatapos itong mabasa.
kanila ang bisang pangkaisipan at gawain. (b.) Ipalahad ang isang
pandamdamin ng pangyayaring ito sa pangyayari sa akdang nagustuhan
kanilang sarili. (Indibidwal) nila at ipabigay ang naging bisa nito
sa:damdamin, pag-iisip at pag-uugali.
(Indibidwal) Ipasagot ang pokus na tanong para sa
panitikan: Paano nakatutulong ang
dula sa paglalarawan ng tradisyon at
kultura ng isang bansa?
L.F1. Pagsasanib ng Gramatika/ L.F.2. Pabigyang-puna ang mga L.F.3. Pasagutan ang mga tanong
Retorika katangian ng teksto kung bakit ito kaugnay ng binasang teksto sa
Babasahin ang tekstong “Moses, nahahanay sa trahedya. Bigyang- Gawain 11. Magsagawa ng malayang
Moses” Ipabasa ng guro ang pansin din maging ang mga salitang talakayan.(Kolaboratibo)
nilalaman ng teksto sa piling mag- may salungguhit na ginamit sa mga
aaral gamit ang estratehiyang reading pahayag sa teksto.
buddy. (Kolaboratibo)
L.G 1. Takakayin ang dalawang uri ng L.G.2. Ipasagot ang mga L.G.3. Pabuuin ang mga mag-aaral ng
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Pagsasanay. kanilang kongklusyon o paglalahat
Kagamitan kaugnay ng aralin sa
(Para sa Pagsasanay 1, isasagawa ito Gramatika/Retorika.
Ipakilala ang katangian ng bawat uri at nang isahan. Pagkatapos, ibabahagi
ipasuri sa kanila ang mga ibinigay na sa klase ang kinalabasan ng gawain.
halimbawa. Magpabigay ng iba pang Pabigyang-puna ang sagot ng mga
halimbawa upang mapalalim ang mag-aaral.
pagtalakay rito.(Indibidwal)
Ang Pagsasanay 2 ay isasagawa
nang kolaboratibo o pangkatan.
Bigyan ng pagkakataong makapag-
usap at makabuo ng diyalogo ang
magkakapangkat. Ipaugnay rito ang
kaalamang natutuhan sa wika at
gramatika. Iuulat ng mga mag-aaral
sa harap ng klase ang kinalabasan ng
gawain. Pabigyang-puna sa mga
mag-aaral ang bawat awtput na iuulat.
(Kolaboratibo)
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
PaU.A.1. Magbalik-aral sa PaU.A.2. Pasagutan sa mga mag-aaral PaU.A. Iproseso ang gawain.
mahahalagang konseptong natutuhan ang mga Pokus na Tanong: Paliparin ito sa loob ng klase.
ng mga mag-aaral sa panitikan,
tekstong nagsasalaysay at PANITIKAN: Paano nakatutulong ang Pupulutin ng mga mag-aaral ang
Gramatika/Retorika. dula sa paglalarawan ng tradisyon at eroplano at daragdagan nila ito ng iba
kultura ng isang bansa? pang sagot. Gawin ang prosesong ito
nang tatlong beses. Pagkatapos ay
GRAMATIKA/RETORIKA: Paano
nakatutulong ang paggamit ng Pokus ipabasa sa ilang piling mag-aaral ang
sa Pinaglalaanan at Pokus sa sagot mula sa napulot na eroplanong
Kagamitan sa pagsulat ng sariling papel.
damdamin at saloobin?
Linawin kung may mga maling
Ipasulat ang sagot nila sa eroplanong konsepto. Tiyaking natutuhan ng
papel. (I)
lahat ng mag-aaral ang
mahahalagang konseptong nais
malinang sa araling ito.
ILIPAT
I.1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang I.2. Pangkatin ang klase sa tatlo sa I.3. Pagtatanghal ng dulang
pamantayan at panuntunan sa pagsasagawa ng pagganap. Bigyan ng trahedyang naglalarawan sa kultura
pagsasagawa ng inaasahang pagkakataong makapag-usap ang ng isang bansa na may kaugnayan
pagganap.
bawat pangkat upang mapagplanuhan sa tema ng binasang akda.
ang isasagawang gawain.
Pabigyang-puna sa mga mag-aaral
ang kinalabasan ng gawain. Bigyang-
Magtakda ng araw kung kailangan diin ang kahinaan nila upang may
isasagawa ang presentasyon. Gawing pagkakataon silang pagbutihin sa
paligsahan ang gawaing ito.
susunod na gawain. Purihin ang
kanilang ginawa.
T. B.1. Isagawa ang Gawain 2. T. B.2. Pangkatin ang klase sa 6-8 T. B.3. Pagkatapos iulat ng isa
Magbibigay ng kaugnay na mga pangkat. Ang bawat mag-aaral ay sa mga kasapi ng pangkat ang
kaisipan sa mga pahayag na nasa magbibigay ng kaugnay na kaisipan kanilang sagot sa harap ng
strips sa metacards. (IndibidwaI) klase,magkaroon ng kaisahan
ang buong klase para makabuo
Pipili pagkatapos ang bawat pangkat ng iisang sagot tungkol sa
ng tatlong (3) pinakamahuhusay na pahayag
sagot mula Gawain 2. Bigyan ng
pagkakataong mapag-usapan ng
bawat pangkat ang magiging sagot sa
tanong. Pabigyang paliwanag ang
sagot. Iuulat ng isa sa mga kasapi ng
pangkat ang kanilang sagot sa harap
ng klase. (Kolaboratibo)
T. C.1. Isagawa ang Gawain 3. T. C.2. Manatili sa naunang pangkat. T.C.3. Sagutin ang pokus na
Magbibigay ng kaugnay na mga Pag-uusapan ng bawat pangkat ang tanong:
kaisipan sa mga pahayag na nasa magiging tugon sa tanong. Hikayatin Paano maisasabuhay
strips ang mga mag-aaral na ang mga mahahalagang
makapagsalaysay at makapagbigay- tema o kaisipang
puna o reaksyon tungkol sa kultura ng nakapaloob sa akda?
pagbibigayan ng regalo batay sa Paano nakatutulong ang
napanood na palabas o nabasang paggamit ng pokus na
kuwento. (Kolaboratibo) ganapan at sa sanhi sa
pagsasalaysay ng mga
pangyayari?(K)
T. D.1. Isagawa ang Gawain 4. T. D.2. Isagawa ang bahaging ito T. D.3. Nababago ng mga mag-
Pasagutan ang Gawain sa nang isahan at pasalita. aaral ang anyo ng pandiwa
Gramatika/Retorika. upang mabuo ang diwa ng mga
pahayag na nasa Pokus sa
Tagatanggap at Pokus sa
Sanhi.
LINANGIN
L.A.1. Ganyakin ang mga mag- L.A.2 Palawakin ang akda sa L.A.3 Magpabigay ng iba pang
aaral bago talakayin ang nilalaman pagtalakay sa bahaging Alam Mo ba input sa mag-aaral tungkol sa
ng akdang pampanitikan. nalalaman nila sa pagdiriwang
na… ng unang Pasko.
Magsagawa ng isang gawaing
pupukaw sa kanilang interes.
(Malaya ang guro na pumili ng
angkop na pagganyak na sa tingin
niya ay angkop gamitin para sa
pagsisimula ng aralin.)
L.G.1. Ipasagot sa mga mag-aaral L.G.2. Talakayin ang mga sagot ng L.G.3. Itanong ang Pokus na
ang tanong sa Kasanayang mag-aaral sa tanong sa Gawain 10. Tanong sa Panitikan:
Pampanitikan sa Gawain 10
Paano nakatutulong sa tao ang
mga mahalagang tema o
kaisipang nakapaloob sa
maikling kuwento?
L.H.1 Pagsasanib ng Gramatika/ L.H.2. Pag-usapan at sagutin ang L.H.3. Talakayin kung anong
Retorika mga tanong kaugnay sa tekstong uri ng teksto ang binasa, at
a) Talakayin sa bahaging ito ang pinag-aaralan. Maging maingat ang ipahahambing ito sa mga kauri
nilalaman ng tekstong Sa Loob ng guro sa pagtanggap sa sagot ng mga
nito.Talakayin ang mensaheng
Love Class. mag-aaral. Maaaring ipaugnay ang
sariling karanasan ng mga mag-aaral nais iparating sa mambabasa.
Ipababasa ng guro sa piling mag- batay sa tema ng tekstong binasa.
aaral ang nilalaman ng teksto.
L.D.2a) Magsagawa ng
L.D.2 b) Maghanay ng iba pang
komprehensibong pagtalakay sa L.D.2 c) Ibahagi sa klase ang
halimbawa sa pisara na susuriin ng
aralin sa gramatika. Ipakilala sa kinalabasan ng gawain.
mga mag-aaral. Magpabigay rin sa
mga mag-aaral ang katangian ng Pabigyang-puna sa katapusan
mga mag-aaral ng mga halimbawa.
pandiwang nasa Pokus sa ng bawat presentasyon ang
Ipasuri ito sa klase. Maaaring
Ganapan at Pokus sa Sanhi. kinalabasan ng bawat
gumamit ng estratehiyang microwave
Gawing hulwaran ang mga
halimbawa sa pagtalakay. sa bahaging ito. (Ang huling mag- Pagsasanay.
aaral na sumagot ang pipili kung sino
ang magbibigay ng halimbawa. Ulit-
ulitin lamang ang prosesong ito.)
Isagawa ang mga gawain sa bahaging
Pagsasanay
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
PaU.A1. Ipasagot ang mga pokus PaU.A2. Ipalahad sa mga mag-aaral PaU.A3. Pangkatin ang klase
na tanong sa bahaging ang mga konseptong natutuhan nila sa lima. Magbigay ng 15
Pagnilayan at Unawain. sa aralin sa pamamagitan ng minuto upang ibahagi ng bawat
pagsagot sa pokus na mga tanong. (I)
kasapi ang kanilang sagot sa
PANITIKAN: Paano nakatutulong sa tanong. Pagpasiyahan ng
tao ang mga mahalagang tema bawat pangkat kung aling sagot
o kaisipang nakapaloob sa maikling ang magkakaugnay. Ipasulat
kuwento? sa Manila paper ang nabuong
sagot at ipaskil sa dingding ng
GRAMATIKA/RETORIKA: Paano silid ang mga sagot sa mga
nakatutulong ang paggamit ng pokus
tanong. Pagkatapos ay
sa ganapan at sa sanhi sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari? magsagawa ng gallery walk
ang bawat pangkat upang
mabigyan ng pagkakataong
maihambing nila ang kanilang
mga sagot. (K)
ILIPAT
I.A.1. Ipakilala sa mga mag-aaral I.A.2. Pangkatin ang klase sa dalawa I.A.3. Magtakda ng araw kung
ang tableau bilang paghahanda sa sa pagsasagawa ng Pagganap. kailangan isasagawa ang
mahalagang pagganap sa Bigyan ng pagkakataong makapag- presentasyon. Gawing
paligsahan ang gawaing ito.
katapusan ng modyul. usap ang bawat pangkat upang
mapagplanuhan ang isasagawang Itaya ang kinalabasan ng
gawain. Pagganap batay sa Iskrip
(malinaw na detalye, maayos
na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari),
Kaangkupan sa tema, Musika
(background music,sound
effects) , paglalarawan sa set
(production set/ props),
kasuotan, at kawilihan
21. Ginamit ang mga salitang ngayon pong araw na ito, pagkatapos po
upang _________.
a. magsalaysay b. maglarawan c. maglahad d.
mangatwiran
22. Ikaw na bumabasa ng mga pangyayari ay makadarama ng
___________.
a. pagkahabag b. panlulumo c. pagtataka d.
pagkaasar
23. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng
puno ay nangangahulugang hindi niya ____________.
a. alam na tinaga siya ni Thor c. alam na naunang nagising
si Thor
b. nalalaman ang sikreto ni Thor d. naramdaman ang paglipad
ng ibon
24. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng
_________.
a. pag-aalala b. pagmamalasakit c. pagmamahal d. pagtanaw ng
utang na loob
25. “Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng
paggastos ng gobyerno.” Ang prinsipyong nakapaloob dito ay
___________.
a. Ang pera ng bayan gamitin para sa bayan.
Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating
bansa. Nais ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y
nangangailangan ng masusing pag-aaral. Tayong mga mamamayan ay dapat
magsikap upang umunlad ang bayan. Libu-libong mamamayan ang
nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan kaya’t hindi natin dapat
b. Gamitin nang tama ang pondo para sa publiko.
balisanhin ang namumuno nito. Buksan natin ang ating isipan sa mga bagay na
c. Ang mahusay na paggastos ng gobyerno kapalit ay
makabuluhan sa atin.
maraming serbisyo.
d. Paunlarin ang serbisyo sa bayan nang lumago ang pondo ng
gobyerno.
para sa bilang 26-27