You are on page 1of 1

The Private Education Assistance Committee

1286 Sen. Gil Puyat corner Tindalo Sts. 1286, Makati City

Sir/Ma’am;

Natigil po ako sa pag-aaral noong 2018 dahil sa sakit na TB (tuberculosis), 9 na


buwan na gumamit ng tabletas at meron pang injection na hanggang 4 na buwan
lamang. Pumayat ako nang husto dahil sa nangyari sa akin. Gustuhin ko mang mag-
aral ngunit di kaya ng aking katawan. Pagkatapos kong uminom ng gamot at magpa
injection nakakaramdam ako ng antok kung kaya, gusto ko na lang matulog nang
matulog dahil naging drug resistant na ang aking katawan epekto ng napakaraming
gamot na niriseta sa akin ng dokstor.

Sana po maunawaan ninyo ang aking sitwasyon. Ako po ay buong-pusong


kumakatok sa inyong puso na sana ay maibalik ang aking ESC nang nakaraang taon
noong nasa ika-9 na baitang pa lamang ako. Sa kasalukuyan, palaki na nang palaki
ang aking utang sa paaralan at walang mapagkukunan ng sapat na pera para ibayad
dito. Nakakalungkot din po dahil sa ngayon na stroke pa ang tatay ko na siya lamang
ang tanging sumusuporta sa akin.

Hanggang dito na lamang po at nawa’y matugunan ninyo ang aking kahilingan na


sana maibalik ang aking ESC dahil gusto ko pong mag-aral para maiahon ang aming
pamilya sa kahirapan.

Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Shirlie H. Vicente
Grade 10 Student
19355216/115178090028
St. Augustine’s Academy of Patnongon, Inc.
Patnongon, Antique
403969/0600923

You might also like