You are on page 1of 10

LOURDES SCHOOL QUEZON CITY

KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

PAKSA/ARALIN: PUNDASYON NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS PETSA: Hunyo 25-29, 2012


PAGPAPAHALAGA: PAGKAKAROON NG OPTIMISTIKONG PANANAW BILANG NG PAGKIKITA: 4
SANGGUNIAN(REFERENCES): Ekonomiks pp. 16-25 MGA KAGAMITAN: Manila Paper, Recitation Sticker, Laptop, at LCD

ISKEDYUL NG PAGPAPATUPAD
Hunyo 25 Hunyo 26 Hunyo 27 Hunyo 28 Hunyo 29
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Unang Pagkikita: Unang Pagkikita: Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:
Justice Wisdom Fortitude Wisdom Counsel
Counsel Fortitude Wisdom Fortitude Fortitude
Charity Counsel Wisdom

Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:


N.B. *Justice *Justice *Justice
 Ang paksa sa mga
pangkat na ito ay ang Counsel Charity Charity
paksa noong ikaapat na Charity
pagkikita noong
nakaraang lingo dahil sa  Ang klase ng Justice ay
ilang mga pagka-antala nahuhuli sa talakayan dahil
ng klase tulad ng Annual sa sila ang palagiang
Physical Exam, ID naaantala ng mga espesyal
Picture taking at Grad na iskedyul.
Picture taking ng mga
mag-aaral sa Ikaapat n
Taon.

 Ang klase ng Counsel at


Justice sa una at
ikalawang umaga ay
maaantala ng
“Institutional Mass”.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

UNANG PAGKIKITA

PAKSA: NOMINASYON PARA SA MGA PINUNO NG KLASE


 Mga Dating Proseso ng Halalan sa mga Pinuno ng Klase
 Mga Katangian na dapat taglayin ng mga namumuno
 Paghahanda ng Plataporma at Pangangampanya

1. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

2. PANGGANYAK
ANG HUWARANG PINUNO
a. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung anu-anong mga katangian ang nais nilang makita sa mga lider ng bansa. Iuugnay ang pagtatanong
sa nalalapit na Halalang Pambansa sa May, 2010.
b. Magkakaroon ng pag-usisa ang guro sa karaniwang halalan na ginaganap kapag pumipili ng mga pinuno ng klase ang mga mag-aaral.
 Kung magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng paghalal ng mga pinuno ng klase, ano ang nais mong imungkahi?
 Bakit mahalagang magkaroon ng mabubuting pinuno o mga modelong pinuno ang mga klase sa bawat antas?

3. PAGLINANG NG ARALIN:

PAGPAPALIWANAG SA ISASAGAWANG NOMINASYON, PANGANGAMPANYA AT HALALAN NG


MGA PINUNO NG KLASE

1) Isasagawa / kilalanin ang mga mag-aaral na nominado sa pagkapangulo. Ilalahad ang mga tungkuling dapat nilang gampanan sa sandaling sila
ang mananalo sa isasagawang halalan.

2) Iaatas sa bawat nominado na isagawa / ihanda ang mga sumusunod:


a. Pagbuo ng pangalan ng partido (positibo ang konotasyon).
b. Pagbuo ng talaan ng mga nominado sa bawat partido.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

c. Paggawa o pagpaplano ng kanilang agenda o plataporma.


3.) Ipaliliwanag ang mga panuntunan na dapat sundin sa pagsasagawa ng mga sumusunod :
a. Pangangampanya
b. Paghahanda ng mga kagamitan sa pangangampanya
c. Araw ng Halalan

4. REPLEKSYON
1) Bakit mahalagang maranasan ng isang mag-aaral na katulad mo ang pagkakaroon ng isang mala-tunay na halalan? Anong kabutihan ang
maidudulot nito sa iyong paglago bilang isang mabuting mamamayan ng ating bansa?

5. PAGPAPAHALAGA
1) Bakit mahalaga na maging mapanuri sa pagpili ng isang pinuno? Ipaliwanag.

6. SINTESIS
1) Kung ikaw ang magiging pangulo ng iyong klase, anu-anong patakaran ang agaran mong ipatutupad sa mga sumusunod na suliranin:
a. Pagpapanatili ng kalinisan
b. Pagpapanatili ng kaayusan / disiplina
 Anu-anong mga istratehiya ang iyong isasagawa para mo ito maipatupad nang lubusan?

7. EBALWASYON NG PAGKATUTO
1) Pagbibigay ng Puna sa naging daloy ng talakayan sa araw na ito.

8. TAKDANG ARALIN
1) Basahin ang pahina 9-10 na batayang aklat.
2) Humanda sa isang “check-up” ukol dito sa susunod na pagkikita.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKALAWANG PAGKIKITA
PAKSA: Mga Perspektibo o Pananaw sa Pag-aaral ng Ekonomiks

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa
kanyang sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Ang guro ay magtatanong ng ilang bagay ukol sa saklaw ng ekonomiks. Hanggang saan ang saklaw ng ekonomiks? Paano nakakaaepekto ang ekonomiks sa pang-
araw araw na pamumuhay ng tao? Gaano kahalaga ang dalawang dibisyon ng ekonomiks sa pag-aaral ng ekonomiya ng bansa.

3. PANGGANYAK

1) Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain: Pagsusuri ng mga Balita sa Pahayagan


a. Hahatiin ang klase sa 8 pangkat at bawat pangkat ay magkakaroon ng kani-kaniyang balita sa pahayagan na ipinamahagi ng guro.
b. Bibigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat upang suriin ang balita. Matapos ito, magbabahagi ang bawat pangkat sa klase.
c. Mula sa balita, inaasahan na ang bawat pangkat ay magkakaroon ng kani-kanilang pananaw sa pag-unawa sa balita/artikulo na ipinakita ng guro.

4. PAGLINANG NG ARALIN

a. Matapos magsagawa ng “story telling” sa klase, itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:

 Ano ang maaring nangyari sa tatlong palaka sa loob ng balon?


 Bakit may iba-iba silang kasagutan sa iisang tanong?
 Paano natin ito maiuugnay sa mga pangyayari ng ating buhay?
 Mula sa mga karikatura, anu-ano ang mga pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks?
 Paano nagkakaiba ang dalawang pananaw?
 Sa paanong paraan nagkakaiba ang mga nabanggit ng pananaw?
 Paano nakatulong ang mga pananaw na ito sa pag-aaral ng ekonomiks?

b. Magsasagawa din ang guro ng malayang talakayan ukol sa mga pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks gamit ang “graphic organizer” na nasa ibaba:

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

NEOKLASIKAL NA PANANAW

E P
K A
O N
N A
O
N
M
A
I
K W
S

SIYENTIPIKONG PANANAW

5. REPLEKSYON / PAGPAPAHALAGA
 Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang pananaw sa pag-aaral ng Ekonomiks? Ipaliwanag.

6. SINTESIS
1) Ibigay ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang pananaw sa tulong ng “ Venn Diagram “

NEOKLASIKAL SIYENTIPIKON
NA PANANAW G
PANANAW
7. EBALWASYON NG PAGKATUTO :
GAWAING UPUAN BLG. 1
Panuto: Gumawa ng isang repleksyong papel kung paano naaapektuhan ng Ekonomiks ang ating buhay.
Pamantayan sa Pagmamarka: Gagamit ang guro ng rubric sa pagmamarka ng sanaysay.

8. TAKDANG ARALIN
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

1) Magsaliksik ng iba pang mga Ekonomista na nag-ambag ng malaki sa larangan ng Pagsulong at Pag-unlad.
2) Mula sa nasaliksik, pumili ng isang hinahangaan mong ekonomista.
3) Sundin ang pormat na ipamamahagi ng guro.
A. Talambuhay
B. Mga Katangian
C. Mga Kontribusyon

4) Paano naging mahalaga sa paglutas ng suliranin ng bayan ang kanilang ipinanukalang kaisipan?
5) Bakit siya ang napili m,ong idolo? Ipaliwanag.

SANGGUNIAN : Ekonomiks ni Tullao pp.84-106


Pana-panahon ni Imperial, et.al. pp.23-39

IKATLONG PAGKIKITA
PAKSA: Kasaysayan ng Ekonomiya ng Pilipinas

1. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

2. PANGGANYAK
1) Ang guro ay magbibigay ng tribyang tungkol sa mga dayuhang nakarating at nanakop sa ating bansa.
Hal.
 Nagpakilala ng paggamit ng tsinelas at payong(taga-Tsina)
 Mga dayuhang unang nagpakilala ng tren bilang transportasyon (Amerikano)
 Mahalaga ang pagpaparami ng itik. (Hapon)

3. PAGLINANG NG ARALIN:
A. Mga Tiyak na Istratehiyang Gagamitin sa Pagtalakay: Pangkatang Gawain at Malayang Talakayan
1) Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain: Paggawa at pagtatanghal ng tableau tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa Ekonomiya ng Pilipinas.
 Ekonomiya bago dumating ang Kastila
 Ekonomiya sa Panahon ng Kastila
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

 Ekonomiya sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino


 Ekonomiya sa Panahon ng Amerikano
 Ekonomiya sa Panahon ng Digmaan at Panahon ng Hapon

2) Pagsasagawa ng pagtatanong sa bawat pangkat na nagtanghal, ang mga kasunod na magtatanghal ang siyang maghahanda ng kanilang katanungan sa mga
naunang nagtanghal.

3) Itatanong ng guro sa klase ang mga sumusunod:


 Paano ninyo naisipan at napagkasunduan ang isinagawang gawain?
 Anu-ano ang mga kaganapan sa ekonomiya ng bansa ang inyong ipinakita?
 Bakit mahalaga ang mga ito noong panahon nila?

4. REPLEKSYON
1) Ilarawan ang naging pagpapahalaga ng mga Pilipino mula noon hanggang ngayon pagdating sa pagpapaunlad ng Ekonomiya nito. Paano ito nakaaapekto sa
ating pamumuhay bilang mamamayan ng Pilipinas.

5. PAGPAPAHALAGA
1) Sa iyong palagay, ano ang bahaging ginagampanan mo sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bayan? EQ 6

6. SINTESIS
1) Paano nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas ang mga nangyari sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan nito?

7. EBALWASYON NG PAGKATUTO : GAWAING UPUAN


Pagbibigay ng Komento ng Guro sa mga ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat gamit ang rubric para sa pangkatang gawain.

8. TAKDANG ARALIN

1) Magsaliksik kung paano nagsimula at nalinang ang Ekonomiks sa ating bansa at Pandaigdig na Antas.
2) Sa isang bond paper, gumawa ng timeline kung paano umunlad ang Ekonomiks sa ating bansa.
3) Ipaliwanag sa loob ng 5 pangungusap ang kahalagahan ng bawat yugto ng pag-aaral ng Ekonomiks.

SANGGUNIAN: Aklat ni Tullao pp. 84-106


Aklat ni Imperial pp.25-43

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKAAPAT NA PAGKIKITA
PAKSA: Ekonomiya ng Pilipinas sa Ilalalim ng Iba’t ibang Pangulo

1. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

2. PANGGANYAK
1) Pagkakaroon ng paligsahan ang bawat hanay.
2) Bawat hanay ay dapat mabuo ang puzzle na naglalaman ng mga larawan ng iba’t ibang pangulo ng Pilipinas.
3) Ang unang hanay na makabubuo ng larawan ang siyang mananalo at makatatanggap ng puntos.
4) Ang hanay na makapagbibigay ng ilang impormasyon ukol sa pangulo ang tatanggap ng karagdagang puntos sa resitasyon.
5) Mga gabay na tanong:
 Anu-ano ang iyong naobserbahan habang isinasaga ang palaro?
 Anu-ano ang mga napansin mo sa mga pangulo na nabanggit ng iyong mga kamag-aral?
 May mga pagkakatulad at pagkakaiba ba sila? Sa paanong paraan sila nagkatulad o nagkaiba? Ipaliwanag.

3. BALIK-ARAL
 Pagbabalik-aral: Bakit sinasabing upang matamo ang tunay na pag-unlad, ang pangangailangan ng bansa ang dapat isaalang-alang at hindi ang kinokopyang
modelo mula sa ibang bansa?
ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS SA ILALIM NG IBA’T IBANG PANGULO

4. PAGLINANG NG ARALIN:
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

1) Pagsasagawa ng Malayang Talakayan sa tulong ng “Organizational Chart”.


2) Kikilanin ng mga mag-aaral ang mga naging pangulo ng Pilipinas at ang mga programang pang-ekonomiya nito.
3) Ang klase ay magbibigay ng mga programang pang-ekonomiya na kanilang naisakatuparan sa kanilang termino.
4) Itatanong ng guro sa klase ang mga sumusunod:
 Anu-ano ang mga programang pangkabuhayan ng ipinatupad ng mga nasabing pangulo ng ating bansa?
 Paano nila ito ipinatupad?
 Paano ito nakaapekto sa kalagayan ng bansa?
 Masasabi bang naging epektibo ang mga nabanggit na programa para sa mga Pilipino? Ipaliwanag?
 Magbigay ng mga patunay na nakatulong ang mga ito sa ating bansa.

5. REPLEKSYON
1) Sapat na ba na ang ginagawa ng pangulo upang mapabuti ang kalagayan ng ating ekonomiya?
2) Paano pa natin mapaiigting ang mga patakarang ito sa ating bansa?

6. PAGPAPAHALAGA
1) Kung ikaw ang tatanungin, bakit kaya mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng malasakit sa ibang tao?
2) Naranasan mo na bang magmalasakit sa isang tao na hindi mo naman kakilala?

7. SINTESIS
1) Sa ating kasalukuyang kalagayan, alin sa mga patakaran ng mga naging pangulo ng bansa ang makatutulong upang mapaunlad ang ating ekonomiya? Bakit mo
ito nasabi, magbigay ng ilang mga patunay ukol dito?

8. PAGSASAGAWA NG PORMATIBONG PAGTATAYA: MAIKLING PAGSUSULIT


Ibibigay ng guro ang kanyang mga tagubilin sa pagsagot sa pagsusulit. Ito ay tatagal lamang ng 30 minuto at nararapat sundin ng mga mag-aaral ang lahat ng
panuto sa pagsusulit. (Tingnan ang kopya ng pagsusulit sa susunod na pahina)

REPLEKSYON NG GURO:

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom

You might also like