You are on page 1of 6

Tekstong Deskriptibo – ay isang tekstong naglalarawan.

Ito ay naglalaman ng mga


impormasyong may kaugnayan sa katangian ng
isang tao, lugar, bagay, o pangyayari.
Mga Halimbawa Ng
Paglalarawan
Paglalarawan sa katangian ng tao: Paglalarawan sa bagay: Paglalarawan sa lugar: Paglalarawan sa pangyayari:
Ang Pilipino ay matiyaga sa Ang mga produktong gawa ng mga Dahil sa likas na yaman ng Pilipinas ay Umaasa ang lahat na magiging
anumang trabahong ginagawa. Pilipino ay magaganda at matitibay. tinawag itong “Perlas ng Silanganan. mapayapa ang darating na eleksiyon.

Dalawang Uri ng Tekstong Deskriptibo


A) Deskripsiyong Teknikal – Naglalayon itong maglarawan sa detalyadong pamamaraan.
Halimbawa: 1) Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng
bibig.
2) Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.
B) Deskripsiyong Impresyonistiko – Naglalayon itong maglarawan ayon sa pansariling
pananaw o personal na saloobin.
Halimbawa: 1) Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng kasiyahan at maging
simula ng magandang pagkakaibigan.
2) Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.

Dalawang anyo ng paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo


a) Karaniwan - Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot ang damdamin. Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa nakikita ng
mata.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga karagatan.
(Obhetibo ang paraan ng paglalarawan dahil
wala itong sangkot na damdamin.)
b) Masining - Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong pukawin
ang guniguni ng mambabasa.
Halimbawa: Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na
maputla pa ang kulay sa isang papel.
(Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at
pananaw.)

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo


Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang mas
higit na makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device

1. Reperensiya (Reference) - Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang
maaring tumukoy sa paksang pinag-
uusapan.
Dalawang uri ng reperensiya
 Anapora - Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang
tinutukoy.
Halimbawa: 1. Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa
paghahayag ng mga maling
gawain sa kapwa niyang Pilipino.
2. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
 Katapora - Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa.
Halimbawa: 1. Ito ay ang pinakadakilang trabaho. Ang pagiging ina ay walang katumbas na
halaga.
2. Siya ay ang tinaguriang ama ng katipunan. Si Andres Bonifacio ay isang
matapang na bayani.  
2. Subtitusyon - Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay
gagawing “Nawala ko ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”
3. Ellipsis - Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan
ang diwa at sapagkat makakatulong na ang
naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.
4. Pang-ugnay - Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap,
parirala o sugnay.
5. Kohesyong Leksikal - Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito
ng koheson.
Dalawang uri ng kohesyong leksikal
A. Reiterasyon - Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon
ay may tatlong uri: Pag-uulit o repetisyon,
pag-iisa-isa at pagbibigay-kahulugan
B. Kolokasyon - Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan
aa isa’t isa kaya pag nabangit ang ang
isa ay maari din maisip ang isa.
Halimbawa:
tatay – nanay guro – mag-aaral maliit – malaki

Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng
tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang
isang gawain.

Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural


 Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay
nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan
ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga
larawan.
 Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa
o likhain ang isang bagay.
 Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay
na dapat nilang sundin.
 Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang
isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines
at appliances.
 Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.
 Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano gumawa ng silya
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano maggawa ng DIY explosion box
7. Paano maghanda ng chicken buffet
Ilan lamang iyan sa napakadaming halimbawa ng tekstong prosidyural. Madami ka pang
makikitang halimbawa sa internet, manwal, at mga libro ng prosidyur.

Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural


Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga
sumusunod:

1. Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na “Paano”.
2. Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
3. Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
4. Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng
gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang
prosidyur.
Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin
o isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
 Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong deskriptyon.
 Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
 Ilista ang lahat ng gagamitin
 Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG NARATIBO ay isang uri ng tekstong naglalayong magsalaysay ng kwento o
pangyayari. Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maari din
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaring hinango sa totoong
pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang piksyon
ay nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay
talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng halimbawang nabanggit ay nagtataglay ng
masining na pagsasalaysay, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng
iba’t-ibang imahen, metapora at mga simbolo.

Elemento ng Tekstong Naratibo


Paksa
Ang paksa ang siyang iniikutan ng kwento sa tekstong naratibo. Sa pagpili ng paksa,
mahalagang isaalang-alang ang magiging papel nito sa lipunan.
Estruktura
Ang estruktura ay ang pagkakaayos ng daloy ng mga pangyayari sa kwento. Ang kabuuang
estruktura ng kwento ay kinakailangang maging malinaw at lohikal.
Oryentasyon
Ang oryentasyon ay ang malinaw na pagbibigay ng deskripsyon ng may akda sa mga tauhan,
tagpuan at mga pangyayari sa kwento. Ang manunulat ay dapat makapagbigay ng tiyak na
detalye upang maipadama sa mga mambabasa ang realidad ng kaniyang akda.
Pamamaraan ng Narasyon
Ito ay estilo kung paano isinalaysay ng manunulat ang kabuuan ng kwento. Ang ilan sa mga
paraan ng pagsasalaysay ay makikita mo sa ibaba.
 Diyalogo – Ito ay estilo ng narasyon kung saan ang pagsasalaysay ng kwento ay
naipapahayag sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.
 Foreshadowing – Ito ay ang pagbibigay ng pahiwatig ng may akda sa kung ano ang
maaring maganap sa istorya
 Plot twist– Sa mga tekstong naratibo, ang plot twist ay ang hindi inaasahang kaganapan
sa daloy ng kwento.
 Ellipsis – Ang ellipsis ay ang pagtatanggal ng manunulat ng ilang yugto ng kwento upang
mabigyan ng pagkakataon ang mambabasa na magbigay ng sarili nilang salaysay.
 Comic Book Death – Ito ay isang estilo ng pagsasalaysay kung saan pinapatay ng
manunulat ang mga mahahalagang tauhan ngunit sa pahuling bahagi ng kwento, ito ay bigla
na lamang magpapakita para bigyan ng linaw ang mga nangyari.
 Reverse Chronology – Isang paraan ng pagsasalaysay kung saan ang kwento ay
nagsisimula sa dulong bahagi hanggang sa makapunta sa simula.
 In medias res – Ang narasyon ay nagsisimula sa gitnang bahagi ng kwento.
 Deus ex machina – Sa estilong ito, nabibigyan ng solusyon ang matinding suliranin sa
pamamagitan ng hindi inaasahang mga tauhan, bagay o pangyayari. Ang mga susi sa
suliranin ay hindi ipinakita o ipinakilala sa bandang unahan ng kwento, sa halip, sila ay bigla
na lamang sumulpot sa istorya.
Komplikasyon o Tunggalian
Ang tunggalian ay ang nagbibigay ng “thrill” o pagkasabik sa kwento. Ito ay karaniwang
nagpapakita ng pagsubok na kinakaharap ng pangunahing tauhan.
Resolusyon
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Ang resolusyon ay maaring maging
masaya o malungkot. Maari din namang magtapos ito sa hindi tiyak na kalalabasan kung saan
ang mambabasa ang siyang mag-iisip sa kung ano ang kinahantungan ng kwento.
TEKSTONG PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng
tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang
isang gawain.
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural
 Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay
nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan
ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga
larawan.
 Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa
o likhain ang isang bagay.
 Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay
na dapat nilang sundin.
 Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang
isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines
at appliances.
 Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.
 Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano gumawa ng silya
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano maggawa ng DIY explosion box
7. Paano maghanda ng chicken buffet
Ilan lamang iyan sa napakadaming halimbawa ng tekstong prosidyural. Madami ka pang
makikitang halimbawa sa internet, manwal, at mga libro ng prosidyur.
Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga
sumusunod:
 Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na
“Paano”.
 Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
 Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
 Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng
gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang
isang prosidyur.
Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin
o isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
 Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong deskriptyon.
 Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
 Ilista ang lahat ng gagamitin
 Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

TEKSTONG ARGUMENTATIBO ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang
kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang may matibay na ebidensya
ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa
mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga
literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagkalap


ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ay
obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang magsimulang magsulat ng
malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa
paksa o isyu, mas mauunawaan ng mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring
matalakay sa diskurso. Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na
rin para sa kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.
Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal,
kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.
Ano ang Dalawang Elemento ng Pangangatuwiran?
May dalawang elemento ang pangangatwiran, ito ay ang proposisyon at argumento.
Proposisyon
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon ay ang
pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat mapagkasunduan bago
magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig. Kung walang itatakdang
proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan
ng isyu ang dalawang panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng
proposisyon.
 Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
 Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa
bilingual education
 Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para mabawasan ang kriminalidad
sa bansa
Argumento
Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang pagpapahayag
ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig. Ang
nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon upang makapaglahad ng
mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
1. Mahalaga at napapanahon ang paksa
Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot ang buong
diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba ay napapanahon sa mga
isyu o kaganapan sa lipunan.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin sa bahaging ito ang
kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ng mambabasa sa nasabing isyu.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng
koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng
kaisipan, maaring hindi makasunod ang mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang
kabuuan ng teksto. Ang transisyon ay nakakatulong din upang ibuod ang ediya ng naunang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.
4. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensya
ng argumento
Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang
magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon ng kaayusan,
kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang
pagkakaroon ng maikli ngunit malaman na talata ay makakatulong upang mas maintindihan ng
mambabasa ang teksto.
5. Matibay na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at napapanahon ang
impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya, masisigurado ng manunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

You might also like