You are on page 1of 1

ESSAY

Ang Essay ko ay tungkol sa mga estudyanteng dumaan sa paghihirap ng


edukasyon na kung saan maraming estudyante ay nakadanas ng maraming
pagsubok sa buhay para lang matupad ang kanilang mga pangarap.Karamihan dito
ay ang mga estudyanteng mahihirap. Kung saan hindi masuportahan ng kanilang
mga magulang, dahil sa kakapusan sa pera o salapi.Kaya ang iba ay napipilitan
nalamang huminto sa pag aaral dahil sa kahirapan.

Pero ang iba ay nagsusumikap talaga na kung saan nag hahanap sila ng trabaho.
Subalit sa kanilang murang edad ay ginagawa parin nila ang lahat para lamang
may pang gastusin at pang tustus sa kanilang mga pangangailangan sa pag aaral.
Sila yung mga estudyanteng ipinagsasabay ang pagaaral at trabaho para lamang
makamit ang kanilang mga pangarap.Sila yung mga estudyanteng dugo at pawis
ang ibinuhos para lamang makuha ang kanilang diploma.Sila yung mga
Estudyanteng tiniis ang pang aapi at tukso dahil sa kanilang kalagayan.
Pero sa kabila ng Pait ng buhay, Hirap na pinagdaanan,Gutom na naranasan at
pang aapi na natanggap. Naniniwala ako na kung sino ang nag pursige at hindi
nawalan ng pag asa sa sarili, sa kabila ng pait ng buhay. Sila ang karapat dapat at
siguradong makaranas ng matamis na bunga ng TAGUMPAY.

RESTY JOVEN P.GARCIA


10-VISION

GAWAIN SA FILIPINO

You might also like