1. Mise en Place ( Ihanda ang lahat ng ingredients)
2. Sa isang mixing bowl salain ang flour, baking soda, salt at cinnamon powder. Gamit ang rubber scraper haluin ito. 3. Sa isa pang mixing bowl ilagay ang mashed banana, brown sugar, oil, egg (ilagay ng isa isa), milk, water, white vinegar at vanilla extract. Haluin lahat ng ito. 4. Ilagay/ Pagsamahin ang dry ingredients sa liquid ingredients. Kapag wala ng nakikita na flour itigil na ang paghalo. Huwag overmix ang mixture. 5. Lagyan o brush ng oil ang mga baking pan na gagamitin bago ilagay ang mixture sa baking pans. Note: Kung muffin ang gagawin pede na huwag brush ng oil kung meron cupcake liner. Note: Kung muffin ang gagawin pede na huwag brush ng oil kung meron cupcake liner 6. Pre heat yung oven ng 350 F at bake ito ng 40 to 50 minutes. Gumamit ng toothpick o ng barbecue stick, tusukin ang niluluto. Kapag wala ng sumama na mixture ito ay luto na. Note: Baking time ay depende ito sa oven.