You are on page 1of 11

Andres Soriano Memorial

School: Grade Level: Grade-3


Elementary School (111136)
Teacher: DURANA, FLOREAN A. Learning Area: MTB
DAILY LESSON Teaching
PLAN Date and Quarter: THIRD QUARTER
Time:

DETAILED LESSON PLAN

I. LAYUNIN
A. Pamantang Naipamalas ang ibat ibang kasanayan upang makilala at matukoy ang mga bahagi ng
pangnilalaman pahayagan.
B. Pamantayang Pagganap Nakikilala ang mga bahagi ng pahayagan ( MT3SS-III-i-12.3)
C. Mga kasanayan sa Natutukoy ang mga bahagi ng pahayagan
pagkatuto
II. NILALAMAN Mga Bahagi ng Pahayagan
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
pp
Guro
2. Mga pahina sa
kagamitang pang Mag- CG PH
aaral
3. Mga Pahina saTeksbuk
4. Mga karagdagang
kagamitan mula sa Portal
Learning Resource
B. Iba pang kagamitang
Larawan, power point, tv, activity sheets
Panturo
Integrasyon Health
III. PAMAMARAAN Teacher’s Activity Pupils’ Activity
A. Panimulang Gawain Mga bata bago tayo magsimula, tayo muna ay
manalangin.
Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito na ipinagkaloob niyo sa
po amin, nawa’y gabayan mo po
kami sa aming gagawin sa araw na
ito. Sana po gabayan niyo rin ang
aming guro na siyang magtuturo sa
amin. Amen.
Magandang araw mga bata!
Magandang araw din po!
May lumiban bas a klase?
Wala po ma’am
Magaling! akoy natutuwa sa pagkat nandito
kayong lahat upang makinig sa ating mga
tatalakayin ngayong umaga.

Ano ang dapat ninyong gawin kapag mayroong


nagsasalita sa harap? Abdul?
Makinig po ma’am
Tama! makinig, ano pa Princess?
Wag maingay.

B . Balik aral sa nakaraang Ngayon mga bata tayo’y magbalik aral.


aralin at / o pagsisimula
ng bagong aralin

Panuto:Basahin ang sumusunod na isyu. Ilagay


ang sa patlang kung tama ang ipinapahayag

at naman kung hindi.

____1. Pagsuot ng face mask kapag lumalabas


ng bahay.
____2. Patuloy na pagtaas ng dami ng kaso ng
COVID-19.
____3. Pagpapatupad ng lockdown sa mga
lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
____4. Pangungutya sa mga frontliners at
pagpapaalis sa kanilang tirahan.
____5. Pagsuporta ng mga tao sa mga
pinapaatupad ng gobyerno.

Tapos na ba mga bata?

Okay kung tapos na atin ng iwasto ang inyong


mga sagot.
1.

2.

3.

4.

5.

Nakuha nyo ba ang lahat ng tamang sagot?

Magagaling! Bigyan ninyo ang inyong mga


sarli ng (Ang Galingx2 klap)

Akoy natutuwa sa pagkat hindi nyo pa


nakakalimutan ang ating aralin tungkol sa
Opinyon at Reaksyon.
C. Paghahabi sa layunin ng Ngayon mga bata mayroon tayong gawain.
aralin.
Tatawag ako ng limang bata sa inyong mga
kamag aral at pupunta sa harap upang isulat ang
tamang sagot.
Panuto: Piliin ang salita na angkop
sa kahon.

Editoryal Balita Pahayagan

Pambansa Pandaigdig

a a
1.

2. P a g

3. d
a a g

4. a b n

5. d t
y

Tapos na ba mga bata?


Opo ma’am

Okay, kung tapos na maaring pumunta na dito


sa harap sina Akeisha, Rayzza, Glyza, Glynez at
Marcelle at isulat ang inyong sagot
1. Balita
2. Pahayagan
3. pandaigdig
4. Pambansa
5. Editoryal

Tama ba ang sagot ng inyong mga kamag aral?

Opo ma’am
Okay, kung ganon bigyan ninyo ang inyong
mga sarili ng ( wow Klap)
1,2,3
1,2,3
Wow!

D. Pag-uugnay ng
halimbawa sa bagong
aralin Ngayon mga bata mayroon akung ipapakita sa
inyong larawan.
Ano ang ginagawa ng mag- ama sa larawan?
Abdul?
Nagbabasa po.
Tama! sila ay nagbabasa. Ano naman kaya ang
kanilang binabasa?
Dyaryo po ma’am.

Mahusay! Mahilig ka bang magbasa ng dyaro o


pahayagan? Opo ma’am

Okay, kung ganon tingnan natin kung ano- ano


ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
inyong nababasa.

E. Pagtalakay ng bagong
konspto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

Ngayon mga bata ang ating tatalakayin ay


tungkol sa mga bahagi ng pahayagan.
Pero bago iyon ano nga ba ang pahayagan?
Ito po ay isang baabasahin na
naglalaman ng balita.

Tama!
Ang pahayagan o diyaryo ay isang mabuting
sanggunian na pagkuha ng impormasyon.
Mababasa mo rito ang mga napapanahon at
sariwang balita sa loob at labas ng bansa. Isa rin
ito sa nagtataglay ng iba pang mahahalagang
detalye tungkol sa iba’t ibang paksa.
Naintindihan nyo ba mga bata?
Opo ma’am

Nakikita nyo ba ang nasa larawan?


Opo.

Ito ang tinatawag na.


Pamukhang pahina- dito mababasa ang
pangalan ng pahayagan at mga pangunahin o
mahahalaagang balita.

Balitang Pandaigdig- mababasa dito ang mga


balitang nagaganap sa ibat’ ibang bahagi ng
mundo.

Balitang Panlalawigan- mababasa dito ang


mga balita mula sa mga lalawigan ng ating
bansa.

Editoryal o Pangulong Tudling- mababasa


dito ang mga kuro- kuro o puna na isinulat ng
patnugot hingil sa napapanahong isyu.

Anunsyo Klasipikado- mababasa rito ang


anunsyo para sa iba’t iabang uri ng hanapbuhay,
bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang
ipinagbibili.

Balitang komersyo- mababasa ang mga balita


tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo.

Obitwaryo- anunsyo para sa mga taong


pumanaw na. nakasaad dito kung saan
nakaburol at kalian ililibing ang namatay.

Panlibangan- ito ang pahina para sa mga balita


tungkol sa mga artista, pelikula, telebisyon at
iba pang sining. Naririto ang mga crosswords at
horoscope.

Isports- naglalaman ito ng mga balitang


pampalakasan, makikita dito ang mga imahe ng
mga taong nagtatagumpay sa ganitong larangan.

Naintindihan ba ang ibig sabihin ng mga bawat


pahayagan?

Opo ma’am

F. Pagtalakay ng bagong
konspto at paglalahad ng Okay, kung naintindihan na nga ito mayroon
bagong kasanayan #2 akung inihandang mga tanong.

Handa na ba mga bata?

Anu- ano ang mga bahagi ng pahayagan? Opo.


Magbigay ng isa- isa.

- Pamukhang pahina
- Balitang Pandaigdig
- Balitang Panlalawigan
- Editoryal o Pangulong Tudling
- Anunsyo Klasipikado
- Balitang komersyo
- Obitwaryo
- Panlibangan
- Isports
Magaling! ano naman ang nakapaloob sa
Balitang pandaigdig?

Balitang nagaganap sa iba’t ibang


bahagi ng mundo po.
Tama!
Tungkol saaan naman ang palakasan o Sports?

Tungkol po sa taong nagtagumpay


sa larangan ng isports.
Magaling! kumusta naman ang obitwaryo ano
kaya ang ipinapahayag dito?
Ang ipinapaahayag po dito ay
anunsyo para sa mga taong
pumanaw na.
Tama! ano naman ang nilalaman ng negosyo?
Ito po ay naglalaman ng takbo ng
hanapbuhay.
Magaling! tungkol saan naman ang editorial?
Tungkol po sa nababasang
pangunahing kuro- kuro ng
patnugot.
Mahusay! Ano ang napapaloob sa anunsiyo
klasipikado?
Mga iba’t ibang uri ng hanapbuhay,
bahay, lupa, sasakyan aat iba pang
kagamitang ipinagbibili.
Tama! tungkol saan naman ang balitang
pandaigdig?
Tungkol po sa mga balitang
nagaganap sa ibaa’t ibang bahagi ng
mundo.

Magaling! ano naman ang nilalaman ng balitang


panlalawigan?
Tungkol po sa mga balita mula sa
mga lalawigan ng ating bansa.
Tama! ako’y nagagalak sa pagkat inyong lubos
na naunawaan ang ating talakayan.
G.Paglinang sa kabihasaan Panuto:
Hanapin sa hanay B kung saang bahagi ng
pahayagan mababasa ang mga balitang nasa
hanay A.

Hanay A
1.Vega, humagupit sa
takbuhan
2. Roxas, sinalanta ni Odit!
3. telebisyon may 30% diskuwento
4. Rabiya Mateo, Kinoronahan
5. Ben, Diaz, namatay sa edad na 80.

Hanay B

A. Negosyo ( Businesss)
B. Obitwaryo
C. Palakasan/ isports
D. Lathalain
E. Pangunahing balita

H. Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na buhay Ngayon, mga bata papangkatin ko kayo sa
dalawang grupo ang unang pangkat ay ang nasa
kanang bahagi ang pangalawang pangkat naman
ang nasa kaliwang bahagi.

Pangkat 1:
Anu – ano ang mga bahagi ng
pahayagan?

Pangkat 2:
Isulat ang kahulugan ng pahayagan.

Naintindihan ba ang gagawin ng bawat grupo?


Opo ma’am
Okay, ito ang ating paamantayan.
Pamantayan Puntos P1 P2
kawastuhan 5
Pakikipagtulu- 5
ngan
Natapos sa 5
tamang oras
kabuuan 15

Pagtapos nyo itong gawin pipili kayo sa grupo


ng isa sa maga bahagi ng inyong gawa.
Tapos na ba mga bata? Kung tapos na maari ng
pumunta sa harap at ibahagi ang gawa. ( Magbabahagi ang bawat isa sa
pangkat)

Mga bata mayroon akung inihandang test paper


para sa inyo at sagutan ito.
I.Paglalahat ng Aralin
Tungkol saan ang ating napag- aralan ngayon?
Tungkol po sa mga bahagi ng
pahayagan.

Tama! Ano- ano naman ang bahagi ng


pahayagan?
-Pamukhang pahina
- Balitang Pandaigdig
- Balitang Panlalawigan
- Editoryal o Pangulong Tudling
- Anunsyo Klasipikado
- Balitang komersyo
- Obitwaryo
- Panlibangan
- Isports

V.Pagtataya ng Aralin
Panuto:
Basahin ang sumusunod. Piliin ang letra ng
bahagi ng pahayagan na tinutukoy ng bawat
sitwasyon.
1. Nawalan ng trabaho ang iyong ama Opo ma’am
dahil sa pandemya. Aling bahagi ng
pahayagan ang titingnan mo?
A. Palaisipan
B. Anunsyo Klasipikado
C. Kolum ng mambabasa
D. Editoryal
2. Ibig mong alamin ang balita tungkol sa
pandemya sa ibang bansa.
A. Pampalakasan
B. Editorial (tumaas ng mga kamay ang mga
C. Kolum ng isang manunulat bata)
D. Balitang pandaigdig
3. Mayroon kuro- kuro tungkol sa
pagkakaroon ng face to face klase
ngayong pandemya. Alin dito ang
babasahin mo?
A. Panlibangan
B. Pampalakasan
C. Balitang pandaigdig
D. Editoryal
4. Aling bahagi ng pahayagan ang
babasahin mo upang maaliw ka sa gitna
ng pandemya?
A. Balitang pandaigdig
B. Pangunahing balita
C. Panlibangan
D. Anunsyo klasipikado
5. Pinakahuling balita tungkol sa bakuna
mula sa china. Saang pahina ito
matatagpuan?
A. Pang- artista
B. Pampalakasan
C. Anunsyo klasipikado
D. Balitang pandaigdig

Tapos na ba mga bata?

Kung tapos na ang lahat atin ng iwasto ang


inyong pagsusulit.

1.B. Anunsyo klasipikado


2. D. Balitang Pandaigdig
3. D. Editoryal
4. C. Panlibangan
5. D. Balitang pandaigdig

Sino ang nakakuha 5,4,3,2,1?

Mga bata lubos ang aking kagalakan sa pagkat


lubos ninyong naunawaan ang ating talakayin
ngayon.

VI.Takdang aralin
Kumuha ng kwaderno at isulat an gating
takdang aralin.
Panuto: Gumupit ng mga larawan ng ibat-
ibnag bahagi ng pahayagan at idikit ito sa
bondpaper.

Inihanda ni:
FLOREAN A. DURANA
Practice Teacher

Checked by:

ROSALIE F. CARCELER
Cooperating Teacher

You might also like