You are on page 1of 37

2

KABANATA I

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO

Introduksyon
Ang Facebook ay isang social network service. Itinatag ang website na
ito noong Pebrero, 2004 at pribadong pagmamay-ari ng Facebook, Inc. Ang
nagtatag nito ay ang magkakaibigan at magkakamag-aral sa computer science
na sina Mark Zuckerberg, Eduardo Saverin, Dustin Moskovitz at Chris Hughes.
Sa umpisa ang mga lihitimong miyembro nito ay limitado lamang sa mga magaaral sa Unibersidad ng Harvard, subalit sa paglipas ng panahon ito ay
lumaganap ng tuluyan. Noong Hulyo 2010 itinatalang nasa 500 milyon na ang
aktibong gumagamit ng Facebook. Ang pangalang Facebook ay hango sa
kolokyal na pangalan ng aklat (book) na ipinamimigay sa mga mag-aaral sa
pagsisimula ng pasukan, sa layunin na makatulong ito upang makilala ng mabuti
ang isat-isa. Sinumang nasa 13 taong gulang o pataas ay maaring maging
miyembro at gumamit ng Facebook.

Ang gumagamit nito ay makakagawa ng kanyang personal profile na may


larawan, listahan ng mga personal na interes, numerong makokontak,
makadaragdag at makakaanyaya ng ibang gumagamit bilang kaibigan, maaring
makipagpalitan ng mga mensahe maging sa mga matagal nang hindi nakikitang
mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Dahil na rin sa mabilis na pagkalat nito ay agad ang pagtangkilik hindi


lamang ng mga kabataan kundi maging ng mga magulang, propesyonal, may
trabaho o wala at iba pa. Naging daan ito upang magkausap ang dalawang tao o
higit pa mula sa ibang panig ng mundo. Naging posible ang mga bagay-bagay na
may kinalaman sa kumunikasyon dahil na rin dito tulad ng malalaman natin ang
mga kasalukuyang pangyayari tungkol sa buhay ng mga taong malapit sa atin.
Ang paglipana ng mga internet shops malapit sa mga eskwelahan ay siyang
naging daan upang lalong mahumaling ang mga estudyante sa nasabing social
network. Ayon sa sarbey noong Enero 2011 ay mayroong 600 milyong aktibong
mga users ang nasabing social network. Dahil na rin sa nakababahalang laki ng
populasyon nito ay isasagawa namin ang pag-aaral ukol sa mga maaaring
maging epekto nito sa pag aaral ng mga estudyante na nasa kolehiyo.

Layunin ng Pag-aaral

Sa kabuuan, ang layunin ng pamanahong-papel na ito ay matukoy ang


mga epekto ng Facebook batay sa mga sariling karanasan at konsepto ng mga
mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo ng Computer Studies sa UPHSL.

Ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakatutulong ang Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral na


nasa kolehiyo?

2. Anu-ano ang mga positibong salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang


mag-aaral na nasa kolehiyo?
3. Anu-ano ang mga negatibong salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang
mag-aaral na nasa kolehiyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang paggamit ng Facebook ng
mga mag-aaral ay pwedeng magbigay suliranin sa kanilang pag-aaral at
kinabukasan. Ang edukasyon ang maituturing na pinakamahalagang kayamanan
ng isang tao kung kayat ang hindi lubos na pagbibigay ng kaukulang atensyon at
patnubay ng magulang ay maaaring magbigay ng problema sa hinaharap.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod:
Sa Mga Mag-aaral Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiaambag upang
malinawan ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa Facebook, at upang
maiwasan ang mga masasamang epekto na maidudulot nito sa kanilang pagaaral.
Sa Mga Magulang Sa pag-aaral na ito ay mababatid nila ang mga saloobin at
karanasan ng kanilang mga anak sa Facebook na kadalasang pinagwawalangbahala na lamang. Maging daan din sana ito upang patnubayan at magabayan

ng wasto ang kanilang mga anak sa paggamit ng Facebook.


Sa Mga Guro Magsisilbing monitor ito na makatutulong ng malaki upang lalo
pa nilang pagbigyan-pansin at pigilan kung kinakailangan ang mga estyudante
sa pagkahumaling sa paggamit ng Facebook.
Sa Mga Mananaliksik Sa Hinaharap Pagdamutan at kaluguran ninyo sana
ang aming nakayanan. Sana ay makatulong at magsilbing batayan para sa mas
masusing pag-aaral tungkol sa internet ang paksang ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga epekto ng


Facebook batay sa mga sariling karanasan at konsepto ng mga mag-aaral na
nasa ika-unang taon sa kolehiyo. Kaakibat ng pag-aaral na ito na makapangalap
ng mga impormasyon at datos tungkol sa epekto ng paggamit ng Facebook sa
murang kaisipan ng kabataan, kung ano ang mga nagiging epekto nito at ano
ang kanilang pananaw sa Facebook. Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa
tatlumpung (30) piling mag-aaral na nasa ika-unang taon sa departamento ng
Computer Studies sa University of Perpetual Help System Laguna.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Computer ay isang programmable machine na tumatanggap ng


input, at awtomatikong nagmamanipula ng mga datos, at nagbibigay ng

output sa isang kapaki-pakinabang na format.

Facebook ay isang popular na social networking website na inilunsad


noong Pebrero 2004 na ngayon ay pinamamahalaan at pribadong pagaari ng Facebook, Inc.

Feature ay isang sistema na nagbibigay ng kakaibang atraksyon sa


mga gumagamit ng Facebook.

Internet ay isang sistema sa computer na nagkokonekta sa


buong mundo sa pamamagitan ng paggamit ng TCP/ IP (Transmission
Control Protocol / Internet Protocol), isang set ng mga pamantayan para
sa pagpapadala at pagtanggap ng mga digital na datos.

Network - ay isang sistema na kombinasyon ng computer na


konektado sa linya ng telepono o cable na ginagamit upang
makapagpadala o makatanggap ng mga impormasyon.

Profile - ay isang koleksyon ng mga personal na datos na nauugnay sa


partikular na gumagamit .

Website - ay isang koleksyon ng mga site na pinapamahalaan ng isang


prebadong tao or organisasyon.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa bagong pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na


estudyante ng University of New Hampshire, walang kaugnayan sa isat isa ang
pagkonsumo ng mga estudyante ng kanilang oras sa paggamit ng social media
at ang resulta ng kanilang grado. Sa kabila ng patuloy na paglala ng Facebook
addiction, ay hindi lumabas na nagkaroon ito ng negatibong epekto sa mga magaaral.

Ang mga resulta ay nagpakita na ang 63 bahagdan ng mga laging


Facebook gumagamit ay nakakuha ng A at B na grado, kumpara sa 65 bahagdan
na mga gumagamit ng paminsan minsan lamang gumagamit ay nakakuha ng
katulad ng sa naunang nabanggit. Katulad din na 37 bahagdan ng mga laging
gumagamit ng Facebook na nakatanggap ng mas mababa kaysa sa B na grado,
kumpara sa 35 bahagdan na paminsan-minsan ang paggamit nito ay nakakuha
ng mas mababang grado sa B.

Kaugnay na Literatura
Mula sa The Sunday Times ni Jonathan Leake at Georgia Warren noong
Abril 12, 2009, ang Facebook ay nakakasira sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral.
Karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng Facebook araw-araw ay
mas madalang ang pakikipagsalamuha sa loob ng silid aralan sa loob ng buong
semester kesa sa mga mag-aaral na hindi gumagamit nito.
Natuklasan ng mga mananaliksik kung paano ginagamit ng mga
estudyante ang kanilang oras sa paghahanap ng mga kaibigan,
pakikipagkamustahan sa mga ito at poking o pagtawag sa atensyon ng taong
kausap o kaibigan.
Natuklasan din na dahil sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap
ng mga kaibigan at pakikipag-chat ay halos isang oras na lamang sa isang linggo
ang nailalaan nila para sa kanilang mga akademikong gawain. Dahil dito nais ng
mga magulang at guro na ipagbawal ang nasabing social networking website
kagaya ng ginagawa sa mga opisina upang hindi masayang ang oras ng mga
mag-aaral.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, aming tatalakayin ang paraan na aming ginamit sa


pananaliksik at pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptib-analitik


kung saan ang aming tinangkang ilarawan at suriin ay ang mga sariling
karanasan at pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-unang taon sa kolehiyo
hinggil sa mga epektong naidudulot ng Facebook sa pag-aaral ng mga ito.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral


na nasa ika-unang taon sa departamento ng Computer Studies sa University of
Perpetual Help System Laguna sa taong akademiko 2010 2011. Dahil sa ang
kailangan lamang ay tatlumpung respondente (30), ipinamahagi ang sarbeykatanungan sa tatlumpung (30) mag-aaral mula sa piling departamento ng
University of Perpetual Help System Laguna na humantong sa ganitong
distribusyon.

10

TALAHANAYAN 1

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE

DEPARTAMENTO

BILANG NG MGA RESPONDENTE

College of Computer Studies


(Unang taon)

30

Kabuuang Bilang

30

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga datos ay kinapapalooban ng mga numero, dami, katotohanan at


mga tala na ginagamit upang maging batayan sa paglikha ng kongklusyon.

Ayon sa depinisyon na ibinigay ni Good, ang kwestyoner o talatanungan


ay isang planadong listahan ng mga pasulat na tanong na nag-uugnay sa isang
tiyak na paksa, na naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan sa mga
respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente.

Sa madaling salita, ang kwestsyoner ay balangkas ng mga tanong kung


saan kapag ito ay nasagutan ng may kaayusan at katapatan ng mga napiling
respondente

ay

makakatulong

sa

pagdagdag

ng

mga

kinakailangang

10

11

impormasyon upang makumpleto ang isinasagawang pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang


mga mananaliksik ay nagbigay ng sarbey-kwestyoner sa mga piling respondente
sapagkat

ito

ang

pinaka

madaling

paraan

upang

makapangalap

ng

impormasyon. Ang mga piling respondente ay mga mag-aaral at sila ay may


sapat na kaalaman sa pagbabasa, pagsulat at pagsagot sa mga talatanungan na
aming pinasasagutan.

Nangulekta din ng mga datos ang mga mananaliksik ng mga


impormasyon sa internet at maging sa mga babasahin.

Tritment ng mga Datos

Sapagkat ang dahilan ng proyektong ito ay isang panimulang pag-aaral


lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang antas (degree),
sa pag-aaral na ito ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga
datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamaraan.
Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat baryabol sa
talatanungan, mga karanasan nila at pananaw hinggil sa epektong naidudulot ng
paggamit ng Facebook ang tanging inalam ng mga mananaliksik. Sa madaling
sabi, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin

11

12

ng mananaliksik. Ginamit namin ang sumusunod na pormula upang makuha ang


porsyento sapagkat tatlumpu (30) lamang ang aming piniling respondente:

Dami ng Pumili
%x 100
Kabuuang Dami ng Respondente

12

13

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga bilang, bahagdan at


interpretasyon batay sa mga impormasyong nalikom.

GRAP 1

Mga naitutulong ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa


departamento ng Computer Studies sa UPHSL.

Ang unang suliranin ay malaman kung nakatutulong ang Facebook sa


pag-aaral ng isang mag-aaral sa departamento ng Computer Studies sa UPHSL.
13

14

Sa unang barayabol nakakuha ng labing-isang (37) bahagdan ang kategoryang


lubhang nakatutulong (LN), siyam (30) na bahagdan para sa higit na
nakatutulong (HN) gayundin sa nakatutulong (H), isang (3) bahagdan sa hindi
gaanong nakatutulong (HGN) at wala sa hindi nakatutulong (HDN).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan


ang kategoryang higit na nakatutulong (HN), sampung (33) bahagdan sa
nakatutulong (N), apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong nakatutulong (HGN),
tatlong (10) bahagdan sa lubhang nakatutulong at isang (3) bahagdan para sa
hindi nakatutulong (HDN).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahagdan ang


kategoryang nakatutulong (N), pitong (23) bahagdan sa higit na nakatutulong
(HN), limang (17) bahagdan sa hindi gaanong nakatutulong (HGN), tatlong (10)
bahagdan sa lubhang nakatutulong (LN) at isang (3) bahagdan

sa hindi

nakatutulong (HDN).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng labing-limang (50) bahagdan ang


kategoryang

higit

na

nakatutulong

(HN), sampung

(33) bahagdan

sa

nakatutulong (N), limang (17) bahagdan sa lubhang nakatutulong (LN) at wala sa


hindi gaanong nakatutulong (HGN) gayundin sa hindi nakatutulong (HDN).

14

15

Sa panghuling baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang nakatutulong (N), pito (23) bahagdan sa higit na nakatutulong (HN),
limang

(17) bahagdan sa lubhang nakatutulong (LN), apat (13) bahagdan sa

hindi gaanong nakatutulong (HGN) at dalawang (7) bahagdan

sa hindi

nakatutulong (HDN).

GRAP 2

Mga positibing salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa


departamento ng Computer Studies sa UPHSL.

15

16

Ang pangalawang suliranin ay malaman ang mga positibing salik ng


Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa departamento ng Computer
Studies sa UPHSL. Sa unang baryabol nakakuha ng labing-tatlong (43)
bahagdan ang kategoryang lubhang totoo (LT), labing-isang (37) bahagdan sa
totoo (T), limang (17) bahagdan sa higit na totoo (HNT), isang (3) bahagdan sa
hindi totoo (HT) at wala sa hindi gaanong totoo (HGT).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahgdan ang


kategoryang higit na totoo (HNT), sampung (33) bahagdan sa totoo (T), tatlong
(10) bahagdan sa lubhang totoo (LT), dalawang (7) bahagdan sa hindi gaanong
totoo (HGT) at isa (3) bahagdan sa hindit totoo (HT).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang totoo (T), pitong (23) bahagdan sa higit na totoo, limang (17)
bahagdan sa lubhang totoo (LT), apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong totoo
(HGT) at dalawang (7) bahagdan sa hindi totoo (HT).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahagdan ang


kategoryang higit na totoo (HNT), labing-isang (37) bahagdan sa totoo (T),

16

17

tatlong (10) bahagdan sa lubhang totoo (LT), dalawang (7) bahagdan sa hindi
gaanong totoo (HGT) at wala sa hindi totoo (HT).

Sa panghuling baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang totoo (T), walong (27) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT),
anim (20) na bahagdan sa higit na totoo (HNT), apat (13) na bahagdan sa
lubhang totoo (LT) at wala sa hindi totoo (HT).

GRAP 3

Mga negatibong salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa


departamento ng Computer Studies sa UPHSL.

17

18

Ang panghuling suliranin ay malaman ang mga negatibing salik ng


Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa departamento ng Computer
Studies sa UPHSL. Sa unang baryabol nakakuha ng walong (27) bahagdan ang
kategoryang lubhang totoo (LT) na pinantayan ng hindi totoo (HT), anim (20) na
bahagdan sa totoo (T), limang (17) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT) at
tatlong (10) bahagdan sa higit na totoo (HNT).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-isang (37) bahagdan ang


kategoryang hindi totoo (HT), pitong (23) bahagdan sa hindi gaanong totoo
(HGT), limang (17) bahagdan sa higit na totoo gayundin ang totoo (T) at
dalawang (7) bahagdan sa lubhang totoo (LT).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan


ang kategoryang totoo (T), sampung (33) bahagdan sa hindi totoo (HT), limang
(17) bahagdan sa higit na totoo (HNT), tatlong (10) bahagdan sa hindi gaanong
totoo (HGT) at wala sa lubhang totoo (LT).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng sampung (33) bahagdan ang


kategoryang hindi totoo (HT), siyam (30) na bahagdan sa higit na totoo (HNT),
limang (17) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT), tatlong (10) bahagdan sa
lubhang totoo (LT) na pinantayan din ng totoo (T).

18

19

Sa panghuling baryabol nakakuha ng sampung (33) bahagdan puntos ang


kategoryang hindi totoo (HT), walong (27) bahagdan sa totoo (T), limang (17)
bahagdan sa lubhang totoo (LT), apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong totoo
(HGT) at tatlong (10) bahagdan sa higit na totoo (HNT).

19

20

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON]

Sa hangaring maipamulat ang ibat ibang epekto ng paggamit ng


Facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral, isinagawa namin ang napapanahong
pag-aaral

na ito upang malaman ang mga positibo at negatibong salik ng

paggamit ng Facebook.

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga pinakamahalagang detalye ng


aming pag-aaral, ang kongklusyon at rekomendasyong nabuo batay sa naging
resulta ng aming pananaliksik.

Lagom

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay maipaalam ang ibat ibang


epekto ng Facebook sa mga mag-aaral sa departamento ng Computer Studies
sa UPHSL. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamamaraang deskriptibanalitik.

Sa unang suliranin na naglalayong malaman ang naitutulong ng


Facebook sa mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento na
limampu (50) bahagdan ay ang pang-apat na baryabol na nagsasabing nagsisilbi

20

21

itong lupon ng mga pahayagan ng mga organisasyon ng departamento, at ang


pinakamababang porsyento na tatlumput pito (37) bahagdan ay ang pang-unang
baryabol na nagsasabing nakapagbibigay ito ng paalala sa mga Gawain sa mga
asignatura.

Sa pangalawang suliranin na naglalayong malaman ang mga positibong


salik ng Facebook sa mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na
porsyento na apatnaput pito (47) bahagdan ay ang pangalawang baryabol na
nagsasabing nakapagbibigay ito ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral
sa mga asignatura na pinantayan naman ng pang-apat na baryabol na
nagsasabing nagsisilbing itong lupon ng mga pahayagan ng mga organisasyon
ng departamento, at

ang pinakamababang porsyento na

apatnapu (40)

bahagdan ay ang pangatlong baryabol na nagsasabing nakapagbibigay ito ng


balangkas ng mga paksa na pinantayan din ng panglimang baryabol na
nagsasabing

meron

itong

mga

larong

pang-akademiko

na

nagbibigay

motibasyon sa mga mag-aaral.

Sa pangatlong suliranin na naglalayong malaman ang mga negatibong


salik ng Facebook sa mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na
porsyento na apatnapu (40) bahagdan ay ang pangatlong baryabol na
nagsasabing tinatamad silang pumasok, at ang pinakamababang porsyento na
dalawamput pito (27) bahagdan ay ang unang baryabol na nagsasabing
nawawalan sila ng gana sa pag-aaral.

21

22

Konklusyon

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa interpretasyon o


pahayag batay sa mga datos na aming nakalap sa isinagawang pananaliksik:

A. Sa aming ginawang sarbey, marami ang nagsabi na ang Facebook ay


nakatutulong sa pag-aaral dahil ito ay nakapagbibigay ng mga balangkas
ng mga paksa at ito ay nagsisilbing lupon ng mga pahayagan (bulletin
board) ng mga organisasyon ng departamento dahil kapag ang mga magaaral ay hindi alam ang mga nangyayari sa kanilang organisasyon, ay sa
Facebook nila nilalagay ang mga magaganap.

B. Ang mga positibong salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral


ay nakapagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral sa mga
asignatura dahil sa Facebook pinapadala ang mga aralin ng mga guro
kapag sila ay maraming ginagawa. May mga larong pag-akademiko na
nagbibigay motibasyon sa mga mag-aaral at nakapupulutan ng aral.

C. May mga negatibong salik din ang paggamit ng Facebook sa mag-aaral,


isa na dito ang pagbaba ng grabo dahil may mga ibang estudyante na
mas gusto pang magFacebook na lamang kaysa pumasok at mag-aral.

22

23

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa mga mungkahing


solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa aming isinagawang
pananaliksik:

A. Ang aming mairerekomenda para sa unang suliranin ay kung maaari


magkaroon lahat ng facebook account ang lahat ng estudyante upang
maging updated ang bawat mag-aaral sa kung anong mga pangyayari sa
mga organisasyong kinabibilangan sa loob ng eskwelahan.

B. Ito ay maiging gamit sa pakikipagkumunikasyon dahil ito ay maaaring


pagtalaan ng mga kasalukuyang pangyayari o mga aktibidades na
makatutulong sa bawat mag-aaral para sa kanyang pag-aaral.

C. Mas mahalaga na gamitin lamang ito bilang komunikasyon sa mga


kamag-anak na nasa malalayong lugar at hindi pa nakikita. Bigyan natin
ng pagpapahalaga ang mga alituntuning makikita sa Facebook bago ito.

23

24

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Mga Hanguang Elektroniko:

http://www.allfacebook.com/facebook-addiction-grades-2010-02

http://en.wikipedia.org/wiki/Facebook

http://www.timesonline.co.uk/tol/news/uk/education/article6078321.ece

Apendiks
24

25

Sarbey - Kwestyoneyr
Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati!

25

26

Kami ay mga mag-aaral ng University of Perpetual Help System


Laguna, College of Education na kasalukuyang nagsusulat ng pamanahongpapel hinggil sa mga Epekto ng facebook sa pag-aaral.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang


makapangalap ng mga datos na aming kinakailangan upang magiging ganap
ang aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan ng buong katapatan ang mga


sumusunod na aytems. Tinitiyak po naming magiging kompidensyal na
impormasyon ang inyong magiging kasagutan.

Marami pong salamat!

Mga Mananaliksik

26

27

Apendiks
B

27

28

Apendiks
C

28

29

GLOSY ALVAREZ

Pansariling Impormasyon

Tahimik, ang laging mapupuna sa akin. Tipong di makabasag pinggan.


Maging

ang aking pamilya ay nagsasabing isa raw akong dalagang Pilipina.

Masasabi kong ako ang klase ng taong mapagkakatiwalaan, tapat sa kaibigan at


tutulong ng walang pag-aalinlangan. Gustong gusto ko ang laging kasama ang
aking mga kaibigan. Pakiramdam ko di ako nag-iisa.

Nakatira ako sa Carmona, Cavite at ngayon ay kumukuha ng kursong


Bachelor of Elementary Education major in Generalist.

29

30

JOESA AMOR DE LA CRUZ

Pansariling Impormasyon

Mahilig akong magbasa, manuod, magsulat at mag-obserba. Lagi nay


may kaakibat na ate ang tawag sa akin. Kahit na ba labing walong taong
gulang lamang ako tila daw ay mas matanda pa kesa sa edad ko kung akoy
magsalita at magpayo. Takbuhan ng bayan sa tuwing kailangan ng kaibigan,
tagapakinig, tagasaway, at kung anu-ano pa. Mula pagkabata ay hilig ko na ang
magturo. Kayat din a nagulat ang iba ng malamang edukasyon ang aking
kinukuha sa kolehiyo. Marami akong pangarap na nais kong abutin. Mga
pangarap na nais kong ialay sa aking ina na siyang nagtaguyod sa akin sa
simula pa lamang. Ngayon akoy nag-aaral ng mabuti para sa kanya upang
maisukli sa kanyang mga paghihirap para magkaroon ng magandang
kinabukasan. Marami mang pagsubok ang makakaharap ay di ako susuko sa
30

31

laban at lalo ko pang paghuhusayan alang-alang sa mga taong nagmamahal at


umaasa sa akin.

RONALYN MANAIG

Pansariling Impormasyon

31

32

ALISHA ANN PLATA

Pansariling Impormasyon

32

33

REINALYN RAMOS

Pansariling Impormasyon

Mataray at mabait, ang karaniwang napapansin sa akin sa tuwing


tinatanung ko ang aking mga kaibigan. Sabi naman ng magulang ko, mabuti
akong anak, masipag, matiyaga, matulungin at makadiyos. Mula ng akoy maliit,
tumutulong na ako sa bukid ng aking ama na isang magsasaka. Mahilig akong
mag-aral at magbasa. Lagi nay ako ang takbuhan ng mga kaibigan at kaklase
33

34

sa tuwing nangangailangan sila ng tagapakinig at tagapayo sa kanilang mga


problema.

Nagmula ako sa isang probinsya sa Hilagang Luzon. ipinanganak ako


noong Hunyo 3, 1994. Sa kasalukuyan ako ay nakatira sa Golden City, Sta.
Rosa, Laguna. Ako ngayoy kumukuha ng Bachelor of Secondary Education
major in Values Education sa University of Perpetual Help System Laguna.

DEICERY SHANE MORALES - REYES

Pansariling Impormasyon

Idol kita, iyan ang karaniwang sinasabi sa akin ng mga kaibigan, kakilala
at mga piling kamag-anak. Bukod daw sa pagiging matalino, talentado ay
magaling din daw ako makipagsapalaran sa buhay. Ika nga nila, gifted daw ako.

34

35

Ngunit sa kabila ng pagiging matalino ay marami din akong pagsubok na


pinagdaanan sa buhay.

Bukod sa pagkahilig sa pag-aaral at pagkanta ay naglilingkod din ako sa


aming simbahan bilang isa sa mga Childrens Choir. Nang akoy nasa high
school naging myembro din ako ng Lectures and Commentators Ministry.

Sa kasalukuyan ay nakatira kami sa 112 Tubigan, City of Bian, Laguna.


Ipinanganak ako noong ika - 4 ng Agosto taong 1993. Ako ay kabilang sa mga
piling kabataan na naparangalan ng skolarsyip sa aming bayan at ngayoy
kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in History sa
University of Perpetual Help System Laguna.
JOVELYN SO

Pansariling Impormasyon

35

36

Mahilig akong magbasa at magsulat. Gumagawa ako ng mga tula. Sabi


nila masungit daw ako. Noong akoy nasa high school, lagi akong naihahalal
bilang pangulo n gaming klase. May mga katangian daw kasi ako na papasa sa
pagiging guro. Sa akademikoy di ako pahuhuli, lagi nay napapasama ako sa
mga umaakyat sa entablado

upang tumanggap ng parangal sa tuwing

katapusan ng taong pang-akademiko. Sa tuwing may patimpalak sa paaralan ay


lagi rin akong kasali. Ako raw ang maituturing na beauty and brains.

Ngayon ako ay kumukuha ng Bachelor of Secondary Education major in


English. At patuloy na nagsusumikap upang marating ang aking mga pangarap.

FAUSTINE KATHRINE YATCO

Pansariling Impormasyon

36

37

37

38

38

You might also like