You are on page 1of 9

1st Quarter ESP 5

Week 5
Lesson: Pagkakaisa

I. Panimulang Nilalaman

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may
kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin na kung
ano ang dapat at di-dapat.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
-Nagtatalakay ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral: pakiking, pakikilahok
sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng proyekto,
paggawa ng takdang aralin at pagtuturo sa iba.
-Naisasagawa ang mga gawain sa pag-aaral na may kawilihan at positibong saloobin.
-Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral/\.

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)

-Nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral: pakiking, pakikilahok sa
pangkatang gawain, pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng proyekto, paggawa
ng takdang aralin at pagtuturo sa iba.

II. Nilalaman: ““Pagkakaisa”

- Kahalagahan ng pagkakaisa at pagtatapos ng gawain

- pakikinig
- pakikilahok sa pangkatang gawain
- pakikipagtalakayan
- pagtatanong
- paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools)
- paggawa ng takdang aralin
- pagtuturo sa iba
1st Quarter ESP 5
Week 3
Aralin: Kawilihan at Positibong Saloobin sa
Pag-aaral

Konsepto ng Aralin

Kawilihan at Positibong Saloobin sa Pag-aaral

Ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral ay hindi sapilitang
nararamdaman. Ito ay kusang natatami kung ang misyon ay ang matuto at may
determinasyong maging marunong.

Pakikinig
Ang mahusay na pakikinig ay nawawalang kabuluhan kung wala naman ang pokus
ng mga nakikinig sa tagapagsalita. Nakakaapekto rin dito ang pook, temperatura at ang
kagustuhan ng nakikinig sa ipinapahayag ng guro o tagapagsalita.
Isang aktibong proseso ng pagtanggapng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan,
tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Katuturan at Kahalagahan ng Masining na Pakikinig

Ang matamang pakikinig sa guro ay lubhang nakatutulong sa mag-aaral upang
siya’y makakuha ng mataas na marka.

Sa tanggapan, ang mga impormasyon ay kadalasang ibinibigay nang psalita,

halimbawa sa pag-uutos, sa panayam at talakayan, nangangailangan ito ng buong
atensyon, pagtanda at paggunita sa mga naririnig o napakinggan.

Lalong kailangan ng wastong pakikinig sa buong mag-anak. Nagkakaisa at

nagkakaunawaan ang mga ito sa wasto at mabisang pakikinig ng isa’t isa.

Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong kosentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o

paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa

pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig
kaysa sa magsalita.
Ang Proseso ng Pakikinig

Tatlong Layunin ng Pakikinig

1. Makinig upang maaliw
2. makinig upang lumikom ng mga impormasyon o kaalaman
3. Upang magsuri
Pakikilahok sa Pangkatang Gawain
Ang paglahok sa pangkatang gawain ay isang magandang katangian sa isang
mag-aaral. Dahil dito hindi lamang ang misyon na tapusin ang mga gawaing naitas sa
kanila, naipakikita rin dito ang pagkakaroon ng komunikasyon sa bawat isa na
magbubunga ng pagkakaibigan.

Pakikipagtalakayan
Ang pakikipagtalakayan o talakayan ay isasagawa kung kailan magkakaroon ng
bagay na hindi mapag-kaunawaan at nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali
sa layunin upang mangibabaaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga
salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at
paniniwala.

Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?

Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya,
salita at gawa ay sadyang dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon
hanggang sa katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang
maiwasan ang di pagkakaunawaan kadalasan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng
hidwaan sa isat-isa.

Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay

mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at
katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong katapatan at katapangan
ng bawat panig at katunggali.

Pagtatanong
Ito ay isang sining sapagkat naipapakita dito ng guro ang kanyang istratehiya kung
paano niya magaganyak ang kanyang mga mag-aaral na lumahok o makibahagi sa
isang talakayan. Sa pagtatanong naman ng mga mag-aaral ay lubos pa nilang gustong
malaman ang pinakang malalim na kaalaman sa isang bagay o paksa.

Katlad ng isang pagsusulit, ito ay isang mabisang pagtataya sa mga kaalaman at

kasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral.

May iba’t ibang uri ng Pagtatanong

1. Tanong na ang sagot ay Oo at Hindi
2. Tanong na ang sagot ay may dalawang Pagpipilian
3. Tanong tungkol sa mga Tao, Bagay, Lunan o Pangyayari.
4. Tanong na bakit.
5. Tanong na pagtitimbang

Proyekto
Sa pamamagitan ng paggawa ng proyekto, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng
kumpiyansa sa sarili na matapos ito.

Kung isasaisip na sa pagtatapos ng proyekto ay may pansariling karangalang

matatamo, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng diskarte sa buhay at motibasyon
pang mag-aaral

Takdang-Aralin
Sa paggawa naman ng mga takdang-aralin, ang kaalaman ng mag-aaral ay
masusubok. Ang positibong saloobin na maaaring madama ng mag-aaral ukol sa
pagsubok na ito ay ang mababatid niya kung ano ang mga limitasyon ng kanyang
kaalaman.
Matututunan niya ang mga pagkukulang pa niya at pipiliting maayos ito.

Pagtuturo
Ang sukatan na ang mag-aaral ay marunong na at may tiwala sa sarili niyang
kakayahan ay ang pagtuturo sa iba. Hindi makapagtuturo ang isang tao ukol sa mga
bagay na hindi nya lubos alam.

Kung kaya’t ang pagtuturo sa ia ay makatutulong sa mag-aaral na

magkakumpiyansa sa sarili (confidence).
MGA DAPAT TANDAAN!

KAWILIHAN AT POSITIBONG SALOOBIN SA PAG-AARAL

 Pakikinig
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAKIKINIG

Ang Proseso ng Pakikinig

Tatlong Layunin ng Pakikinig

1. Makinig upang maaliw
2. makinig upang lumikom ng mga impormasyon o kaalaman
3. Upang magsuri
PAKIKILAHOK SA PANGKATANG GAWAIN
PAKIKIPAGTALAKAYAN
BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG TALAKAYAN?
 Pagtatanong
May iba’t ibang uri ng Pagtatanong
1. Tanong na ang sagot ay Oo at Hindi
2. Tanong na ang sagot ay may dalawang Pagpipilian
3. Tanong tungkol sa mga Tao, Bagay, Lunan o Pangyayari.
4. Tanong na bakit.
5. Tanong na pagtitimbang
 Proyekto
 Takdang-Aralin
 Pagtuturo
1st Quarter ESP 5
Week 3
Aralin: Kawilihan at Positibong Saloobin sa
Pag-aaral

Pagsasanay 1

Naiisip Mo, Isulat Mo!

Panuto: Ipakita ang tamang gawi sa pakikilahok sa pamamagitan ng pagguhit at

Ipaliwnag ito.
Pagsasanay 2
Alamin ang Ating Hangganan!

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin

sa pag-aaral? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________.
Pagsasanay 3
Ginuhit mo, Ipaliwanag Mo!

Panuto: Iguhit ang proseso ng pakikinig at bigayn ito ng paliwanag.

\

1st Quarter ESP 5

Week 3
Lesson: Kawilihan at Positibong Saloobin sa
Pag-aaral

Repleksyon / Pagninilay
Gawain 3
Pagguhit!

Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kawilihan at may positibong saloobin sa

pag-aaral at ipaliwanag ang magiging epekto nito sa mag-aaral.

________________________________________________________________

_______________________________________________________________.

You might also like