You are on page 1of 12

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Pamantayan sa Pagsasaling Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mark Lester P. Arevalo
Tagasuri: Concepcion A. Argame
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
Manunulat: Mark Lester P. Arevalo
Tagasuri: Concepcion A. Argame / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 3 para sa
Aralin 3.1 Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Mga Pamantayan sa


Pagsasaling-Wika!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Natutukoy ang mga katangiang dapat taglayin sa pagsasaling wika.


B. Napahahalagahan ang mga gabay sa pagsasaling wika.
C. Nakagagawa ng pagsasalin gamit ang mga tiyak na pamantayan.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Itapat sa Hanay B ang wastong salin ng mga salita sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Misteryo A. Frustration
2. Pagkabigo B. Intended
3. Mahika C. Magic
4. Hinangad D. Mystery
5. Nagpagulong-gulong E. Rolling

BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
A. Aprika B. “kum..yali, kumbuba tambe”
C. Matrilinear D. Roderick P. Urgelles E. Toby

__________1. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.


__________2. Ang “Liongo” na isang mito na mula sa Kenya ay
isinalin sa Filipino ni _________________.
__________3. Ito ang tawag sa pamamahala ng mga kababaihan at
pagsasalin ng trono sa kapwa babae.
__________4. Salitang binabanggit upang magkaroon ng pakpak ang
mga alipin.
__________5. Siya ang matandang lalaki na tumutulong sa iba pang alipin

6
ARALIN

Alam mo ba na…
Ang pagsasaling wika ay paglilipat sa pinagsalinang wikang pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinansalin ay
ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago,
2003).
Mga Katangian ng Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya
ang kahulugan ng kanyang isinasalin o siya’y mahusay na.
Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na
himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga
salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramitika ng dalawang wika sa
pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga
salita, wastong pagkakabuo at pagkakasunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya
kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na
tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat ay higit na nakakaalam
at nakakaunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay


may sariling bias kakayahan bilang kasangkapan sa pagpaphayag ng
kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang
kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na
magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat ng
maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.

7
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay ang diwa
ng isasalin at hindi ang salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaan na ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na
diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
diwang kasama sa pagsasalinan.

Kung gagamit ng diksyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang


kahuluganng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang
pagsasanay upang makuha ng kahulugang angkop sa konteksto ng
pangngusap.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_____1. Sapat na kaalaman sa isang wikang kasangkot sa pagsasalin.
_____2. Mayroong sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
_____3. Ang kakayahang magsalita ng dalawang wika ay sapat na para
makapagsaling wika.
______4. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksang
kanyang isasalin.
_____5. Mayroong sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Bilugan sa loob ng panaklong ang wastong salin ng mga salita
sa wikang Ingles.

“Ang pagsasaling wika ay isang (1.)process (a. gabay b. proseso c.


tungkulin) kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat ay (2.)take
place(a. nabubuo b. nagaganap c. nangyayari) sa isang (3.)language (a.
lenggwahe b. salita c. wika) at ipinpalagay na may katulad ding
(4.)meaning (a. ibig sabihin b. katumbas c. kahulugan) sa isang dati nang
(5.)existing (a. nabubuhay b. nakikita c. umiiral) na pahayag sa ibang
wika”.

8
PAGSASANAY BLG. 3
PANUTO: Piliin ang angkop na salin ng mga sumusunod na pahayag.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

____1. “Better late than never”.


A. Mabuti ng huli kaysa hindi.
B. Mabuti ng huli kaysa sa wala.
C. Hindi mabuti ang maging huli.
D. Huli man daw at magaling naihahabol din.

____2. “A quitter never wins; a winner never quits”.

A. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang winner ay hindi umaatras.


B. Ang quitter ay hindi nagwawagi, ang nananalo ay hindi nagpapatalo.
C. Ang ayawin ay hindi nananalo, ang nagwawagi ay hindi ay umaatras.
D. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi, ang nagwawagi ay hindi umaayaw.

____3. “It is hard to wake up someone who is pretending to be asleep”.

A. Mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan.


B. Mahirap gumising ng taong nabibirong tulog.
C. Ang taong nagtutulog-tulugan ay mahirap gisingin.
D. Ang hirap gisingin ng taong nagkukunwaring tulog.

____4. “Pen is mightier than sword”.

A. Ang pluma ay malakas kaysa espada.


B. Pluma ay mas magaling kaysa sa espada
C. Ang panulat ay makapangyarihan sa espada.
D. Panulat ay makapangyarihan kaysa sa tabak.

____5. “Beauty is in the eye of the beholder”.

A. Ang kagandahan ay nasa mata ng tao.


B. Ang ganda ay nasa mata ng humahawak nito.
C. Ang kagandahan ay nasa mata ng tumintingin.
D. Ang ganda ay depende sa mata ng taong nakatingin.

9
PAGLALAHAT

PANUTO: Dugtungan ang pahayag.


Ang natutuhan ko sa . . .
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
Magagamit ko ang aking natutuhan sa . . .
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Isalin ang mga sumusunod na pahayag sa wikang Filipino.

1. The Kikuyos are large tribe. 2. The Yoruba believe that there is a
They speak a beautiful Bantu god, Ori, who supervise people’s
language and live on the choice in heaven.
slopes of Movement Kenya.
Destiny (Yoruba)
Kikuyo Literatura ng Africa
Literatura ng Africa

___________________________________ ________________________________
___________________________________ ________________________________
___________________________________ ________________________________

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng


panaklong. Bilugan ang wastong sagot.

Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon), ang kalangitan at


kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at
Tubigan. Sila ay mag kanya-kanyang (2.) Covered (nasasakupan, palaruan,
palayan.) Si Langit ay diyosa ng (3.) Galaxy (lupain, kalangitan, kalawakan,)
at si (4.) Pond (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng
katubigan. Sina Langit at Tubigan ay (5.) Married (magkababata,nag-
iibigan,nagpakasal) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa
ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic (mabait, makisig, mayabang) malakas na
lalaki at ang katawan ay mulato. Si Adlaw ay (7.) Cheerful (mainam,
masayahin, masigla) na lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang
(8.) Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay
kulay tanso. Si Bitoon (9.) Only (grupo, marami, tanging) baba na maganda
ang katawan at kulay (10.) Silver (ginto, pilak, tanso).

11
12
https://lemongrad.com/proverbs-with-meanings-and-examples
Republika ng Pilipinas
-Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Sanggunian
MODYUL 3
ARALIN 3.1 MITOLOHIYA (Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika)
PAUNANG PAGSUBOK PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. D 1. Panahon 6. Makinig
2. A 2. Nasasakupan 7. Masayahin
3. C 3. Kalawakan 8. Mahinang
4. B 4. Tubigan 9. Tanging
5. E 5. Nagpakasal 10. Pilak
BALIK-ARAL
1. A
2. D
3. C
4. B
5. E
PAGSASANAY 1
1. MALI
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
PAGSASANAY 2
1. A
2. B
3. C
4. C
5. C
PAGSASANAY 3
1. D
2. D
3. A
4. C
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like