You are on page 1of 4

Sangay ng Paaralang Panlungsod ng Parañaque 

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II 


Ikatlong Markahan 
Modyul 6: Ika-anim na Linggo 
 
“Kaayusan at Kapayapaan, Panatilihin Natin!” 
 
 

​Balikan Natin 
Panuto:  Basahin  ang  mga  sumusunod  na  pangungusap. 
Isulat  ang  TAMA  kung  wasto  ang  isinasaad  ng 
pangungusap  at  MALI  kung  di-  wasto.  Isulat  ang  iyong 
sagot sa sagutang papel. 

___________1. Itinapon ni Kinah sa basurahan ang papel na napulot sa 


daan. 
___________2. Tumakbo si Larry kasama ang mga kaibigan sa kalsada. 

___________3. Kinakalat ni Lucas ang mga pinagkainan nila kapag 


namamasyal sila sa parke. 
 

___________4. Si Aling Tinay ay may gulayan sa kanilang bakuran. 

___________5. Nagdidilig ng halaman si Anton tuwing umaga. 

Unawain Natin 
Ang  pagpapanatili  ng  kalinisan  sa  kapaligiran  at  pakikiisa 
sa  mga  tuntunin  ay  pagpapakita  ng  malasakit  at  pagmamahal 
sa  kaayusan  at  kapayapaan.  Ito  ay  nagsisimula  at  natututunan 
sa  loob  ng  tahanan,  paaralan  at pamayanan. Ito ay nagdudulot 
ng kapayapaan sa ating pamayanan at bansa. May magagawa 


tayo  upang  makatulong  at  mapaunlad  pa  natin  ang 
ating mga sarili at pamayanan.   

  Ang  mga  sumusunod  ay  mga  halimbawa  ng 


pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kaayusan . 

-  pagtatapon  ng  basura  sa  tama  at 


maayos na paraan     

-pakikilahok  sa  mga  proyektong 


inilunsad ng gobyerno  

  
 
-pagpapanatiling  tahimik  kapag 
pupunta  sa  mga  pampublikong 
lugar  
 
 
 
 
-pagsunod sa mga alituntunin  
 
 
 
 
Ilapat Natin 
Panuto:  Isulat  ang  tsek  (✔)  kung  ang  pangungusap  ay 
nagsasaad  ng  kaayusan  at  kapayapaan  at  ekis  (​X​)  kung 
hindi. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 
 
1. Isinusulong ni Kapitan Alex Alvarez ang tamang pagtatapon ng 

basura sa Barangay Vitalez. 
 

2. Malakas ang tawanan ng magkaibigang Ana at Cora sa harap ng 


klasrum habang may nagkaklase. 
 

3. Ang Pamilya Santos ay sumali sa programang “​Clean and Green​” sa 


kanilang barangay. 
 

4. Pinasalamatan nina Rico at Rina si Mang Rey dahil tinulungan 


silang tumawid sa kalsada. 
 

5. Nakikinig si Dora kay Ginang Daren habang kinakausap siya nito. 

   

Suriin Natin 
​ ​Panuto: Iguhit ang masayang mukha​ ​ ​ ​kung kaaya-aya 
ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha ​ ​kung 
mali ang isinasaad ng pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.

​________​1. Tumulong si Nina sa paglilinis ng kanilang simbahan. 


 

________2. Sumunod sa alituntunin ng ​Ocean Park​ si Cris noong 


namasyal siya doon.  
 

________3. Binigyan ng tsokolateng kendi ni Ara ang mga isda sa  


Manila Zoo. 
 

________4. Tinatalian ni Mang Kanor ang kanyang aso upang hindi ito 
pumunta sa kalsada. 
________5. Hinayaan ni Niko na nakakalat ang mga basura sa harap ng 
kanilang bahay. 
 
 
 
 


 
Tayain Natin 
Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang titik ng tamang 
sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 

________1. Sinama ka ng iyong Nanay para magsimba at napansin 


mo na tahimik ang lahat. Ano ang gagawin mo​? 
A. Matutulog ako. 
B. Kakanta na lang ako. 
C. Uupo at tatahimik ako sa tabi ni Nanay. 

________ 2. Papasok ka sa paaralan at may nakita kang matanda na 


hindi makatawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo​? 
A. Itutuloy ang paglalakad. 
B. Hindi ko nalang siya kakausapin. 
C. Tutulungan ko​ siyang mak​atawid sa kalsada. 

________3. Naglalakad ka pauwi ng bahay at nakita mong natumba 


ang ​trash can.​ Ano ang gagawin mo​?
A. Uuwi na ako. 
B. Hindi ko papansinin. 
C. Aayusin ko ang ​trash can​. 

________4. Bumili ka ng ​banana cue​ sa ​canteen​ at nakita mong 


marami ang nakapila roon. Ano ang gagawin mo​? 
A. Hindi na lang bibili. 
B. Sisiksik ako para magbayad. 
C. Pipila ako nang maayos para bumili ng ​banana cue. 

________5. Sumakay si Leo sa dyip at may nakisuyo sa kanya na iabot 


ang bayad. Tinanggap niya ito at ibinigay sa drayber. Tama 
ba ang ginawa ni Leo​?
A. Opo B. Hindi C. Hindi ko alam. 

You might also like