You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Oriental Mindoro

DAILY LESSON LOG


Guro MICHELLE M. MELENDREZ Asignatura FILIPINO SA PILING
LARANG

Petsa, Baitang, Seksyon at March 4, 2022 Taunang 2021 – 2022


Oras 12- ABM STEVE JOBS -7:30-8:30 Pagtuturo

Semestre Una

Markahan/ Ikalawa
Kwarter
Pamantayang Pangnilalaman Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin(Larawang
Sanaysay)
.
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin .
(Larawang Sanaysay )
Kasanayang Pagkatuto Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika.
CS FA11/12WG-Op-r-93
Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na photo essay.
Nakasusulat organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.
Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagsulat ng sanaysay sa tulong ng mga larawang
nabuo.

I. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Photo Essay
B. Sanggunian
Julian Aileen B. at Lontoc , Nestor S.2016). Pinagyamang Pluma ,Filipino sa Piling
Larang (Akademik).Phoenix Publishing House
C. Kagamitan papel, panulat, power point,.larawan,magazine
D. Estratehiya Pagkatutong Sama -sama , Pagsusuri ng Larawan, Think Pair Share
II. PAMAMARAAN
A. Panimula 1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng Klase
KRA# 2 /OBJECTIVE# 5/
3. Paglalahad ng mga paalala hinggil sa mga tuntunin sa silid -aralan at
INDICATOR #4
pagususot ng face mask at paggamit ng alcohol at ilan pang covid related
safety protocols.

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
4. Pagtsetsek ng attendance.

B. Balik - Aral Ang guro ay magpapakita ng mga katanungan batay sa nakaraang aralin.
(Powerpoint quiz bee)
C. Paghahabi ng layunin GAWAIN 1
sa aralin Panuto: Magpapakita ng larawan ang guro sa mga mag-aaral. Tutukuyin ng mga
mag –aaral ang paksa na isinasaad ng larawan. ( 4 na larawan 1 kaisipan )
KRA#1 / OBJECTIVE #4/

INDICATOR #3

K___H___R__ A

___ ____S____O

P__N__ __M__A

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano – ano ang mga kaisipang nabuo mula sa mga larawang nakasaad?
2. Paano makabubuo ng mga kaisipan gamit ang mga larawan ?
D. Pag – uugnay ng Iuugnay ng guro at mag-aaral ang gawain sa paksang tatalakayin batay sa nabuong salita
halimbawa sa bagong mula sa gawain 1.
aralin
E. Pagtalakay sa bagong “Photos are return ticket to a moment otherwise gone”
aralin at paglalahad -pagbibigay kahulugan
ng bagong kasanayan
Sanaysay- naglalahad ng pananaw o kuro-kuro ng may akda
Photo Essay o Larawang Sanaysay
Ito ay koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng
pagkakasunod sunod ng mga pangyayari ,magpaliwanag ng partikular na konsepto
o magpahayag ng damdamin

-isang uri ng artikulong pang edukasyon


-kumbinasyon ito ng potograpiya at wika

Dalawang Sangkap ng Larawang Sanaysay


A. Larawan
B. Teksto
GAWAIN II - SALARATA (Sayaw,Larawan,Salita)
KRA #1 / OBJECTIVE #
1/ INDICATOR #1 A.Panuto: Ang mag-aaral ay sasayaw at iikot palibot sa mga larawan kapag tumigil ang
musika ay pipili ng larawan at bibigyan ng caption. Ang mag-aaral na walang mapipiling
larawan ay aalisin sa grupo.

B. PAGTALAKAY SA ARALIN
KRA #1 / OBJECTIVE #3 / Ang mga mag-aaral ay inaasahang makikilahok sa talakayan hinggil sa nakasaad
na paksa gamit ang sariling wika gayundin ang wikang Ingles.
INDICATOR 2
Elemento ng Larawang Sanaysay

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
1. Dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na artikulo.
2. May iba’t ibang varayti ang mga larawan (anggulo o portrait)
3. Pagkakasunod-sunod ng ayos ng mga larawan .kronolohikal
4. Larawang may impormasyon at emosyon .
5. Paglalarawan o caption

URI NG MGA LARAWAN


A .Pangunahing larawan o Lead Photo
B .Eksena o Scene
C. Portrait o Tauhan
D. Detalyeng Larawan o Detail Photo
E. Signature Photo

Dapat Isaalang –alang sa Paglikha ng larawang


sanaysay o photo essay

Pumili ng Paksa Kronolohikal

Kaugnayan sa isa’t isa


Magsagawa ng
Pananaliksik

Isaalang –alang ang kawilihan at


uri ng mambabasa

GAWAIN II – Indibidwal na Gawain


Panuto : Isulat ang mga hinihinging hakbang upang makalikha ng isang larawang
sanaysay.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang Sanaysay

1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
4. ___________________________________________
5. ___________________________________________
KRA#2 /OBJEACTIVE # 7 /
GAWAIN III
INDICATOR #6 Panuto : Pangkatang Gawain:
1. Ipapangkat ang klase sa apat na grupo.

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga larawan na may iba’t ibang paksa ayon sa
kakayahan ng mag-aaral.Mula sa larawang ibinigay, tutukuyin ang ipinapahayag ng
bawat larawan upang makabuo ng isang tiyak na paksa at makalikha ng isang
larawang sanaysay o photo essay.Lagyan ng pamagat.

Pangkat A PAMAGAT

Pangkat B -Indigeneous na Grupo PAMAGAT

KRA #3 / OBJECTIVE #10/

INDICATOR #9

Pangkat C PAMAGAT

Mag-aaral pakikilahok

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Pagsisikap tagumpay

Pangkat D-
KRA#3/ OBJECTIVE #9/ Ang pangkat D ay lilikha ng larawang sanaysay sa pamamagitan ng powerpoint
presentation. Ang paksa na tatalakayin ay tungkol sa “Climate Change”
INDICATOR 9

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

NILALAMAN
-Naipaliwanag at naibigay ng buong husay 10
ang konseptong hinihingi ng takdang paksa
PRESENTASYON
-Maayos na naiuulat at maliwanag na
naipapaliwang ang bawat larawan ayon sa 5
kaisipang nakaploob

PAGKAMALIKHAIN
-Naipapamalas ang kasiningan sa paglalahad
ng larawang sanaysay 5

KABUUAN 20 PUNTOS
F. Paglinang sa 1. Pagpapakita ng pangkatang gawain.
Kabihasaan 2. Pagbibigay ng input ng guro at mag-aaral sa gawain.

G. Paglalapat ng Aralin
KRA #2 / OBJECTIVE#6/ Panuto:Pumili ng kapareha (Think ,Pair, Share ) . Gumupit ng apat na larawan mula
sa lumang magasin. Idikit ito sa papel. Sikaping makabuo ng kuwento gawing
INDICATOR #5 malikhain. Lapatan ng caption at isulat ito sa ibaba ng mga larawan.
\

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
PAMAGAT

RUBRIK SA PAGSULAT NG PHOTO ESSAY

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang kahalagahan ng kaangkupan ng mga larawan upang maging mabisa
ang paghahatid nito ng mensahe sa mga mambabasa?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto : Bilugan ang titik ng tamang sagot.


(Pasulat) A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang photo essay ay koleksyon ng mga –
A. Larawang maingat na inaayos upang makapagsasalaysay ng mga pangyayari.
B. Larawang inaayos nang sunod-sunod
C. Larawang inaayos nag mabuti upang ma glahad ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari

2. Ito rin ay kasintulad ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga –


A. Teknik sa pagsasalaysay
B. Paraan ng paglalarawan
C. Kasangkapan sa paglalahad

3. Sinasabing ang isang larawan ay katumbas ng –


A. Puno ng mga saloobin
B. Maraming saysay
C. Sanlibong salita

4. Isa ito sa mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng isang photo essay-


A. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa
B. Huwag alamin kung sino ang mambabasa
C. Maaaring gumamit ng abstraksiyon sa presentasyon ng mga larawan

5. Ang mensahe ng photo essay ay makikita sa –


A. Mga serye ng larawan
B. Mga pagkakasunod-sunod na teksto
C. Mga komento ng mambabasa

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
J. KASUNDUAN (Larawan mo !Ibida mo! )
PANUTO :Magpost sa inyong social media account tulad ng facebook o
Instagram ng sarili ninyong kuhang larawan at lagyan ng kaisipan o caption
upang makalikha ng isang photo essay.
(I screenshot ito at ipasa sa guro)

III. PAGNINILAY
1. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
2. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

3. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakauunawa sa
aralin.

4. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

5. Alin sa mga estratehiyang


panturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatutulong?
6. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?
7. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: MICHELLE M. MELENDREZ


Guro II

KRA #2 / OBJECTIVE #8
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
INDICATOR# 7 No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Contact
Sinuri ni: JENIE V. QUINZON
Dalubguro II

Itinala ni: JOSIE R. PANAGSAGAN


Punongguro III

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
GAWAIN#6
Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga gabay sa pagbasa at pagsusuri ng mga teksto sa iba’t ibang
disiplina.
1. Kritisismo at Ebalwasyon ng Teksto
2. Tukuyin ang Pangkalahatang Layunin at Istruktura ng Teksto
3. Suriin ang teksto sa kabuuan nito
4. Basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay pagtuunan ng pansin ang
paraan ng pagsulat at presentasyon.

GAWAIN#7
Panuto: Tukuyin ang mga halimbawang teksto kung saan uri ito kabilang.
1. Rustom Padilla – BB Gandanghari na ang bagong pangalan

Maraming nakisimpatya kay Rustom Padilla noong aminin na niya sa publiko ang
tunay niyang kasarian. Naunawaan ng mas nakararami ang kaniyang katwiran na
napakahirap magpanggap.
Napakahirap kumilos-lalaki, samantalang pusong-babae naman ang mas
nagmamando sa buo niyang pagkatao.
Mula sa pamilya ng mga barako si Rustom. Action star si Robin Padilla, kilalang
babaero at nakikipagbarilan sa mga pelikula nito.
Aktor/pulitiko naman si Rommel Padilla, isang action star din na nakikipag-
upakan sa mga goons.
At si Royette hindi man masyadong nag-aartista ay lagi namang laman ng mga
pahayagan sa mga basag-ulong kinasasangkutan niya.
Ganoon kabrusko ang mga kapatid ni Rustom pero mula pala sa bruskong
pamilya ay mayroong isang rosas, ang matagal na kumimkim ng tunay niyang kasarian
na si Rustom.
Tinanggap iyon ng publiko noon. Inunawa ng ating mga kababayan ang kaniyang
sitwasyon – pinagpistahan ang kaniyang istorya hanggang sa maging ordinaryong isyu na
lang ang kaniyang pag-amin.
2. May mga gabing buhat sa mababaw na pagkakataon ay biglang napapabangon si
Aling Pura, at mabanayad ang paglakad na waring nangangambang makalikha ng kalatis

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
ay tutunguhin ang silid ng kanyang anak, at kakapain ang switch ng ilaw. Sa sandaling
magliwanag at matagpuan na walang laman ang hihigan ay kukusutin ang mga mata na
tila di makapaniwala at mapapabuntung-hininga.
3. (Kolum) Husgahan Natin
Special economic zones: Solusyon o problema?
By Atty. Remigio D. Salvador Jr. – June 27, 2010.
Nitong nakaraang linggo ay naging panauhin ako sa sa isang pagpupulong ng mga
manggagawa na nagtatrabaho sa loob ng mga Special Economic Zones. Tinalakay sa
nasabing pulong ang kanilang kalagayan sa halos dalawang dekada ng pananatili ng mga
Special Economic Zones (ecozones) dito sa ating bansa.
Ang batas tungkol sa mga ecozones (Republic Act 7916) ay ipinasa noong 1995.
Inaasahan ng pamahalaan na sa pagtatatag ng mga ecozones o enklabo ay dadami ang
foreign investors o dayuhang mamumuhunan dito sa atin. Sa pagdami ng foreign
investors ay inaasahan ang pagdami ng trabaho para sa ating mga manggagawa at
paglago ng ating foreign exchange.
Bukod pa rito ay mabibiyayaan din tayo sa mga bagong teknolohiya na dala ng
mga kompanyang itatayo ng nasabing mga mamumuhunan at matututo ng bagong
kaalaman sa trabaho ang ating mga manggagawa.
Sa ngayon ay mayroon nang 211 special economic zones sa bansa. Mula 1995
hanggang 2008 ay tinatantiyang umabot sa P1.37 Trilyon ang pumasok sa foreign
investments sa mga ecozones o enklabo. Mula 1995 hanggang 2003 ay tinatantiyang
nawalan din ng P65.65 Bilyon ang pamahalaan dahil sa tax incentives na ibinigay nito sa
mga dayuhang kompanya sa loob ng ecozones.
Ngayon, ang tanong ay ganito: Nagdulot ba ito ng kaginhawaan sa ating mga
manggagawa at kaunlaran sa ating bansa?
Ang sagot ay hindi.
Pangunahing suliranin pa rin natin ang kakulangan sa trabaho. Sa ngayon ay
tinatantiyang 33 milyon sa 40 na milyong manggagawa sa bansa ang walang trabaho o di
kaya ay nangangailangan nang dagdag pang trabaho. Sa madaling sabi, hindi naibsan ng
mga ecozones ang kakulangan ng trabaho dito sa ating bansa.
4. Written by Joey Venancio
Sunday, 30 August 2009 00:06
Nakabibilib si Noynoy, pero hindi pa panahon para tumakbo siyang presidente.
Hindi sa iginiit ko si Senador Manny Villar na iboto ng karamihan sa mga
Pilipino. Pero sa tingin ko ay siya ang mas may higit na kakayahan at karanasan sa mga
presidentiables para maging lider ng mahigit 90 milyon Pilipino.
Dahil si Villar, na dating nakatira sa masikip na lugar ng Moriones, Tondo ay
napatunayan na niya sa kanyang sarili ang magpalaki ng negosyo. Pangsiyam siya

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
ngayon sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas na mayroong tinatayang P25 bilyon
assets. Siya ang pinakamayaman sa mga senador.
Napatunayan na rin niya sa kanyang sarili ang mamuno sa kongreso nang maging
House Speaker siya noong siya’y kongresman. At napatunayan niya na rin ito sa Senado
nang maging Senate President siya, bago siya pagkaisahan ng administration Senators
nang pumutok ang balitang tatakbo siya sa pampanguluhan sa 2010.
5. ANGELITO BANAYO (http://atbanayo.blogspot.com)
Bakit si Noynoy?
MONDAY, MAY 3, 2010
Ito ang huling pitak ko para sa pahayagang Abante bago maghalalan sa parating
na Lunes, ikasampu ng Mayo. Sa mga pitak ko nitong nakaraang mga buwan, malinaw na
kontra ako na maging pangulo si Manny Villar. Ito’y hindi dahil sa anumang personal na
dahilan, gaya ng sinusumbat ng iba tulad ng : (1) hindi raw kasi ako kinuha ni Villar; (2)
dala ko lang raw ang alitan ni Ping Lacson na aking kaibigan kay Manny Villar at mga
kasamahan nitong tulad ni Alan Cayetano.
Sa totoo lang, inalok ako noon pang 2008 ng kaibigan kong si Rep. Ronny
Zamora ng San Juan na sumama na at tumulong kay Villar, sa pagnanais nitong maging
pangulo ng Pilipinas. Tumanggi ako, una, dahil tumatakbo pa noon sa pagkapangulo si
Lacson; at pangalawa, dahil hindi ako kailanman “bumilib” kay Villar. Maging noong
siya’y Speaker at lalo na nung minadali niyang ipa-impeach si Pangulong Estrada.
Kapag ipinagtahi-tahi ko ang aking mga nalalaman noong ako’y Presidential
Adviser on Polical Affairs ni Erap, hanggang sa naging consultant ni Lacson at bilang
manunulat at tagamasid ng mga pangyayari sa ating bansa, sadyang wala akong nakitang
anumang galing o katangi-tanging ugali itong si Villar, liban na lang sa simpatiya na
di umano’y nanggaling siya sa hirap at umasenso dala ng “sipag at tiyaga”. Nang
mapag-alaman ko batay sa malinaw na mga ebidensiya na inabuso niya ang
kapangyarihan upang lalong magpayaman, na malimit kong isulat sa pitak na ito, lalong
namuo sa aking isipan at damdamin na hindi dapat maging pangulo si Villar
6. Ang Pananakop
Ang Pilipinas ay bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ito ay
napapaligiran ng iba’t ibang anyong tubig. Dahil sa lokasyon at taglay nitong kayamanan,
tunay nga namang umakit ito ng atensyon sa mga karatig na mga bansa tulad ng Espanya,
bansang Hapon at Amerika. Ang bansa ay nagtataglay ng mga kayamanan na
humihikayat sa mga dayuhan. Oo, patuloy itong sinakop at inangkin ang kalayaan ng
mga banyagang mananakop.
Kung ating iisipin bagama’t ang bansa ang ating mga ninuno ay naisailalim ng
iba’t ibang pamamahala. Tinaglay ng ating kasaysayan ang dalawang uri ng

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
impluwensiyang dulot ng pananakop. Impluwensiyang di na mabubura sa buhay at
kultura ng ating lahi.
Makikitang sa simula talagang naghirap ang mga ninuno natin sapagkat itinuring
silang mga alipin sa sariling bayan. Totoong marami sa kanila ay inalipusta, inagawan ng
ari-arian at pinagsamantalahan sa panahon ng mga Kastila. Mangyari pa naging sunod-
sunuran sila sa lahat ng gawain o iutos sa kanila. Walang nagawa ang mga ito gustuhin
man nilang lumaban sapagkat di sapat ang kanilang sandata laban sa mga manlulupig
kung kaya’t walang pakundangang sinamanala ng mandarayuhan.
Sa kabilang dako, matapos ang kahirapan at pang-aaping naranasan ng mga ito sa
ipinakikilalang Kristiyanismo sa bansa. Hindi lang iyon kundi totoo rin silang nagkaroon
ng pormal na edukasyon na siyang pinakakontribusyon ng mga Amerikano sa ating
bansa. May mga negatibong impluwensya din sila tulad ng ugaling manyana habit at
ningas kugon. Kung ating pagbabalik-tanawin ang mga pangyayaring ito, sana’y hindi na
ito muling nangyari pa sapagkat walang nagnanais na muling dumanas ng pinagdaanan
ng mga kapwa nating Pilipino. Ngunit sa panahong ito nakita natin ang kabayanihan ng
mga Pilipino upang makalaya sa pagkakagapos sa pagkaalipin. Tunay ngang kahanga-
hanga ang kabayanihang ipinamalas. Tulad na lamang nina Andres Bonifacio, Jose Rizal,
Apolinario Mabini at marami pang iba. Napatunayan nila ang pagmamahal sa bayan ay di
mababayaran ng anumang salapi.
Matapos ang pananakop, wala man tayo sa panahong ito kung saan lubusang
naranasan ng mga Pilipino ang mga epekto ng pananakop na hinding-hindi pa rin dapat
mawala sa kulturang Pilipino ang mga pagbabago sa ating mga ninuno.

7. Mga karamdaman o sakit ng laganap sa Timog-Silangang Asya ayon sa sanhi o


pinagbuhatan ng mga sakit na ito.

Sanhi ng Sanhi ng Kagat ng Sanhi ng Tao (Person to


Kontaminadong Insekto o Hayop Person Contact)
Pagkain at Tubig

hepatitis malaria HIV/AIDS

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
kolera dengue fever venerial
tipos gonorrheal

8. PAMAMARAAN SA PAGSASAGAWA NG SARDINAS


METHOD #1 Using Bangus (Milkfish)
Sangkap:
Bangus-100 gramo laki
Sarsa ng kamatis-4 na kutsara
Langis na panluto-2 kutsara
Asin-1/2 kutsarita
Betsin-1/3 kutsarita
Siling malaki- 2 hiwa
Paraan ng Paggawa:
a. Kaliskisin ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.
b. Hiwa-hiwain ang isda ayon sa laki ng lata. Alisan ng maitim na balot ang loob ng
tiyan. Hugasan at patuluin.
c. Ayusin sa lata.
d. Pasingawan ang lata nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.
e. Alisin ang tubig sa loob ng lata. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng sangkap.
f. Sarhan ang lata, isalang sa init 240’F nang isa’t kalahating oras.
g. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang lata pagkaluto sa umaagos na
tubig.
h. Punasan ang pinalamig na lata.
i. Ang mga inalis na bahagi ng isda ay magagamit sa paggawa ng pinulbos na isda,
concentrate o fish curls.
9. Ang Pilipinas sa Modernong Panahon
Sa modernong panahon, lalong gumanda ang Pilipinas ngunit sa kagandahang
dala, nakatago ang sangkatutak na problema unang-una diyan ang kahirapan. Kahirapan
na nagpapahirap sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Kailangan nating ipaalam sa
ating gobyerno na ngangailangan ang bawat Pilipino ng trabaho. Hindi niyo ba
napapansin ang mga batang walang sapat na nutrisyon at may kumakalam na sikmura na
naninirahan lamang sa ilalim ng tulay o di kaya naman palakad-lakad sa kalsada na
animo’y walang pupuntahan. Ito ay ilan lamang sa libo-libong mapapait na resulta na
nangyayari sa ating komunidad. Resulta, resulta ng ating pabayang gobyerno, sa kawalan
ng trabaho ng mamamayang Pilipino, saan pa nga ba hahantong ang Pilipinas na sinubok
ng dayuhan at hinubog ng panahon. Ipaglaban natin kaibigan ang ating kinabukasan. Sa
bansang ating kinatatayuan lumaban tayo kaibigan.

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Gawain#6. Ang mga gabay sa pagbasa at pagsusuri ng mga teksto sa iba’t ibang disiplina
1. Suriin ang teksto sa kabuuan nito.
2. Tukuyin ang Pangkalahatang Layunin at Istruktura ng Teksto
3. Basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay pagtuunan ng pansin ang
paraan ng pagsulat at presentasyon.
4. Kritisismo at Ebalwasyon ng Teksto

Gawain#7
1. Impormatibo
2. Naratibo
3. Persuweysib
4. Persuweysib
5. Persuweysib
6. Deskriptibo
7. Deskriptibo
8. Prosidyural
9. Argumentatibo

Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204


Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com
Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro, 5204
Contact No.: 09212639657/09778042765/Email Address: pgcmnhs031515@gmail.com

You might also like