You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of City of Sta Rosa
PULONG SANTA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Pulong Sta. Cruz,Sta. Rosa City Laguna

Unang Sumatibong Pagsusulit


sa Filipino V
(IKALAWANG MARKAHAN)

PAKIKINIG
Panuto:Pakinggan ang guro at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Sundin din ang panuto na sasabihin ng
guro.
1-2 Pakinggan ang sasabihing panuto ng guro.
3. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagkakasunod-sunod batay sa kwentong napakinggan?
I. Iminumulat ang mga Hapones ang kahalagahan ng sariling disiplina.
II. Sinasanay sila sa pagkakaroon ng kaalaman sa wasto at di-wastong kaugalian.
III. Yumuyuko sila kapag may nakakasalubong kahit saan.
IV. Nagpapakamatay ang mga HApones kapag napapahiya o nawawalan ng puri o karangalan.
V. Lumuluhod sila sa harap ng isang dambana at nagpapakamatay gamit ang samurai.
a. II, III, V, I, IV b. III, IV, V, II, I c. IV, III, II, V, I d. I, II, III, IV, V
4. Alin sa mga sumusunod ang NAGKAPALIT ang pagkakaayos o pagkakasunod ayon sa napakinggan.
I.May naninirahan na isang ibon kasama ang kanyang limang inakay.
II. Umalis ang inang ibon at naghanap ng pagkain.
III. Pinukol ng isang bata ang inang ibon.
IV. Tinuruan ang mga inakay na lumipad.
V. Nagkamalay at muling nakabalik ang inang ibon sa pugad.
a. pangyayaring I at II b. Pangyayaring V at IV c. Pangyayaring III at IV d Pangyayaring II at III
PAGSASALITA
Panuto: Basahin ang pangungusap at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
5. Namigay ng aklat at bag ang mga taga-Convergys noong nakaraang buwan.Ano ang pandiwang ginamit sa
pangungusap?
a.aklat b. bag c. taga-Convergys d. namigay
6. Magluluto ng palabok si Nanay sa susunod na Linggo. Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
a. palabok b. magluluto c. Nanay d. Linggo
7. Bumukas ang pinto dahil sa hangin. Ano ang panlaping ginamit sa salitang bumukas?
a. um b. bu c. mu d. uk
8. Pagsamahin ang mga damit na de-kolor. Ano ang salitang-ugat sa salitang pagsamahin?
a. pagsa b. mahin c. ama d. sama
9.“Oo nga. Bawat isa sa kanila ay maipagmamalaki ko kaninuman.” Anong uri ng tao ang taong nagsasalita?
a. maunawain b. mayabang c. mapagmalaki d. matalino
10. “Isang magandang araw po ang aking mabubuting guro na laging may ngiti.” Ano ang ugali ng taong
nagsasalita?
a.magalang b. matatakutin c.makasarili d. mataray
Panuto: Ibanghay ang mga sumusunod na pandiwa.
PAWATAS NAGANAP GINAGANAP GAGANAPIN PA
11. magsimba
12. buksan
13-15. Ibigay ang 5 hakbang kung paano maglaba ng damit.
PAGBABASA
16. Alin sa mga pangungusap ang may tama ang gamit ng salitang ebidensiya?
a. Ang ebidensiya laban sa kaso ay nakatago sa aming bahay
b. Ebidensiya kaya sila?
c. May napanood akong palabras na ang pamagat ay Ebidensiya.
d. Nakatira ako sa Ebidensiya, Laguna.
17.Ano ang pormal na depinisyon ng salitang ebalwasyon?
a. pagsusulat b. pag-uulat c. pagtatama d. pagtatasa
18. Ano ang pormal na depinisyon ng salitang ekwador
a. isang pahilis na linya na humahati sa hilaga at timog
b. isang patayong linya na humahati sa hilaga at timog
c. isang linyang pahiga na naghahati sa hilaga at timog
d. isang linyang pakurba na naghahati sa hilaga at timog
19. Masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog kagabi.Ano ang tawag sa nasalunggyhitan?
a. sanhi b. depinisyon c. bunga d. patalastas
20. Nanalo siya sa lotto kaya siya masaya.Ano ang tawag sa salitang nasalungguhitan?
a. depinisyon b. sanhi c. patalastas d. bunga
Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.
ANG NAYON NI MARINA

Noon lamang nakarating sa lungsod si Marina. Lumaki siya sa isang nayong hindi halos marating ng kabihasnan dahil sa
kalayuan. Umiigib sila sa batis o kaya sa balon. Gasera ang ginagamit nilang ilawan. Halos araw-araw, namimitas lamang sila ng
gulay na maiuulam. Bihira silang makatikim ng isda at karne sapagkat napakalayo ang pamilihan ng pinakamalapit na bayan sa
kanila

21. Bakit bihira silang kumain ng isda?


a. dahil mahala ang presyo ng isda c. dahil wala silang pera
b. dahil bilasa ang isda doon d. dahil malayo ang pinakamalapit na pamilihan
22. Paano sila nabuhay sa nayon nina Marina?
a. nagnanakaw b. namamalimos c. namimitas ng gulay d. wala
23. Ilarawan si mga tao sa nayon nina Marina.
a. mataray b. mayaman c. matapobre d. simple ang pumuhay
24. Ilarawan ang nayon ni Marina.
a. maunlad b.makabago c. hindi mararating ng makabagong kabihasnan d. naghihirap
PAGSUSULAT
Panuto: Sumulat ng inyong sariling talambuhay.(Aytem 25-27)
PANONOOD
Panuto: Panoorin ang isang video at iguhit ang inyong naunawaan sa inyong pinanood.(Aytem 28-30)
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of City of Sta Rosa
PULONG SANTA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Pulong Sta. Cruz,Sta. Rosa City Laguna

Talaan ng Ispesipikasyon sa Filipino V


Pangalawang Sumatibong Pagsusulit
Unang Markahan
S.Y. 2016-2017

LAYUNIN BILANG NG BAHAGDA KINALALAGYA


AYTEM N N NG AYTEM
1.Nakakasuno sa hakbang ng isang Gawain 2 7% 1-2
2. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong 2 7% 3-4
napakinggan sa pamamagitan ng pangungusap.
3. Natutukoy ang pandiwang ginamit sa pangungusap 2 7% 5-6
4.Natutukoy ang panlapi at salitang-ugat sa bawat salita 2 7% 7-8
5.Nailalarawan ang tauhan sa kuwento ayon sa salita o kilos 2 7% 9-10
6.Naibabanghay nang wasto ang mga pandiwa ayon sa 2 7% 11-12
naganap, ginaganap, gaganapin pa
7.Nakapagbibigay ng 3-5 hakbang 3 10% 13-15
8. Nagagamit ang mga natutunang salitang pamilya at di- 2 7% 16-17
pamilyar sa usapan o pangungusap
9. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar 1 3% 18
na salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon
10. Nasasabi ang sanhi at bunga ng isang pangyayari. 2 7% 19-20
11. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano. 2 7% 21-22
12. Nailalarawan ang mga tauhan at tagpuan ng teksto 2 7% 23-24
13. Nakakasulat ng isang talambuhay 3 10% 25-27
14. Naipapakita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan 3 10% 28-30
ng pagguhit.
KABUUAN 30 100% 1-30

Inihanda:

MARIFE S. BALANAY
Guro I
ANSWER KEY:
1-2 13-15 24. c
3. d 16. A 25-27
4. c 17. D 28-30
5. d 18. c
6. b 19. a
7. a 20. d
8. d 21. d
9. c 22. c
10. a 23. d
PAWATAS NAGANAP GINAGANAP GAGANAPIN PA
11. magsimba Nagsimba nagsisimba magsisimba
12. buksan Binuksan binubuksan bubuksan

Para sa Guro:
Aytem 1-2
Gumuhit ng isang araw na may katamtaman ang laki.
Sa loob ng araw, isulat ang tatlong paboritong asignatura
Kulayan ang araw ng kulay dilaw.

Aytem 3 at 4

Kaugalian ng mga Hapones


Bata pa ay iminulat na sa mga Hapones ang kahalagahan ng sariling disiplina. Sinasanay na sila sa
pagkakaroon ng kaalaman sa wasto at di-wastong kaugalian.
Mapagmahal sila sa sariling bayan at pangunahing katungkulan nila bilang mamamayan na maglingkod
sa emperador.
Magalang ang mga Hapones. Yumuyuko sila kapag nagkakasalubong kahit saan
Mataas ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Kadalasan, nagpapakamatay ang sinumang napahiya o
nawalan ng puri o karangalan. Tinatawag na “hara-kiri” ang sariling pagpapakmatay. Lumuluhod sila sa harap ng
isang dambana at nilalaslas nila ang kanilang tiyan sa pamamagitan ng sandatang tintawag na “samurai.”
Malinis ang mga Hapones. Naliligo sila araw-araw. Naghuhubad sila ng sapin sap aa bago pumasok sa
bahay.

Ang Ibon at ang kanyang Inakay


Sa isang pugad ng akasya ay may naninirahang isang ibon na kasama ang kanyang limang inakay.
Masaya silang mag-anak.Tuwing umaga, umaalis ang inang ibon at naghahanap ng makakain. Isinusubo pa
niya ang pagkain sa bibig ng mga inakay.
Isang araw, tinuruan ng inang ibon na lumipad ang kanyang mga inaka. Tuwang-tuwa ang mga ito.
Makakalipad na rin sila!Mayamaya, biglang nahulog ang inang ibon. Pinukol ito ng isang bata.Ganoon na
lamang ang pananangis ng mga inakay.Naidalangin nil asana ay parusahan ang batang namukol.
Waring isang himala, unti-unting nagkamalay ang inang ibon. At ilang sandal pa, naroon na siyang
muli sa pugad na kasama ang mga inakay.

You might also like