You are on page 1of 5

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima

W3 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pag-uulat Tungkol sa Napanood/Pagsusuri sa mga Tauhan/Tagpuan sa


Napanood/Pagbabahagi ng Pangyayaring Nasaksihan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapag-uulat tungkol sa napanood (F5PD-IIIb-g-15)
COMPETENCIES (MELCs) Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula
(F5PD-IIIc-i-16)
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F5PS-III-e-3.1)
III. CONTENT/CORE CONTENT  Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang
uri ng media
 Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
o Naipakikita ang kawilihan sa panonood ng maikling pelikula
o Nakapagbibigay ng malinaw na pag-uulat sa napanood o
nakapagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan
o Nakapagsusuri sa tauhan/tagpuan sa napanood
(Sanggunian: Lalunio, Lydia P. et al. Hiyas sa Wika 5, 2007, LG & M
Corporation,Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, pahina 200)

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 20 minuto Magandang araw! May mga bago tayong aralin sa araw na ito.
Panimula Handa ka na ba?
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapag-uulat
tungkol sa pinanood, makapagsusuri sa mga tauhan/tagpuan sa
napanood at makapagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan.

Paano nga ba tayo makapagbibigay ng ulat tungkol sa


pinanood? Paano natin masusuri ang tauhan/tagpuan sa ating
pinanood, at paano natin maibabhagi ang isang pangyayaring ating
nasaksihan?

Nartio ang ilang mga kaalaman na maaaring makatulong sa iyo


para sa araling ito.

❖ Ang pag-uulat ay isang pagpapahayag tungkol sa mga


pangyayaring naganap. Maaring ito ay mula sa napanood, o
naranasan Ito ay maaaring gawin ng pasalita o pasulat

❖ Sa pagsasalaysay o pagbabahagi ng pangyayaring


nasaksihan, gumamit ng salitang naglalarawan upang maging
kawili-wiling pakinggan ang kwento. Isaayos ang kwento sa wastong
pagkakasunod-sunod. Gamitin ang malaking titik at mga bantas na
kailangan.

Upang makapag-ulat o makapagbahagi ng pangyayaring


nasaksihan, ito ang mga bagay na dapat tandaan:

□ Maging maingat sa pagsasalaysay ng pangyayari


□ Dapat na ito ay batay sa totoong pangyayari/napanood
□ Ilahad ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari upang
malinaw itong maibahagi
□ Hindi dapat madagdagan o mabawasan ang mahahalagang
pangyayaring ibinabahagi
□ Gumamit ng mga salitang karaniwan o mga salitang
madaling maunawaan.
□ Gawing payak o simple ang mga pangungusap.
□ Gumamit ng mga salitang naglalarawan upang mas
kawili-wiling pakinggan o basahin ang kwento
□ Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap

❖ Ang pagsusuri ay tumutukoy sa masusing pag-pag-


aaral at pag-oobserba
❖ Tauhan – Tauhan ang tawag sa mga gumaganap sa
kwento. Ang katangian ng alinmang tauhan sa kwento ay
makikilala sa pamamagitan ng anyo, kilos, salita at ugali.
Mailalarawan ang mga katangiang ito ng tauhan sa tulong
ng mga salitang naglalarawan..
❖ Tagpuan- Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at lugar
kung saan nangyari ang kwento.
● Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga
pangyayari sa napanood na pelikula kung uunawain at
tatandaan ang mga pangyayari sa pelikulang
napanood.

❖ Mahalagang matutuhan natin ang mga kasanayang ito upang


maging responsable sa pagbibigay ng ulat o sa pagbabahagi
ng isang pangyayaring nasaksihan.
B. Development 30 minuto Ngayon ay subukin natin kung iyong natutuhan ang mga tinalakay na
Pagpapaunlad aralin.
Gawin mo ang mga sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Panoorin ang isang maikling pelikula sa


link na makikita sa ibaba . Pagkatapos manood ay sagutin ang mga
tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

https://www.youtube.com/watch?v=aYIxhcI6-0U
(Si Goyo, Ang Batang Heneral, mula sa Knowledge Channel)

Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong napanood.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang maikling pelikulang iyong napanood?
3. Kailan naganap ang kwento?
4. Ano ang katangian ni Goyo?
5. Paano naipakita ni Goyo o ni Heneral Gregorio del
pilar ang kanyang katapangan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek (√) kung ang mga


sumusunod na pangyayari ay nasaksihan mo sa iyong pinanood at ekis
(x) naman kung hindi.

1. Magkakasama ang mga katipunero na lumalaban sa mga


Kastila.
2. May mgakababaihang naghahanda ng pagkain para
sa mga katipunero.
3. Nagtago si Heneral Gregorio del Pilar.
4. Nagpanggap na mga babae ang mga katipunero upang
tahimik nilang malapitan at matalo ang mga kaaway.
5. Sama-samang nagdiwang ang mga katipunero at
mga Espanyol.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ng wastong salita ang sumusunod


na talata upang mabuo ang ulat tungkol sa pinanood. Piliin ang sagot
mula sa mga salitang nasa loob ng kahon.

Si Heneral o kilala sa tawag na “Goyo” ang batang


bayani na lumaki sa at naging pinuno ng laban sa mga
Kastila.

Tinaguriang bayani na dapat tularan ng mga kabataan ngayon dahil


inialay niya ang kanyang , lakas at para sa bayan

C. Engagement 30 minuto Sa pagkakataong ito naman ay subukin natin na iugnay ang araling ito
Pakikipagpalihan sa iyong mga naging karanasan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Madami tayong napapanood sa telebisyon tungkol sa mga
nangyayari sa bansa kaugnay ng pandemya mula pa noong Marso
noong nakarang taon. Maging tayo, sa ating pamayanan, ay apektado
ng kaganapang ito.

Sumulat ng isang ulat o pagbabahagi ng mga pangyayaring


napanood o nasaksihan sa iyong paligid na may kaugnayan sa
pandemya. Isulat ito sa iyong kwaderno. Gamitin ang rubriks bilang
gabay sa iyong gagawing ulat.
RUBRIKS
3 2 1

Madaling Nauunawaan ngunit Hindi


Nilalaman maunawaan at hindi gaanong maunawaan
at malinis ang malinis ang at hindi malinis
Kalinisan pagkakasulat pagkakasulat ng ulat ang
ng ulat tungkol tungkol sa pagkakasulat
sa pangyayaring ng ulat
pangyayaring
nasaksihan o
nasaksihan o
napanood
napanood

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Bilang isa ka sa apektado ng mga nangyayari sa paligid, ikaw ay


maituturing na tauhan dito. Paano mo mailalarawan ang iyong
sarili?
2. Paano mo ilalarawan ang iyong kapaligiran?
(Para sa karagdagang kaalaman upang maiulat o maibahagi mo ng
maayos ang nasaksihan sa iyong paligid, buksan at basahin ang Batayang
aklat, Hiyas sa Wika, pahina 200)
D. Assimilation 5 minuto Alamin natin kung anu-ano ang iyong natutuhan sa ating aralin ngayon.
Paglalapat Punan ng wastong salita upang mabuo ang pahayag. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Ayon sa aking napag-aralan, sa pag-uulat tungkol sa napanood


o sa pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan, ito ay dapat na
batay sa _____ pangyayari. Dapat ding gumamit ng ______salita at
gawing _____ang mga pangungusap upang madali itong maunawaan.
Maaaring masuri ang tauhan batay sa anyo, at paraan ng
__________.
V. ASSESSMENT 30 minuto Ngayon naman ay gawin mo ang huling gawain para sa aralin ngayon.
(Learning Activity
Panuto: Panoorin ang maikling pelikula mula sa link na nasa ibaba.
Sheets for Enrichment,
Pagkatapos ay sumulat ng isang pag-uulat tungkol sa pangyayaring
Remediation or
Assessment to be given nasaksihan sa iyong pinanood. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa iyong
on Weeks 3 and 6) gagawing ulat.
https://www.youtube.com/watch?v=ivujE-VEEWA
(Alamat ng Bahaghari)

RUBRIKS

5 4 3 2
Madaling ✔Nauunawaan ✔Nauunawaan ✔Hindi
Nilalaman maunawaan ngunit hindi at malinis ang maunawaan
at at malinis ang gaanong pagkakasulat at hindi
Kalinisan pagkakasulat malinis ang ng ulat malinis ang
ng ulat pagkakasulat tungkol sa pagkakasulat
tungkol sa ng ulat pangyayaring ng ulat
pangyayaring
tungkol sa nasaksihan o
nasaksihan o
pangyayaring napanood ✔hindi
napanood
nasaksihan o nailahad sa
✔nailahad sa napanood ✔hindi ulat ang
ulat ang nailahad sa nakita sa
nakita sa ✔nailahad sa ulat ang pagsusuri sa
pagsusuri sa ulat ang nakita sa tauhan at
tauhan at nakita sa pagsusuri sa tagpuan
tagpuan pagsusuri sa tauhan at
tauhan at tagpuan
tagpuan
Mahusay! Binabati kita dahil natapos po ang mga pagsasanay sa ating
aralin. Sa susunod naman ay pag-aaralan natin ang pagpapakita ng
pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa pamamagitan ng linya, ang
pagpapahayag ng damdamin at saloobin at ang pagsasalaysay.

VI. REFLECTION 5 minuto Magsulat sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit
ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na
Nabatid ko na
Naisasagawa ko na

Prepared by: Quiacos, Grace G. Checked by: Maribeth C. Rieta


Icasiano, Lourdes L. EPS- Filipino

You might also like