You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

5 Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggawa ng Dayagram
ng Ugnayang Sanhi at Bunga
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
( Aralin 1 )
FILIPINO – Ikalimang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Estifanio P. Asinas Jr.


Editor: Flordeliza A. Dela Cruz
Eva Parquez
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Marites D. Antolin
Elvis A. Domingo
Tagaguhit / Tagalapat: Jhunel Ceazar A. Alejo
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basillio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph Website:
www.depedzambales.ph
Paggawa ng Dayagram
ng Ugnayang Sanhi at Bunga

Panimula

Nasubukan mo na bang magkaroon ng problema o suliranin? Paano mo ito


nabigyan ng solusyon? Ano ang naging sanhi ng iyong suliranin? Nagkaroon ba ng
magandang bunga ang iyong pagpapasiya. Kung ganoon ikaw ay may isang
matibay na kaisipan sa maayos na pagpapasiya.

Makatutulong ang kasanayang pampagkatuto na ito na malinang ang


kakayahan sa pagagawa ng dayagram mula sa sanhi at bunga ng tekstong
napakinggan.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan. (F5WG-IVa-d-22)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito,


ikaw ay inaasahang:

1|Pahina
1. natutukoy ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap;
2. nasusuri ang ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan; at
3. nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan.

Balik-Aral

Panuto: Pagtambalin ang larawan upang maipakita ang ugnayan ng bawat isa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. A.

2. B.

2|Pahina
3. C.

4. D.

5. E.

Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Tingnan ang larawan ng mga taong naapektuhan ng malalang sakit, ano
ang masasabi mo tungkol dito? Magbigay ng dalawang pangungusap.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3|Pahina
Paalala:
Ang teksto ay babasahin ng
tagapagdaloy o kasama sa bahay.

Bagyo ni Estifanio P.
Asinas Jr.
Angel C. Manglicmot Memorial E/S
Dahil sa hagupit ng bagyo, ang pamilya ni Mang Karyo ay tila nawalan ng pag-asa
para bumangon muli, sapagkat nasira lahat ng kanilang ari- arian at kabuhayan.
Hindi nila alam kung paano mag uumpisa sa kanilang panibagong buhay. Malalim
ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya kung paano sila magsisimula.
Si Marco ang bunsong anak ay nakaisip kung paano kumita ng pera, lahat
ng mga patapon na bagay sa kanilang lugar dahil sa nagdaan na bagyo ay kaniyang
inipon at ipinagbili.

Mula sa kaniyang pinagbilihan nakaipon si Marco,


kaya nakaisip siya ng isang munting negosyo. Nagtinda
siya ng fishball at kikiam sa harap ng kanilang bahay
upang makatulong sa mga gastusin sa pamilya, laking
tuwa ng kaniyang mga magulang ang abilidad ni Marco.

Lumipas pa ang mga araw at buwan ang munting


negosyo ni Marco ay lumago at naging isang karenderya.
Dahil sa sipag ni Marco ang kabuhayan ng pamilya ay
untiunting nakabangon.

“Walang nakakaaalam kung kailan darating ang sakuna. Dapat maging handa sa
lahat ng oras’’ pagmamalaking wika ni Marco.

4|Pahina
Pamatnubay na mga Tanong:
1. Sino ang tinutukoy sa teksto na maabilidad?
2. Ano ang dahilan kung bakit nawalan ng kabuhayan ang pamilya?
3. Saan nanggaling ang perang naipon ni Marco?
4. Ano-ano ang mga itininda ni Marco sa harap ng kanilang bahay?
5. Paano nakabangon sa sakuna ang pamilya ni Mang Karyo?

Nais mo bang malaman kung ano ang tinatawag na sanhi at bunga? Kung
ganoon maupo ka nang maayos at hawakan ang Kagamitang Pampagkatuto na ito
at magpatuloy tayo sa pagtalakay para sa iyong pagkatuto.
]

Nagtinda ng fishball at kikiam sa harap ng kanilang bahay upang makatulong


sa gastusin sa pamilya.

SANHI BUNGA

Nagtinda ng fishball at kikiam sa upang makatulong sa gastusin sa


harap ng kanilang bahay pamilya
Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng pangyayaring naganap at ang
epekto nito ay pangyayaring tinatawag na resulta o bunga. Sa madaling salita may
pinag–ugatan ang pangyayari at dahilan dito ay nagkakaroon ng ugnayan ang
bawat pangungusap.

Ang dalawang ito ay pinag-uugnay ng mga sumusunod na hudyat tulad ng dahil,


kung, kaya, kasi, at kapag.
Halimbawa:

Mula sa tekstong binasa bubuo tayo ng ugnayang sanhi at bunga.

Dahil sa hagupit ng bagyo, ang pamilya ni mang Karyo ay tila nawalan ng


pag-asa para bumangon muli, sapagkat nasira lahat ng kanilang ari arian at
kabuhayan.

5|Pahina
SANHI BUNGA
Hagupit ng bagyo
• Dahil sa malakas • Nasira lahat ng
na hangin at kanilang ari arian at
ulan kabuhayan

• Ang pamilya ni • Para bumangon


Mang Karyo ay muli
nawalan ng
pag-asa

Narito pa ang isang halimbawa:

Madalas manigarilyo si Mang Panyong kaya lagi siyang inuubo at nilalagnat,


humihina na ang kaniyang immune system at nawawala na rin ang panlasa sa
pagkain.

Pag – aralan mo ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga.

Madalas Lagi siyang


manigarilyo si inuubo at
Mang Panyong nilalagnat

Humihina na ang
kaniyang immune Nawawalan na
system rin ng panlasa

SANHI BUNGA

Bisyo

Sa paggawa ng dayagram sa ugnayang sanhi at


bunga, kailangan magkaugnay ang pangungusap upang
madaling maunawaan.

6|Pahina
Ngayon, sukatin natin ang iyong natutuhan sa ating talakayan.

Ihanda ang sarili para sa mga pagsasanay.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Kopyahin ang talahanayan na makikita sa ibaba. Tukuyin ang sanhi at
bunga ng bawat pangungusap at isulat ito sa tamang hanay. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

1. Siya ay pinarangalan dahil sa angking talino.


2. Nang umulan ng malakas lahat ay nagsilikas.
3. Hindi siya kumain ng almusal kaya sumakit ang kaniyang tiyan.
4. Matataas ang markang nakuha ni Poldo dahil masipag siyang mag-aral.
5. Dahil sa pagguho ng lupa sa paanan ng bundok maraming bahay ang
nasira.
6. Maagang nagigising ang aking ina sapagkat nagluluto siya ng almusal ko.
7. Nagsisikap magtrabaho ang ama dahil sa kaniyang pamilya.
8. Ang taong masipag maghanapbuhay ay naghahanda para sa kaniyang
kinabukasan.
9. Unti-unting masisira ang likas yaman kung patuloy nating hindi
pahahalagahan.
10.Kumain ng masustansyang pagkain at sapat na tulog para malabanan ang
sakit.

SANHI BUNGA
1.

7|Pahina
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Paalala: Ang teksto ay babasahin ng tagapagdaloy o kasama sa bahay.

Lockdown sa Barangay
ni Estifanio P. Asinas Jr.
Angel C. Manglicmot Memorial E/S

Labis ang pangamba ni Alex dahil isa ang kanilang


lugar sa anim na barangay na ipina-lockdown ng
munisipyo. Ayon sa kaniyang ina, ipinagbabawal
muna ang paglabas dahil may isang pamilya na
nagpositibo sa COVID-19.

Nahawa umano ang isang traysikel drayber sa isang


matandang babaeng naisakay nito dahil dito naipasa
ng ama ang virus sa kaniyang pamilya.

Muling ipinatupad ang isang tao lang ang lalabas sa bawat pamilya upang
maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. Ipinaalala rin sa lahat ang
pagsusuot ng face mask at pagdi-disinfect ng mga pinamiling gamit.

Panuto: Suriin ang bawat pangungusap batay sa tekstong napakinggan. Kopyahin


ang dayagram at isulat ang ugnayang sanhi at bunga. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang hindi pagsunod sa social distancing sa mga lugar na maraming tao ay


may posibilidad na magkahawaan.
2. Ipinagbawal ang paglabas dahil may isang pamilya na nagpositibo sa
COVID-19.
3. Naipasa ng isang traysikel drayber ang virus dahil naisakay niya ang
matandang babae.
4. Maraming nagkasakit dahil sa mabilis na pagkalat ng virus.

8|Pahina
5. Muling ipinatupad ang isang tao lang ang lalabas sa bawat pamilya upang
maiwasan ang hawaan.

SANHI

Lockdown
sa
Barangay

BUNGA

Pang-isahang Pagsasanay
Paalala: Basahin ang teksto ng tagapagdaloy o kasama sa bahay.

Buhay Sa Ibang Bansa ni


Estifanio P. Asinas Jr.
Angel C. Manglicmot Memorial E/S

Sa labis, na kahirapan maraming


Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang
bansa upang kumita ng pera para sa
pamilya. Tinitiis ang hirap at
pangungulila upang mabigyan nang
maayos na buhay ang pamilya.
Ngunit bakit nga ba maraming
Pilipino ang nais magtrabaho sa ibang
bansa at pinili na mawalay sa kanilang
pamilya? Isa lang ang sagot, oportunidad,
na baka sakaling guminhawa at
makahaon sa kahirapan.
Mahirap ang magtrabaho sa ibang bansa ngunit kinakaya ng marami para sa
kinabukasan. Maraming sakripisyo ang ginagawa ng mga OFW mabigyan lang ng
pangangailangan ang kanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na nararanasan sa ibang bansa ay
patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran. Dahil sa pagiging matatag ng mga Pilipino
ang magandang katangian na maipagmamalaki.

9|Pahina
Panuto: Isulat ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng dayagram. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Buhaysa Ibang Bansa

Sanhi Bunga

Sa labis na kahirapan

Mabigyan lang nang maayos na


buhay ang pamilya

Mahirap magtrabaho sa
ibang bansa

Mabigyan lang ng
pangangailangan ang pamilya

Dahil sa pagiging matatag


ng mga Pilipino

10 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Gumawa ng sariling dayagram mula sa tekstong babasahin ng iyong


tagapagdaloy o kasama sa bahay. Magtala ng limang (5) ugnayang sanhi at bunga.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Sabado ng Umaga
Ni Estifanio P. Asinas Jr.
Angel C. Manglicmot Memorial E/S

Maagang nagising si Jane upang


tumulong sa kaniyang nanay sa paglilinis ng
bahay. Sa kaniyang paglabas, nakita niya ang
kaniyang kaibigan na may dala-dalang plastik
ng basura. Tinanong niya ito kung anong
gagawin sa plastik na may lamang basura.
Nagulat siya sa sinagot ng kaibigan. “Itatapon
ko ang mga basura doon sa may ilog,” sagot
ng kaniyang kaibigan. Dahil sa narinig,
mabilis na lumabas si Ana sa kanilang bahay
upang kausapin ang kaibigan.

“Naku! hindi ka dapat nagtatapon ng basura sa ilog sapagkat ipinagbabawal


ang pagtatapon doon. Iyan ang isa sa ordinansa ng ating punong barangay ang
sinomang mahuhuli ay magmumulta o may karampatang parusa. Hindi mo ba
alam ang maaaring maidudulot ng pagtatapon ng basura sa ilog? Maaari itong
ikamatay ng mga isda kung sila ay makakain ng mga plastik at goma mula sa
basura. Maaari ring maging dahilan ito ng pagbaha, dahil sa mga baradong estero
na daluyan ng tubig. Kung marumi ang tubig sa ilog magkakasakit ang mga taong
gumagamit nito,’’ paliwanag ni Ana sa kaibigan.

“Ano pala ang gagawin ko sa mga basurang ito,” tanong ng kaibigan kay
Ana. “Ire-cycle mo ang mga basura, ibukod mo ang nabubulok sa hindi nabubulok
at maaring pakinabangan,” tugon ni Ana sa kaibigan.

Kinabukasan muling nagkita ang magkaibigan. Ana salamat sa iyo dahil sa mga
sinabi mo nagkapera kami, ibenenta namin ang mga bote plastik at lata”
masayang kwento ng kaniyang kaibigan. Simula noon hindi na nagtatapon ng
basura ang kaibigan ni Ana sa ilog.

|Pahina

11 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang kung ano ang natutuhan mo mula sa aralin. Piliin
mula sa kahon ang tamang salita upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

wastong natutuhan pagbuo

sanhi at bunga pahayag pagsulat

Sa araling ito 1. ko ang wastong paggawa ng dayagram ng


ugnayang 2. sa tekstong napakinggan.

Gayundin ang kahalagahan ng 3. paggamit sa pangungusap.


Nakatutulong ang gabay sa 4. paggamit sa pag-ugnay ng sanhi at
bunga.

Higit kong natutuhan ang mga tamang 5. at usapin sa


wastong pakikinig sa bawat ugnayan ng pangungusap at paggawa ng dayagram.

Mga Sanggunian

Julian, Ailene. 2007. Pinagyamang Pluma 5: Wika At Pagbasa Para Sa


Elementarya. 2nd ed. Quezon City: Phoenix Publishing House.

K-12 MELCS With CG Codes. 2020. Ebook. 1st ed. Pasig City: Depatment of
Education. https://commons.deped.gov.ph/melc_k12.

Raflores, Ester. 2005. Bagong Binhi Filipino: Wika at Pagbasa 5. 1st ed.
Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

Santos, Bruce. 2009. Suhay 5: Wika At Pagbasa. 1st ed. Sta. Ana, Manila:
Vicarish Publication & Trading, Inc

12
|Pahina

13 | P a h i n a
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa
pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay
na nakabatay sa mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang
pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel. / Fax No. : (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like