You are on page 1of 8

Proyekto sa

Filipino

DYORNAL
No. 3
Alcantara, Honey Luisa S.
Fil 3A

BM202
November 01, 2016
Entri # 1

Talaan ng mga panaginip

Isang gabi'y mahimbing akong natutulog nang bigla akong nanaginip ng hindi kanais-nais. Bigla akong
nagising at tila ba'y parang hingal na hingal. Mayroon daw humahabol sakin ay pilit akong inaabot. Isang
lalaki na hindi ko maaninag ang mukha dahil siguro sa dilim. Sobrang takot na takot ako dahil hindi ko
alam ang aking gagawin. Wala ng mga taong naglilipana roon dahil oras na iyon ng pagtulog. Pagod na
pagod ako at gusto ko na lang lamunin ng lupa. Huminto ako ng saglit hanggang sa maaninag ko ang
papalapit nitong mukha sa akin nang bigla akong nagising. Hindi ko nawari ang kaniyang mukha dahil
naudlot ang aking panaginip. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang dahilan nito ngunit ako't
natatakot.

Honey Luisa S. ALcantara

November 2
Entri # 2

Isang aklat ng kaisipan

Sa bawat oras na lumilipas ay hindi pwedeng hindi ako nakakapagbukas ng aking social media accounts.
Tulad na lamang ng facebook, twitter, instagram at snapchat. Hindi nakukumpleto ang akong araw
kapag hindi ko ito nabubuksan. Habang sinusulat ko itong dyornal ay katabi ko ang aking cellphone at
ako ay nagbabasa ng kung anu-ano sa facebook. Tinitignan ko ang mga pinpost ng akong mg kaibigan.
Nalilibang kasi ako kapag ginagawa ko ito. Marami din akong nasasagap na impormasyon at kung anu-
anong balita at mga nangyayari sa ating mundo. Nakakatulong din kasi ito para mapalapit ang mga taong
malalayo sayo. Sobrang dami kong nasasagap na impormasyon dito kaya nga siguro ako nalilibang.
Katulad na lamang na nailibing na pala ang dating panangulong si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga
bayani. Maraming tao ang nagaaway away dahil dito.

Honey Luisa S. ALcantara

November 3
Entri # 3

Naiinis ako dahil lagi na lang kame nag aaway ng kaibigan ko. Onting kibot ko lang napapansib na niya
agad agad. Kala mo kung sinong perpekto. Pasalamat siya at nirerespeto ko pa siya. Pero sabagay may
point naman ang sinasabi niya pero minsan sobra na talaga eh. Ang hilig niya mamahiya, kala mo walang
kapintasan sa buhay. Pati ang mga iba naming kaibigan naiinis sa kanya. Paano ba nama'y hindi
maipreno ang mga sinasabi. Hindi ko ba alam kubg ganun lang siya o may pagka-perfectionist talaga siya
eh. Iniintindi ko na lang talaga dahil matagal din ang aming pinagsamahan. Kanina nga kung anu-anu
nanaman ang sinabi eh. Hinayaan ko nalang.

Honey Luisa S. ALcantara

November 5
Entri # 4

Sobrang nakakapagod na araw dahil gumawa pa kami ng research paper sa comarts 2 namin. Ni-wala
kaming kain at tulog ng mga kaklase ko. Sobrang hirap gumawa nito dahil kailangan maganda ang topic
na napili mo. Kailangan din maghanap ng impormasyon sa iba't-ibang libro at dapat tama ang format
nito. Kaya sobrang tutok na tutok kami ng mga kaklase ko. Gustuhin man namin na magpahinga at
kumain. Kakapusin kami sa oras. Buhay estudyante nga naman. Goodnight dayari! Pahinga muna ko
saglit.

Honey Luisa S. ALcantara

November 9
Entri # 5

Magandang umaga dayari! Grabe panibagong araw na naman. Ang dami ko nanamang dapat gawin.
Kailangan ko pamg mag-aral para sa mga quizzes bukas. Grabe! Sana makapasa ako. At sana madadali
lang ang mga tanong. Yung iba kasing guro ang hilig ibahin ang mga tanong at pinapahirapan pa kami.
Buti na lang sa Filipino, kung ano lang yung tinuro ng professor, yun lang ang lalabas at dapat aralin.
Salamat sa aming mabait na professor. Sana dayari magawa ko ng maayos ang mga dapat gawin.

Honey Luisa S. ALcantara

November 10
Entri # 6

Sa ika-25 ng disyembre ay plinano namin ng aking pamilya na sa baguio na lamang magpalipas ng pasko.
Nakasanayan na kasi namin na sa aming tahanan na lamang kami nag cecelebrate nito. Tutal naman ay
magandang lugar ang baguio at madaming mapapasyalan dito. Siguradong matutuwa ang bawat isa sa
amin sa lugar na iyon. Ika nga nila ang baguio daw ay ang summer capital of the philippines dahil sa
taglay na klima nito. Kaya inaasahan namin na dodoble ang lamig roon sa pasko. Ako'y sobrang
naeexcite na dahil unang beses ko palang mararating iyon. Balita ko nga ay maraming haunted places
ron.gusto ko iyon mapuntahan dahil mahilig ako sa mga bagay na ganon. Sana matuloy iyong pagpunta
namin. At sana maging masaya ang pasko namin.

Honey Luisa S. ALcantara

November 19
Entri # 7

Naipasa na namin ang research paper namin ngayon. Grabe! Kailangan pa daw namin irevise yun.
Dagdag na naman sa isipin namin yun. Wala nanamang tulugan at kainan. Hirap talaga maging isang
estudyante. Buti na lang talaga may mga taong umaagapay saakin. Nirerevise ko na ngayon ang research
paper ko para maipasa ko na ito kay maam. Gusto ko na kunain at matulog pero hindi pa talaga pwede
dahil huling pasahan na sa susunod na pagkikita. Sige na dayari, gawin ko na muna ito. Sa susunod muli!

Honey Luisa S. ALcantara

November 20
Entri # 8

Hindi lang pala sa comarts prinoproblema namin, meron din kaming gagawin sa literature. Grabeng
stress na ito. Malapit na din ang finals namin. Hindi ko na alam kung paano ito pagsasabayin. Nasuspend
pa ko kaya kailangan ko humabol sa mga lessons. Kailangan ko din mag self-study. Lalo na sa accounting
namin. Ilang weeks na lang tapos na kami. Sana makapasa kaming lahat.

Honey Luisa S. ALcantara

November 21
Entri # 9

Huling sulat ko na ito sayo dayari. Madami din nangyari sa araw na ito. Naipasa na namin ang research
paper namin at tinanggap na ito. Salamat sa Diyos. Grado na lang namin ang hindi pa namin nakikita.
Sana lahat ng pinagpaguran namin ay maganda ang kalabasan. Sana dayari kami pa din ang
magkakaklase sa susunod na taon. Masama kasi ako sakanila at sa kung ano man ang nabuo naming
samahan. Sa uulitin ulit dayari.

Honey Luisa S. ALcantara


HULING PROYEKTO SA FILIPINO 3A

Dyornal

#22 Gonzales, Chesterzel P.

Fil 3A

BM202
November 01, 2016

Hindi ko malaman kung mag e-enjoy ba ako ngayong araw sa aming bakasyon, dahil nalalapit na ang
aming thesis defense. Walang mapaglagyan ang aking kaba at takot na nararamdaman pag naiisip kong
malapit nang mag atres ng nobyembre. Sa pag sulat kong ito naiibsan ang kaba na aking nararamdaman
sa animoy walang problema at maayos at lahat.

Chesterzel P. Gonzales

November 03, 2016


Dyornal Entri # 2

Kaysarap lasapin nang tagumpay, dahil natapos na sa araw na ito ang iniintay kong araw. Finally,
nakapag defense din kami ng maayos. Mayroon lang kaming mga pangilan-ngilang kailangan baguhin
pero hindi naman sobrang dami kagaya ng iba.

Wala akong ibang nararamdaman kung di ang kasiyahan at galak pag katapos naming mag defense,
ramdam ko na gra-graduate na ako ilang lingo nalang. Na delay man ako sa college ng isang sem, alam
kong magiging worth it lahat. Hay! Ang sarap sa pakiramdam.

Chesterzel P. Gonzales

November 08, 2016


Dyornal Entri # 3

Nagising ako na may kakaibang ngiti, dahil sa panaginip kong napakaganda. Isa na daw akong
mahusay na abogado na matagal ko nang pangarap. Pinag tatanggol ko daw ang mga taong
nangangailanagn ng aking tuloy. Sikat na lawyer daw ako, grabe ang sarap isipin na kahit sa panaginip
lang ay ganon ako. Sana balang araw matupad ko ito. Good night!!

Sana matupad lahat ng pangarap ko.

Chesterzel P. Gonzales

November 11, 2016


Entri #4
Sobrang nakakapagod na week para saakin ang mga susunod pang lingo, malapit nang matapos
ang semetre na ito at ang pag tatapos ng semestreng ito ay hudyat na din ng aking pag tatapos ng
kolehiyo. Sobrang daming ginagawa, tulad ng thesis revision at iba pang mga Gawain sa major subject.

Natuklasan ko din ang Super full moon na bibihirang mangyari, hay sana talga maging maayos ang
lahat. Biyernes ngayon pero hindi ko maramdaman na mag we-week end na ngayon. 

Good night, dayari!

Nagmamahal,

Chesterzel.

Nobyembre 14, 2016


Entri #5

Kamusta ka dayari? Ako medjo hindi okay, umpisa palang ng lingo pero sobrang bigat na ng mga
nangyayari sa academiko. Napaka daming requirments na kinakailangan, kanina habang papunta ako sa
school muntik nang mabangga ang sasakyang sinasakyan ko dahil sa isang walang modo na
pampasaherong bus. Mabuti nalang at safe ako today.

Nagmamahal,

Chesterzel P. Gonzales

Nobyembre 17, 2016


Entri #6

Isang magandang umaga ang sumalubong saakin! Ito ay araw ng aking pahinga, napag isipan kong mag
relax sa araw na ito. Nag pamasahe ako para ma relax ang aking katawan dahil ito ay pagod na, kumain
ako sa restawran na aking paboritong kainan. Nag drive ako para ma relax, kasi kapag ako’y nag iisa
nakakapag muni-muni ako sa aking buhay. Ang araw na ito ay masyado nang mahaba! Panibagong bukas
nanaman ang sasalubungin!

Chesterzel P. Gonzales
Nobyembre 21, 2016
Entri #7

Ang araw na ito ay para sa aking research sa komunikasyon, sobrang kinakabahan ako dahil ngayon
araw na ang deadline para sa revision ng aming research. Sana talaga ma aprobahan na ng mga panelist
naming ang thesis naming!! Sige na, papasok na muna ako. Good morning, dayari ko! <3
Chesterzel.

Nobyembre 22, 2016


Entri #8

Isang magandang gabi, kakauwi ko lang (12:30AM) kumain kasi kami sa binondo kasama ang mga
kaibigan kong guro, sobrang nag enjoy ako kasi madaming akong nakain froglets ito ay paborito kong
pagkain pag kumakain kami sa binondo, ongpin. Nga pala, bukas na ang deadline ng dyornal kong
ginagawa sa filipino. Hangad ko na maka pasa ako, upang makapag tapos na ako sa kolehiyo.

Masyado nang mahaba ang araw para saakin, matutulog na ako.

Magandang gabi!

Chesterzel P. Gonzales

Nobyembre 23, 2016


Entri #9

Huling araw para gawin ko ang dyornal na ito, ang aking isusulat ditto ay ang aking lugod na
naramdaman sa aking guro sa Pilipino tuwing kami ay nag uusap. Ang aming usapan sa mga nag daang
meeting ay mamaganda. Hiling ko lang sa aking guro na sana ay ipasa nya na ako sa kursong ito. Ito na
ang huling dyornal na ipapasa ko mamaya sakanya. Ang oras ngayon ay 6:45 in the morning. Ginawa ko
kaagad ito sa aking pag gising.

Good morning, ang araw na ito ay magiging maayos!

Chesterzel Gonzales.

You might also like