You are on page 1of 1

Isa akong mag-aaral at bata pa at madami akong pangarap sa buhay.

Isa dito ang makatapos ng pag


aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan balang araw. Isa rin sa mga pangarap ko sa buhay ay
ang magkaroon ng magandang trabaho at masayang pamilya. At meron din akong mga bagay na nais
makamtan, lugar na nais mapuntahan, at mga pangyayaring nais maranasan. Ngunit madami pa akong
kailangan matapos upang makamit ko ang aking pianpangarap sa buhay.

Ito ang mga hakbang na nais kong gawin upang makamit ko ang aking pangarap. Una, maghanap
ng inspirasyon. Andiyan ang pamilya at mga kaibigan na pwedeng maging motibasyon o inspirasyon.
Ikalawa, mag-aral ng mabuti sa paaralan at maging masipag sa mga aralin sa paaralan. Sunod, sa
trabaho ay maging masinop at ugaliing rumespeto sa mga katrabaho at amo. Ikatlo, Sa bawat pag-
sweldo ay ugaliing maglaan para sa ipon. Pang huli, ugaliing magdasal palagi. Humingi ng tulong sa
Poong Maykapal.

Sa pagkamit ko ng aking pangarap iiwasan ko ang mga masasamang gawain tulad ng pag
kakaroon ng bisyo, pagiinom, pag sisigarilyo,at pagamit ng ipinagbabawal na gamot. Makikinig rin
ako sa payo ng aking mga magulang upang magabayan ako sa pag laki ko. Kaya naman di ako
mawawalan ng pag asa sa pagkamit nito.

You might also like