You are on page 1of 26

Republika ng Pilipinas

Republic of the Philippines


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Philippine Normal University
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
Maynila
Manila

2ProfEd07

PRINCIPLES AND METHODS OF TEACHING

BANGHAY-ARALIN NG IKAAPAT NA BAITANG


UNANG MARKAHAN
Desiderio, Janise
Devilla, John Cayle
Ejorcadas, Charlotte
BFE II-5

Propesor Carl Dellomos


Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Philippine Normal University
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
Maynila
Manila

Baitang: Ikaapat na Baitang (Unang Markahan)

Paksa: Aralin 1: Paggamit ng Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana

Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas at maikling pelikula
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

Pamantayan sa Pagganap:
1. Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
2. Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at intonasyon
3. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
4. Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pagunawa ng mga impormasyon
5. Nakasusulat ng talatang pasalaysay
6. Nakapagsasalaysa y tungkol sa pinanood
7. Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento
st
21 Century Skills Targeted: reading, self-direction, communication, creativity, innovation, collaboration, productivity, critical thinking, flexibility, social and cross-cultural
skills
Content Knowledge Targeted

Learning Brain
5 Tenets of the 21st Century Style Default/s
7 Es Activity/Activities Whole Child Targeted Skills
Targeted
Healthy Safe Engaged Supported Challenged

Elicit TUKLASIN MO!


Deskripsyon:
Sa bahaging ito, hahayaan ang mga mag-aaral na tumuklas ng
kahulugan ng mga di pangkaraniwang mga salita sa pamamagitan
ng pagtingin sa diksyunaryo. Makakatulong ang gawaing ito sa
pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral at upang
mapadali ang kanilang pag-unawa sa tekstong babasahin. visual 1, 3, 4,6,7
Reading,
Hakbang sa Pagsasagawa: Self-direction

1. Ang guro ay magpapaskil ng mga salita sa pisara na nagpapakita


ng pangngalang pantangi at pambalana.
2. Ang mga mag-aaral ay hihikayating hulaan kung ano sa mga
salitang nakapaskil ang pangngalang pantangi at pambalana.
Engage BASA – BISA
Deskripsyon:
Sa gawaing ito, masusubok ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pakikinig. Inihahanda din ng gawaing ito ang kaisipan ng mga
auditory 2, 4, 6, 7
mag-aaral patungkol sa paksang tatalakayin. Communication

Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang guro ay magbabasa ng isang kuwento na pinamagatang:
"Si Jose ang Batang Magalang" akda ni Arjohn V. Gime
2. Sa pagbabasa ng guro, magpapakita rin sya ng mga larawan
upang mas matandaan at mabigyang pansin ang mga karakter sa
kuwento na maituturing na mga pangngalang pantangi at
pambalana.

Explore AKO AT ANG PANGNGALAN


Deskripsyon: Sa bahaging ito, malilinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pag-iisip at pagsasalita, makatutulong din ang gawain
upang hikayatin ang mga mag-aaral na maging malikhain sa
inaatang na gawain.
Communication kinesthetic 2, 4, 5, 6, 7
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang mga mag-aaral ay isa-isang pupunta sa harapan.
2. Ibabahagi nila sa klase ang kanilang pangngalang
pambalana at pangngalang pantangi.
3. Pagkatapos nito, gagamitin nila ang mga pangngalang ito
sa isang pangungusap.
Explain ANG 3K NG GURO
Deskripsyon:
Sa pagkakataong ito, ang guro ang pagmumulan ng impormasyon
na ibabahagi niya sa mga mag-aaaral. Papasinayaan ng guro ang
talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong upang mapalutang ang
mga konsepto. Lilinangin ng gawaing ito ang kakayahan ng mga Communication,
auditory 1, 3, 5, 6, 7
mag-aaral sa kritikal na pag-iisip at kasanayan sa pagbabahagi sa creativity &
klase, innovation,
collaboration,
Hakbang sa Pagsasagawa: productivity
1. Ang guro ay magtuturo patungkol sa Pangngalang Pantangi at
Pambalana
2. Ang pagtuturo ng guro ay nakapokus sa kahulugan, katangian,
at kaugnayan ng/sa paksa.
3 Sa pagkakataong ito magaganap ang bukas na talakayan kung
saan bibigyang pansin ng guro ang mga katanungan ng mga mag-
aaral.

Elaborate TAMBAL-BILOG
Deskripsyon:
Sa gawaing ito, masusubukan ang kaalamang natamo ng mga mag- visual 2, 4, 5, 6, 7
aaral pagkatapos ang talakayan. Bibigyang pagkakataon ang mag- Critical thinking,
aaral na suriin ang mga natalakay upang makabuo sila ng bagong Self-direction,
konsepto sa pamamagitan ng venn diagram o pagtatambal sa Adaptability
dalawang konsepto.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Gumuhit ng isang Venn Diagram sa iyong kwaderno.
2. Gamitin ito upang maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
pangngalang pantangi at pambalana.

Evaluate HANAP-NILAY
Deskripsyon:
Sa bahaging ito susubukin ang pagkatuto ng mag-aaral sa isang
pagsusulit na may tiyak na kasagutan. Magbibigay din ng isang
pangwakas na tanong na hahamon sa paraan ng pagrarason ng mga
mag-aaral at layunin din ng gawaing ito na magkaroon ng
repleksyon ang mga bata, Critical thinking,
visual 1, 3, 6, 7
Self-direction
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Matapos mapag-aralan ang pangngalang pantangi at
pambalana, magbibigay ang guro ng isang pagsusulit na
hanap salita.
2. Sa gawaing ito, hinihikayat ang mga mag-aaral na hanapin
at bilugan ang mga hinihinging pangngalang pantangi at
pambalana.
3. Sa huli, ibibigay ng guro ang pangwakas na tanong na bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng pangalan?

Extend EXHIBIT
Deskripsyon:
Sa aktibidad na ito, inaasahan ang sapat na kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tinalakay upang kanila itong mabisang
maisapratika. At upang makita ang kahusayan sa paksa,
magsasagawa ng exhibit ang mga mag-aaral patungkol sa mga
personalidad, bagay, pook at iba pa na tampok sa kanilang
komunidad o mga ngalan na nagpakilala sa lugar. Collaboration,
Flexibility, Social
Hakbang sa Pagsasagawa:
and Cross-cultural kinesthetic 2, 4, 5, 6, 7
1. Ang klase ay magkakaroon ng exhibit masusing ibibigay Skills
ng guro ang detalye kaya’t kinakailangang makinig mabuti
ng mga mag-aaral at papatnubayan ng guro ang bawat isa.
2. Bawat mag-aaral ay dapat magpakita ng mga bagay, pook
at tao na tampok o kilala sa sa kanilang komunidad.
3. Ang ga impormasyon na nakalap sa bawat mag-aaral ay
ibabahagi sa exhibit.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Philippine Normal University
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
Maynila
Manila

Baitang: Ikaapat na Baitang (Unang Markahan)

Paksa: Aralin 2: Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay


Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas at maikling pelikula
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

Pamantayan sa Pagganap:
1. Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
2. Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at intonasyon
3. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
4. Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pagunawa ng mga impormasyon
5. Nakasusulat ng talatang pasalaysay
6. Nakapagsasalaysa y tungkol sa pinanood
7. Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento
st
21 Century Skills Targeted: Critical thinking, Creativity,Collaboration, Communication, Flexibility, reading, responsibility, self-direction, adaptability, creativity, ICT
Learning Brain
5 Tenets of the 21st Century Style Default/s
7 Es Activity/Activities Whole Child Targeted Skills
Targeted
Healthy Safe Engaged Supported Challenged

Elicit TUMBAS- LETRA


Deskripsyon:
Sa bahaging ito, ang guro ay magpapasinaya ng isang gawain, na
kung saan ang mga mag-aaral ay hahayaang magbahagi ang visual 1, 3, 4, 6
unang salitang kanilang maiisip sa letra ng alpabeto na matatapat Collaboration,
sa kanila, inaasahan na ang aktibidad na ito ay magsisilbing Critical Thinking,
pampasiglang gawain upang maihanda ang mga mag-aaral sa Creativity
talakayan,
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Bilang paunang gawain gagamitin ng guro ang alpabeto
upang makapagbigay ang bawat mag-aaral ng mga payak
na salita na iikot lamang sa tao, bagay at hayop.
2. Ang bawat isa ay inaasahan na makapagbigay ng sagot
ayon sa kahingian ng klase.
Engage PAMILYA MO, ISALAYSAY MO!
Deskripsyon: Sa gawaing ito, hahasain ang pakikinig, dahil
mayroon muling katuwang na teksto ang paksa. Dito ay bibigyang
tuon ang kakayahang magsalaysay ng mga mag-aaral at
Reading,
magbahagi ng nararamdaman.
Responsibility, auditory 2, 4, 6, 7
Hakbang sa Pagsasagawa: Self-Direction

1. Ipapabasa ng guro ang teksto ng “Pamilyang Pilipino” ni


Arjohn Volime.
2. Bago pa man ang gawain, nagbigay ang guro ng takdang
aralin na pagdadala ng family picture.
3. Ididikit ang larawan sa malinis na papel at hahayaan na
isalaysay ng mga mag-aaral ang kanilang sari- sariling
pamilya.

Explore UGNAY-SALAYSAY
Deskripsyon: Sa gawaing iro, hahamunin ang mga mag-aaral na
isalaysay ang karanasan sa partikular na bagay na napili.
visual 2, 4, 5, 6
Lilinangin nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na magpahayag
ng saloobin,
Communication,
Hakbang sa Pagsasagawa: Critical Thinking

1. Magpapaskil ang guro ng mga larawan sa pisara kung


saan ang mga larawang ito ay tungkol sa mga pangngalan
ng tao, bagay, hayop, o lugar.
2. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais pumunta
sa unahan at papipiliin ng guro ang mag-aaral kung ano
ang nais nitong larawan.
3. Sa pagpili ng mga-aaral, tatanungin ng guro kung bakit ito
ang kanyang napili at gagamitin ng mag-aaral ang napiling
larawan upang isasalaysay ang rason kung bakit ito ang
pinili niya.

Explain KAALAMAN MO ATING PALALIMIN


Deskripsyon: Sa bahaging ito, ang guro ang paggagalingan ng
Communication,
impormasyon na patungkol sa paraan ng wastong pagsasalaysay
Flexibility,
at kanya itong ibabahagi sa mga mag-aaral. Sa gawaing ito
Adaptability,
malalaman kung lubos bang naunawaan ang paksang panngalan
Responsibility auditory 1, 3, 5, 7
sa pamamagitan ng presentasyon ng pagsasalaysay.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Tatalakayin ng guro ang kahulugan at hakbangin sa
pagbuo ng salaysay.
2. Tatalakayin din ng guro ang mga uri ng salaysay, element
ng mabisang salaysay, at katangian ng mabuting salaysay.
3. Pahahapyawan din ng guro ang pagtuturo sa pangngalan
na maaaring gamitin sa pagsasalaysay.
4. Magiging bukas ang guro sa mga katanungan at paglilinaw
ng mga mag-aaral.

Elaborate GUHIT-SALAYSAY
Deskripsyon: Sa gawaing ito, maipapamalas ang pagiging
malikhain ng mga mag-aaral sa paraan ng pagguhit at paggawa ng
Creativity,
sanaysay. Ang paggawa nito ay magsisilbing daluyan ng
Communication, kinesthetic 2, 4, 6, 7
replektibong pagkatuto, dahil nakatuon ang gawain sa
Flexibility
pagpapahalaga.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang mga mag-aaral ay guguhit at hahayaang mamili kung
tao, bagay, hayop, o pook ang nais nilang iguhit na
kanilang pinahahalagahan sa buhay.
2. Matapos makapag-guhit, ang mga mag-aaral ay
isasalaysay sa harapan kung bakit ito ang napiling iguhit o
pahalagahan.

Evaluate PAGSAMA-SAMAHIN NATIN!


Creativity,
Deskripsyon: Sa gawaing ito, magkakaroon ng maikling
Communication,
pagsusulit ang mga mag-aaral upang matukoy ang kaalamang Flexibility
natamo ng mga mag-aaral sa mga nagdaang talakayan.
Hakbang sa Pagsasagawa: visual 1, 3, 6, 7

1. Ang guro ay magbibigay ng “worksheet” na siyang


sasagutan ng mga mag-aaral.
2. Babasahin ng mga mag-aaral ang mga pangngalan sa
ibaba at pagsasama-samahin ang mga pangngalang
magkakapareho.
3. Isusulat ng mga mag-aaral sa loob ng kahon na may
tamang kategorya ng pangngalan.

Halimbawa ng Worksheet:
Nanay ahas
Parke kalabaw
Kutsara pinto
Ibon Lola Basyang
Tubig paaralan

TAO HAYOP
BAGAY LUGAR O POOK

Extend TANGHAL-SAYSAY auditory


ICT, Creativity,
Deskripsyon: Sa gawaing ito bibigyang pagkakataon ang mga
Collaboration,
mag-aaral na itanghal ang mga naging produkto ng kanilang
Communication 2, 4, 5, 6
pagguhit sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Lilinangin ng gawain
na ito ang kanilang kapasidad sa pagtatanghal at tiwala sa sarili.
Ang kanilang pagtatanghal ay hindi magiging limitado sa apat na
sulok ng kwarto kundi ito ay itatampok ng guro sa social media
upang mapabatid sa nakararami ang kanilang mga likha at galing.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang nabuong produkto ng mag-aaral mula sa aktibidad na Guhit-
Salaysay ay kanyang gagamitin dito.
2. Itatanghal ng mga mag-aaral ang kani-kanilang gawa habang
kinukunan ng video ng guro.
3. Ang kanilang klase ay may FB page kung saan ia-upload dito ang
kanilang mga likha at pagtatanghal upang mas makita ng nakararami.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Philippine Normal University
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
Maynila
Manila
Baitang: Ikaapat na Baitang (Unang Markahan)

Paksa: Aralin 3: Paggamit ng Panghalip

Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas at maikling pelikula
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

Pamantayan sa Pagganap:
1. Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
2. Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at intonasyon
3. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
4. Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pagunawa ng mga impormasyon
5. Nakasusulat ng talatang pasalaysay
6. Nakapagsasalaysa y tungkol sa pinanood
7. Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento

st
21 Century Skills Targeted: collaboration, creativity, ICT, communication, critical thinking, self-direction, productivity, flexibility, adaptability, responsibility,
leadership
Learning Brain
5 Tenets of the 21st Century Style Default/s
7 Es Activity/Activities Whole Child Targeted Skills
Targeted
Healthy Safe Engaged Supported Challenged

Elicit HALIP-AWIT
Deskripsyon: Bilang pampasiglang gawain,
magpaparinig at papakantahin ng guro ang mga mag-
aaral ng isang musikang may kaugnayan sa tatalakaying Collaboration,
Creativity auditory 2, 3
paksa.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ipapakilala ng guro ang awiting Ako, Ikaw, Tayo,
Isang Komunidad
2. Magsisitayo ang lahat upang awitin ito
3. Susubukin ng guro ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagtatanong kung
anong mga salita ang nabanggit sa awitin ang
tumutukoy sa tao.

Engage ANGKOP-LARAWAN
Deskripsyon: Sa gawaing ito, hahayaan ng guro na
magamit ng mga mag-aaral ang kanilang paunang
kaalaman sa pagsagot sa panibagong paksa, ito ay paraan
upang itakda ang kahandaan ng klase para sa bagong
ICT, creativity, visual 2, 3
aralin.
communication,
Hakbang sa Pagsasagawa: critical thinking

1. Sa tulong ng powepoint presentation,


magpapakita ang guro ng mga larawan, na
mayroong hindi kumpletong pangungusap sa
ibaba.
2. Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga
pangungusap.
3. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
suriin ang pahayag at mag-isip ng panghalip na
aangkop sa pangungusap.
4. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais
sumagot.

Explore BALITAKTAKAN
Deskripsyon: Sa gawaing ito, masusubukan ang
Communication, kinesthetic
kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral
Self-Direction, 2, 4, 5
sapagkat ang puso ng gawain ay ang pakikipag-
Productivity
interaksyon o pakikipag-ugnayan sa kapwa. Lilinangin ng
gawain ang kolaborasyon ng mga mag-aaral.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang
humanap ng kapareha, tiyakin na ang lahat ay
nakahanap upang maisagawa ang Gawain
2. Ang baawat magkapares ay malayang
magbabahagi ng mga di malilimutang karanasan
sa buhay.
3. Sa pagbabahaai ng karanasan, kinakailangang
magamit ang mga panghalip.
4. Magtatawag ang guro ng mga pares na nais
magbahagi ng kanilang mga karanasan.
Explain PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN
Deskripsyon: Ang guro ang magpapasinaya sa
malayang talakayan, na kung saan magkakaroon ng
tanungan sa pagitan ng guro at estudyante upang
mapalutang ang mga konsepto at detalye ng paksa.
Communication, auditory 1, 2, 5, 7
Maituturo ng gawain ang mahusay na pagbuo ng tanong
Flexibility,
upang makatulong sa pagpapalalim ng talakayan.
Adaptability,
Hakbang sa Pagsasagawa: Responsibility
1. Sisimulan ng guro ang talakayan sa pagtatanong
sa kung ano ang naiisip na kahulugan ng mga
mag-aaral sa panghalip.
2. Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga
kasagutan ng mga mag-aaral, ibibigay niya ang
konkretong kahulugan ng panghalip at ang iba’t
ibang uri nito.
3. Magiging bukas ang guro sa mga katanungan ng
mga mag-aaral.

Elaborate TANGHALIP
Deskripsyon: Pagtatanghal ang hain ng gawaing ito,
kung kaya naman inaasahan na magiging malikhain ang
mga mag-aaral sa presentasyon, Mahalaga din na
Collaboration, kinesthetic 2, 3, 4, 5
maiugnay ito sa aralin na tinalakay. Lilinangin ng gawain
Leadership,
na ito ang kolaborasyong pagkilos, pagkakaroon ng
Flexibility
tiwala sa sarili at malikhaing pag-iisip.
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Ang klase ay papangkatin sa apat.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon, kung
saan kinakailangang maipakita nila ang mga
natutunan sa naging talakayan.
3. Ang pagtatanghal ay mamarkahan ng guro sa
pamamagitan ng rubriks bilang pamantayan.

Criteria sa Gawaing Pampagkatuto:


Partipasyon ng bawat isa sa grupo: 10%
Presentasyon: 60%
Dating sa madla: 10%
Pagpapaliwanag sa mensahe at kaisipan: 20%
Total: 100%

Evaluate SALUNGGUHITAN IYONG NATUTUNAN


Deskripsyon: Magbibigay ang guro ng isang pagsasanay
na kung saan kinakailangan salungguhitan ang mga
panghalip na angkop upang mabuo ang diwa ng pahayag.
Hakbang sa Pagsasagawa: Self-Direction, 1, 3, 6, 7
Critical Thinking visual
1. Isang pagsusulit ang ibibigay ng guro.
2. Kailangang sagutan ng mga mag-aaral ang
pagsusulit sa pamamagitan ng pagpili ng tamang
panghalip na siyang bubuo sa diwa ng mga
pahayag.
3. Sasalungguhitan ng mga mag-aaral ang kanilang
sagot.

Extend SLOGAN
Deskripsyon: Sa gawaing ito, kahingian ang paggawa ng
Slogan na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan.
Lilinangin ng gawain na ito ang pagpapahalaga at Creativity, visual 2, 3, 4, 5, 6
pagkakaroon ng puso sa kalikasan. Ang magiging Critical Thinking
produkto ng gawain ay ipapamalas sa komunidad.
Hakbang sa Pagsasagawa:

1. Sa parteng ito, ang klase ay gagawa ng Slogan na


may tema patungkol sa kalikasan, kinakailangang
palutangin sa slogan ang mga panghalip na
natalakay
2. Inaasahan na ang mga nagawang slogan ay
ipapaskil sa komunidad.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Philippine Normal University
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
Maynila
Manila
Baitang: Ikaapat na Baitang (Unang Markahan)

Paksa: Aralin 4: Maikling Kuwento

Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas at maikling pelikula
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

Pamantayan sa Pagganap:
1. Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
2. Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at intonasyon
3. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
4. Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pagunawa ng mga impormasyon
5. Nakasusulat ng talatang pasalaysay.
6. Nakapagsasalaysa y tungkol sa pinanood
7. Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento

st
21 Century Skills Targeted: reading, communication, critical thinking, self-direction, Flexibility & Adaptability, Social and Cross-Cultural Skills, problem-solving,
collaboration, information literacy, productivity
Learning Brain Default/s
5 Tenets of the 21stCentury Style
7 Es Activity/Activities Whole Child Targeted Skills
Targeted
Healthy Safe Engaged Supported Challenged

Elicit BASA-HASA
Deskripsyon: Sa gawaing ito, inaasahan ang
mga mag-aaral na makinig sa tekstong kalakip ng
paksang tatalakayin. Ang pakikinig ng may pang-
unawa ay makakatulong upang masagot ang mga
tanong ng guro patugkol sa babasahin.
Reading, auditory 1, 2, 4
Hakbang sa Pagsasagawa: Communication
1. Ang guro ay magbabasa ng isang maikling
kwento na pinamagatang “Kapuri-puring Bata”
na hango sa kwento ni B. Abangan.
2. Ang mga mag-aaral ay inaasahang makinig
upang masagot ang mga tanong na susukat sa
kanilang paunang kaalaman sa maikling kwento.
Halimbawa ng tanong: Sino ang mga tauhan sa
kwento? Saan naganap ang kwento? Ano ang aral
na mapupulot sa kwento?

Engage BUNOT-SAGOT
Deskripsyon: Ang aktibidad na ito ay naglalayon
na alamin ang iba’t ibang persepsyon ng mga
mag-aaral. Lilinangin ng gawaing ito ang
kakayahang magpahayag ng damdamin o
opinyon. Communication, kinesthetic 2, 3, 5
Critical Thinking,
Hakbang sa Pagsasagawa:
Self-Direction
1. Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang
tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang
“Gwapo ako” at “Mabuti ako”.
2. Para sa mga babae, bubunot sila ng isang
tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang
“Maganda ako” at “Mabuti ako”.
3. Ang sinumang makabubunot ng salitang
“Gwapo ako at Maganda ako” ay maaari nang
maupo, samantalang ang makakabunot ng
salitang “Mabuti ako” ay pupunta sa harapan at
magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti”

Explore SURI-PILI
Deskripsyon: Sa bahaging ito hahayaan ng guro
na basahin ng mga mag-aaral ang akda upang
lubos nila itong maunawaan at maksunod sa
kahingian ng gawain. Lilinangin ng gawaing ito
ang pagpapasiya at wastong pagrarason.
Communication, 1, 2, 4
Hakbang sa Pagsasagawa: Collaboration, visual
Reading, Problem-
1. Ipapabasa ng guro ang isang maikling kwento Solving
na pinamagatang “Kwento ni Mabuti” na akda ni
Genoveva Edroza Matute at pagkatapos nito
magpapakita ang guro ng mga larawang
magkasalungat o nangangailangan ng
pagpapasiya mula sa mga mag-aaral. Halimbawa:
Mayamang masama ang ugali at Mahirap na
mabait ang ugali.
2. Papipiliin ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagtaas ng kanilang kamay at tatanungin kung
bakit ito ang pinili.
3. Magtatawag ang guro ng nais sumagot at
hahayaang ibahagi ng mag-aaral ang kanyang
sagot.

Explain KWENTO NG PAGKATUTO


Deskripsyon: Ang guro ang magpapasinaya ng
talakayan, ngunit hindi lamang ang guro ang
magbibigay impormasyon kundi maging ang mga
Communication,
mag-aaral, kinakailangan na sila ay handang
Flexibility & auditory 1, 2, 3, 5
magbahagi ng kanilang paunang kaalaman o mga
Adaptability, Social
nakalap na impormasyon patungkol sa paksa ng
and Cross-Cultural
aralin.
Skills
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Pagtatalakay sa maikling kwento
3. Pagtatalakay sa Nilalaman ng maikling kwento
4. Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.
6. Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng
maikling kwento.
7. Pagtatalakay sa maikling kwento bilang
Akdang Pampanitikan
8. Ano nga ba ang maikling kwento?
9. Ano-ano ang limang mahahalagang elemento
ng maikling kwento?
10. Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong
buhay?

Elaborate KWENTOLIMPIKS
Deskripsyon: Ang gawaing ito ay waring
patimpalak, dito makikita ng guro kung
mailalapat ba ng mga mag-aaral ang mga
natutunan nila sa naging talakayan. Lilinangin ng
Reading, 1, 2, 4
gawain na ito ang pang-unawa at kritikal na pag-
Collaboration, visual
iisip ng mga bata.
Responsibility
Hakbang sa Pagsasagawa:
1. Magbibigay ang guro ng magkakaibang
maikling kwento sa bawat mag-aaral.
2. Kailangang matukoy ng mga mag-aaral ang
mga pangunahing elemento ng maikling kwento.
3. Bibigyan ng pagkakataon ng guro ang mga
mag-aaral upang basahin ang maikling kwento na
napunta sa kanila.
4. Matapos basahin, isusulat ng mga mag-aaral
ang kanilang sagot sa kwaderno.
5. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na
nais ibahagi ang kanilang sagot sa klase.

Evaluate IYONG NATUTUNAN, ATING SUBUKAN!


Deskripsyon: Sa pagkakataong ito, susukatin ng
guro ang natamong kaalaman ng mga mag-aaral
sa pamamagitan ng maikling pagsusulit.
Hakbang sa Pagsasagawa:
Reading, Critical visual 1, 2, 3, 6, 7
1. Magbibigay ng isang pagsusulit ang guro. Thinking
2. Gagamitin ng guro ang akdang “Kwento ni
Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute.
3. Isusulat lamang ng mga mag-aaral sa tabi
ng bilang kung TAMA o MALI ang
tinutukoy ng pahayag.

Halimbawa ng Pagsusulit:
1. ___ Tinatawag na tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin
ng may-akda sa isang maikling kwento.
2. ___ Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung
kalian nagana pang kwento.
3. ___ Ang paksa ang pinakamensahe ng
maikling kwento.

Extend LIBRO NG PAGKATUTO


Deskripsyon: Ang paggawa ng kuwento ng mga
mag-aaral ay isang gawain na huhubog sa
kanilang kasanayan, sa malikhaing pagsulat,
Mahahasa din sa gawain na ito ang kanilang
kritikal na pag-iiisip at pagiging produktibo sa Information
mga gawain. Literacy, Creativity, visual 2, 4, 7
Critical Thinking,
Hakbang sa Pagsasagawa: Flexibility,
1. Ang guro ay magbibigay ng gawain sa Productivity
mga mag-aaral kung saan sila ay gagawa
ng isang maikling kwento tungkol sa
kanilang pamilya.
2. Ang kinakailangang laminin ng maikling
kwento ay ang elemento nito at dapat
kapupulutan ng aral.
3. Pagsasama-samahin ng guro ang gawa ng
mga mag-aaral at gagawin itong libro
(Compilation).
4. Matapos itong gawing libro, ido-dnoate
ito ng guro sa library ng kanilang
paaralan upang magsilbing babasahin.

You might also like