You are on page 1of 2

+That which pleases God, I strive to do always

THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.


HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2019-2020

STAGE III- LEARNING PLAN


Facilitator: Gem Ral Anthony C. Malasador Date of Submission:
Evaluator: _____________________________ Date of Evaluation:
_______________________

Subject /Grade: Araling Panlipunan 9


Quarter: 1st
Week: 6 Day:
Date: Date:

Paksa: Alokasyon
1. Kaugnayan ng Konsepto ng Alokasyon sa Kakapusan at Pangangailangan at Kagustuhan
2. Kahalagahan ng Paggawa ng Tamang Desisyon Upang Matugunan ang Pangangailangan
3. Iba’t Ibang Sestimang Pang-ekonomiya

Values Integration: Pagmamalasakit, Pagiging masunurin, Pagbibigayan


Layunin: Pagkatapos ng isang oras ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan at
kagustuhan.
 Napapahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan.
 Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
bilang sagot sa kakapusan.
Sanggunian: Kayamanan Ekonomiks 9 pahina 85-93
Kagamitan: Manila paper at pentil pen

Panimula
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng lumiban sa klase
 Pamantayan sa klase
 Pagbabalik-aral

Pagganyak: Ipabuo ang mga iskrambol na salita sa mga mag-aaral


 Syonaloka- Alokasyon
 Hunpamumnuan-Pamumuhunan
 Iyahketonol- Teknolohiya
 Kapmotliaimos- Kapitalismo
 Mosinokmu- Komunismo
 Islomsysoa- Sosyalismo
Paglinang:
 Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod gamit ang larong “ipasa mo ang
bola”. ito ay isang laro gamit ang bola. Ipapaikot ang bola sa loob ng klase gamit
ang musika at kung sino ang may hawak ng bola sa pagtigil ng musika ay siyang
sasagot.
1. Ano ang kahulugan ng alokasyon?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang alokasyon sa ekonomiks?
3. Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangangailangan ng
tao?
4. Magbigay ng isang uri ng sestimang pang-ekonomiya.
Pagpapalalim:
 Talakayin ang ibat ibang uri ng sestimang pang-ekonomiya
 Itanong sa mga mag-aaral kung paano sila makakatulong upang maipatupad ang
alokasyon ng mga pinagkukunang yaman bilang sagot sa kakapusan?
Paglilipat:
 Magbigay ng isang maikling pagtataya..
Pagtatapos: Bakit kailangan ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman?

You might also like