You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
JUAN L. GANTUANGCO SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Brgy. Sikitan, Kidapawan City

A. Pamantayang B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Pangnilalaman (isulat and code ng bawat
kasanayan)

Naipamamalas ng mga Naisasagawa ng mag-aaral ang Nasusuri ang mga salitang ginamit
mag-aaral ang pag- komprehensibong pagbabalita sa pagsulat ng balita ayon sa
unawa sa mga akdang (news casting) tungkol sa kanilang napakinggang halimbawa (F7WG-lll-
pampanitikan ng Luzon sariling lugar i-16)

I.LAYUNIN:
Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang kahalagan ng balita at ang mga kailangan at katangian nito.

II- NILALAMAN
III- KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro:
2. Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral:
3. Pahina sa Teksbuk:
4. Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
B. Iba pang Power Point Presentation & Visual Aids
Kagamitang Panturo
IV- PAMAMARAAN
A. Balik-aral o Ano ang ating tinalakay kahapon?
Pagsisimula ng Ano ang anaporik at kataporik?
Bagong Aralin
B. Paghahabi sa Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
Layunin ng Aralin inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang kahalagan ng balita at ang mga kailangan at
katangian nito.

C. Pag-uugnay ng mga P A G B A B A L I T A
Halimbawa sa Bagong S N X V B T Y C X J G
Aralin
C T E C H N I C A L P
R B C W Z D J D V D R
I H A J S W K I D E E
P D W E Y A O R A T S
T N F S U B N E T H E
W M E F I N P C Y J N
R R I H L G E T H K T
I T P J K L H 0 I O E
T U O K A A S R P L R
E F T D B S A H K P T
R U G W W X V K L R G

D. Pagtalakay sa PANGKATANG GAWAIN


Bagong Konsepto at
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
JUAN L. GANTUANGCO SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Brgy. Sikitan, Kidapawan City

Paglahad ng Bagong
Kasanayan Bilang 1 IBALITA MO!
(Magbibigay ng iskrip sa pagbabalita ang guro at ibabalita ito ng mga mag-
aaral)

E. Pagtalakay sa Newscasting (Pagbabalita)


Bagong Konsepto at
Paglahad ng Bagong - Paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan ng telebisyon.
Kasanayan Bilang 2 - Mga impormasyon na maaaring tungkol sa mga pangyayari sa loob
at labas ng bansa.
- Isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at
iba pang mga paksa sa buong bansa at ibayong dagat.
- Ang newscasting ay isang programa sa radio, telebisyon o internet
na naghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood.
Ginagawa ito sa isang lokal na lugar o di kaya ay sa isang estasyon
ng telebisyon o radio.

Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless


transmission mula sa mga estasyon ng radio papunta sa ating mga radio.
Inimbento ito upang ipaabot sa malalayong lugar at sa mas maraming tao
ang mga napapanahong balita at impormasyon.

1. Scriptwriter- siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita


sa radyo.
2. News presenter- tinatawag ding Field Reporter. Sila ang tagabalita
at tagapanayam dahil sila ang madalas na nasa field upang
mangalap ng pinakabagong salita.
3. News Anchor- kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng
mga tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing mukha ng
himpilan.
4. Technical Director- siya ang namamahala sa ginagamit na sound
effects sa kabuuan ng programa. Siya ay katuwang ng news anchor
para malaman kung hihinaan o lalakasan na ang tunog ng sound
effects.
5. Infomercial director- siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang
mga patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa
mamamayan. Kadalasan ay malikhain at kakatwa ang pagsulat ng
iskrip nito, na ginagawa upang mapukaw ang atensiyon ng mga
tagapakinig.
6. Director- ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula sa news anchor
hanggang sa technical director. Ipinaaalam din niya kung ilang
minute na lamang ang nalalabi sa kanilang programa.

MGA KATANGIAN SA NEWSCASTING


1. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-
araw na pangyayari.
2. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
3. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
4. Ang mga nilalaman nito ay maaaring mula sa talumpati, seminar,
pulong, panayam, sakuna, agham, kaguluhan, paligsahan o iba
pang pangyayaring magiging kawili-wili sa mambabasa o nakikinig.
5. Ito ay madaling mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
6. Sumasagot ito sa anim na katanungan: Ano, Saan, Sino, Kailan,
Bakit at Paano.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
JUAN L. GANTUANGCO SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Brgy. Sikitan, Kidapawan City

MGA KATANGIAN NG ISANG NEWSCASTER


1. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
2. Marunong magdala ng isang diskusyon.
3. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
4. May tiwala sa kaniyang sarili.
5. Malakas ang loob.
6. Kahali-halina ang tinig.

F. Paglinang sa Sa pagbabalita, bakit kailangan may scriptwriter, news presenter, news


Kabihasaan anchor, technical director, infomercial director, at director?
(tungo sa Formative
Assessment)
G. Paglapat ng Aralin Bilang isang mag-aaral, kung ikaw ay magiging isang newscaster pagdating
sa Pang-araw-araw ng ng panahon. Ano ang iyong gagawin o ano yung paghahandang iyong
Buhay gagawin?

H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang mga katangian sa newscasting at ng isang newscaster?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag tungkol sa pagbabalita ay Tama
o Mali. Isulat ang lamang kung ito ay Tama o Mali sa sagutang papel.

1. Ang balita ay paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng


telebisyon. T
2. Ang mga impormasyon sa balita ay maaaring tungkol sa mga
pangyayari sa labas lamang ng bansa. M
3. Sa pagbabalita maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat. T
4. Kinakailangan sa pagbabalita ito ay madaling mauunawaan ng mga
mambabasa o nakikinig. T
5. Hindi kailangan kawili-wiling pakinggan o basahin ang balita. M

J. Karagdagang TAKDANG ARALIN


Gawain para sa
Takdang Aralin at Magbigay ng mga halimbawa ng balita.
Remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY“MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA”

A. Bilang ng mag-aaral B. Bilang ng mag-aaral na C. Nakatulong ba D. Bilang ng mag-aaral na


na nakakuha ng 80% sa nangangailangan ng iba ang remedial? magpatuloy sa
pagtataya: pang gawain para sa Bilang ng mag- remediation:
___________ remediation: aaral na __________________
____________ ____________ nakaunawa sa
____________ ____________ aralin:
____________ ____________ ____________
____________ ____________
E. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor/tagamasid?
F. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

LOUVIERYL A. PASCUA MELANIE M. TUANTE


Nagpakitang-turo Gurong Tagapatnubay
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
JUAN L. GANTUANGCO SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Brgy. Sikitan, Kidapawan City

Petsa: Petsa:

“Script”
Station Id: “SINGKO BALITA”

(Intro) timelapse or like intro sa balita

Anchor 1: Sa Ulo ng mga nagbabagang Balita!


- Utos para sa sapilitang pagsosout ng faceshield sa labas, pinababawi na ni pangulong
duterte,kailan na kaya dapat mag faceshield?. Ang boses mo kaugnay sa issue nayan,
ating pakinggan.

Anchor 2 : Inaprobahan na ni pangulong duterte ang dalawang buwang pagsubok sa


face to face na mga klase sa department of education

Intro again
Anchor 1: Magandang Umaga Luzon, Visayas, Mindanao
Anchor 1: Pinababawi na ni pangulong duterte ang Utos para sa sapilitang pagsosout
ng faceshield sa labas ng bahay at sa mga establishemento. Pero may mga lugar parin
daw na kelangan magsout ng faceshield upang maiwasan ang hawaan ang covid. Ano
ano ang mga lugar na iyan? Alamin natin sa pagtutuk ni kayla melgazo. (20 sec)

News Presentor1: “No more faceshield outside” yan ang deklerasyon ni pangulong
duterte sa kanyang talk to the people noong Septyembre 31 2021, wala nadawng
sapilitan sa pagsosout ng faceshield sa labas. Pero may mga reklamento pa din sya
patungol dito. Kailangan pa din dawng magsout ng faceshield sa mga lugar na pasok sa
3c’s. Unang C ang closed area, ang mga sarado o kulob na mga lugar, pangalawang C,
crowded area, mga siksikan at malaki ang tsansa ng hawaan. At ang panghuling C ay
ang closed contact areas kung saan madali ang hawaan, adhiso ito ng isang groupo na
binubuo ng mga experto..Nagtanong-tanong tayo sa kababayan nating Filipino kung
“Ano ang mungkahi nila sa paglunsad ng no more face shield sa mga lugar na may
mababang kaso ng covid-19?” (45 Sec)

Interviewee1: Ayon kay Kyle Caguindangan…


Gamot ang kailangan ng tao...For me face mask is fine and safe basta maayos
pagkakalagay sa bibig at ilong... Kung kakapitan ka ng covid dahil na yun sa katigasan
ng ulo mo. Tama na ang faceshield dumadagdag sa basura. (15 Sec)

News Presentor1: Maglalabas daw ng mga nerepasong guidlines ang IATF na


magbibigay linaw sa pinaluwag na guidlines sa pagsosout ng faceshield.
Kayla melgazo nag uulat “Singko Balita” (10 sec)

You might also like