You are on page 1of 14

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Filipino 8

FILIPINO 8: MGA PANITIKANG PAMBANSA AT FLORANTE


AT LAURA

Ikaapat na Kwarter

Florante at Laura

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan
ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay mahusay na nakapagtatanghal ng isang talumpating naglalahad ng mahahalagang
kaisipang tumatalakay sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


1
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 4: FLORANTE AT LAURA
LINGGO NILALAMAN/ARALIN MGA GAWAIN PAHINA SA
MODYUL
UNANG LINGGO -Panimula  Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Cartoon Analysis
-Grapikong Pantulong sa  Pagsasanay B: Mapa
Aralin ng konsepto ng Pahina 4-5
-Inaasahang Kasanayan Pagbabago
-Panimulang Pagtataya
-Pagtuklas
IKALAWANG LINGGO -Paglinang  Gawain 1: Mga
- Kamalayang Pangwika Katangian
- Buod ng Florante at  Gawain 2:
Laura Kasaysayan, Alamin Pahina 6-7
- Mga Tauhan natin
 Gawain 3: Tara,
Kilalanin natin
IKATLONG LINGGO -Pagpapatuloy ng  Gawain 4: Pagsusuri
Paglinang Andamyo sa
- Scaffold for Transfer 1 Pagganap 1
- Scaffold for Transfer 2  Gawain 5:
Pahina 8-9
Pagbabalangkas
Andamyo sa
Pagganap 2
 Maikling Pagsusulit
IKAAPAT NA LINGGO IKAAPAT NA ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 6:
 Pagsusuri Discussion Web
 Komentaryo  Gawain 7:
Mahalagang Pahina 10-11
Kaalaman
 Gawain 8: Ang
Pananaw ko
IKAANIM NA LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 9:
 Guided Pinatnubayang
Generalization Paglalahat
 Pormatibong  Gawain 10: Anong
Pagtataya Katangian mo? Pahina 11-13
 Mapa ng konsepto ng  Pormatibong
Pagbabago Pagtataya
 Mapa ng konsepto
ng Pagbabago
IKAPITONG LINGGO -Paglipat  Gawain 11:
 Performance Task Talumpating Pahina 14-15
Handog
IKAWALONG LINGGO IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


2
UNANG LINGGO
MODULE No. 4: Florante at Laura
Alam mo ba?
Ang awit at korido ay mga tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng mga hari at reyna,
prinsipe at prinsesa. Sapagkat ang mga ito ay lumaganap sa panahon ng kastila, ang tunay na layunin ng awit at korido
ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Isa sa mahalagang kontribusyon ni Francisco Balagtas ay ang awit na Florante
at Laura. Ang awit na ito ay ginawa niyang obra maestra bilang salamin sa uri ng pamamahalang mayroon ang Pilipinas
sa ilalim ng kastila. Ang Florante at Laura ay nagpapaalala ng himagsik at pananaw ni Balagtas laban sa hindi makataong
pamamahala ng kastila sa mga Pilipino.
Ang tuon ng pag-aaral na ito ay mapahalagahan at maunawaan ang mga dakilang akdang pampanitikan ng Pilipinas na
na makatulong sa iyo upang magawa mong buhayin ang pagiging makabayan at makatao nating mga Pilipino. Maraming
mahahalagang kaisipan ang akdang Florante at Laura na mapapahalagahan mo tungo sa pagtalakay sa mga isyu o
kalagayan ngayon sa lipunan. Inaasahang magagamit mo ang mahahalagang kaisipang ito sa pagbuo ng isang
makabuluhang gawain na maglalahad ng mga pangyayari ngayon sa lipunan na may kaugnayan sa mga pangyayari sa
panahong naisulat ang akdang Florante at Laura.
Sa pag-usad ng yunit na ito lagi mong isaisip ang mahalagang tanong na Bakit mahalagang maunawaan at
pahalagahan ng mga mag-aaral ang Florante at Laura bilang isang dakilang akdang pampanitikang Pilipino?

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin Magagawa mong…
Florante at Laura  matukoy ang kahulugan ng mga katangiang namamayani sa akdang Florante at
 Kaligirang Laura.
Pangkasaysayan  makilala ang kaligirang pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura sa
 Buod ng pamamagitan ng: (a.) pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito.
Florante at (b.) pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda.
Laura  matukoy ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa nabasa at
 Mga tauhan napakinggan.
 masuri ang isang halimbawa ng talumpating tumatalakay sa kalagayan ng lipunan
sa kasalukuyang panahon.
 mailahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.
 maihambing ang mga pangyayari sa lipunang Pilipino sa kasalukuyang panahon.
 mahinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang buod ng akda.
 maipahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa.
 masuri ang mga balita, saknong sa akda at makapagbigay ng patunay.
 mapaghambing ang katangian ng tauhan sa akdang Florante at Laura sa katangian
ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Gramatika  magamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat.
 magamit ang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang na maisasagawa upang
magbago ang isang bayan.
Kaalaman at  mabigyang puna ang isang senaryo mula sa napanood o napakinggan teleserye,
Kasanayan sa pelikula o balitang tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng bayan.
Pananaliksik  makasulat at makatanghal ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung
pinapaksa sa binasa.

Grapikong Pantulong sa Aralin


FLORANTE AT LAURA
(QUARTER 4)

Kaalamang Kaalaman at kasanayan sa


Buod ng Florante at Laura
Pangwika Pananaliksik

Tungo sa pagbuo at pagtatanghal ng isang talumpating naglalahad ng mahahalagang kaisipang tumatalakay


sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


3
INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawaing pampagkatuto:
1. natutukoy ang kahulugan ng mga katangian at damdaming namamayani sa akdang Florante at Laura.
2. nakikilala ang kaligirang pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura.
3. nasusuri ang isang halimbawa ng talumpating tumatalakay sa kalagayan ng lipunan sa kasalukuyang
panahon.
4. nabibigyang puna ang isang senaryo mula sa napanood o napakinggang teleserye, pelikula o balitang
tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng bayan.
5. nagagamit ang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang na maisasagawa upang magbago ang
isang bayan.
6. nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin at naihahambing sa kasalukuyang
panahon.
7. nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang buod ng akda.
8. naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa.
9. nasusuri ang mga balita, saknong sa akda at makapagbigay ng patunay.
10. nakasusulat at makatanghal ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa
binasa.
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sa tingin mong
tamang sagot. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Hindi na ito
ipapasa.
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
a. mahirap c. nagluluksa e. kamalasan g. mayaman i. nakatulog
b. sulat d. panliligaw f. asawa h. anak j. mapigil
_____1. Maganda na sana ang kanilang buhay sa lungsod ngunit sa kasawiang-palad ay laging bumabaha.
_____2. Kahit siya ay anak-dalita, siya ay nagsusumikap upang makapagtapos ng pag-aaral.
_____3. Ang paniningalang-pugad ay hindi dapat sa daan kung hindi sa bahay bilang respeto sa babaeng
napupusuan.
_____4. Siya ay nakapag-aral sa ibang bansa sapagkat galing siya sa marangyang pamilya.
_____5. Siya ay kabiyak ng dibdib ng pangulo ng bansa kaya tinatawag siyang first lady ng mga
mamamayan.
_____6. Sina Mr/Mrs. Flores ay biniyayaan ng limang supling bunga ng kanilang pagmamahalan.
_____7. Sa labis na pagod ni Jose sa pagtatanim ng mais siya ay pansamatalang naidlip sa ilalim ng punong
mangga.
_____8. Labis na naghihinagpis ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng Bagyong
Odette.
_____9. Dahil sa lakas ng hangin nahirapan ang mga bombero na maapula ang sunog sa plasa.
_____10. Binasa ng tagapaglingkod ang kalatas ng hari na naglalaman ng kanyang susunod na tagapagmana ng
kaharian.
Binabati kita! Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong.
Ngayon ay maaari mo nang simulan ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul na
ito. Subukin mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.
Alam kong handa ka na para sa iyong matatamong mga pagkatuto.

Pagsasanay A: CARTOON ANALYSIS


Sa pagtuloy na pag-usad ng panahon batid kong alam mo ang mga pangyayari sa ating lipunan kaya naman may
inihanda akong mga larawan para iyo tara, simulan natin.
Panuto: Isulat mo sa mga nakalaang patlang ang mga salita o pahayag na iyong maiuugnay sa mga larawan na
nasa ibaba. Gawin mo ito sa isang buong papel.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


4
A. B.

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

C. D.

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

Napakahusay naman ng iyong mga ibinigay na mga kasagutan. Tunay ngang ikaw ay may kamalayan sa
mga usaping nagaganap sa lipunan. Ipagpatuloy mo ang iyong masigasig na pag-aaral.

Pagsasanay B: MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO


Makikita sa bahaging ito ang mapa ng konsepto ng pagbabago na bago at pagkatapos. Ito ang magiging gabay
mo upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa ilalim
ng bago.
Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong sagutang papel. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa bahagi ng BAGO.
Hindi mo na ito ipapasa ngunit huwag hayaang mawala.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
Bakit mahalagang maunawaan at
pahalagahan ng mga mag-aaral ang Florante
at Laura bilang isang dakilang akdang
pampanitikang Pilipino?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Magaling! Nagawa mo ang mga panimulang gawain sa linggong ito.

IKALAWANG LINGGO

Kumusta?
Ikaw ngayon ay nasa ikalawang linggo na ng yunit na ito. Ang kasalukuyang panahon ninyong
mga kabataan ay sumasabay na sa panahon ng digital age. Sa yunit na ito dadalhin kita sa sinaunang
panahon kung saan naisulat ang akda at kasaysayan ng Florante at Laura upang masagot mo ang mga
gawaing inihanda ko para sa iyo tara, magsimula na tayo!

Buod ng Florante at Laura


Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang
Albanya. Dito naghihimutok si Florante na nakatali sa puno ng higera at nakadarama ng sobrang sakit at ibig na
lamang niyang mamatay. Sa kabila nito, naniniwala pa rin siya sa kapangyarihan ng Diyos alam niyang ang lahat
sa lupa ay kalooban ng Diyos. Gumugulo sa kaniyang isipan ang palagay niya na nagtaksil sa kanya si Laura, na
FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022
5
baka pinatay na ni Adolfo ang kaniyang ama, at naiimahen din niya ang kahabag-habag na kalagayan ng bayan
niyang mahal. Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya
ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali.
Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa
muling lumakas. Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Muntik na siyang madagit ng buwitre noong siya’y sanggol at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na
taga-Epiro. Noong hustong gulang na, ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng
gurong si Antenor. Natagpuan niya roon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Nang
minsang magtanghal sila ng dula sa paaralan, intensyon ni Adolfo na patayin si Florante. Salamat na lamang at
nailigtas siya ni Menandro na kaniyang kaibigan. Tapos ay nakatanggap si Florante ng liham tungkol sa
pagkamatay ng sinisinta niyang ina. Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si
Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa
labimpitong kahariang dipa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya
nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas
ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at
agawin sa kanya si Laura. Nagpakilala naman ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong
Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida. Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig
nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-
uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay
nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay
niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat. Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na
ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa
Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari
sa Persya.

Gawain 1: Mga Katangian

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba, piliin mula sa kahon ang angkop na katangiang namamayani sa
Florante at Laura. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

pagtulong pagmamalasakit pananagutan katatagan katapatan

FLORANTE AT LAURA MGA KATANGIAN


1. Sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay ni Laura ay hindi pa rin niya 1.
nagawang magtaksil sa lalaking kanyang minamahal.
2. Sa kabila ng hirap at pagdurusang kinakaharap ni Florante sa pagkakagapos sa 2.
puno ng higera ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa at pananalig sa Diyos na
lahat ay may dahilan dito sa lupa.
3. Sa kabila ng alitan sa relihiyon nina Aladin at Florante ay kinalagan pa rin niya 3.
si Florante sa pagkakagapos sa puno ng higera.
4. Bumalik si Florante kasama ang kanyang kaibigang si Menandro upang bawiin 4.
ang Krotona sa pamamahala ni Heneral Osmalik.
5. Ikinuwento ni Laura ang panghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama 5.
upang madakip si Florante.

Gawain 2: Kasaysayan, Alamin natin

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang salitang Sang-ayon kung ang nilalaman ng
pangungusap ay tama. Kung may mali sa pangungusap, salungguhitan ang nagpamali at isulat sa patlang ang wastong
salita.
_____________ 1. Ang unang edisyon ng Florante at Laura ay nailimbang noong 1858 ng (50) taong gulang si
Balagtas.
_____________2. Ang aklatan lamang ng Newberry sa Chicago ang may kopya ng edisyong 1870 at 1875 ng
Florante at Laura.
FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022
6
_____________3. Nakaranas ng kasawian sa pag-ibig si Francisco Balagtas dahil kay Mariano Capule na kanyang
karibal kay Maria Leonora Rivera.
_____________4. Ang orihinal na pamagat ng Florante at Laura ay “Ang walang kamatayang buhay nina
Florante at Laura sa kaharian ng Albanya”.
_____________5. Sa Bataan sinimulan ni Balagtas ang pagsusulat ng Florante at Laura kaya pinaniniwalaan na
ang kanyang tulang “Kay Selya” ay dito rin niya isinulat.
_____________6. Noong panahon ng Kastila, mahigpit ang sensura na binubuo ng mga prayle na tinatawag na
Comission Permanente de sensura.
_____________7. Ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga mananakop ang nakaimpluwensya kay Balagtas upang
isulat ang Florante at Laura.
_____________8. Nakaligtas sa sensura ang Florante at Laura dahil sa tuwirang pagpapahayag ni Balagtas.
_____________9. Binubuo ng 399 na saknong ang Florate at Laura at bawat taludturan ay may 12 pantig.
_____________10. Ang mga pangyayaring inilahad sa Florante at Laura ay makatotohanan sapagkat nangyari sa
totoong buhay.
MGA TAUHAN SA FLORANTE AT LAURA AT ANG KANILANG MGA
GINAMPANAN
FLORANTE – Ang pangunahing bida ng Florante at Laura at halos lahat ng bahagi ng salaysay ay umiikot sa
kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ang mangingibig ni Laura na prinsesa ng kaharian ng Albanya.
LAURA – Ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ni Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng
kahariang ito. Siya ay napakaganda na lubos na pinuri at minahal ni Florante.
FLERIDA – Ang kasintahan ni Aladin na inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Alab. At sa pagpapangakong
pagpapakasal sa sultan, napabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan hindi niya
tinupad ang pangako at tumakas sa araw ng kanilang kasal.
KONDE ADOLFO – Siya ang pangunahing kontrabida sa Florante at Laura. Siya ay anak ni Konde Sileno na
nagmula sa Albanya. Siya ang nagtangkang pumatay kay Florante.
ALADIN – Isang Morong Persyanong tumulong kay Florante at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama
ay si Sultan Ali-Alab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida.
MENANDRO – Ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na nagligtas din sa buhay ni Florante mula sa
tangkang pagpatay ni Konde Adolfo sa kanya.
DUKE BRISEO - Ang maarugang ama ni Florante at naglilingkod bilang tanungan ng Haring Linceo sa Albanya.
PRINSESA FLORESKA – Siya ang ina ni Florante na nagmula sa bayan ng Krotona. Siya ay maagang namatay
na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik sa Albanya.
HARING LINCEO – Ang hari ng Albanya at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang
magkaroon ng usapang ipinag-utos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao sa
Albanya na siyang naging dahilan ng pag-aaklas ng mga tao ito na naging daan ni Konde Adolfo upang maiupo
ang kanyang sarili sa trono.
SULTAN ALI-ALAB – Ang Sultan ng Albanya at ama ni Aladin. Siya rin ang nagpataw ng parusang kamatayan
sa kanyang anak at umagaw sa kanyang kasintahan na si Flerida.
MENALIPO – Pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya mula sa isang buwitreng dadagit sana sa kanya noong
siya’y bata pa lamang.
HENERAL OSMALIK – Ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos Aladin.
MIRAMOLIN – Ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.
KONDE SILENO – Ang ama ni Konde Adolfo.
ANTENOR – Isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo, at Menandro.

Gawain 3: Tara, Kilalanin natin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling pagpapakilala sa mga tauhan ng Florante at Laura na nasa itaas
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. Anong damdamin ang nahinuha mo sa katangian ng mga tauhan sa Florante at Laura batay sa pagpapakilala sa
kanila?
2. Sino sa mga tauhanang ang iyong lubos na naibigan?
3. Anong katangian ang iyong naibigan sa tauhang iyong napili?
4. Sino-sino sa mga tauhan ng Florante at Laura ang hindi mo naibigan?
5. Ano sa palagay mo ang magiging takbo ng kwento base sa mga katangian ng mga tauhan sa Florante at Laura?

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


7
IKATLONG LINGGO
Kumusta munting mag-aaral? Muli mo akong makakasama sa linggong ito. Ikaw ba’y mahilig makinig ng mga balita
o manood ng mga napapanahong usapin tungkol sa ating lipunan? Mahusay! Sapagkat magagamit mo ang iyong
nalalaman sa bahaging ito ng ating aralin.
Tatalakayin natin sa bahaging ito
Gawain 4: Pagsusuri (Andamyo sa Pagganap 1)

Panuto: Basahin ang isang talumpating tungkol sa kahirapan at suriin ito gamit ang mga tanong na nakalaan sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

Talumpati Tungkol Sa Kahirapan


Mula sa Takdangaralin.ph
Walang taong gustong maging mahirap, dahil mahirap ang maging mahirap. Ang antas ng tao sa buhay ay naayon
sa sarili nitong pananaw. Ang bawat isa sa atin ay mayroong pagpipilian kung anong uri ng buhay ang gusto natin
maging balang araw. Wika nga ng isang kanta, “kung gusto ay may paraan at kapag ayaw ay may dahilan”. Para
sa akin, walang taong ipinanganak na nakatadhanang maghihirap. Ginawa ng dakilang lumikha ang buhay na
talagang mahirap. Walang bagay na madali, lahat sa mundong ito ay pinagpapaguran muna bago mo ito
makamtan. Karamihan sa atin ay mayroong mga negatibong pananaw sa buhay. Halimbawa kapag ang magulang
nila ay sadlak sa kahirapan at halos hindi na nakapag-aral, gagawin na rin nila itong basehan kung anong uri ng
pamumuhay ang kahihinatnan nila sa hinaharap. Iwaksi at tigilan po natin ang ganitong gawain. Matuto po tayong
lumaban at pilit na baguhin kung ano ang hindi maganda na kinasasadlakan natin. Gumawa po tayo ng legal na
paraan upang huwag ng tahakin ang landas na alam nating tutungo lamang sa kalunos-lunos na uri ng pamumuhay.
Ang karamihan sa bilang ng tao sa ating lipunan ay nasa mahirap na antas. Karamihan dito ay matatagpuan sa
mga malalaking lungsod gaya ng Metro Manila. Sino ang itinuturing nating mga maralita sa Maynila? Mga
squatters, saan galing ang mga ito? sa probinsya. Simple at masarap ang mamuhay sa bayang kinagisnan, lalo na
sa mga probinsya. Payak ang pamumuhay, maging ang ating mga suliranin at gastusin at mga pang-araw-araw na
pangangailangan. Huwag na po tayong makipagsapalaran sa isang lugar na kung saan tayo ay mga estranghero
lamang. Palaguin at pagyamanin natin kung ano ang mayroon tayo sa ating mga kanayunan. Hindi natin
kailangang lumipat para umangat at maging sagana sa buhay. Ang ating ikabubuti ay nasa ating sarili. Kung saan
mayroong malalang kahirapan ay doon mo rin makikita ang talamak na kamangmangan. Ginagawa nilang
sangkalan at dahilan ang pagiging mahirap upang hindi na mag-aral. Sa panahon po ng ating pamahalaan ngayon,
ang edukasyon ay ginawa ng karapatan ng bawat indibidwal lalo na ng mga kabataan. Ang pagpupunyagi at sipag
na lang po ang ating kailangan na ipuhunan para tayo ay makaahon ng konti sa hirap ng buhay. Walang bagay na
pilit na pinagsisikapan ang hindi natin makakamtan. Huwag nating tuldukan ang ating mga pangarap dahil lamang
sa pagiging kapos sa buhay. Gawin nating inspirasyon ang ating mga kahinaan para hindi na ito dadanasin pa ng
ating mga susunod na anak. Iwasan ang panghihina ng loob bagkus ay tibay ng dibdib ang ating pairalin. Para sa
mga magulang na nandito sa okasyong ito, maging huwarang ehemplo po sana tayo sa mata ng mga bata. Magsilbi
po tayong mga gabay at patnubay ng ating mga supling. Tumulong po tayo sa ating pamahalaan para hindi na
masyadong lumobo ang bilang ng tao. Hikayatin po natin ang ating mga anak na mag-aral at turuan ng tamang
disiplina at respeto. Huwag po nating iasa ang kahihinatnan ng ating kinabukasan sa ating pamahalaan. Maging
arkitekto at enhinyero po tayo ng ating sariling pamumuhay. Muli po at aking uulit-ulitin ang kahirapan ay hindi
kailanman nakatadhana. Nasa inyo po ang desisyon kung saan ang daan na gusto ninyong tahakin sa buhay. Ang
buhay ay parang sugal, matuto tayong dumiskarte at mag-isip. Alamin natin kung ano ang dapat at hindi nararapat.
Makontento tayo kung ano ang mayroon tayo, ang mahalaga ay hindi ka nalilipasan ng gutom at mayroon kang
nasisilungan. At ang pinakaimportante sa lahat huwag po tayong bibitaw sa ating mga pangarap at lagi po tayong
mananalig sa ating dakilang Lumikha. Ang taos puso ko pong pagbati ng magandang araw sa inyong lahat.
Mabuhay po tayo.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang paksa ng talumpating iyong napakinggan?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig ipahiwatig ng may akda sa katagang “kung gusto ay may paraan at kapag
ayaw ay may dahilan”? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, ano ang intensyon ng may akda sa pagsulat ng talumpating ito? Patunayan.
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano-anong mga bagay ang iyong gagawin upang maging maunlad at guminhawa
ang iyong buhay? Bakit?
5. Kung ikaw ang may akda ng talumpating ito, sa paanong paraan mo ipararating sa mambabasa ang mensaheng
“magsikap upang umasenso sa hinaharap”? Ipaliwanag.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


8
Gawain 5: Pagbabalangkas (Andamyo sa Pagganap 2)
Sa pag-usad ng panahon samu’t saring problema ang kinakaharap ng ating bansa partikular na sa lipunang ating
ginagalawan. Nariyan ang COVID-19 na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasusugpo at patuloy pa ring kumakalat
kung kaya’t napakaraming buhay at pamilya ang naaapektuhan. Tulad na lang ng kahirapan na ayon sa datos ay
milyong-milyong Pilipino ang naghihirap dahilan upang magutom ang kani-kanilang pamilya dahil sa kawalan
ng trabaho, pati na rin ang mababang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng gabay at
payo ng isang guro kaya minabuti muna ng ating gobyerno na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng ating mag-
aaral kung kaya’t napakaraming inilunsad na makabagong pamamaraan ng pagtuturo o tinatawag sa ingles na
“New Normal” upang matugunan ang kanilang pag-aaral. Lahat tayo’y apektado ng mga suliraning ito partikular
na sa maliliit na bayan. Kung kaya’t bilang isang kabataan sa makabagong panahon, ikaw ay naatasang gumawa
ng mga hakbang upang sa ganun ay mabawasan ang problema o suliraning kinakaharap ng ating bansa.

GABAY PARA SA GAGAWIN MONG HAKBANG:


1. Pumili ka ng isang suliraning napapanahon na kinakaharap ng ating bansa.
2. Ilista ang dahilan kung bakit ito ang napili mong suliranin.
3. Maglista ng mga gawain na makatutulong upang mabawasan ang suliraning ito.
4. Mga hakbang kung paano ito maisasakatuparan.
5. Konklusyon o bunga na gagawin mong hakbang sa suliraning iyong napili at kung paano ito makatutulong
upang mapabago ang isang bayan.
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel at ipasa sa araw ng pasahan.

Maikling Pagsusulit: TAMA O MALI

Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang tinutukoy ng may salungguhit
at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

____________1. Si Aladin ang nagligtas kay Florante mula sa isang buwitreng gustong dumagit sa kanya mula
noong siya ay sanggol pa lamang.
____________2. Ang mga pangyayaring inilahad sa Florante at Laura ay makatotohanan sapagkat nangyayari ito
sa totoong buhay.
____________3. Si Heneral Osmalik ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos
ni Aladin.
____________4. Ang unang edisyon ng Florante at Laura ay nailimbang noong 1858 ng (50) taong gulang si
Balagtas.
____________5. Si Menalipo ang sultang umagaw sa kasintahan ni Aladin na si Flerida.
____________6. Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo, at Menandro.
____________7. Si Prinsesa Floreska ang ina ni Florante na nagmula sa bayan ng Krotona.
____________8. Si Flerida ang kasintahan ni Aladin.
____________9. Noong panahon ng Kastila, mahigpit ang sensura na binubuo ng mga prayle na tinatawag na
Comission Permanente de sensura.
____________10. Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Binabati kita! Ganap mong napagtagumpayan ang mga gawain sa bahagi ng paglinang. Sana ay manatili sa iyong
isipan at pagkatao ang iyong mga nalaman. Muli tayong magkikita sa Ikalimang Linggo.

IKALIMANG LINGGO

Kumusta munting mag-aaral? Ikaw ba’y mahilig magbasa ng mga nobela tulad ng pocket book? Magaling kung gano’n
dahil makatutulong ito sa iyo upang mapalawak mo ang iyong kaalaman sa mga bagay-bagay at dahil sa pagbabasa,
natin tayo ay pumapasok at naglalakbay sa malawak at makulay na imahinasyon ng may-akda. Sa bahaging ito, ating
palalalimin ang iyong kabatiran sa akdang Florante at Laura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda ko
para sa iyo. Batid kong nabasa mo na ang buod ng akdang Florante at Laura na nasa unang bahagi ng paglinang, pahina
6 ng module na ito.
FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022
9
Gawain 6: DISCUSSION CHART

Panuto: Pumili ng limang mahalagang pangyayari mula sa buod ng Florante at Laura. Sa tapat ng bawat pangyayari,
iugnay mo ang alin mang karanasan sa kasalukuyan ng lipunang Pilipino na nasaksihan mo sa mga nabasa,
napakinggan, o napanood. Ibinigay ng halimbawa ang unang bilang upang iyong maging gabay sa pagsagot. Isulat
ang iyong sagot sa isang buong papel.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA AKDA PANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY


1. Pagtulong ni Aladin kay Florante mula sa dalawang 1. Ang ating mga frontliners na patuloy na tumutulong
mababangis na leon. sa ating mga mamamayan upang hindi mahawa ng sakit
na COVID-19.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Gawain 7: Mahalagang Kaalaman

Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, magbigay ng limang kahalagahan na iyong nahinuha kung bakit mahalagang pag-
aralan ang Florante at Laura? Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

Kahalagahan ng Florante at Laura


1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 8: Ang Pananaw ko

Panuto: Magbigay ng iyong sariling pananaw at damdamin hinggil sa ilang pangyayari sa akdang iyong nabasa na
Florante at Laura. Ibinigay ng halimbawa ang unang bilang upang iyong maging gabay sa pagsagot. Isulat ang iyong
sagot sa isang buong papel.

Mga Pangyayari sa akdang Florante at Laura Ang aking pananaw at damdamin

1. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking 1. a. Pananaw: Mga taong makapangyarihan sa lipunan na
nakatali. mapagsamantala sa kahinaan ng iba.
b. Damdamin: Nakakaawa dahil sa ipinapakita nito na
may mga taong sinasamantala ang kahinaan ng iba
para sa kanilang sariling interes.
2. Dito naghihimutok si Florante na nakatali sa puno 2.
ng higera at nakadarama ng sobrang sakit at ibig na
lamang niyang mamatay. Sa kabila nito, naniniwala
parin siya sa kapangyarihan ng Diyos alam niyang
ang lahat sa lupa ay kalooban ng Diyos.
3. Nagpakilala naman ang Moro na siya’y si Aladin, 3.
kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng
bayan ni Florante ngunit sa kabila nito ay hindi parin
siya nagdalawang isip na tulungan si Florante laban
sa dalawang mabangis na leon.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


10
4. Natagpuan niya roon ang kanyang kababayang si 4.
Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Nang minsang
magtanghal sila ng dula sa paaralan, intensyon ni
Adolfo na patayin si Florante.

IKAANIM NA LINGGO
Gawain 9: Pinatnubayang Paglalahat

Sa bahaging ito ay tutulungan kitang palalimin pa ang iyong pag-unawa at at pagpapahalaga sa mga dakilang akda o
obra maestra ng Pilipinas tulad ng Florante at Laura na may kaugnayan sa mga pangyayaring nagaganap sa ating
lipunan. Dito ay susuriin mo ang piling mga balita at saknong sa akdang Florante at Laura na tumatalakay sa kalagayan
ng ating lipunan. Inaasahan din na mapalalalim mo pa ang iyong kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang
maunawaan at pahalagahan ang Florante at Laura bilang isang dakilang akdang pampanitikang Pilipino?”
Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda ko sa bahaging ito. Kaya tara, magsimula na tayo.

Pinatnubayang Paglalahat

Mahalagang Tanong Text 1 Text 2 Text 3


DAET LOCAL NEWS EPEKTO NG COVID-19 “Bayang Nagdurusa”,
LUZON SA NASA ANYONG (Saknong 11-25) pahina
Ilang eskwelahan sa KAHIRAPAN SA 266-268//PUNLA 8
Camarines Norte hindi pa PILIPINAS
handa para sa limited face By Ricky Castellvi Marso
to face classes 4, 2021
November22, 2021 BNFM
Daet
Bakit mahalagang Anong mga kaisipan ang Anong mga kaisipan ang Anong mga kaisipan ang
maunawaan at nakapaloob sa balitang nakapaloob sa balitang ito? nakapaloob sa saknong
pahalagahan ang ito? na ito?
Florante at Laura Maglahad ka ng patunay Maglahad ka ng patunay sa Maglahad ka ng patunay
bilang isang dakilang sa iyong sagot. iyong sagot. sa iyong sagot.
akdang Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito
pampanitikang ay magpapatunay sa iyong ay magpapatunay sa iyong ay magpapatunay sa
Pilipino? sagot? sagot? iyong sagot?
Magkakaparehong ideya ng tatlong akda na nasa mga katuwiran:
Mahalagang Pag-unawa:
Sagot:
TEXT 1: DAET LOCAL NEWS LUZON
Ilang eskwelahan sa Camarines Norte hindi pa handa para sa limited face to face classes
November 22, 2021
BNFM Daet
CAMARINES NORTE- Aminado ang Department of Education na mayroon pa ring mga eskwelahan sa
lalawigan ng Camarines Norte na hindi pa handa para sa implementasyon ng limited face to face classes. Ito ang
inihayag ni School Division Superintendent Nympa Guemo, matapos ang ginawang pag- iikot sa mga eskwelahan
kung saan kanya umanong napag-alaman na ang iba sa mga ito ay malayo pa ang paghahanda at napakarami pang
dapat gawin. Aniya, patuloy na nadadagdagan ang mga eskwelahan na nagbubukas para sa limited face to face
classes pero hindi nakasali ang Camarines Norte. Tiniyak ni Guemo na sasali ang probinsya sa implementasyon
ng expanded limited face to face classes kaya’t kailangan umanong maihanda na ang mga eskwelahan. Nandiyan
naman umano halos lahat ng pasilidad at kailangan lang ng “structuring” na bahagi ng paghahanda. Umaasa ang
opisyal na sa pagtatapos ng pilot implementation sa Enero ay makasali na ang lahat ng eskwelahan sa lalawigan
sa expanded face to face classes. “Yung iba nakahanda na, yung iba ay hindi pa parang napakalayo pa” ani
Guemo sa programang DepEd hour. “So kasi in terms of facilities ay nandiyan na ang halos lahat di ba, kailangan
na lang yung classroom structuring which is part of the preparations.”

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


11
Ngayon umanong Nobyembre at Disyembre ay kailangan na ihanda na ang mga eskwelahan at nais ni Guemo na
magkaroon ng special meeting para dito. Hindi na rin umano required ang barrier sa loob ng classroom sa halip
ay kailangan lang na masunod ang isa hanggang dalawang metrong distansiya. Pagdating naman sa class size, 12
ang maximum learners kada klase sa Kindergarten, 16 sa Grades 1-2, habang 20 naman sa Grades 4- 6 at Grades
7- 10 gayundin sa Grades 11- 12.
Importante umanong makagawa ng class scheduling upang hindi magsabay- sabay sa pagpasok, pag labas at
recess ang mga mga bata sa eskwelahan. Plano ng DepEd na isang linggo sa eskwelahan at isang linggo ring
distance learning. Ipapatupad pa rin ang blended learning dahil mayroong online at modular, Radio Based
Instruction at video lessons.
TEXT 2: EPEKTO NG COVID-19 SA NASA ANYONG KAHIRAPAN SA PILIPINAS
By: Ricky Castellvi Marso 4, 2021
Ang Pilipinas ay may mataas na rate ng kahirapan, humigit-kumulang 18 milyon ng 110 milyong katao nito ang
mabubuhay sa ibaba ng antas ng kahirapan o nakikipagpunyagi upang matugunan ang pang-araw-araw na mga
kailangan sa buhay. Ang COVID-19 ay nagpalala lamang sa nabawasang mga gawaing pang-ekonomiya at mga
undercount ng mga impeksyon sa COVID dahil sa kawalan ng pangangalaga ng kalusugan at pagkakaroon ng
tubig para sa paghuhugas ng kamay. Ang isang pamilyang Pilipino na naninirahan sa mas mababa sa 2,200 pesos
sa isang buwan ay mahirap, mas mababa sa 1,540 pesos sa isang buwan, "mahirap na pagkain" o "labis na
mahirap". Ang mga figure na ito ay mula sa 6 buwan na ang nakakaraan. Sa panahong iyon, ang pinahusay na
quarantine ng komunidad ng Luzon ay nagdala ng 767.18 bilyong pisong pagkawala para lamang sa
pinakamaraming populasyon ng lalawigan, ang dalawa pa ay ang Bisaya at Mindanao. Kitang-kita ang kahirapan
sa panahon ng pandemikong ito sa mga lansangan ng Metro Manila kung saan makikita ang mga Pilipino sa lahat
ng edad na nagmamakaawa para sa limos. Hindi isang magandang paningin. At tiyak nakakasakit ng puso na
panoorin habang papalapit sila sa mga kotse ay tumigil sa trapiko. Hanggang noong Disyembre 2020, iniulat ng
World Bank na ang pandemikong ito ay maglulubog sa 2.7 milyong higit pang mga Pilipino sa kahirapan dahil
sa pagkawala ng trabaho at mas kaunting pagpapadala ng salapi pangunahing mula sa mga manggagawang
kontraktwal sa ibang bansa. Mataas ang ranggo ng paggawa sa pagpunan ng kaban ng Pilipinas. Bago ang
COVID-19, libu-libong mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa sa isang kontraktwal na batayan na regular
na nagpadala ng malaking bahagi ng kanilang mga kita sa kanilang bahay na nag-ambag sa ekonomiya ng bansa.
Nang ideklara ang pandemiya noong Marso 2020, isang malaking bilang ng mga manggagawang ito sa ibang
bansa ang pinauwi ng kanilang mga employer; samakatuwid ang pagbagal ng remittances ng pera.

Gawain 10: Anong Katangian mo?

Panuto: Gamit ang Web Concept Map, paghambingin ang katangian ng mga tauhan sa Florante at Laura sa
katangian ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot isa isang buong papel.

Patunay

Taglay pa rin ba ng mga Pilipino


Patunay sa kasalukuyan ang mga Patunay
katangiang taglay ng ilang tauhan
sa akda?

Patunay

PORMATIBONG PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek ang kulay na sumusukat sa pagkaintindi sa paksang napag-usapan. PULA: Kung
nangangailangan pa ng pagsasanay, DILAW: 50% ng konsepto ay naunawaan at BERDE kapag naintindihan
lahat at kayang magamit ang natutuhan. Hindi na ito ipapasa.

Pula – nangangailangan pa ng pagsasanay


DILAW- higit 50 % ng konsepto ay nauunawaan
BERDE –naintindihan ang lahat ng konsepto at kayang magamit ang mga natutuhan

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


12
MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO

Panuto: Sa bahaging ito, ang bahaging pagkatapos lamang ang iyong sasagutan.
Balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago. Tingnan mo kung may kaibahan ang sagot mo mula sa “Bago
ang Pag-aaral” tungo sa “Pagkatapos ng Pag-aaral”. Gamitin mo sa bahaging ito ang papel na ginamit mo sa
Pagsasanay B.

Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos


Bakit mahalagang maunawaan at
pahalagahan ang Florante at Laura bilang
isang dakilang akdang pampanitikang
Pilipino?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Binabati kita! Natapos mo na ang mga gawain sa bahagi ng pagpapalalim. Inaasahang nagawa mong mapalalim ang
iyong pag-unawa tungkol sa akdang Florante at Laura at ang mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan sa ngayon.
Ang susunod ay ang katapusang bahagi ng modyul na ito kung saan inaasahang matupad mo ang panghuling gawain.
Muli tayong magkikita sa Ikapitong Linggo.

IKAPITONG LINGGO

Ang layunin mo sa bahaging ito ay makalikha at makatanghal ng isang talumpati na maglalahad ng mahahalagang
kaisipang tumatalakay sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan. Dito mo mailalapat ang lahat ng iyong natamong
pagkatuto sa mga nagdaang linggo at gawain.
Balikan mo ang pokus na tanong na “Bakit mahalagang maunawaan at pahalagahan ang Florante at Laura bilang
isang dakilang akdang pampanitikang Pilipino?”

Sa mga nagdaang linggo, nakagawa ka ng mga pangunahing preparasyon sa Andamyong Pagganap 1 at 2. At sa huling
linggo sa yunit na ito, isasakatuparan mo ang iyong lubos na pag-unawa at pagpapahalaga sa pamamagitan paglikha
at pagtatanghal ng isang talumpati na maglalahad ng mahahalagang kaisipang tumatalakay sa lipunang Pilipino sa
kasalukuyan.

PERFORMANCE TASK: PAGBUO NG ISANG SOCIAL MEDIA AWARENESS CAMPAIGN


Sitwasyon:
Ang buong mundo ay nahaharap ngayon sa isang malawakang pandemya. Para sa isang mahirap na bansa na tulad
ng Pilipinas, ito ay napakalaking hamon lalong-lalo na sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino. Ang
problemang hatid ng kasalukuyang kalagayang ito ay nagdudulot din ng matinding stress sa mga kabataang tulad
mo. Kaya naman, upang manatiling positibo ang pananaw ng mga Pilipino, ikaw at ang ilan pang kabataan ay
nagpasimula ng isang kampanya na may adhikaing iparamdam sa mga Pilipino ang mga pagpapahalagang natural
sa atin na tila nakakalimutan na dahil sa mga kinahaharap ngayong problema. Layunin ng inyong talumpati na
mabigyang solusyon ang suliraning kinakaharap ng ating lipunan pati na rin ang mahikayat ang mga Pilipino na
manatiling positibo at manatiling taglay ang mabubuting pagpapahalaga. Kaya bilang isang campaign speaker
ikaw ay naatasang makabuo at makapagtanghal ng isang talumpati o spoken word poetry na naglalahad ng
mahalagang kaisipang nauukol sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

Ang iyong pagtatanghal ay dapat kakitaan ng:


1. may kaugnayan sa mga isyung kinakaharap ng ating lipunan sa kasalukuyan
2. mabigyang solusyon ang suliraning kinakaharap ng ating lipunan
3. panghihikayat at pagpapahiwatig ng sariling paniniwala at pagpapahalaga
4. angkop na damdamin
5. mahusay na kakayahang komunikatibo

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


13
Gawain 11: Talumpating Handog
ANDAMYO SA PAGGANAP 3: PAGTATANGHAL NG ISANG TALUMPATI
Sa pagkakataong ito, maingat mong sundin ang mga sumusunod na hakbang para sa iyong lilikhain at itatanghal
na Talumpati.
Hakbang sa pagbuo ng isang talumpati o spoken word poetry:
1. Mag-isip ng isang isyung panlipunan na maaaring maging paksa ng iyong talumpati.
Halimbawa: Ang pagpapahintulot ng Face to Face classes sa piling paaralan ngayong darating na Enero.
Maaari mo ring maging paksa ang mga isyung hango sa Florante at Laura tulad ng kadakilaan ng Diyos,
katatagan sa buhay, pagtanggap o pagharap sa mga pagsubok, pagiging maingat sa pagpili ng kaibigan,
kapangyarihan ng pag-ibig, tamang pagpapalaki ng magulang sa mga anak, pagiging mabuting anak at
kabataan.
2. Mula sa iyong napiling isyu, bumuo ka ng isang panimula tungkol sa isyung iyong napili.
3. Ipakita mo sa iyong talumpati ang mga dapat gawin upang malutas at maiwasan ang suliraning ito. Upang
maging makatotohanan ang iyong itatanghal na talumpati o spoken word poetry, sumangguni at
magtanong sa taong may sapat na kaalaman sa isyung iyong napili, maaari ding magsaliksik sa
pinagkakatiwalaang website o di kaya’y makinig o manood ng balita.
4. Gumamit ng mga salita na naghihikayat upang maging kaakit-akit ang iyong itatanghal na talumpati.
Upang magawa mo ang iyong talumpati, may iba’t ibang uri ng midyum na maaari mong gamitin ito ay:
print media, broadcast media, o video technology.
a. Para sa print media
 Isulat o i-print lang ito sa isang malinis na bond paper ang iyong nilikhang talumpati.
b. Para sa broadcast media
 I-voice record ang iyong talumpating pagtatanghal at i-send na lamang sa messenger
account ng iyong guro. Siguraduhing hindi lalampas sa limang (5) minuto.
c. Para sa video technology
 Kunan ng video ang sarili habang nagtatanghal ka ng iyong talumpati. Sa katulad na
paraan, i-send ito sa messenger o G-mail account ng iyong guro. Siguraduhing hindi
lalampas sa limang (5) minuto.

SUSI SA PAGWAWASTO:
Panimulang Pagtataya
1. e 3. d 5. f 7. i 9. j
2. a 4. g 6. h 8. c 10. b
Pagsasanay A: Cartoon Analysis (marami pang posibleng sagot)
1. Sa unang larawan, ipinakikita ang pananamantala ng mga taong may kapangyarihan. Ginagamit nila ang kanilang
posisyon upang gipitin ang mga taong mahihirap at walang kalaban-laban.
2. Sa ikalawang larawan, ipinakikita ang kawalan ng hustisya at pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan, na ang
hustisya ay para lamang sa mga taong mamayan at nasa kapangyarihan.
3. Sa ikatlong larawan, ipinakikita ang pakikipaglaban ng ating mga magigiting na bayani sa mga mananakop upang
matamasa natin ang kapayapaang dapat nating matamo.
4. Sa ikaapat na larawan, ipinakikita ang kasawian sa pag-ibig na karaniwang nararanasan ng ilan sa atin lalong
higit ng mga kabataan ngayon.
Gawain 1: Mga Katangian Gawain 2: Kasaysayan Alamin natin
1. katapatan 1. 1858-1835 6. sang-ayon
2. katatagan 2. sang-ayon 7. sang-ayon
3. pagmamalasakit 3. sang-ayon 8. tuwiran – hindi tuwiran
4. pagtulong 4. sang-ayon 9. sang-ayon
5. pananagutan 5. sang-ayon 10. sang-ayon
Gawain 3: (Marami pang posibleng sagot)
1. Ang damdaming aking nahinuha sa katangian ng mga tauhan sa Florante at Laura ay magkahalong lungkot at saya dahil
ipinakikita niya ang tunay na katangian ng tao sa lipunan na hindi lahat ay maasahan at mapagkakatiwalaan.
2. Para sa akin, ang tauhang lubos kong naibigan ay si Aladin.
3. Ang katangian ni Aladin sa Florante at Laura ay naiiba sa lahat dahil handa niyang kalimutan ang galit sa isang tao sa
panahon na ito ay nangangailangan ng tulong at dapat tulungan tulad ng ginawa niya kay FLorante sa gubat.
4. Ang mga tauhan sa Florante at Laura na hindi ko naibigan ay sina Sultan Ali-Alab at si Konde Adolfo dahil sa pagiging
makasarili at sakim sa kapangyarihan.
5. Sa aking palagay, ang magiging takbo ng Florante at Laura ay masalimuot at masaya dahil sa napakaraming pagsubok
ang kanilang haharapin upang makamit ang tagumpay at pag-ibig na kanilang inaasam sa buhay.

FILIPINO 8// MGA PANITIKAN PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA // S.Y. 2021-2022


14

You might also like