Professional Documents
Culture Documents
Ang salitang basal galing mula sa salitang “base” o “basic”. Karaniwan ay tinatawag na
“reading books” o “readers”. Ang Basal Readers ay mga maikling kwento kabilang na ang mga
librong pangindibwal para sa mga mag-aaral, librong gawa ng guro, workbooks at mga
pagsasanay at ebalwasyon para sa iba’t ibang yugto sa pagbasa. Para sa mga mas mataas na
lebel ng pagbasa ay kailangang gamitin ang mga aklat na inilimbag ng mga edukasyonal na
limbagan (halimbawa ay ang mga aklat na ibinibigay ng DepEd sa mga paraalan).
Ang pokus ng dulog na ito ay ang ituro ang pagbasa gamit ang mga aklat na dumaan sa
masusing pagsusuri at napatunayang epektibo sa pagtuturo at pagkatuto ng pagbasa. Maaring
ang pagtuturo ay sa pamamagitan ng code-emphasis approach o meaning-emphasis approach.
Code-emphasis Approach
Ang dulog na ito ay nakabatay sa phonemic awareness and decoding word attack skills.
Meaning-emphasis Approach
Mga Hakbang:
Ang pokus ay ang ituro ag pagbasa, maging ang pagsulat sa pamamagitan ng paggamit ng
mga sariling karanasan at naratibo ng mga mag-aaral. Sa dulog na ito ay mismong ang mga
bokabularyo ng mga mag-aaral ang gagamitin bilang kanilang reading materials. Maaari ding
gumamit ng mga larawan dito o mga karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang pamamasyal o
pagtatanim ng palay atbp.