You are on page 1of 1

BUGHAO, MARIA ANGELIKA A.

Komunikasyon sa Akademikong Filipino


BSN – 2B Prof. Evangeline C. Siat

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino sa Kursong Nursing.

Ang Nursing ay isa sa mga mahahalagang kurso na pumapatungkol sa pag-aalaga ng


kalusugan ng bawat indibidwal. Ito ay isang tungkulin na nararapat na seryosohin at pagtuunan
ng malalimang pansin at pag-aaral, sapagkat sa bawat aksyon at desisyon na gagawin ng isang
tagapangalaga, buhay ng isang indibidwal ang nakasalalay. Ang bawat Nars ay hindi lamang
dapat magkaroon ng isang mahusay na pagkatao at pag-aalaga, sa halip nararapat din nilang
taglayin ang isang mahusay na kasanayan sa komunikasyon. Sapagkat, tanging ang
komunikasyon lamang ang makakatulong upang magkaroon ng masusing koneksyon sa pagitan
ng pasyente o ng kliyente at ng isang Nars. Liban dito, ang komunikasyon ang susi upang
magkaroon ng malalimang pagkakaintindihan o unawaan sa pagitan ng dalawang panig. Sa
tulong ng komunikasyon, madaling matutukoy ng isang Nars ang suliranin, daing at problema ng
isang pasyente, at dahil dito madaling makakagawa ng isang konkretong pagpaplano at
mapapadali nito ang aksyon at solusyon na siyang makakabuti sa isang pasyente. Ang
pagkakaroon ng taglay na husay sa komunikasyon ang siyang nagsisilbing tulay upang mabuo at
mapayabong ang tiwala ng pasyente sa kanyang tagapangalaga. Nakakatulong din ang
komunikasyon hindi lamang upang mapahusay ang isang Nars sa pakikipag-usap at pakikipag-
ugnayan sa kanyang pasyente at mapayabong ang kumpiyansa sa sarili. Bagkus, ito rin ay
nakakatulong sa mismong pasyente, upang sa gayon ay mapataas nito ang kumpiyansa at pag-asa
ng pasyente sa kanyang buhay at maiwasan ang problemang sikolohikal at mental. Sa huli, ang
pagkakaroon ng mahusay na komunikasyon ang makakatulong upang mapabuti at magawa ng
ayos ang tungkulin ng isang Nars sa kanyang pasyente.

You might also like