You are on page 1of 1

Ang kaalaman sa bokabularyo at ang papel nito sa pag-unawa sa pagbabasa ay naging isa sa mga

pangunahing pokus sa ikalawang pananaliksik ng wika sa huling dalawampung taon. Kapwa ang
kaalaman sa bokabularyo at pag-unawa sa pagbabasa ay magkaugnay, at ang ugnayang ito ay hindi
isang-direksiyonal, dahil ang kaalaman sa bokabularyo ay maaaring makatulong sa mag-aaral na
maunawaan ang mga nakasulat na teksto at ang pagbabasa ay maaaring maka-ambag sa paglago ng
bokabulayo (Maher Salah, 2008; Nation, 2001; Stahl, 1990). Mula sa mga tatlong pangunahing
nilalaman ng wika, ang tunog, gramatika, at bokabularyo, kaalaman sa mga salita, bilang pundasyon
ng wika ay mayroong napakaimportanteng gampanin. Sa katunayan, kung walang pagkilala sa
kahulugan ng mga salita, imposible ring makagawa o maunawan ang wika. Kahit may mga
estudyanteng maaaring napagtagumpayan ang mahusay na pagintindi at pagbasa, ang pag-alam sa
kahulugan ng mga salitang nasa teksto ay napakaimportante sa pag-unawa sa pagbabasa.

You might also like