You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

Mary Grace C. Detablan STA. MARIA –SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL


Quarter: 1st Quarter Grade Level: Grade VI
Week: Week 8 Learning Area: FILIPINO 6
Date: October 10-14, 2022 Section:
VI-Laurel M-TH 7:00 – 7:50

MELC: Nakapagbibigay ng sarili at maaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid F6PNla-g-3.1
Day Objectives Topic Classroom- Based Activities
1 Pagsulat ng Kuwento, Panimulang Gawain
(Lunes) Talatang Pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng
a. Paalala tungkol sa health and safety protocol
Nagpapaliwanag at b. Pagtsetsek ng Atendans
Nagsasalaysay c. Kumustahan
d.
A. Balik Aral ( Elicit )

Ang pamumuhay natin dito sa daigdig ay nababalot ng napakaraming pangyayaring


hindi natin inaasahan at bigla na lamang dumarating o hindi natin inaasahan. Tulad
ng bagyo, paglindol, pagputok ng bulkan at pagkalat ng sakit at marami pang iba.
Kaya ang kasanayan na makapagbigay ka ng sarili at maaaring solusyon sa isang
suliraning dumarating at naobserbahan ay napakahalagang sandata natin kung
paano ka makakaligtas sa mga ganoong uri ng problema o pangyayari. Ang araling
ito ay sadyang ginawa para sa iyo upang ikaw ay maginglaging handa, listo at
matatag.

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

B. Pangganyak ( Engage )
A O Z B N B
N N K A W A
O I A K Z K
D S T M L I
P A A N O T

(Tingnan sa Powerpoint)
Ano ang mabubuong salita sa puzzle?
1.
2.
3.
4
5.
C. Paglalahad ng Kasanayan at Pagtalakay ng Bagong konsepto ( Explore )

Ang mga mag-aaral sa Paaralang Bagong Pag-asa ay tumanggap ng mga kuwaderno


at bolpen mula sa puno ng lungsod ng Antipolo na si Kgwd. Angelito Arena. Ang
pamimigay ng mga gamit sa mga mag-aaral ay ginanap sa paaralang nabanggit
noong Hunyo 10, 2019 ganap na ika 9 ng umaga. Isinagawa ito upang makumpleto
ang kagamitan ng mga mag-aaral dahil karamihan sa kanila ay walang kakayahang
bumili ng gamit pampaaralan. Upang maging maayos ang pamamahagi ay
magkakasamang pinapila ang bawat baitang. Ang pasasalamat sa puno ng lungsod
ay pinangunahan ng punongguro, Dr. Ricardo de Guzman at Alfred Ardon, pangulo
ng klase.

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

(Tingnan sa Powerpoint)
Pagtalakay:
Tanong Pang-unawa:
1. Saan matatagpuan ang paaralan?
2. Ano ang mga binigay sa mga bata?
3. Sino ang nagbigay ng donasyon sa mga bata?
4. Kailan dumating sa paaralan ang mga donasyon gamit?
5. Paano binahagi sa mga bata ang donasyon?

D. Paglalapat ( Explore)

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa isang malinis na papel. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.
Diosdado P. Macapagal:
Ang Dakilang Ama ng Bayan
Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang aking
makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang aking
karanasan. Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako
noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Galing
ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga
magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulang pantanghalan sa
wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa
mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Kumikita siya
paminsan-minsan sa paglalabada. Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North
Diversion Road at South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

pamahalaan at ang pagtatatag ng Philippine Veterans Bank. Sumulat din ako ng mga
aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the Philippines noong 1976; Memoirs of a
President, A New Constitution for the Philippines at Land Reform in the Philippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang kapakanan ng
karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong
isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949- 1957. Tinagurian akong
“The Best Lawmaker” mula 1954-1957. Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi
hadlang ang kahirapan sa pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na
hangaring umunlad. 5 Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi
at araw na walang pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating
ang tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay maging
Pangulo ng Bansang Pilipinas

1.Mula sa kuwento, sino ang Dakilang Ama ng Bayan?


A. Jose Rizal C. Manuel L. Quezon B. Andres Bonifacio D. Diosdado Macapaga
2. Saan nagmula ang Dakilang Ama ng Bayan? A. Lubao Pampanga C. Laiya,
Batangas B. Lucena Quzon D. Calamba, Laguna
3. Kailan siya isinilang? A. Setyembre 22, 1910 C. Setyembre 11, 1911 B. Setyembre
28, 1910 D. Setyembre 25, 1911
4. Anong wika ng dulang pangtanghalan ang sinusulat ng kanyang ama? A. Bisaya b.
Tagalog C. Ilokano D. Kapampangan

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

2 Panimulang Gawain
(Martes) Pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng
a. Paalala tungkol sa health and safety protocol
b. Pagtsetsek ng Atendans
c. Kumustahan
Panlinang na Gawain:
E. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Pamumuhay at Paglalahat
( Elaborate )
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1

Diosdado P. Macapagal:
Ang Dakilang Ama ng Bayan
Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang aking
makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang aking
karanasan. Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako
noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Galing
ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga
magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulang pantanghalan sa
wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa
mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Kumikita siya
paminsan-minsan sa paglalabada. Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North
Diversion Road at South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng
pamahalaan at ang pagtatatag ng Philippine Veterans Bank. Sumulat din ako ng mga
aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the Philippines noong 1976; Memoirs of a
President, A New Constitution for the Philippines at Land Reform in the Philippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang kapakanan ng
karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949- 1957. Tinagurian akong


“The Best Lawmaker” mula 1954-1957. Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi
hadlang ang kahirapan sa pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na
hangaring umunlad. 5 Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi
at araw na walang pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating
ang tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay maging
Pangulo ng Bansang Pilipinas

1.Mula sa kuwento, sino ang Dakilang Ama ng Bayan?


A. Jose Rizal C. Manuel L. Quezon B. Andres Bonifacio D. Diosdado Macapaga
2. Saan nagmula ang Dakilang Ama ng Bayan? A. Lubao Pampanga C. Laiya,
Batangas B. Lucena Quzon D. Calamba, Laguna
3. Kailan siya isinilang? A. Setyembre 22, 1910 C. Setyembre 11, 1911 B. Setyembre
28, 1910 D. Setyembre 25, 1911
4. Anong wika ng dulang pangtanghalan ang sinusulat ng kanyang ama? A. Bisaya b.
Tagalog C. Ilokano D. Kapampangan
Gawain 2
Naranasan mo na bang magbasa ng kuwento? Ano-anong kuwento ang mga ito? Ang
pagbabasa ay isang paraan upang makakuha ng iba’t-ibang impormasyon at
kaalaman. Ikaw bilang isang mag-aaral ay maaari ding sumulat ng sariling kuwento.
Mula sa iyong sariling karanasan o anumang bagay na nakapukaw ng iyong interes.
Sa pamamagitan nito ay maipapahayag mo ang iyong pagkamalikhain. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

Gawain 3
Bumuo ng isang kwento mula sa nais mong paksa. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.

3
(Miyerkules)
4 Naipapahayag ang sariling Pagbibigay ng Solusyon Panimulang Gawain
(Huwebes) opinion o reaksiyon sa isang sa Isang Suliraning Pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng
napakinggang/ Naobserbahan sa Paligid a. Paalala tungkol sa health and safety protocol
nabasang balita, isyu o usapan b. Pagtsetsek ng Atendans
c. Kumustahan
Panlinang na Gawain:
E. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Pamumuhay at Paglalahat
( Elaborate )
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3
Ano ang maibibigay mong solusyon sa mga suliranin sa bawat sitwasyon? Isulat ang
iyong sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang polusyong dulot ng mga pabrika ay malaking pinsala rin. Ang mga usoknito ay
may carbon monoxidena kapag sumama sa water vapor ay magigingsulfuric acid.
Kapag umulan, ang sulfuric acid ay magiging acid rainnapumapatay sa kagubatan at
mga ilog.
2. Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa nakapaglalagos naang
matinding sikat ng araw sa ating daigdig. Nakaramdam na tayo ng labisna init. Ito rin
ay maaaring magdulot ng kanser sa balat at iba pang sakit atpagkasira ng
kabuhayan.
3. Maraming ilog at sapa ang tila wala nang silbi dahil wala nang isda at iba
pang laman-tubig ang nabubuhay rito. Patuloy silang nauubos dahil sa dumi
at basurang itinatapon sa ating katubigan.
4. Nanganganib namauubos ang mga ibon sa kagubatan dahil sa pang-aabusosa
kanila ng mga tao.
Address: San Pedro, Bauan, Batangas
(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

5. Walang kapayapaan at kaayusan ang Barangay Mahirop dahil karamihan


sakalalakihan ay uminom ng alak kaya’t talamak ang awayan at patayan dito.
6. Sa tuwing darating ang panahon ng tag-ulan, maraming kabataan at
magingmatatanda ang namamatay dahil sa pagkagat ng lamok na Aedes Egypti
nanagdudulot ng sakit na Dengue.
7. Maririnig sa balitang marami ang hindi sumusunod sa curfew hours kung
saan hindi na puwedeng lumabas ng bahay mula alas 8:00 ng gabi hanggangalas
5:00 ng umaga.
8. Ang daanan papuntang Quinayuya Elementary School ay mahirap lalong -lalona
tuwing panahon ng tag-ulan na nagdudulot ng disgrasya sa mga gurongnagtuturo
rito.
9. Sa aming barangay ay maraming galang aso na palaboy- laboy sa daan
kaya’tmarami ang nadidisgrasya at biktima ng pagkagat ng aso.
10. Panahon ng tag-init at walang pasukan. Ang mga tanim sa hardin ng
inyong paaralan ay unti-unting nalalanta at namamatay.
Gawain 4
Punan ng angkop na solusyon ang mga kahon kaugnay ng sinundang detalye.
Gawinito sa iyong kuwaderno.

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

Tandaan:
Ano ang dapat tandaan sa araling ito? Dapat mong tandaanna sa pagbibigay ng
solusyon sa suliranin ay:
Una alamin ang tunay na suliranin at ang pinagmulannito.
Pangalawa pag-aralan ang posibleng solusyon.
Pangatlo isipin ang taong makatutulongsa iyo upangmalutas ang suliranin.
Pang-apat isipin ang maaaring magiging kalalabasano kahihinatnan.
F. Patataya (Evaluate)
Panuto: Piliin ang nagpapamalas ng pagbibigay ng sarili at maaaring solusyon sa
suliraning naobserbahan sa paligid. Gawin ito sa inyong sagutang papel.Basahin ang
bawat sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang titik ngtamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel.

1. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa


langdahilan ng pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon
mosa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

2. Noong bata pa akoay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing


nagbabakasyonkami sa lugar ng lola ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-
uunahan sapaglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil
maitim na angtubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw.
A. Pabayaan na lang ito.
B. Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

C. Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.


D. I-reportsa opisyal ng barangay para mapagbawalan ang mga taong
ginagawang paliguan ng kalabaw ang sapa.
3. Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang
maaaring solusyon nito?
A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.
B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides napamatay sa lamok.

4. Ang buong mundo ay humaharap sa napakasalimuot na suliranin sa kalusugan


dahil sa paglitaw ngpandemic na sakit ang COVID-19. Alin ang maaaring solusyon
nito.
A. vaccine
B. paracetamol
C. halamang gamot
D. gamot sa ubo

5. Problema ang doble-dobleng pag-park ng mga sasakyan sa aming kalye. Ano ang
pinakamabuting solusyon nito?
A. Guhitan ang sasakyan ng kahit na anong tinta.
B. Magalit sa mga may-ari ng sasakyang nagpa-park sa kalye.
C. Huwag pansinin kasi wala ka namang sasakyang magpa-park.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking
area ang mga sasakyan.

6. Ipinapatupad na ang Enhance Community Quarantine sa ating bansa dahil


saepidemyang COVID-19. Isa saipinagbabawal ay ang paglabas ng kabataan perosa
kabila nito marami pa rin sa kanila ang hindi sumusunod at patuloy pa rinang
paglalaro sa labas. Ano ang pinakamabuting solusyon nito?

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

A. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.


B. Tingnan lamang sila para mapagalitan sila ng pulis.
C. Sasali sa kanilang paglalaro dahil nababagot ka na sa bahay.
D. Isumbong sa kinauukulan para magawan ng paraan at matuto silang
sumunod sa patakaran.
7. Mahilig kumain ng tsokolate ang iyong kapatid kaya lagi itong umiiyak dahil sasakit
ng ngipin. Ano ang mabuting gawin dito?
A. dalhin sa klinika
B. huwag pansinin
C. tawanan ang iyong kapatid
D. yayaing maglaro sa parke ng inyong lugar
8. Upod sindi ang lolo mo sa paninigarilyo. Isang araw dinala ito saospital dahil
siyaay nagkasakit at napag-alamang mayroon na itong sakit sa baga. Pagkalabas
ngospital nakita mong naninigarilyo pa rin siya ng patago. Ano ang iyong gagawin?
A. pagtawanan siya
B. isumbong sa pulis
C. bilhan ng maraming sigarilyo
D. isumbong sa nanay para mapagsabihan siya
9. Umiigib kayo ng tubig sabalon. Isangumaga kukuha ka na sana ng tubig
nangmaamoy mong may amoy gasolina pala ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Manahimik na lamang.
B. Umuwi agad at huwag na lang umigib ng tubig.
C. Humingi ng tulong para malinisan ang balon.
D. Ipatuloy ang pagkuha kahit na alam mong amoy gasolina ang tubig.
10. Nagkaklase ang iyong guro sa Filipino 6 nang biglang sumakit ang
iyong tiyan. Ano ang iyong gagawin?
A. Lumabas na hindi nagpapaalam sa guro.
B. Magpaalam nang maayos sa guro.
C. Magpaalam sa iyong kaklase na ikaw ay lalabas.
D. Hintaying hindi tumitingin ang guro at saka kumaripas ng takbo palabas

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

ng silid aralan.

5 Naipapahayag ang sariling Pagbibigay ng Solusyon Portfolio Making


(Biyernes) opinion o reaksiyon sa isang sa Isang Suliraning Isulat sa maliliit na ulap ang maaaring mga suliraning naoobserbahan sa iyong
napakinggang/ Naobserbahan sa Paligid paligid. Piliin ang iyong sagot sa ksunod na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.
nabasang balita, isyu o usapan

Prepared by:

MARY GRACE C. DETABLAN


Teacher III
Checked by:
ORSALINA M. DELA CRUZ
Address: San Pedro, Bauan, Batangas
(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
STA.MARIA-SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, BAUAN, BATANGAS

Master Teacher 1
Noted

RIANITA S. PASIGPASIGAN
Principal III

Address: San Pedro, Bauan, Batangas


(043)461-3620
 sta.maria_elemschool@yahoo.com/107281@deped.gov.

You might also like