You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Schools Division Office


J JUSTICE CECILIA MUÑOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL
Amlac Ville, Payatas B, Quezon City
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
Taong Panuruan 2019-2020

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
 Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
 Anumang uri ng pagbubura ay kinukonsoderang mali.

1. Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng


katotohanan gamit ang iba’t-ibang batis ng kaalaman.
A. Pananaliksik B. Pag-aaral C. Pakikipanayam D. Obserbasyon
2. Ano ang layunin sa pagbubuo ng isang balangkas?
A. Malagom ang lahat ng tinalakay sa katawan ng saliksik.
B. Maorganisa ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod sunod nito.
C. Maipaliwanag ang pangunahig kaisipang nais bigyang- diin.
D. Makagawa ng isang lohikal at konkretong pagkakasunod sunod ng mga ideyang kailangang
isali sa bubuuing sulatin.
3. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang alang sa pagpili ng paksa maliban sa
A. interes at kakayahan C. Kabuluhan ng Paksa
B. limitasyon at panahon D. kasalukuyang kaganapan o isyu
4. Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa pagsasagawa ng
pananaliksik upang maipahiwatig ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik.
A. Layunin B. Metodolohiya C. Rationale D. Inaasahang Bunga
5.Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik .
A. Layunin B. Metodolohiya C. Rationale D. Inaasahang Bunga
6. Nakasaad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto.
A. Metodolohiya B. Mga sanggunian C. Inaasahang Bunga D. Kahalagahan
7. Nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin at nagbibigay ng ideya sa mambabasa
tungkol sa lawak ng pagtalakay sa paksa.
A. Tesis na Pahayag B. Konseptong papel C. Lagom D. Abstrak
8. Uri ng graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa
pamamagitan ng susing salita na akraniwang nasa loob ng mga hugis.
A. Balangkas Konseptwal B. Mapa ng konsepto C. Balangkas teoretikal D. Venn Diagram
9. Unang dapat puntahan upang mangalap ng impormasyon.
A. Internet B. Computer Shop C. Silid-aklatan D. OPAC
10. Pangunahing paraan ng pangangalap ng datos sa siyentipikong pananaliksik.
A. Silid-akalatan B. Obserbasyon C. Pakikipanayam D. Internet
11. Pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian sa silid-akalatan.
A. Catalog B. Obserbasyon C. Pakikipanayam D. OPAC
12. Isinasagawa ito upang kumalap ng impormasyon mula sa isang tao o pangkat na itinuturing na awtoridad o
nakakaalam tungkol sa paksang nais talakayain.
A. Card Catalog B. Panayam C. Obserbasyon D. Silid-aklatan
13. Sa uri ng katalogong ito, nakalista nang paalpabeto ang pamagat ng lahat ng sanggunian.
A. Katalog ng Awtor B. katalogo ng Paksa C. Katalogo ng PamagatD. Notecard
14. Pinakpraktikal na paran ng pagkalap ng datos lalo na sa makabagong panahon ng teknolohiya.
A. OPAC B. Katalogo C. Internet D. Panayam
15. Isang paraan upang makuha, masuri at mabigyang-kahulugan ang pananaw ng mga taong pinag-aaralan o
inoobserbahan.
A. Silid-aklatan B. Panayam C. Obserbasyon D. Sarbey at Talatanungan
16. Paraan ng maayos na paghahayag ng mga ideyang nakuha mula sa ibang sanggunian.
A. Pakikipanayam B. Obserbasyon C. Sarbey at Talatanungan D. Pagtatala
17. Uri ng Pagtatala kung saan kinukuha mismo ang pananalita ng orihinal na teksto mula sa sanggunian.
A. Buod B. Abstrak C. Precis D. Direktang-sipi
18. Inilalagom rito ang mahahalagang punto ng teksto at ilang suportang detalye.
A. Abstrak B. Buod C. Hawig D. Pagsasaling-wika
19. Hindi personal na interpretasyon ng isang akda o ekspresyon ng saloobin.
A. Hawig B. Pagsasaling-wika C. Precis D. Abstrak
20. Paglilipat mula sa orihinal na anyo ng wika patungo sa ibang wika.
A. Abstrak B. Hawig C. Precis D. Pagsasaling-wika
21. Muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananlita upang mas madaling maunawaan.
A. Abstrak B. Hawig C. Precis D. Pagsasaling-wika
22. Listahan ng mga paghahanguan ng impormasyon na gagamitin sa pananaliksik.
A. Tentatibong Balangkas C. Tentatibong sanggunian
B. Tentatibong Bibliograpiya D. Konseptong papel
23. Bakit kailangang gumawa ng tentatibong balangkas?
A. upang maitla ang lahat ng pubiikasyong maaring gamitin sa pangangalap ng mga datos.
B. upang maitala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa publikasyon para sa paghahanda
ng bibiiograpiya
C. upang madaling mahanap ang sangunian kung nais muling sulatin.
D. upang mapadali ang pagsusulat sapagkat magsisilbing gabay nag balangkas sa
direksyong patutunguhan
24. Balangkas na gumagamit ng numerong Arabik bilang pananda sa iba’t ibang balangkas.
A. Balangkas na gumagamit ng titik at bilang. C. balangkas na Pangungusap
B. balangkas na Decimal D. Balangkas na Paparirala
25. Unang hakbang sa pagsulat ng kabuuang nilalaman ng Pananaliksik.
A. Burador B. Tentatibong Balangkas C. tentatibong sanggunian D. Balangkas
26. Isa sa kabutihang dulot ng pagsulat ng burador ay
A. Nagsisilbing gabay sa proseso ng pagsulat
B. pagkakaroon ng pagkakataon at panahon na mapag-uukula ang pagpapabuti ng pananaliksik.
C. Nalilinang ang kasanayan ng mananaliksik o manunulat na maging bihasa at mapanuri sa
nilalaman ng sulatin.
D. Natutukoy ang hangganan ng bawat ideyang nakapaloob sa sulatin.
27. Ang mga sumusunod ay Gabay sa Pagsulat ng Burador maliban sa
A. gumamit ng wastong dokumentasyon.
B. tipunin at organisahin ang mga notecard.
C. gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto sa pagtalakay ng mga ideya.
D. talakayin ng husto ang paksa na sasaliksikin.
28. Matatagpuan sa ibabang bahagi ng pahina kung saan nakasulat ang mga sanggunian, komento at iba
pang impormasyonng binabanggit sa loob ng teksto.
A. Notecard B. MLA C. APA D. Talababa
29. Sa bahaging ito sinusuri at kinikilatis kung kumpleto na nag mga ideyang inilakip at kung
nasunod ang pamantayang inilatag.
A. Tentatibong Balangkas C. Unang Burador
B. Tentatatibong Bibliograpiya D. Pinal na Burador
30. Salitang Latin na nangangahulugang “kapareho.”
A. Ibid B. Idem C. Opere citato D. Loco citato

Para sa 31-33

Basahin ang talata at suriin ang balangkas. Pagkatapos ay sagutan ang mga kaugnay na tanong.

Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ag sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget
tulad ng smartphone, tablet at IPad. Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang
pinakbatag digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang IPad ng kaniyang
magulang. Sumailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa
London matapos kakitaan ng withdrawl symptom na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alcohol at droga.
Gagastos ng 16,000 pounds o halos 1 milyong piso para sa digital-detox program,

I. Adiksiyon sa Digital Gadget


A. Nakaaapekto sa kalusugan ng isang bata
1. digital games
` a. Smartphone, tablet, IPad
II. Digital Detox Program
A. digital withdrawal symptoms
B.Gagastos ng halos 1 milyon para sa detox program

31. Batay sa balangkas, ano ang pinakamahalagang ideya nito?


A. adiksiyon sa digital gadget C. digital games
B. digital detox prigram D. digital addict
32. Batay sa balangkas, alin ang mas mahalagang ideya?
A. digital games C. digital withdrawal symptoms
B. digital detox program D. aabot ng 1 milyon ang gastos
33. Batay sa balangkas, alin sa sumusunod ang nasa maling dibisyon?
A. digital games C. adiksiyon sa digital gadget
B. smartphone D. nakaapekto sa kalusugan
Para sa bilang 34-35
Piliin ang titik na nagpapakita ng tamang pagkakasunud sunod ng mga pahayag ayon sa mga
bahagi ng konseptong papel.
34. A. Nagkakainteres ang mga mamamayan sa football sa Pilipinas.
B. Lilinawin kung paano matutulungan ang larangan ng isports.
C. Isasama ang apendiks
D. Magsasaliksik ukol sa kasaysayan ng isports sa Pilipinas.
A. D-C-B-A B. A-B-C-D C. B-C-D-A D. A-B-D-C
35. A. Magtanong sa mga doktor at sikolohista.
B. Aalamin ang dahilan ng bangungot
C. naobserbahang marami ang namamatay sa bangungot
D. Bubuo ng questionnaire
A. C-D-A-B B. C-B-A-D C. B-C-A-D D. B-C-D-A
Para sa bilang 36-40, tukuyin kung anong pamamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy sa sumusunod na
aytem.
A- Sarbey C- Dokumentaryong Pagsusuri
B- Pakikipanayam D- Obserbasyon
36. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali at interaksyion ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.
37. Ang tagumpay ay batay sa husay ng sampling o pamimili ng representatib ng isang tiyak na populasyon.
38. Naglalayong kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang taong may personal na
pagkaunawa sa paksa.
39. Maaaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media, pampublikong tala, biyograpiya, panitikan at
katitikan ng pulong.
40. Nakikisalamuha at nakikisali sa karanaiwang proseso ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad ang
mananaliksik.
41.
A. paglilista B. pagsusuri C. tabulation D. tallying
42. Ito ang bahagi ng pananaliksik na kinapapalooban ng presentasyon at pagsusuri ng mga datos.
A. Kaligiran ng Pananaliksik C. Metodolohiya at Pamamaraan
B. Konseptwal na Balangkas D Resulta at Diskusyon
43. Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon, pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos?
A. Dahil pinakamahaba ito
B. Dahil dito ipinakikita ang mga talahanayan at dayagram
C. Dahil ito ang nagpapakita ng mga bagong impormassyon at pagsusuri na ambag ng mananaliksik sa
pagbuo ng kaalaman.
D. Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng mananalikik ang mga tungkulin niya.
44. Ano sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?
A. Ang mga talahanayan,grap o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmumulan ng talakayan.
B. Ang opinyon, pananaw ng mananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan.
C. Ang impormasyon galing sa ibang pag-aaral at literatura ang pinagmumulan ng talakayan.
D. Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan.
45. Sa kabanatang ito matatagpuan ang layunin ng pag-aaral.
A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV
46. Sa bahaging ito makikita ang pangalan ng may-akda paksa at petsa ng pagsusumite.
A. Pahina ng Pamagat B. Talaan ng Nilalaman C. Apendiks D. Bibiliograpiya
47. Sa kabanatang ito matutunghayan ang kongklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.
A. Kabanata II B. Kabanata III C. Kabanata IV D. Kabanata V
48. Sa kabanatang ito makikita ang disenyo at paraan ng pananaliksik.
A. Kabanata I B. Kabanata III C. Kabanata IV D. Kabanata V
49, Sa kabanatang ito nakalahad ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral.
A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV
50. Sa kabanatang ito, nakalahad ang layunin ng pag-aaral.
A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV

PAGSUSULIT SA IKAAPAT NA KWARTER
GRADE 11 – PAGBASA AT PASGUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
SY 2019-2020

A. SUSI NG WASTONG SAGOT

1. A 11. D 21. B 31. A 41. D


2. D 12. B 22. B 32. B 42. D
3. D 13. C 23. D 33. A 43. C
4. C 14. C 24. B 34. D 44. A
5. A 15. D 25. ` A 35. B 45. A
6. C 16. D 26. B 36. D 46. A
7. A 17. D 27. D 37. A 47. D
8. B 18. B 28. D 38. B 48. B
9. C 19. C 29. D 39. C 49. A
10. B 20. D 30. B 40. D 50. A

B. Talahanayan ng Ispesipikasyon

Nilalaman/Paksa Bilang ng Item


1. Ang Pananaliksik at mga Hakbang 1, 2
2. Pagpili at paglimita ng paksa 3
3. Pagbuo ng Konseptong papel 4-6, 34, 35
4. Pagbuo ng Tesis na Pahayag 7-16, 36-40
5. Pagtatala sa Notecard 17-21
6. Paghahanda ng tentatibong Bibliograpiya 22
7. Pagsulat ng tentatibong Balangkas 23-25, 31-33
8. Pagsulat ng burador at Pagbuo ng Pinal na Burador 26-30, 41-50

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Kompetensi BIlang ng Aytem


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng 1, 4-22, 24, 29,30, 36-40,
pananaliksik. 41, 42, 45-50
2. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng 2, 25, 27
isang pananaliksiksa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik.
3. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya 3, 23, 26, 31-35, 43, 44
sa pagsulat ng isang pananaliksik

Kabuuan 50 Aytem

Inihanda ni:

Bb. Ma. Monica S. Siapo


Guro sa Filipino

Itinala ni :

Gng. Romelita C. Tumaneng


Assistant Principal

Inaprubahan ni:

Dr. Agapito T. Lera


Principal IV

You might also like