You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO

Pagbasa sa Panahon ng Pandemya

Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paglinang ng talino at kaisipan. Sa


pagbasa, nagiging ganap na pagkatao ang isang nilalang dahil isa ito sa mga batayan sa
pakikipagkomunikasyon ng bawat isa.)
Sa gitna ng pandemya, mas nanaig ang determinasyon ng mga guro na walang isang mag-
aaral ang maiiwan sa larangan ng pagbasa. Mas nahikayat ang Departamento ng Edukasyon na
mas palawigin ang Pagbasa sa makabagong panahon dulot ng Covid-19. Hinikayat ng Kagawaran
ng Edukasyong ang libo-libong paaralan na magsagawa ng mga kakaibang gawain sa pagbasa.
Ang Nabunturan East District ay isa sa mga nahikayat na magsagawa ng mga programang
makatutulong sa mga mag-aaral na mapanatili ay yumabong ang kaalaman sa pagbasa. Ang
Nabunturan East District ay kinapapalooban ng apat na paaralan ng sekundarya. Manat National
High School, Mainit National High School, Cabidianan National High School at Kao National High
School. Ang mga paaralang ito ay nagsagawa ng mga Programang Pagbasa para sa ikauunlad ng
kanilang mga mag-aaral.
Isa sa mga programa ay tinatawag na Project Akyat-BiSa (bilang at basa). Ito ay
programang itinalaga ng mga guro sa Manat National High School. Bawat guro ay nagtulong
tulong na maisakatuparan ang pamamahagi ng mga kagamitan sa pagbasa, pagtataya sa mga
napabilang sa programa at higit sa lahat natulungan ang mga magulang na paunlarin pa ang
kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Bago naging matagumpay ang Project
Akyat-Bisa ay sumailalim muna ito sa mga ikinokonsidera ng Kagawaran ng Kalusugan. Ang mga
taong sangkot sa proyekto ay nagbigay mga mga sulat sa mga lideres ng bawat barangay, mga
sulat sa magulang kung aayon ba sila sa gagawing proyekto ng paaralan.
Ang pagbabasa ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat nating matutunan dahil
ito ang isa sa pinaka-epektibong paraan ng pagkuha ng impormasyon. Bukod dito, ang
pagbabasa ay maihahalintulad natin sa pagbibigay ng pagkain sa ating utak. Ito rin ay ang pag-
unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon sa tekstong
binasa. Sa madaling salita, isang malaking tulong talaga ang pagbibigay tuon ng mga
tagapamahala ng edukasyon ang inisyatibong kanilang ginawa para sa mga mag-aaral.
Nakaaantig puso ang ginawang sakripisyo ng mga guro na matulungan ang mga mag-
aaral. Hindi nila kalian man inisip ang peligrusong pakikipaglalaban sa isang kalaban na kayang
kumitil ng buhay. Mas nanaig ang kanilang determinasyon na magampanan ang kanilang
tungkulin para sa bayan.

GENESSA T. MIRANDA
Pandistritong Tagapag-ugnay sa Pagbasa sa Filipino
Nabunturan East District

Manat National High School


Manat, Nabunturan, Davao de Oro
School ID: 304195/E-mail address: manatnhs17@gmail.com

You might also like