You are on page 1of 7

Ang Papel ng Mass Midya sa Wika, Kultura, at Ekonomiya

Jhames F. Labrador, MA
Filipino at Lipunang Filipino

Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng mass


midya. Gamit ang wika, pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng mass
midya. Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag-usbong ng mass midya sa pagpapalaganap
ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw- araw na
pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na ng mass midya. Dinaranas niya ito sa pakikinig ng radyo,
panonood ng telebsiyon, pagiging aktibo sa internet, at marami pang iba. Ginagamit din niya ang midya sa
pamamagitan ng iba’t ibang midyum tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba pang uri ng mga
elektronikong kagamitan. Naging malaking bahagi na ito ng pang-araw araw na gawain na siya namang
humuhulma sa kabuuang transaksiyon niya sa lipunan.

ANO ANG MASS AT MEDIUM?


Pinatutukuyan ang midyum – midya kapag maramihan – bilang isang uri ng komunikasyong
ginagamit ng tao upang makaugnay at makapagbatid ng mensahe (Livesey, 2011). Maraming instrumento ang
maaring gamitin bilang pamamaraan ng komunikasyon upang magpabatid ng mensahe. Maaring ang
instrumentong ito ay isang larawan – halimbawang larawang matatagpuan sa kuweba ng Altamira, Espanya
na iginuhit ng mga sinaunang tao, na hanggang ngayon ay paksa at bahagi pa rin ng mga debate ng ilang mga
dalubhasa kung ito ba ay isang uri ng sining lamang o isang uri ng pagpapabatid ng mensahe noon. Maaari rin
itong isang kagamitan o device – ang telepono halimbawa, kung saan, naririnig natin ang boses ng kausap
gamit ang isang aparato ng naglilipat ng mga boses sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng soundwaves sa kable
upang marinig ang kausap, o hindi naman kaya ang SMS (short messaging service) na nakakapagbigay ng
mensahe gamit ang mobile phones na kayang umakda ng mensaheng hindi hihigit sa 160 na titik o simbolo.
Ang mass midya naman ay tumutukoy sa kolektibong uri ng komunikasyong nag-uugnay at umuugnay
sa mga tao. Madalas na pinatutukuyan din ang mass midyum bilang isang uri ng komunikasyong isa laban sa
nakararami (one-to-many) (Livesey, 2011). Makikita ang konseptong ito sa dayagram sa ibaba.

isa
(one)

nakararami
(many)

Dayagram Blg. 1. Ang one-to-many communication na konsepto ni Livesey

Pinagpapalagay sa dayagram na ito na ang mass midya ay one way communication kung saan
kinakatawan ng “isa” (one) ang maykatha ng isang aklat, ang tagalikha ng isang programa sa telebisyon o kaya
naman ang ang director ng isang palabas, na nakiki-ugnay o kumakausap sa nakararami (many). Katangian
din ng isa-sa-nakararaming uri ng komunikasyon ang pagiging impersonal –ang taong kumakausap ay hindi
magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng fidback mula sa mga tagapakinig o tagapanood nito. (Maaari
mong sigawan ang isang pulitiko habang nananalita ito sa telebsiyon ngunit hindi ka nito maririnig.)

1
Ayon kay Dutton et al (1998), malalaman ang kaibahan ng mass midya sa iba pang uri ng
komunikasyon sa pamamagitan ng sumusunod:

1. Layo (Distance) – uri ng pakikipag-ugnay sa pagitan ng mga taong nakakapagpadala at


nakakatanggap ng mensahe
2. Teknolohiya (Technology) – nangangailangan ang mass midya ng behikulo o instrumento,
katulad ng telebisyon, mga print materials, na naglalayong makapagpadala at makatanggap
ng mensahe.
3. Antas (Scale) – isa pang katangian ng mass midya ay ang kakayahang maabot ang madla sa
iisang uri ng komunikasyon.
4. Komoditi (Commodity) – Tampok nito ang konseptong may katumbas na halaga ang
pagkonsumo ng mass midya

Ayon naman kay McqQuail (2005), may apat na elementong makatutukoy sa pag-usbong ng mass
midya. It ay ang mga sumusunod:

1. Paghahangad, o pangangailangan sa pakikipag-ugnay


2. Teknolohiya para sa pampublikong pakikipag-ugnay
3. Sosyal na organisasyon upang makapagpakalat at makapagpamahagi (ng produkto)
4. Pamumuno sa pampublikong interes
5.

ANG KASAYSAYAN NG MASS MIDYA SA PILIPINAS


Mahaba na ang tinahak ng kasaysayan ng mass midya sa Pilipinas. Kung tutuusin, humigit kumulang
isang daang taon lamang ang tanda ng unang imprentang librong inilimbag sa Pilipinas mula nang maimbento
ang printing press sa Europa. Ang aklat na Doctrina Christiana o Ang Mga Aral ng Kristiyanismo ay ang
unang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Isa itong mahalagang simulain sa kasaysayan ng mga
limbagin sa Pilipinas. Sumunod na dito ang mga dyaryo at magasin na nailimbag gamit ang wikang Kastila at
Tagalog. Ilan dito ay ang Sucesos Felices (1637), Del Superior Govierno (1811), Diariong Tagalog (1892), La
Solidaridad (1889) at Kalayaan (1898).
Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas, naitatag din ang pahayagang Manila Bulletin (1900) na
kinikilalang pinakamantandang pahayagan sa Pilipinas na aktibo pa ngayon. Bukod dito, nag-umpisa na rin
ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga rekordings sa pamamagitan ng ponograpo. Naging madali ang
pagpasok sa Pilipinas ng ponograpo, isang uri ng record player, 20 taon ang nakakaraan matapos itong
maimbento ni Thomas Edison sa America. Kinilala noong 1870s ang La Estrella del Norte na matatagpuan sa
Escolta, ang sentro noon ng kalakalan ng mga mamahaling kagamitan, bilang kauna-unahang tagapamahagi o
distributor ng ponograpo. Noong kalagitnaan ng 1880s, nagkaroon ng probinsyal na sangay sa Lipa, Batangas
ang La Estrella. Sa pagtatapos ng taong 1880, karamihan sa mga Taga-Lipa ang nagmamay-ari na ng
ponograpo na nabibili sa halagang dalawang piso, ang halagang katumbas ng kita ng isang manggawa sa
opisina ng panahong iyon.
Upang lalong mapaunlad ang pakikinig sa mga recording na ito, itinayo ni Major William Anderson
ang KZEG radio station noong 1923. Ang KZ ay mga call letters na ginagamit sa pagbibigay pangalan sa mga
radio station, alinsunod sa alituntunin sa brodkasting ng Estados Unidos noon, samantalang ang EG ay
pinaikiling Erlanger at Galinger na siya namang nagbibigay sangkapan para sa sangay nito sa Maynila.
(Yuson, 2013).
Noong taong 1926, nagtayo naman si Isaac Beck ng sarili nitong istasyon na tinawag na KZIB, ang IB
bilang unang titik ng buo niyang pangalan. Dinumog ang kanyang tindahang kilala sa tawag na IBeck Escolta
ng mga mamimili upang makakuha ng kopya ng “Ang Dalagang Pilipina” at “Paalam sa Pagkadalaga” na
inawit at ini-record ni Tinay Arellano sa Los Angeles, California. (Yuson, 2013). Sa parehong istasyon din ng
radyo nakilala si Lilian Velez sa kanyang pagtatanghal ng awiting “Sa Kabukiran” na nagbigay sa kanya ng
unang gantimpala sa isang patimpalak na awitin.
Nang sumunod pang mga taon, nabago ang hilig ng mga tao sa pagsikat ng mga awit mula sa mga
pelikula noong 1930s hanggang 1940s. Nabibili ang mga recording sa mga plaka. Umaabot ng humigit
kumulang P1 milyon ang kinikita ng mga kumpanya ng recording noon mula 1950s. Dito na rin sumikat ang
mga tugtuging chacha at rhumba na itinatanghal at inire-record ng mga orchestra noon.
Noong 1953, nagbukas ang kauna-unahang TV Broadcasting Company (DZAG-TV Channel 3) na kilala
noon sa pangalang Alto Broadcasting Company. Isang dekada ang nakalipas at itinatag naman ni Dean Gloria
D. Feliciano ang UP Institute of Mass Communication.

2
Sa panahon naman ng martial law sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos, ipinasara ang ilan sa
mga midya outlet na pag-aari ng pribadong sector. Naging exclusibo ito sa mga taong malapit sa Unang
Pamilya. Noong panahon din iyong ang paglaganap ng xerox journalism at cassette journalism kung saan
naging imposible para sa rehimeng Marcos na salain ang impormasyon tungkol sa pagpatay ka Ninoy Aquino.
Naging daan din ito sa kalayaan ng pagpapahayag sa Pilipinas.
Ang midya sa Pilipinas ang isa sa pinakahinahangaan at itinuturing na isa sa pinakamalaya sa Asya.
Malaki ang ginamgampanang tungkulin ng mass midya sa Pilipino, sa pagiging parehong kritiko at kakampi
ng mga abusado at inaapi, at bahagi na rin ng positibong pag-unlad ng lipunan (Rivera, 2007)
Sa nakalipas na dalawampung taon sa Pilipinas, naging mas kumplikado ang larawan at anyo ng mass
midya. Halos lahat ng uri ng midya na umusbong ng panahong ito ay tinawag na bagong midya (new midya)
(Lister, Dovey, & Giddings, 2009).
Sa madaling salita, ang internet, kinikilala bilang batayan ng bagong midya, ang pinakanag-uugnay sa
lahat ng mga network sa buong mundo ay itinuturing na isang malaking bahagi ng bagong midya. Upang mas
lalong gawing kumplikado ang usapin sa bagong midya, ang ebolusyon ng mga elektronikong kagamitan na
nakakawing sa internet – tulad ng cell phones, mga digital music player, ipads, e-tablet – ay sapilitang
nagpalawak sa pamantayan ng desiminasyon ng mass midya (Giles, 2010). Kailangan din nating isaalang-alang
ang pagkaintindi nating naapektuhan na ng bagong midya ang lumang midya. Kung kaya, ang mga pahayagan,
ang radyo at telebisyon, ay nagbago na rin sa usaping online. Halimbawa, ang pahayagan dati ay mababasa
lamang sa inilimbag na papel, ngayon ay mababasa na rin ito sa internet. Ang mga tugtugtin na maririnig
natin sa mga transistor radio ay maririnig na rin natin sa internet, pati na rin ang panonood ng telebisyon ay
ganito na rin ang gawi.

ANG UGNAYANG WIKA AT MASS MIDYA SA KULTURANG


POPULAR
Ngayong malinaw na ang konsepto ng mass midya at kasaysayan nito sa Pilipinas, mahalagang
makita ang ugnayan ng wika at mass midya sa konteskto ng kulturang popular.
Ang kulturang popular o kilala din sa tawag na popular culture ay ang panlahatang [makabagong]
kultura ng kontemporaryong panahon. Katangian ng kulturang popular ang pagiging uso, pagiging “in” lalong
lalo na sa mga kabataan. Isa pang katangian nito ay ang pagiging accessible sa mga konsyumer nito.
Ayon sa iskolar na si Ray Browne, pumapaloob ang kulturang popular sa ating saloobin, gawi, at kilos,
at kung paano at bakit natin isinasagawa ang isang bagay, ang mga pagkain, at damit na isinusuot natin, ang
mga estruktura, kalye at ibang lugar na pinupuntahan, libangan at isports, politika at relihiyon, o alinmang
sitwasyon humuhubog at kumokontrol sa atin. Ang lahat ng ito ay buong-buong naihahatid sa atin ng mass
midya, lalo pa’t higit na bago ang teknolohiya na siya namang behikulo nito. Hindi na namamalayang
pumapaloob ang mga tao sa daloy ng kulturang popular dahil bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na
buhay sa impluwensiya ng mass midya.
Sa kabilang dako naman, hindi maitatanggi na malawak ang gamit ng wikang Ingles pagdating sa
mass midya, subalit, hindi naman huli ang wikang Filipino dito. Ang Pilipinas ay lantarang nakikisangkot sa
globalisasyon lalo na at nakikilahok ito sa postmodernong daigdig sa pamamagitan ng mass midya at
teknolohiya. Gamit ang wikang Filipino sa mass midya, kusa na itong tinatangkilik ng nakararami dahil sa
dami na nakakaunawa at nakakaabot sa wikang ito (Francisco, 2010). Makikita ito sa mga midyum na
tumatawid sa institusyon ng akademya, tulad ng dyaryo, tabloid, fan magazines, at mga nobelang panromansa,
mga novelty song sa radio at mga patalastas sa telebisyon, pati na rin sa mga social networking sites.
Ayon kay Tolentino (2010), ang [mass] “midya ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang
popular nitong bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelikal na palabas na
nagbibigay-aral at naghihimok ng kumbersyon sa Ingles, ang kalakhan ng free channel sa telebisyon ay
gumagamit na ng Filipino.” Sa ganang ito, masasabi natin na ang wika ay ginagamit ng midya sa pagbibigay ng
impormasyon at kahulugan sa higit na nakararami. Nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon, sa unang lebel
na aspeto, at gumagawa naman ng realidad at gabay sa panlipunang realidad sa ikalawang hakbang na aspeto.
Nagiging instrumento ang wika sa pamamagitan ng wika sa lipunan tungo sa mobilisasyon ng mga
mahahalagang impormasyon.

3
Gamit ng wika

Komunikasyon

Nakakagawa ng Gabay sa
konstruksyon panlipunang
ng realidad realidad

Sa konteksto ng kulturang Pilipino, instrumento ang mass midya upang maka-ugnay ang mga tao sa
kanyang paligid at makibalita sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Bukod dito, ginagamit ng midya ang wikang Filipino upang magpahayag ng mga pananaw na
magpapanatili at magdidikta ng status quo. Malaki ang ginagampanan ng wika sa mass midya sa lipunang
Pilipino sa pagtukoy kung ano ang magiging sikat at nagreresulta ito sa tinatawag na commercial culture –
nagiging sikat kung ano ang tinatangkilik ng nakararami. Ito ang nagbibigay kapangyarihan sa midya na
magdikta ng mga magiging uso, magiging pamoso at kung ano ang magiging mabenta. Dahil ang wikang
Filipino ang lingua franca, naiintindihan ito ng nakararami, at kung nakararami ang nakakaintindi sa isang
mensaheng ipinaaabot sa isang midyum, mas maraming tao ang sasali at magiging sangkot sa transaksiyong
ito. Ganap na ngayong maituturing na ang wikang Filipino ay isa nang instrumento ng kontrol sa
pagpapaigting ng kapangyarihan ng mass midya. Higit pa rito, napapaunlad ng mass midya ang
kontemporaryong wikang Filipinong kauna-unawa sa buong bansa.
Ang mass midya ay maari ring daan sa pagbabago ng wikang Filipino. Sa panahong nagiging
globalisado na ang kultura at mas nagiging talamak ang panghihiram ng mga wikang banyaga sa mass midya,
hindi naiiwasan ang paghiram o paggamit ng mga dayuhang konsepto o termino at nagiging daan ito sa lalong
pag-unlad ng isang wika.

4
MGA HANGGANAN AT LIMITASYON
Kung maipapalagay mula dito na ang Filipino ay dumadaloy sa mga aparato ng kulturang popular
tulad ng mass midya, kalakip ito ng ilang mga disbentahe. Makikita ang suliranin sa paggamit ng wika lalong-
lalo na sa mga praktisyoner ng mass midya sa kasalukuyan. Ayon kay Flores (walang petsa), “kung isasandig
natin ang konsepto ng Filipino sa paglaganap ng kulturang popular, mapapanday ang teorya na ang lingua
franca, sa malaking bahagi, ay likha lamang ng Metro Manila”. Itinatakda ng parametrong ito na ang sentro
pa rin ng kapangyarahan ay nasa Maynila dahil naririto ang mga istasyon ng telebisyon, mga limbagan ng mga
pahayagan, sentro ng produksyon, atbp.
Ilan sa mga susunod ang maaring pag-isipan bilang hangganan at ilang limitasyon ng Filipino bilang
lingua franca na ginagamit sa mass midya.

Ano ang papel ng mga


ahensya ng media sa Ano ang papel ng media sa
pagpapalaganap ng
pagpapalaganap ng lingua
nasyonalismo?
franca?

lingua franca
mass media

Ano ang
kontekstwalisasyon ng Ang Filipino ba ay
magiging Filipino kung
lingua franca na ginagamit
wala ang mass media?
sa mass media?

ANG MASS MIDYA SA PAGBUO NG BANSA


Mabago man ang teknolohiyang ginagamit ng tao bilang behikulo ng mass midya, taglay pa rin nito
ang parehong gawi ng pakikipag-ugnay niya sa kanyang kapwa. Gagamit at gagamit pa rin siya ng mga salita
sa pahayagan at peryodiko, ang telebisyon ay gagamit pa din ng larawan at ang mga sinasambit na salita, na
gagamit din naman ng mga titles at substitles na pawang mga salita. Pinupukaw pa rin ng mass midya ang
atensyon gamit ang mga mata at tainga sa pamamagitan ng nakalimbag o naririnig na mga salita, o sa mga
gumagalaw na larawan o sa mga kumbinasyon nito gamit ang wika.
Ang wika sa lipunang Pilipino ay bahagi na ng sosyal na proseso at ng pang-araw-araw na gawain ng
mga tao, bahagi na dito ang pagkonsumo ng tao sa mass midya at pagkonsumo ng nito sa tao. Ang paggamit
din ng wika ay nagsasangkot ng dalawa o higit pang interlokutor sa gawaing pangkomunikasyon bilang mga
enkoder at dekoder (Ramos, walang petsa). Hindi rin maaring ilayo ang usapin ng wika sa usapin ng kultura.
Magiging walang saysay ang pag-aaral ng dalawa kung tatanggalin ang isang varyabol sa pag-aaral ng isa pa.
Ang wika bilang instrumento ng pakikipagtalastasan at pakikiugnay ay maaring matamo sa
instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao sa lipunan. Ang paggamit ng lingua franca sa mass
midya bilang pagbuo ng isang identidad ay isang paghahangad na maiugnay ang lipunan at sektor sa
globalisasyon. Sa isang artikulo ni Tullao (2009) tungkol sa ekonomiks at kalakan, sinabi niya na “ang wikang
nauunawaan ng nakararami at hindi ang wikang nangingibabaw ang higit na mabisang gamitin upang maabot
ang pinakamaraming mamamayan na tutugon sa problema sa katatagang ekonomiko.” Magiging lalong
matagumpay ito sa tulong ng mass midya na siya namang magpapadaloy ng transaksiyon sa lipunan.
Binigyang kahulugan ni Anderson na sinipi ni Higson (2002) ang pambansang identidad bilang shared
identity ng isang politikal at heograpikal na espasyo, kilala din sa tawag na ‘nasyon’ o bansa. Higit pa ang
identidad na ito sa pisikal na katangian na nagkakapareho, ngunit kadalasan ay nagkakaiba sa kanyang
kapwa. Ginagampanan ngayon ng mass midya ang tungkuling ito bilang instrumento rin sa paghuhulma ng
identidad ng lipunang nagkakaisa, nagiging makabuluhan at komunidad na homogenous ang hangarin.

5
Wikang Filipino

mass
midya

Shared community

Globalisasyon

Mahalaga ang papel ng wika sa mass midya sa mobilisasyon ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran.
Sa konteksto ng kulturang Pilipino, magagamit ang wika upang mapag-ugnay ang mga tao ng lipunan sa iisang
lugar – shared community – na makakapagpayaman sa kultura at ekonomiya sa susunod na henerasyon. Ang
pagpapayaman sa wikang Filipino sa tulong ng mass midya ang magiging instrumento upang maunawaan at
makilahok ang buong nasyon sa pag-unlad kasabay ng globalisasyon.

MGA SANGGUNIAN

Dutton, B., O'Sullivan, T. a., & Phillip, A. (1998). Studying the Media.

Flores, P. (n.d.). Pamamangka sa Maraming Ilog: Ang Disemniasyon ng Filipino at ang mga Daluyan ng
Kulturang Popular.

Francisco, C. G. (2010, June 10). Pormalisasyon ng Wika sa Mass Media. Retrieved April 3, 2014, from
www.blogspot.com: www.cicihs-filipino.blogspot.com/2010/06/pormalisasyon-ng-wika-samass-media/

Giles, D. (2010). The Psychology of Media. London: Palgrave Macmillan.

Higson, A. (2002). Nationality. In A. Briggs, & P. Cobley, The Media: An Introduction (pp. 401-415). London:
Longman.

Lister, M., Dovey, J., & Giddings, S. (2009). New Media: A Critical Introduction. Abingdon: Routledge.

Livesey, C. (2011). Defining Mass Media. Retrieved April 3, 2014, from www.sociology.ord:
http://www.sociology.org.uk/media_defined.pdf

Ramos, J. F. Pulitika ng Pagpili/Paggamit ng Wika sa Lipunang Filipino.

Rivera, M. T. (2007). Philippines: Free Environment Encourage Diversity. In K. Senevirante, Media in


Pluralism in Asia: The Role and Impact of Alternative Media (pp. 176-214). Singapore: Asia Media Information
and Communication Center.

6
Tolentino, R. (2010, September 06). Media at Pambansang Wika. Retrieved April 3, 2014, from
www.bulatlat.com: www.bulatlat.com/main2010/09/06/media-at-pambansang-wika/

Tullao Jr., T. S. (2009). Pagsasaling-wika sa Ekonomiks at Kalakalan. In G. Zafra, Salin-suri: Panimulang


Pagmamapa ng mga Larangan ng Pag-aaral ng Pagsasalin sa Filipinas (pp. 221-228). Quezon City: UP - Sentro
ng Wikang Filipino.

Yuson, A. (2013, July 16). www.gmanetwork.com. Retrieved November 12, 2013, from
http://www.gmanetwork.com/news/story/317716/lifestyle/reviews/music-review-salinawit-ni-pete-lacaba-as-
sung-by-tres-marias-filipinas

You might also like