You are on page 1of 2

Tukuyin ang:

a. Layunin ng pag-aaral Ang layunin ng pag-aaral upang alamin ang


antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga
mag-aaral sa primary sa tulong ng
“literature-based teaching.”

b. Suliranin ng pag-aaral Ang suliranin ng pag-aaral ay dahil ang


pagbasa ay isa sa mga kasanayang lubos
na
pinagtutuunan ng pansin sa mga
asignaturang umiikot sa pangwika at
pampanitikan, gayong ang pag-unawa sa
pagbasa naman ay kalakip ng kasanayan sa
pagbasa na nakakadagdag ng karunungan
sa paghubog ng mga mag-aaral lalo na sa
mga bata.

c. Metodo ng pag-aaral Gumamit ng maikling kwento ang mga mananaliksik bilang


instrumento sa mga
katanungang susukat sa kanilang
komprehensiyon. Ang katanungan ay
nahahati sa tatlong estratehiya ng
pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasang
may komprehensiyon ang una na dito ang
“prediction” o panghuhula, pangalawa ang
“making connection” o pag-uugnay, at ang
panghuli ay “summarizing” o paglalahat. Sila
rin ay nagsagawa ng malikhaing paglalahad
ng kuwento sa mga mag-aaral.

d. Resulta ng pag-aaral Ang naging resulta ng pag-aaral ay sa


kanilang edad(mag-aaral) ay nasasagot
na
nila ang mga katanungang tumututok sa
kanilang mas mataas na antas ng pag-unawa
na nakapaloob sa mga katanungang
panghuhula at paglalahat.

e. Konklusyon at Rekomendasyon Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang naging


konklusyon ng mga mananaliksik ay
mas mabilis mahubog ang komprehensiyon
ng mga mag-aaral kung gagamitan ng
literature-based teaching ang pagtuturo ng
panitikan sa kanila. Inirekomenda rin ng mga
mananaliksik na gamitin ang literature-based
teaching sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa
antas kindergarten at primarya. Sa
pamamagitan nito ay mas magkakaroon ng
interes ang mga mag-aaral na makinig at
makilahok sa talakayan.

You might also like