You are on page 1of 7

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Bilang ng Modyul 1
Pamagat Ang pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
ng Modyul Edukasyon at Lagpas pa

Bilang ng Oras APAT NA ORAS


Linggo 1
Petsa Aug. 24 – 28, 2020

Paksa:
1. Sulyap sa Kasaysayan ng Wika

Layunin:
1. Natatalakay ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga tagapagtanggol ng wika upang
maitaguyod ang wikang pambansa sa lalong mataas na antas.
2. Nasusuri ang mga legal na pamantayan sa ipinaglalabang pagtataguyod sa wikang
pambansa sa lalong mataas na antas ng edukasyon
3. Nakabubuo ng timechart ng mga pangyayari sa kasaysayan sa pagkahirang ng wikang
pambansa

Introduksyon

Ayon kina Dayag at del Rosario (2016) kung babalikan ng kasaysayan,hindi naging madali sa
wikang pambansa.
Dahil ang Pilipinas ay bansang pulo-pulo na nangangahulugan maraming wika ang umiiral , naging
mainit ang na paksang tinatalakay noong 1934 sa Kumbensyong Konstitusyunal ang pagpili sa wikang
pambansa.Maraming maka-Ingles ang naniniwalang dapat na higit na makakabubuti sa mga Pilipino ang
maging mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles.Ngunit marami sa mga delegado ang naniniwalang
dapat na manggaling sa wikang umiiral sa bansa ang magiging wikang pambansa at dahil mas nanaig ang
damdaming maka-Pilipino na nagmamalasakit sa sariling wika,iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos
na wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga wikang umiiral sa Pilipinas.Ito naman ay ay sinusugan
ni Manuel Luis Quezon na dati nooy pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
Wikang Filipino ang tanakilang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas.Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating
isasalin sa ating mga anak at susunod pang salinlahi.Ito ang wikang magiging kakampi natin sa ating mga
pakikibaka sa usapin ng istandarddisasyon at internalisasyon;Kung lilingunin ang kasaysayan,masasabi
na hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng wikang Filipino upang makamtan ang rekognisyon ng
pang-internasyunal na komunidad at maging sa ating mga kapwa Pilipino.

TALAKAYAN

Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino

Panahon ng mga Katutubo

Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat


Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o
bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas.
Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito
ang inilalagay

Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa
hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling
tunog.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.

Panahon ng mga Kastila

Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig
at labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.


Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon

Panahon ng Amerikano

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng
Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging
wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935
halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897,
itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang
Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang
sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng
tungkol sa wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8,
1935)
Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan Hiligaynon Kapampangan
Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng
mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man
lamang.
2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino.
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon
sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian
ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng
Batas Komonwelt Blg. 333
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar) –
Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier
(Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang
Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga
Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad
( Visayang Cebu)
Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt
Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na
ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng
Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi
magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa
ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano
9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing
wika natin
Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1.
pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.

Gintong Panahon ng Tagalog

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang
grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang
pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa
kilusang nabanggit.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon
sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga
Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang
kanilang itinaguyod.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng
pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang ingles ang
gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa.

Sa Panahon ng Pagsasarili

Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi
Napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang
pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang
proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29
hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa
panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186
nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita
sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13,
1959 Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang
gagamitin.
Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa
Pilipino. Marso 27, 1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular
Blg. 172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan
ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng sirkular na ang
pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang
Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-
edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.

Sa Kasalukuyang Panahon

Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7
nasasaad ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng
antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino –
unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)

Mga Gawain

Pagtiyak sa Kaalaman

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Gawain Blg.1:Nakakasulat ng sariling alamat batay sa pinagmulan ng inyong pangalan na may


isang talata at gamitin ang baybayin /alibata.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________.

Gawain Blg 2.Nakabubuo ng timetable,isulat sa kahon ang mga mahahalagang pangyayari batay sa
isinasaad ng taon.

1987
1934 1937 1959

1935 1946 1972

Pagpapahalaga

Kung bibigyan ka ng pagkakataong umakda ng dalawang Batas Pangwika,ano-ano ito?Ano sa


palagay mo ang magiging ambag sa wika ng bawat batas na iyong akda.

Batas 1: __________________________________________________________________________________________________

Ambag sa wika
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Batas 2: ______________________________________________________________________________________________________

Ambag sa wika :
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pagsusuri

Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan na akma sa kontekstong Filipino.

Ang mga nakatala ay mga tiyak na pangyayari sa nabasa mong kasaysayan ng wikang pambansa.Sa
iyong palagay,ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring ito?Ano kaya ang naidulot ng mga ito
sa pag-unlad ng wikang pambansa?

1. Ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika na kumilala kay Francisco Baltazar patungo
sa pagdiriwang na kumilala kay Manuel Luis Quezon.

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Ang pagpapalit ng tawag sa Wikang Pambansa mula Pilipino na naging Filipino.

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20%


Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%
Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling basahin 5%
________________________
Kabuuan 50 %

41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat


31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat
16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-15-Kailangan pang pagbutihin

Mga Sanggunian

Zafico,Marvin,M.et.al,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Jimczyville Publications,Malabon


City,2016
Maranan,H.Mario,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Mindshapers
Co.Inc,Intramuros,Manila,2018

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like