You are on page 1of 9

KABANATA 29

KINAUMAGAHAN

Sa pagsikat pa lamang ng unang liwanag ng umaga, ang


mga banda ng musiko ay tumugtog ng mga tugtuging at ginising,
sa pamamagitan ng masasayang tugtugin, ang mga pagod na
mamamayan.  Nagbalik na muli ang buhay at kasiglahan, ang mga
kampana ay muling nagripeke at nagsimula ang mga putukan.
Iyon ang huling araw ng  pista, ang tunay na araw ng
kapistahan.  Maasahan makakakita ng lalong maraming
kasayahan sa araw na iyon, higit kaysa nagdaang mga araw.  Ang
mga kapatid sa V.O.T. ay higit ang dami kaysa mga kapatid sa
Santisimo Rosario, at ang mga kasapi roon ay nangagngingitian
dahil sa natitiyak nang hihigitan ang kanilang mga karibal sa
kabanalan.  Bumili sila ng lalong maraming kandila:   ang mga
Insik na magkakandila ay kumita ng malaki, at upang makaganti
ng utang na loob ay nag-iisip na na magpabinyag, kahit na
pinatutunayan ng ilan na hindi ang pananampalataya sa
Katolisismo, kundi sa pagnanais na makapag-asawa.1  Ngunit ang
bagay na ito ay sinasagot ng mga mababait na babae:
Kahit na magkagayon ang pag-aasawang sabay-sabay ng
gayong karaming Insik ay hindi mangyayaring hindi isang
kababalaghan, at saka bahala na silang mapagbagong-isip ng
kanilang mga asawa.2
            Isinuot ng mga tao ang kanilang pinakamahusay na
kagayakan; lumabas sa taguan ang lahat ng hiyas.  Ang mga
mamumuhunan sa sugal at pati ang mga mamumusta ay
nangakabarong binurdahan, may mga butones na malalaking
brilyante, mabibigat na kadenang ginto at mapuputing
sumbrerong hipi-hapa.  Ang matandang pilosopo lamang ang
patuloy na gaya rin ng dati:  nakabarong sinamay na may guhit na
abuhin, na nakabutones hanggang leeg, saping maluluwag at
malapad na sumbrerong piyeltrong kulay-abo.3

1
MGA PALIWANAG
Dahilan sa nakikita nila ang posibilidad ng kaunlaran ng kanilang mga
sariling negosyo sa pamamagitan ng pagbabago ng relihiyon at ang
pagnanais na makapag-asawa ng mga babaing Katoliko.
2

Ang mga babaing Katoliko na nag-aasawa ng mga Intsik sa kabilang


dako ay nakahanda na sila na ang magpaliwanag sa kanilang mga
magiging asawa ukol sa mga usapin ng pananamapalataya.

363
            “Malungkot kayo ngayon kaysa dati!” ang sabi sa kanya ng
tinyente-mayor, “ayaw ba ninyong kami ay magsayang
paminsan-minsan, at pagkatapos nito ay marami kaming
iluluha at iiiyak?”4
           
“Ang magsaya ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng
kahangalan!” ang sagot ng matanda, “iyan din ang
kahangalan ng pagtatapon sa taun-taon!  At dahil
sa ano?  Itapon ang salapi, gayong maraming
kasalatan at pangangailangan?5  Ah, batid ko na! 
Ang Kapistahan ay isang orgia, ang bacanal
upang lunurin ang hinagpis nating lahat.”6
“Alam naman ninyong kasang-ayon ako sa inyong mga
paniniwala,” ang sagot ni Don Filipo na nakangiting kung
papaano, “aking ipinagtanggol nguni’t ano ang magagawa ko sa
kura at sa kapitan?”
           “Magbitiw sa tungkulin!” ang sagot ng pilosopo, at lumayo
na.
3
Pagpapakita ni Pilosopo Tasyo ng pagiging karaniwang araw ng
kapistahan para sa kaniya. Hindi siya naghahanda para sa kapistahan,
maging sa magiging kasuotan.

4
Ipinakikita ni Rizal sa pamamagitan ng pananalita ni Don Filipo na ang
kapistahan ay isang panandaliang lunas sa walang tigil na mga
paghihirap ng bayan.

5
Ipinakikita ni Tasyo na ang kapistahan ay hindi dapat na maging
kahangalan - katulad ng ating ginagawang malaking gastusin sa kabila
ng kasalatan. Halimbawa ay mangungutang para mayroong maihanda sa
mga darating na bisita.
6
ITO ANG PINAKAMATAAS NA PANLILIBAK NI RIZAL SA PARA SA
KAPISTAHAN: Ang itulad ito ni Pilosopo Tasyo ang kapistahan sa orgy
kung saan malayang nakapagtatalik ang mga lalaki at babae at sa
bacanalia na isang kapistahang pagano para sa karangalan ni Baco na
diyos ng alak. Pinag-iisip tayo rito ni Pilosopo Tasyo – bakit sa mga
kapistahan na ang pinararangalan ay mga santo – samantalang ang
pagbibili ng laman, at lasingan ay magkasama.
Wala kahit bahagyang kabanalan sa isang kapistahan na ang
hinahanap ay ang espiritu ng alak at hindi ang ispiritwalidad na
hinahanap ng mga kaluluwang uhaw sa pagkalinga ng isang tunay na
Diyos. Ipinadarama ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang
kapistahan ay isinasagawa ng mga Pilipino upang lunurin ang ating mga
hinagpis. Katulad ito ng matandang kaugalian sa Roma, na sa panahon
na may diskontento ang mga tao ay nagdaraos ng mga circus at iba pang
anyo ng mga pagtatanghal na maaring makalimot sa karaingan ng
bayan.

364
           Si Don Filipo ay napatanga, na sinundan ng tingin ang
matanda.
           “Magbitiw!” ang bulong niya, samantalang papunta sa
simbahan, “magbitiw!   Oo nga!  Kung ang katungkulan sanang ito
ay isang karangalan at hindi isang pasanin, ay oo na, ako ay
magbibitiw!”7
           Puno na ng mga tao ang patyo ng simbahan:  mga babae
at lalake, bata at matanda, na nakabihis ng kanilang
pinakamainam na kasuotanay magkakahalong labas-masok sa
makipot na pinto.  Nangangamoy ang pulbura, bulaklak,
kamanyang, pabango; ang mga bomba, kuwitis at buscapies8 ay
dahilan sa kakatakutan ay napapatakbo at napapasigaw ang mga
babae, at nagpapatawa sa mga bata.  Isang banda ng musiko ang
tumutugtog sa tapat ng kumbento, ang isa naman ay naghahatid
sa mga maykapangyarihan sa bayan, ang ilan ay lumilibot sa mga
lansangan na kinalalaylayan at niwawagaywayan ng mga
banderitas.  Liwanag at matitingkad na kulay ang nakalilito sa
mata, tugtugan at dagundong sa tainga.  Ang mga kampana ay
walang tigil sa pag-ripeke; salu-salubong ang mga karwahe at
kalesa,9 ang mga kabayo ay minsan ay nagugulat,
nangagdadambahan, sumisipang nakatayo ang mga unahang paa,
bagay na kahit wala sa palatuntunan ng kapistahan ay nagiging
isang libreng panoorin at isa na lalong kahanga-hanga.

7
Napagtatanto ni Don Filipo na ang kaniyang tungkulin ay higit na
pasanin dahilan sa wala naman itong tunay na kapangyarihan, kundi
ang maging sunud-sunuran lamang sa kagustuhan ng mga tunay na
nakakataas. Makikita dito na pailalim na mungkahi ni Rizal noon pa
man ang tinatawag nating autonomy para sa mga pinuno ng
pamahalaang lokal.

 Ang kabuuan ng paglalarawan sa talatang ito ay ang isang maanghan
na pagpuna ni Rizal sa isang pagsambang walang kaayusan! Sa kabila
ng napakaganda at detalyadong paglalarawan sa mga kaganapan sa loob
at labas, maging ang kalapit na kapaligiran ng simbahan. Ginamit ni
Rizal ang ganitong detalyadong paglalarawan upang maging salamin ng
mga mambabasa sa kawalan ng kaayusan sa isang okasyon na dapat
sanang maging isang pagsambang pangkabanalan.
8
Paputok na dikit-dikit at kapag sinidihan ay puputok ng sunod-sunod –
tinatawag ito ngayon na sinturon ni Judas. Pansinin na Habang
nagmimisa ay nagpapaputok sa labas ng simbahan.
9

Mapupuna na noon pa mang kapanahunang ng pananakop ng Espanya


sa Pilipinas ay nagkakaroon na nang pagsisikip ng trapiko sa panahon
ng kapistahan.

365
Ang Hermano Mayor sa araw na ito ay nagpalakad ng mga
utusan upang humanap ng mga panauhin sa lansangan, gaya
noong nagbigay ng piging na sinabi sa Ebanghelyo. 
Inaanyayahang halos sapilitan ang lahat, upang tumikim ng
sikulate, kape, tsa, matamis, atbp.  Hindi miminsang ang pag-
aanyaya ay nagkaroon na tuloy ng anyong nag-aaway.
Gagawin na ang misa-mayor, ang misang tinatawag na de
dalmatica,10 gaya ng sa kahapon na binanggit ng tagapagbalita,
ngunit ang ikinaiba lamang ngayon ay sa dahilang si Padre Salvi
ang magmimisa at sa mga taong magsisimba ay kabilang ang
alkalde sa lalawigan, na kasama ang maraming Kastila at mga
matatalinong tao upang pakinggan si Padre Damaso na lubhang
bantog sa lalawigan.  Ang alperes man, na
bagot na bagot na sa pakikinig ng mga
sermon ni Padre Salvi, ay naroroon din
upang ipakita ang kanyang mabuting
kalooban at makaganti, kung mangyayari,
sa mga masasamang sandali na ipinadanas
sa kanya ng kura.11  Napakatanyag ang
kabantugan ni Padre Damaso kaya hindi pa
man nagsesermon ay isinulat na ng
tagapagbalita sa namamahala ng
pahayagan ang ganito: 12

            “Gaya ng aking sinabi sa inyo, sa aking masasamang


hanay na talata kahapon, ay gayon nga ang nangyari.  Nagkaroon
kami ng dakilang kapalaran na mapakinggan ang kagalang-galang
na si Padre Damaso Verdolagas, na dating kura rito at nalipat sa
ibang bayang lalong malaki, bilang gantimpala sa kanyang
mabuting paglilingkod.13  Lumagay sa luklukan ng Espiritu Santo
ang dakilang mananalumpati tungkol sa pananampalataya, at
bumigkas ng isang mainam at makahulugang sermon na nakaakit
at nakapagpahanga sa lahat ng nagsisimba na naghihintay na

10
Damit ng nagmimisa na mahabang kola, maluwang ang mga manggas,
at nagwawaring isang krus kung nakabuka.
11
Ang pagdalo ng Alperes sa misa ay pakitang tao lamang.
12
Gawa na ang balita ay hindi pa nagaganap ang kaniyang iniuulat.
Mauugat dito ang ugali ng mga Press Release ng pamahalaan – habang
isinasaplano pa lamang ang proyekto ay nakahanda na ang papuri at
magandang balita ukol dito.
13
Sa ulat si Pray Damaso na inalis sa bayan ng San Diego para sa
promosyon – itinatago ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkaka-alis sa
San Diego.

366
makitang lumabas sa kanyang mga labi ang malunas na batis ng
buhay na walang hanggan.  Kadakilaan sa mga banggit,
kapangahasan sa mga haka, kabaguhan sa mga salita, karingalan
sa pagsasaysay, kaayusan sa kilos, kainamang mangusap,
kakisigan sa mga tungo, ang mga hiyas nitong Bossuet na Kastila,
na karapat-dapat nga sa hayag niyang kabantugan, di lamang sa
matatalinong Kastila, kundi pati sa mga walang pitagang Indio at 
mga tusong Insik.”
           Gayunman, kamuntik nang napilitan ang tiwalang
tagapagbalita na baguhin ang lahat ng naisulat.  Nagpahiwatig si
Padre Damaso na siya ay namamalat nang kaunti dahil sa
nadapuan siya ng sipon nang gabing nakaraan:   matapos na
makaawit ng ilang masasayang awitin ay kumain siya ng
tatlong kopang sorbetes at nanood sandali ng palabas.14  Dahil
dito ay inisip na huwag na siya ang maghatid ng salita ng Diyos sa
mga tao, ngunit sa dahilang walang matagpuang iba na nakapag-
aral sa buhay at mga milagro ni San Diego, tunay nga at ang kura
ay nakaaalam noon, ngunit magmimisa naman, ay pinagkaisahan
ng lahat ng pari na mabuting lubos ang tunog ng boses ni Padre
Damaso at kahina-hinayang kung hindi bibigkas ang gayong
kainam na sermong nasulat at napag-aralan na.  Kaya
ipinaghanda siya ng ama de llaves ng mga limonada, pinahiran ng
mga unguento at langis ang kanyang dibdib at leeg, binalot siya
nang makakapal na kumot, hinilot, at iba’t iba pa. 15  Si Padre
Damaso ay uminom ng ilang itlog na hilaw, na inihalo sa alak,
at sa buong umaga ay hindi nag-agahan; bahagya nang uminom
ng isang basong gatas, isang tasang sikulate at mga
labindalawang biskotso16 at buong tapang na iniwan ang kanyang
piniritong manok at kalahating kesong Laguna na kinakain sa
tuwing umaga, sapagkat alinsunod sa sabi ng “ama” ay may asin
at mantika raw ang manok at ang keso, at nakapagpapatindi ng
ubo. Ang lahat ng iyon ay ginawa niya upang matamo natin ang
kalangitan at tayo ay mapabuti ang kalagayan!” ang sabing halos
napapaiyak ng mga babaeng kapatid sa V.O.T. nang mabatid ang
gayong mga pagtitiis.17

14
Ikaw man ang magkakanta, kumain ng maraming ice cream at
magpalamig ka pa sa labas ng bahay – ewan lang kung hindi ka sipunin
at malatin.
15
Ipinapakita rito ang isang matandang paraan sa paggagamot ng ubo sa
Pilipinas.
16

Talagang napakatalas magpatawa ni Rizal – sa lagay palang iyon ay


hindi pa nag-almusal si Pray Damaso.
17

367
           “Pinarusahan siya ng Birhen de la Paz!” ang bulungan
naman ng mga babaeng kapatid sa Santisimo Rosario na hindi
maipatawad sa kanya ang ginawang pagkampi sa kanilang mga
kalaban.18
Ikawalo at kalahati, lumabas ang prusisyon sa lilim ng
toldang lona.  Katulad din ng kahapon, kahit may isang kaibahan: 
ang kapisanan ng V.O.T., mga matatandang lalake at babae at
ilang bata-batang babae, na tungo sa pagtanda ay nakasuot ng
mahahabang abitong; ang suot ng mga maralita ay kayong
magaspang, ang suot ng mga may-salapi ay sutla o kaya ay ang
tinatawag na ginggong Pransiskano dahil sa iyon ang karaniwang
gamitin ng mga prayleng Pransiskano.19  Ang lahat ng mga abitong
iyon ay tunay na abitong galing sa kumbento sa Maynila, na
ipinagbibili sa bayan sa pamamagitan ng fix price, kung gamitin
ang salitang tindahan.  Ang presyo ay maaring dagdagan ngunit
hindi maaaring tawaran.  Gaya rin ng mga abitong ito ay may
ipinagbibili sa kumbento ring iyon at sa kumbento ng Sta. Clara,
na bukod sa taglay na tanging biyayang nagkakaroon ng
maraming indulehensiya ang bangkay na masuotan noon, ay
taglay pa rin ang biyayang lalo pang tangi, na, lalo pang
namamahal kung lalo pang luma, lalong sira at lalong hindi na
magamit.20 Itinala namin ito dahil sa baka may isang maawaing
mambabasa na nangangailangan ng mga banal na labing iyon o
kaya ay isang tusong magluluma sa Europa na nais na
yumaman sa pamamagitan nang pagdadala sa Pilipinas ng
isang bunton ng mga abitong may sulsi at marurumi, sapagkat

Isang paglalarawan ni Rizal sa kahangalan ng mga panatikong Pilipino


sa kaniyang kapanahunan.
18

Ang hindi kakampi sa kapatiran ay mayroong masamang interpretasyon


sa naging kaganapan kay Padre Damaso. Pansinin din sana ang patron
na pagrusa “Birhen de la Paz” – ibig sabihin ay Birhen ng Kapayapaan.
Ipinapupuna na walang sinasayang na pangalan si Rizal na hindi
mayroong mga nakatagong kahulugan.
19

Sa kasuotan ng mga mapanata sa simbahan ang paggaya sa kasuotan


ng mga prayle. Isang pagpaparunggit ni Rizal na ang kabanalan ay
ginagawa at hindi ginagaya – ang kabanalan ay nasa kalooban at wala sa
panlabas na kaayuan.
20
Ipinakita ni Rizal na ang mga taong simbahan ang nagpa-uso ng
pagbibili ng mga damit na used clothing. Kabaligtaran lamang dahilan sa
ang mga gamit na kasuotan sa ngayon ay murang nabibili samantalang
noon mas luma ang damit na galing sa kumbento ay binibili ng mahal ng
mga mapanatang Katoliko at mapansin sana na presyong walang tawad.
Maaring basahin ang Kabanata 11 ukol sa mga ipinagbibiling mga abito
mula sa mga namatay na pare.

368
maipagbibili ng labing anim na piso o higit pa ang bawat isa,
alinsunod sa kanilang kalagayan.21
            Si  San Diego de Alcala ay nasa isang karo na may
palamuting pilak.  Ang santo ay payat, ang mukha at ulo’y garing,
na ang anyo ay matigas at elegante, kahit na may malagong buhok
na kulot na kahawig ng sa mga ita.  Ang kanyang kasuotan ay
sutla na may sabog na ginto.22
            Ang kagalang-galang na Amang si San Francisco ay
sumusunod, pagkatapos ay ang Birhen, gaya ng kahapon, ang
kaibahan lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo.23 
Datapwa’t kahit na walang magandang tindig ang unang paring
tinuran ay may anyo namang banal:  ang mga kamay ay nakadaop
na anyong nananalangin, nakatungo, at lumalakad na nakaukod
nang kaunti.  Ang mga may dala ng palyo ay ang mga kabesa
rin na pinagpapawisan sa kasiyahang-loob dahil sa
nagagampanan nila ang maging parang sakristan, maniningil
ng buwis, tagatubos ng mga taong bulakbol at maralita, at
dahil dito ay mga Cristong nagdudulot ng kanilang dugo dahil
sa kasalanan ng iba.24  Ang koadhutor, na naka sobrepelliz ay
21

Niyaya ni Rizal ang mga mambabasang Europeo na mamuhunan sa


mga lumang abito na maaring pagkakitaan ng malaki sa Pilipinas.
Nakakatuwang isipin na ito ngayon ay nasusunod na ng mga
Pilipino, sa anyo ng uka-ukay.
22

Ang santo ay nabuhay ng payak, nasa malabis na pagpapakababa,


pagsunod at walang anumang luho sa katawan, ngunit ang kaniyang
rebulto ay sinuutan ng mamahaling damit. Hindi kaya isang malaking
insulto ito kay San Diego Alcala?
23

Si Padre Salvi ay nasa ilalim ng palyo – hindi na naawa sa mga


naiinitang santo at mga taong nagdadala ng palyo.
24
ISANG MALALIM NA PAGBATIKOS NI RIZAL NA NAKATAGO SA
SIMBOLISMO. Ang mga cabeza de barangay ay siyang pinakamababang
pinuno sa kaayusan ng kolonyal na pamahalaan at dahilan dito ang
lahat ng mabibigat na gampanin ay sa kanila nakaatang ang paniningil
ng buwis sa kanilang nasasakupan. Kapag hindi nakasingil ay sa ilang
tao ay sila ang nagpapaluwal ng bayad ng ito. Dahilan dito ay patudyong
sinabi ni Rizal na ang cabeza de barangay ay mga Cristong tumutubos
sa kasalanan ng iba.Mapansin na maging sa kaayusan ng prusisyon ay
makikita ang lupit ng pagkukumpara ni Rizal ng simbolikal sa aktwal na
kalagayan ng cabeza de barangay.
Simbolismo – ang mga cabeza de barangay ang nagdadala ng palyo o
toldang kinasisilungan ng prayle sa kabila ng hirap at pagiging
inconvinience ng nasabing gawain, samantalang nagiginhawahan ang
prayle na nasisilungan nito.
Aktwalidad – ang mga cabeza de barangay ang naatasan na maningil ng

369
paga-gala at payao’t sa mga karo na dala ang incensario at
dinudulutang maminsan-minsan ng usok nito ang ilong ng kura
na kung mangyayari ang gayon ay lalo pang nag-aanyong walang
kapingas-pingas.25
            Ang prusisyon ay lumalakad nang marahan at banayad na
sinasabayan ng mga paputok, awit at malumanay na tunog na
itinatapon ng mga banda ng musiko na sumusunod sa bawat
karo.  Samantala naman ay namamahagi nang buong liksi ang
Hermano Mayor ng kandila na naiuuwing may ilaw sa kanilang
mga bahay ng maraming nagsisiilaw upang magamit ng apat na
gabi samantalang nagsusugal.26 Marubdob na nagsisi-luhod ang
mga nanonood pagdaraan ng karo ng Ina ng Diyos at matimping
nagdarasal sila ng mga credo at mga salve. Sa tapat ng isang
bahay na sa kanyang mga bintana ay may mga mariringal na
kurtina, na kinadudungawan ng alkalde, ni Kapitan Tiyago, ni
Maria Clara, ni Ibarra, ilang Kastila at mga dalaga, ay huminto ang
karo; napataas ang tingin ni Padre Salvi, ngunit hindi nalarawan
sa kanyang mukha ang anumang anyong pagbati o sila ay nakilala
man lamang; walang ginawa kundi ang tumayo ng higit na tuwid
upang kaniyang capa ay bumalabal na lubhang maayos at makisig
sa kanyang balikat.
Sa daan, sa tapat ng bintana, ay may isang babaeng may
kabataan pa, na ang may maayos na mukha, magara ang suot at
may kilik na isang sanggol na lalake.   Siya ay yaya marahil
sapagkat ang bata ay maputi at bulagaw, at ang babae ay
kayumanggi at ang buhok ay maitim pa kaysa azabache. Nang

buwis sa kanilang mga nasasakupan sa baryo. Ang listahan ng mga


sisingilin ay naayon sa talaan ng kura-paroko. Sa dahilang ang
allowance ng kura paroko mula sa gobyernong kolonyal ay nakabatay sa
populasyon ng isang bayan, ang kura paroko ay malimit na hindi inaalis
sa listahan ang mga taong namatay o lumipat na sa ibang lugar.
Sapagkat walang magbabayad sa mga taong namatay at lumipat, ang
cabeza de barangay ang nagpapaluwal sa mga ito.
25
Sa simbolismo ng isang koadhutor na pagala-gala sa mga karo na may
dalang incensario at nagpapausok at ang amoy ay nakakarating sa
prayle ay nagdadagdag sa kawalang kapingas-pingas nitong anyo.
Aktwalidad - Pagala-gala ang ko-adhutor na ang ibig sabihin ay siya ang
gumaganap ng mga gawaing pansimbahan sa malalayong lugar ng
parokya at maging sa mga mahihirap na gawaing pasimbahan. Na sa
pagganap ng nasabing katungkulan, ang prayle ang higit na
nakikinabang sa katanyagan sa gawain at paghihirap ng mga paring
Pilipino.
26

Ang kandila na inaakalang magagamit sa kabanalan, subalit gagamitin


sa sugalan.

370
makita ang kura ay inilahad ng bata ang mumunting kamay,
tumawa nang tawang-batang hindi nagiging sanhi ng sakit, ni
hindi naman gawa nito, at nagsisigaw na pautal, sa gitna ng
katahimikan, ng:  “Ta…ta!  Tata!  Tata!”27 Ang babae ay nanginig,
biglang tinakpan nang kanyang kamay ang bibig ng bata at
lumayong patakbo na litung-lito.  Ang bata ay nag-iiyak. Ang mga
may-masasamang akala ay nagkindatan, at ang mga Kastilang
nakamalas sa munting pangyayaring iyon ay nangagngitian.  Ang
karaniwang pamumutla ni Padre Salvi ay napalitan ng kulay-saga.
Datapwa’t gayunman ay walang katwirang maghinala ang tao:  
hindi man lamang kilala ng kura ang babaeng nabanggit, na isang
napadalo lamang sa bayang iyon.28

27
Labis ang kapilyuhan ni Rizal maging sa pagbibiro, pinag-iisip pa niya
ang kaniyang mambabasa kung ang babae ay yaya ng sanggol na maputi
ang kulay ng balat at sa pagdaan ng prusisyon at sa pagkakita ng
sanggol kay Padre Salvi ay nagsabi ng Ta... ta... ta... ta… ay tumakbo
ang babae.

Sa kabilang dako walang kinalaman si Padre Salvi sa pagsipot ng


sanggol na ito sa daigdig dahil kung siya ay isang lihim na ama ay
magdadalawang isip siya bago niya napatay si Crispin. Maaring kaya
lamang nasabi ng maputing sanggol ang salitang ta… ta... ta… ay
nasanay na alagaan, kalingain, at pag-ukulan ng pagmamahal ng isang
nilalang na katulad ni Padre Salvi sa kasuotan.
28

Makikita ang pagpapatawa at pag-iwas ni Rizal, pagkatapos na


maipahiwatig ang isang milagro ng mga prayle ay nandoon naman ang
bilis ng pagbawi.

371

You might also like